
•Kaguluhan 15•
Rence Eros
***
Napatigil ako sa pagwawalis ng kalat nang makita ko si Zenon na nakatitig kay Bela. Hindi ko alam kung nakatitig o malalim lang ang iniisip ni gago.
Pero nung biglang tumayo at naglakad si Bela ay sumunod ang mata ni Zenon. Pvta. Natawa ako at napailing. Mamaya ko na lang aasarin ang tukmol.
"Rence, ipinasa mo ba kanina ang test paper mo?" Muli akong napatigil sa pagwawalis.
Lumapit pala sa akin si Bela at hawak-hawak na niya ngayon ang maraming test paper.
Teka, test paper ko?
"Huh? Aling test paper ba?" Tanong ko sa kaniya.
Pasimple pa akong tumingin kay Zenon at pvta—nakatingin pa rin ang tarantado.
"Yung test paper sa Komunikasyon, pinapapasa kasi ni Ma'am Reyes ngayon," sabi pa niya habang inaayos ang pagkakahawak sa mga test papers.
"Pinasa ko kahapon ah?" nagtataka kong sabi.
Kumunot naman ang noo niya at tiningnan isa-isa ang mga test paper. Maya-maya ay tumango-tango siya dahil mukhang nakita niya na ang test paper ko.
"Nandito pala. Baka 'di ko lang nakita kanina," nahihiya niyang sabi at saka tumungo. Cute.
Siya ang president pero nahihiya. Sabagay, tanging si Naomi lang ata ang ka-close niya dito sa room. Hindi ko kasi sure kung close sila ni Dino dahil lagi kong nakikita na kinakausap siya ni baboy.
"Rence, pahiram nga ako ng cellphone mo." napatingin ako kay Zenon habang si Bela naman ay bahagyang nagulat sa pagsulpot ni Zenon sa likod niya.
Namumula ang pisnge niya nung umalis sa pwesto namin.
"Bakit?" Baling ko kay Manlangit
"May itetext lang ako kay Lola." sagot naman niya.
Kinuha ko sa bulsa ang cellphone at akmang ibibigay sa kaniya nang may maalala ako.
"Ops! Wala pala akong load," natatawa kong ibinalik sa loob ng bulsa ang cellphone.
"Gago," aniya at tumalikod pero mabilis ko siyang pinigilan.
'Di ko mapigilang mapangisi nang humarap siya at kumunot ang noo.
"Ano?!" angil niya. Highblood agad, amputa.
Lumapit pa ako ng kaunti sa kaniya para bumulong.
"May crush ka ba kay Bela?" pagkatanong ko ay mabilis niyang tinulak ang mukha ko.
Humalakhak ako nang mas lalong kumunot ang noo niya at sumama ang tingin sa'kin.
"H'wag mong itanggi. Kanina pa kita nakikitang nakatitig sa kaniya, yiehh!" Amba niya akong sasapukin kaya mabilis kong hinarang ang braso ko.
Tumatawa ako habang nagwawalis. Sabi kasi niya, 'wag daw akong maingay. Inlove na ang aming sugarol! Hohohoho!
---
Napatingin ako kay Zenon habang nagsusulat. Nang tumingin siya sa'kin ay kinidatan ko siya. Mabilis siyang nagdirty finger sa akin. Pinigil ko ang pagtawa dahil kasalukuyan ngayong nagbibigay na mga gagawin si Bela.
Wala kasi ngayon si Ma'am Hermosa dahil may lagnat ito. Magsasaya na sana kami kaso bigla namang nag-announce si Bela na may iniwang seatwork si Ma'am.
Ampvta, nabitin ang pagsasaya namin.
"Pahinging papel, Rence," Nilingon ko si Nena na nakalahad ang kamay sa harap ko.
"Wala akong papel, tanga." Umingos siya at inirapan ako.
"Ang sabihin mo, ayaw mo lang mamigay kasi madamot kang supot ka," Muli siyang lumingon para lang sabihin ang isang kasinungalingan.
Kitang-kita ko kung paano namula ang mga mukha ng mga gago dahil sa sinabi ni Nena.
"Nena, minsan ang sarap talagang lagyan ng Wassabi 'yang dila mo," Nakangiti pero masama ang tingin ko sa kaniya.
Inirapan niya lang ako at padabog na umiwas ng tingin.
"Supot." natatawang bulong ni Adam habang nagpipigil ng tawa.
"Tanginamo,"
"Pft—"
"Naiintindihan niyo ba?" Doon lang bumalik ang atensyon namin sa unahan nang magsalita ng malakas si Bela.
Sumagot kami ng 'oo' kahit na wala kaming naintindihan kahit isa. 'Di bale, kayang-kaya naman 'yan Iguel. Siya ang amin source of answer, mwahaha.
"Bela, pahingi raw ng papel si Zenon!" Sigaw ni Dino. Lahat kami ay sumigaw ng 'Yiehh!'
Habang si Zenon ay binatukan ang katabi. Kahit namumula ay pumunit ng isang papel si Bela mula sa intermediate pad niya.
Wala tuloy magawa si Zenon kundi ang tumayo at kuhanin ang papel. Sumigaw ulit kami nung magpasalamat siya.
"Naomi, pahingi raw si Dino ng papel!" Sa pagkakataong ito ay si Zenon naman ang sumigaw.
Nanlalaki ang mata ni Dino nang tumingin siya kay Zenon. Pero nginisian lang siya ni Manlangit.
"Bakit ako hihingi sa isang hindi ko kakilala? Baka mamaya, may dala pa 'yang virus at kumapit sa papel," biglang sabi ni Dino at umaktong nandidiri.
Nanlaki naman ang mata ni Naomi at tumingin ng masama kay Dino.
"Excuse me?! Ikaw nga mukhang virus, nagreklamo ba kami?!" Mataray na bwelta ni Naomi kaya lahat kami ay tumawa sa sinabi niya.
Napaawang ang bibig ni Dino at walang nagawa kundi ang iduro ang daliri sa babae.
"May araw ka rin sa'kin!" pagbabanta niya pa.
"Hanapin mo pake ko, patay gutom," muling bwelta ni Naomi at pairap na inalis ang tingin kay Dino.
Hindi makapaniwalang nakatulala si Dino. Para siyang natalo sa lotto dahil tumama ang inaalagaan niyang numero pero walang taya.
"Bawi ka na lang next time, buddy. Magbaon ka para 'di ka olats," Natatawang sabi ni Iguel at tinapik-tapik ang balikat ni Dino.
---
"How are you there in Canada, Gavin my prend!?" Binatukan ni Vincent si Henry dahil sa tanong nito.
Kasalukuyan kaming nakatambay sa Henyeon park dahil kakatapos lang namin magbasketball. Sabado naman ngayon kaya ayos lang na gabihin kaming umuwi.
Naisipan din kasi nilang tawagan si Gavin kaya todo english ang mga gago ngayon.
[Magtagalog na lang kayo, ako ang hindi makaintindi ng english eh!] Rinig kong reklamo ni Gavin dahil kahit ako ay naririndi sa mga sinasabi ng mga tarantado.
"Sige. Sige. Kamusta ang Canada? Ayos pa ba?" pag-uulit ni Henry sa tanong.
[Ayos lang. Hanggang ngayon ay naninibago pa rin ako.] sagot nito.
Hanggang sa ikwento nina Dino ang lahat ng nangyare sa Section Z. Kahit ang pagbubuntis ni Eyan ay nai-chismis ng mga ito.
[Pumapasok pa rin ba
si Eyan? Kamusta na siya?]
Napabuntong hininga ang mga gagong nakaharap sa cellphone.
"Titigil muna ata siya ngayong year. Medyo ayos lang naman siya. Binisita namin kahapon," sagot ni Vincent.
Marami pa kaming napagkwentuhan hanggang sa magkayayaan ng umuwi dahil dumidilim na rin.
Pagkarating ng lunes ay maraming naging busy na teacher dahil sa papalapit na intrams ng school. Pati sina Bela at ibang cakss officer ay naging abala rin sa mga bagay-bagay.
"Wala kang balak umamin?" tanong ko kay Zenon na nakatitig na naman kay Bela na nakikipag-usap sa mga class officer.
"Ba't naman ako aamin?" kunot noo niyang tanong.
"Edi, hindi ka nga aamin? Paano kapag may nanligaw kay Bela?" tanong ko ulit.
"Edi manligaw sila. Paki ko?" ismir niya habang hindi inaalis ang titig kay President.
"May gusto ka ba talaga kay Bela?" nakangiwi kong tanong.
"Malay ko. Baka ikaw may gusto, tanong ka ng tanong," Pabalang na naman niyang sagot.
"Pa'no kapag gusto ko nga siya? Gusto ko siyang ligawan?" pero siyempre joke-joke lang. 'Di ko type si Bela, no offense kung marinig man niya.
"Babalian kita ng buto sa kamay," Sagot ni gago kaya tumawa ako ng malakas.
***
(End of Kaguluhan 15)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro