•Kaguluhan 11•
Vicca Diaz
***
[Sa'n ka?] napangiti ako dahil mukhang kakagising niya lang at tinawagan agad ako. Para akong bulateng inasinan dahil sa pagpupumiglas ko sa kama.
Hindi ko pa namalayan na nasa gilid na pala ako kaya ang ending ay nahulog ako at napuruhan ang noo kong nauntog sa side table.
"Pvta," pagmumura ko habang sapo-sapo ang noo na mukhang nasugatan pa.
[Hey, what happened?] tanong niya sa kabilang linya.
Napasimangot ako at sinipa ang side table pero dahil doon ay napuruhan din ang daliri sa paa ko.
"Tangina mo talaga, satanas!" iyamot kong tili habang nagtatalon. Naitapon ko pa ang cellphone ko dahil masakit talaga.
Maya-maya pa ay narinig ko ang mga yabag na papunta sa kwarto ko. Hindi nga ako nagkamali dahil bumukas ang pinto ng kwarto.
"Ano bang nangyayare sa'yo at sigaw ka ng sigaw?" doon ay tumambad si mama na nakasuot pa ng yellow na apron at may dalang sandok.
"Nahulog ako sa kama at saka ang sakit ng paa ko, huhu!" sumbong ko.
Napailing na lang si Mama at sinabihan akong mag-ayos na ng gamit at sumunod sa baba. Walanakong nagawa kundi ang sundin ang sinabi niya. Pero bago yun ay nagtext muna ako kay Lance na kailangan kong magready papasok sa school.
At alam niyo kung anong reply?
LanceVhevheKo<3
-Okay.
Okay? Wala man lang take care o iloveyou???
May tuldok pa. Parang walang kasweet sweet sa naging reply niya. 'Di man lang dinagdagan ng ilan pang letter y para feel kong naglalambing siya! Hmp. Nakakainis, parang 'di siya patay na patay sa kagandahan ko ah?
"Ayusin mo nga 'yang mukha mo, Vicca. Bakit ba lukot na lukot 'yan?" sita sa'kin Papa dahil hanggang ngayon ay nakabusangot ang mukha ko.
Mukha ba akong papel para malukot? 'Yan sana ang gusto kong isagot kaso baka ibato niya sa'kin ang screw driver na hawak-hawak niya.
"Alis na po ako!" pagpapaalam ko at tamad na naglakad papunta sa paradahan ng jeepney.
Pagkarating ko ay may biglang umagaw sa bag ko. Susuntukim ko na sana kaya lang nakakapanghinayang dahil ang gwapo ng mukha niya.
"What happened to your forehead?" kunot noo niyang tanong. Nakapila kami sa sakayan dahil marami kaming nakasabay na estudyante.
"Nauntog ako sa side table," nakasimangot kong pagsusumbong.
Napa-tsk siya. Akala ko ay hahalikan niya ang noo ko pero hindi niya ginawa dahil tumingin lang siya sa unahan. Hindi ba niya ako lalambingin o kahit man lang magpakita siya ng habag dahil sa natamo kong sugat dahil sa pagpapakilig niya??
Hay, minsan iseseminar ko siya sa Sweetzerland para maging sweet siya. Kahit nung una pa lang naman ay hindi na siya sweet. Minsan naman aksidente lang na nagiging sweet. Psh!
"Akyat na Vicca," bahagya akong napalundag dahil naramdaman ko ang mainit niyang paghinga sa likod ng tainga ko.
Padaskol akong umakyat at sinadya kong makipagsiksikan sa ibang estudyante para lang huwag makatabi ang lalaking dahilan kung bakit nagwawala ang dibdib ko ngayon.
"Sit here," tinapik niya ang kaunting espasyo sa tabi niya. Ngumuso lang ako at pairap na inalis ang tingin sa kaniya.
Sa buong byahe ay bumalik lang ang pag-iisip ko sa nakaraan. Kung saan doon ko nakilala ang dalawang lalaking lumito sa utak at puso ko.
Kamusta na kaya si Josh? Naging reyna na ba siya ng mga nagpaparaya? Taray ah, kung ako siya ay hinding-hindi ko ipapaubaya si Lance sa kahit kanino.
Pinaubaya niya kasi sinulot mo ang tanging lalaking handang tumanggap at magmahal sa kaniya! Sigaw ng isang parte sa isip ko.
Shut up! Sigaw ko pabalik pero siyempre sa utak lang din. Brain vs Brain 'to.
Naging kami ni Josh, 1 year ago. Minahal at tinanggap ko siya sa kabila nang kung ano siya. Mahal ko eh, anong magagawa ko?
Then, marami na rin kaming nagawang memories na masaya until that one day noong nagsumbong si Dianne sa'kin. Ayaw kong maniwala pero alam kung hindi gagawa ng ganoong story si Dianne. Mas hindi ako maniniwala kung isa sa mga tukmol ang nagsumbong sa akin. Baka hinagis ko sila palabas ng solar system.
Nagalit ako at nasaktan ako, malamang. Hindi ko kasi lubos akalaing magagawa niya sa'kin yun. Nagtiwala kasi ako. Kasi akala ko mahal niya 'ko kahit ganun siya. Akala ko ay sapat na 'ko para kaniya. Pero nagkamali ako dahil nagawa niyang maghanap ng iba at magmahal habang mahal niya pa 'ko.
Si Lance naman, siya ang humingi ng humingi ng kapatawaran para kay Josh at para sa kasalanan niyang nagawa dahil sa panahong yun ay alam niyang merong ako si Josh pero nagawa niya pa ring mahalin ito.
Hindi niya ako tinigilan sa kakasunod sa akin hanggang sa hindi ko namalayang unti-unti niyang nakukuha ang loob ko.
Ang tanga ko, diba? Ang sasang-ayon, ipapatapon sa planet Pluto!
Naalala ko yung araw na yun...
That day, gumawa ako ng alam kong mali. Hinalikan ko siya, si Lance. Nagulat siya at hindi agad nakapag react. Hanggang sa may pwersang humila sa buhok ko.
Si Josh. Umiiyak siya habang nakahawak sa buhok ko. Masakit sa anit at pakiwari ko'y matatanggal ang anit ko.
"Vicca naman!" tili niya. Ramdam ko, hindi na niya ako mahal. Napaiyak ko dahil sa pagsabunot niya.
"Josh, stop it. You're hurting her," inalis ni Lance ang kamay ni Josh sa buhok ko. Mabilis akong umayos ng tayo at sinamaan siya ng tingin.
"Anong pakiramdam, Josh?" mapakla akong ngumiti sa kaniya.
"Masakit ba? Ang sakit, diba? Ngayon alam mo na kung anong naramdaman ko noon. Ang pagtaksilan!" anas ko.
Napailing si Josh at dinuro ako.
"Lance love me!" sigaw niya.
Ngumisi ako. "Hinalikan niya 'ko,"
Umiling siya. "You kissed him first!"
"Pero hindi niya ako itinulak palayo,"
"Stop it, you two."
"Why Lance? Do you love me? Or her?" masakit na tanong ni Josh. Sino bang sinasaktan niya? Ako o ang sarili niya?
"Josh, stop. Just go home. Ihahatid ko lang si Vicca sa kanila at pagkatapos ay pupunta ako sa inyo. Let's talk about it, later hmm?"
Sa sinabi ni Lance ay alam kong kumirot ang dibdib ko. I still have feelings for Josh but then nagawa kong gustuhin si Lance.
"O-kay. Let's about us, hmm baby?" paglalambing ni Josh kaya kumunot ang noo ko at kumibot ang labi.
Tang*na. Sarap niyang ingudngod sa kanal.
Tumango si Lance at maingat niyang hinawakan ang siko ko. Iginaya niya ako sa daan papunta sa bahay namin.
"Are you okay? May masakit ba?" tanong niya nang makalayo na kami.
"Masakit,"
"Where?"
"Ang ulo ko,"
"And, what else is hurting?"
"Ang bewang ko." nakasimangot kong sagot.
Kumunot ang noo niya. Nagtataka sa isinagot ko.
"And?"
"Sexbomb...sexbomb." pagkanta ko. May kasama pa iyong pagkembot.
"Vicca, nasa school niyo na." doon lang bumalik ang isip ko sa reyalidad. Napatingin ako kay Lance na nakatingin din sa'kin ang kaso nga lang ay nakakunot ang noo niya.
Kumurap ako ng ioang beses bago ko naisipang bumaba ng jeep. Pero bago ako umalis ay bumaling ulit ako kay Lance para irapan siya. Kaya lalong nangunot ang noo niya.
Tsk. Bahala siya.
Habang naglalakad papasok sa school ay biglang nagvibrate ang cellphone ko hudyat na may hudlom na nagtext sa'kin.
LanceVhevheKo<3
-Are you mad?
Lagi akong ine-english nito. Baka 'di niyo mamalayan, maging englishera na rin ako. Mwahaha.
Nagtipa ako ng reply.
Vicca
-Ano sa tingin mo?
LanceVhevheKo<3
-Why?
Wala talagang pag-asa na maging sweet siya kahit konti lang!
Vicca
-Salamat na lang sa lahat.
***
(End of Kaguluhan 11)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro