Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

❖ 𝐕 : Klydia

◤─────•~༻❖༺~•─────◥
Mishap
◣─────•~༻❖༺~•─────◢

 
“K-KAILANGAN PO NATING BUMALIK DAHIL KUNG H-HINDI MAMAMATAY TAYONG LAHAT.” 
 
“Ms. Ramos ano bang sinasabi mo? Walang mamamatay.” Mariing sabi ni Ma’am Terry.
 
“Nagsasabi po ako ng totoo.” 
 
“Cut that nonsense! ”Galit na putol ni Ma'am Terry sa kanya. “Walang mamamatay! You’re ruining our supposed peaceful trip! No one’s going back to La Ezpera. Matutuloy tayo sa dapat nating puntahan,” she said with finality.
 
“Ma’am, ako na po ang bahala sa kanya.” Tumayo si Sir Leo at nilapitan si Mitch. I saw him say something to her, but I couldn't hear it. 
 
Napansin niya yata ang tingin ko sa kanya at napalingon siya sa direksyon ko. Shock was written in his face when he saw me. I can see a glint of recognition in his eyes. Pero agad rin itong nag-iwas ng tingin sa akin. He steals a glance from where Ma'am Terry is sitting, and then he sighs deeply, like he is in deep trouble. 
 
After that, the bus became normal again. Maingay, pero hindi na ganoon kagaya kanina. While Mitch, parang hindi pa rin ito mapakali. Mababakas pa rin ang takot at pag-aalala sa kanyang mukha. 
 
“Do you think what she said is true? ”
 
“Seriously? Naniniwala ka dyan? That girl is a freak.”
 
“True. She's weird. I heard she had gone crazy dahil sa pagkamatay ng mga magulang niya last month.”
 
“Don't mind that weirdo. Like Ma'am Terry said, nothing bad is going to happen. That freak is just paranoid.” 
 
“Or maybe inaatake na naman ng kabaliwan niya.”
 
Dining kong usapan ng mga kaklase namin na nakaupo sa aking harapan.
 
“If you have nothing nice to say, just shut your filthy mouths.” Masungit na asik sa kanila ni Keisha na nakapagpatigil sa kanilang pagchichismisan.
 
I saw how they rolled their eyes at her but kept their mouths shut. For sure, they are afraid to talk back to her. If these girls are bitches, Keisha is much worse than them, and they knew it.
 
It's the first time I've witnessed Keisha defend others. It's so unlikely of her. Napakamaldita pa naman nito. I know her because we were friends before. 
 
Mula rito sa kinauupuan ko ay malinaw kong nakikita ang entrance ng Trazom. There's a big arc made of wood that looks old where the name of the province was carved. After it was the bridge.
 
The bridge was where I lost them.
 
There's nothing strange about this bridge. Walang bakas nang naganap na aksidente noon. Maybe because it was fixed after the incident.
 
I can see how far the distance is between the water in the river and the bridge platform. The river must be deep. If someone falls into this river, there's only a little percent of survival she or he has.
 
Akala ko kapag nakita ko na ito ay baka sakaling may maalala ako. But there's nothing. I still couldn't remember anything. Mukhang malabo na bumalik muli ang aking mga alaala. The only thing that I can do right now is just wait. I will wait for my memories to come back eventually and hope that they will happen. 
 
I heaved a frustrated sigh.
 
When I glanced at the window for the last time, I saw a lady walking on the side of the bridge. There's nothing strange about her. Except for the suspicious man who is tailing her behind in secret. Malayo ang distansya ng lalake, kaya hindi ito nahalata ng babae. When the bus passed the end of the bridge, I lost sight of them. 
 
I have bad feelings about the guy. I just hope that the girl will be okay. 
 
Napatingin ako kay kuya nang bigla itong tumayo. “Stop the bus! Bababa kami ni Klydia! ” 
 
Nagtatakang binalingan ko ito.
 
“Stop the bus. Bababa kami. You, come with us.” Sinenyasan nito ang mga kaibigan kong tumayo. Nagtataka man ay sumunod pa rin ang mga ito. 
 
“Walang bababa.” Agad na humarang si Ma'am Terry sa daraanan namin. She glanced at the driver's seat. “Keep driving ’til we reach our destination. I will just handle these kids.”
 
I can feel the tension in the air suddenly rising. Litong lito na yung mga kasama namin sa bus sa mga nangyayare. Pabalik-balik ang tingin nila sa amin at kay Ma'am Terry. 
 
Bigla akong nabahala nang maramdaman ang pagbilis ng takbo ng bus. Napahigpit ang hawak ko sa kamay ni kuya.
 
“Give me a reason why we can't.” Kuya uttered it in a serious voice. 
 
“I’m the assigned teacher here. You should follow me and not question me,” Ma'am Terry said. 
 
“You are just a teacher. Not our mother. We can freely do what we want to do.” Nagulat ako sa pagsagot ni kuya rito. 
 
My brother is not like this. He is always courteous towards our teachers, even Ma'am Terry. There's really something wrong here. 
 
“I’m very disappointed in you, Mr. Sierra. You have lost your manners. Should I punish you? ”Isang nakakalokong ngisi ang gumuhit sa labi ni Ma'am Terry na nagbigay ng kilabot sa akin.
 
It's like her kind demeanor, awhile ago, suddenly vanished and changed into something. 
 
Something evil... 
 
Napansin ko ang pagkuyom ng kamao ni kuya. Binalingan niya si Mang Celso. 
 
“Kilala mo ang Lola namin ’di ba, Mang Celso. Kapag hindi mo inihinto ang bus ay alam mo kung anong pwede niyang gawin sa inyo.” My grandmother was not that known in our town because she kept a low profile. But those who knew her knew her very well and feared her because they knew what my grandmother could do. When it comes to my brother, Azi, and me, she can do anything. Even the most ruthless thing in the world.
 
Kayang-kaya niyang ipatanggal si Mang Celso sa trabaho nito kung ’yun ang gusto ni kuya. At alam iyon ni Mang Celso dahil minsan na rin siyang naging driver namin, kaya alam niya ang ugali ni Lola. 
 
Nang sulyapan ko si Mang Celso ay wala akong makitang reaksyon sa mukha nito. Patuloy pa rin ang kanyang pagmamaneho. 
 
“Oh, boy. You really think you can scare him with your old hag grandmother? ”Mapanuyang sabi ni Ma'am Terry habang mayroong malademonyong ngiti sa labi.
 
I can feel the rage burning inside me because of what she just called my grandmother. This bitch! Insultuhin niya na lahat huwag lang ang lola ko!
 
Susugudin ko sana ito, pero agad akong pinigilan ni kuya at itinago sa likuran niya.
 
“Malapit ko nang mahanap ang pakay ko sa mundong ito, at hindi ko hahayaan na ang isang batang mortal na kagaya mo ang sisira sa plano ko.”
 
Nang mapatingin ako kay Mang Celso ay unti-unting nagbago ang mukha nito. My eyes went wide. Hindi siya ang inaakala naming driver ng aming bus. Hindi siya si Mang Celso! I was right all along that something was wrong with him. 
 
“Tapusin mo na ang batang iyan, Aritha. Wala naman siyang silbi sa atin.” Saad ng lalakeng nagmamaneho ngayon ng bus. The man who I thought was Mang Celso. 
 
Ang balat nito ay maputla ay mayroong mga maninipis na itim na ugat na makikita sa kanyang leeg pati na rin sa kanyang braso. Ang mga mata nito ay itim na itim. Para bang hindi tao. 
 
Bigla ay nag-iba rin ang mukha ni ma'am Terry. Ang batang mukha nito ay biglang tumanda; ang kanyang itim na buhok ay naging kulay abo; ang kanyang mga mata ay naging kulay itim. Kagaya ng lalake na nagmamaneho ng bus ay may makikita ring mga maninipis na itim na ugat sa kanyang katawan.
 
“Kuya.” Natatakot kong saad. Hindi lamang ako takot para sa aking sarili. Natatakot ako para sa kuya ko, sa mga kaibigan ko, at sa mga kasamahan ko sa loob ng bus na ito. 
 
“You hag! Sinasabi ko na nga ba.” Tiim bagang sambit ni kuya.
 
Mayroong sinambit na mga salitang nasa ibang lenggwahe si Ma'am Terry. Pagkatapos nito ay biglang nagkagulo ang mga estudyante sa loob ng bus. 
 
Hindi ko na nasundan ang sunod na nangyare dahil sa bilis nito. Biglang gumewang ang bus, kaya nawalan ako ng balanse at bumagsak sa sahig. 
 
Nang tignan ko ang dahilan ng paggewang ng bus ay nanlaki ang mga mata ko. Nakikipag-agawan si Sky ng manibela sa driver. I can see that he’s trying to stop the bus. Yung iba naman naming kasama ay nagkakagulo na. 
 
Sinapak nito ang lalake kaya nabitiwan niya ang manibela kaya nakakuha ng pagkakataon si Sky. Pero hindi nito inaasahan ang biglang pagsakal sa kanya ng lalake.
 
“Sky!” 
 
Akmang lalapitan ako ni Niel, pero nang makita niya ang sitwasyon ni Sky ay agad niya itong tinulungan. Huli kong nakita ay pinagtutulungan nila ang lalake at sinusubukang pahintuin ang bus. 
 
Si Drake naman ay pinoprotektahan si Tina at Patricia mula sa mga kapwa naming estudyante na parang nawala sa sarili. Walang emosyon ang makikita sa mga mukha nito at puro puti ang kanilang mga mata. Para silang sinapian. Inaatake nila ang mga estudyanteng nasa tama pa ang kaisipan. 
 
“Help! ”Napansin ko ang isang batang babae na pilit na sinasakal ng isang estudyanteng mukhang nasapian. Tutulungan ko sana ito, pero may nauna na sa akin.
 
Isang malakas na suntok ang pinakawalan ni Dale at tumama ito sa lalakeng pilit na sinasakal ang babae. Bumagsak ito sa sahig. Tinulungan ni Dale na makatayo ang babae.
 
“Galing ko ’no? ”Pagyayabang nito.
 
The girl was too shocked to react. Dale was unaware of his back. I was about to warm him up, but tuluyan na itong nasakal ng isang estudyante na mula sa likuran niya.
 
“What the fuck? Lumayo ka sa akin! This is sexual harassment! ”Sigaw nito habang pilit na tinatanggal ang pagkakahawak sa kanya ng estudyante. “Don't tell na biglang nagka-zombie apocalypse?! Hindi ako ready! ”
 
Tutulungan ko na sana ito, pero hinila ako ng babaeng katabi ko sa upuan kanina. Like the other students, she looks possessed too. Pilit ako nitong sinasakal. I tried to free myself, but she’s too strong for a girl. 
 
I kicked her leg as hard as I could, kaya nabitawan ako nito. Sinubukan kong lumayo rito, pero nahigit nito ang aking buhok. Napadaing ako ng hilahin nito iyon. Her hand reached for my neck and started choking me. Sinusubukan ko itong alisin, pero ang lakas niya.
 
Ang buong akala ko ay mamamatay na ako dahil sa paghigpit ng sakal nito. Pero isang pwersa ang biglang humila rito, kaya nabitawan nito ang leeg ko. 
 
Habol-habol ko ang aking hininga habang hawak ang leeg ko. 
 
Ang babaeng kanina ay sumasakal sa akin ay hawak na ngayon ni Leo. Walang kahirap-hirap na hinampas nito ang batok ng babae, kaya nawalan ito ng malay.
 
The whole bus was in chaos. Mayroong mga estudyanteng parang nasapian at mayroon rin namang normal pa rin at inaatake sila ng mga estudyanteng parang nasapian.
 
I don't know what happened to them. Paniguradong may kinalaman rito si Ma'am Terry. Or that was not really her name because I heard the man call her Aritha. 
 
Nang mapatingin ako sa labas ng bintana ay ganoon na lamang ang pagkabahala na aking naramdaman.
 
Ang bus ay dire-diretsong tumatakbo ng mabilis patungo sa gilid ng daan kung nasaan ang bangin. 
 
Napansin rin ito ni Sky, kaya sinusubukan niyang kabigin ang manibela sa ibang direksyon, pero mas malakas sa kanya ang lalakeng nagmamaneho. Mukhang balak talaga nitong ilaglag ang bus sa bangin.
 
Nakatulala lamang ako sa gitna ng bus. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Natatakot ako sa pwedeng mangyare sa amin. I can't believe how fast the scene suddenly changed.
 
I saw how the bus fell off the cliff, and at the same time, I felt the bracelet that I'm wearing turn warm. Parang mayroong kuryenteng nagmula rito na bumalot sa buong katawan ko. I suddenly feel numb. Comfortable, numb, and sleepy. 
 
The sound of scared pleas and agonizing cries was the last thing I heard before I was completely pulled into oblivion. 
 

 
©Quinnxixityy 
 
 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro