Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

❖ 𝐈𝐈𝐈 : Klydia

◤─────•~༻❖༺~•─────◥
Familiar Strangers
◣─────•~༻❖༺~•─────◢

I WAS LEFT STANDING IN THE MIDDLE OF THE PARKING LOT, DUMBFOUNDED.

I still couldn't believe what just had happened. Ang hirap paniwalaan. Hindi ko alam kung paano ako biglang napunta rito. Kung paano biglang nawala si Hestia at ang Mystic Copia.

What I am certain right now is that I need to go back to where I truly belong. In La Ezpera. Hindi pa naman siguro huli ang lahat.

Habang naglalakad ako para maghanap ng pinakamalapit na sakayan ng bus pabalik ng Grimace ay isang babae ang nakabangga ko. Mukhang nagmamadali ito kaya hindi niya ako napansin.

“I'm sorry!” Hingi niya ng paumanhin. “Sorry talaga, miss!”

“Okay lang.” Sagot ko.

Mula sa malayo ay may napansin akong tatlong lalakeng parang may hinahanap.

“Shit. They are here!” Tumakbo ang babae at mabilis na nagtago sa likod ng mga dump box bago pa man makalapit sa kinaroroonan ko ang mga lalake.

“Hi, miss. Sorry sa istorbo. Pero may nakita ka bang babae na may kulay blue ang buhok na napadaan rito?” Tanong ng isa sa kanila.

“Wala.” Pagsisinungaling ko. Hindi ko alam kung bakit ko iyon ginawa.

Hindi rin naman sila nagtagal bago umalis. Saka lang lumabas ang babae kanina sa kanyang pinagtataguan.

“Muntik na ako doon, ah.” Bulalas nito.

“Hindi kita kilala, pero maraming salamat talaga miss. Malaking bagay na iyong pagtulong mo sa akin—” Malawak ang ngiti nito. Pero nang sandaling humarap siya sa akin ay bigla na lamang siyang napahinto.

Nanlaki ang mga mata nito na para bang nakakita ng multo. I can see the glint of recognition in her eyes as she stares at me.

“Yuri?!” Bulalas niya sa pangalang hindi pamilyar sa akin.

Mas lumapit ito sa akin at pinagkatitigan ng mabuti ang aking mukha. “Omg, Yuri! Ikaw nga!”

"Sorry, but namali ka yata, miss. My name is not Yuri,” sagot ko sa babae.

“Eh? You're kidding me, right?” Tumawa ito. “Duh, kilalang-kilala kaya kita, Yuri. I remember your face very well, kahit ilang taon na tayong hindi nagkita. I know it's you, Ishuri. Kahit iniba mo pa ang kulay ng buhok mo, alam kong ikaw 'yan. Don't tell me, nakalimutan mo na ako? Nakakatampo naman. Akala ko ba best friends forever, tayo?”

“Nagkakamali ka talaga, miss. Klydia ang pangalan ko, hindi Yuri or Ishuri. At hindi talaga kita kilala.”

Ang ngiti nito kanina ay unti-unting nawala. “Di nga?”

“But—” Napangiwi ito na parang biglang may naisip. “Omg, I'm really sorry, miss. Sorry talaga. I really thought you were my childhood friend. Kamukhang-kamukha mo kasi siya. Minus the little mole on your right cheek.” Nahihiyang saad nito. "Sorry, naistorbo pa yata kita. Pero thank you ulit pala kanina, ah.”

“Okay lang.”

“It's okay ba kung malaman ko ang name mo?” Saad nito.

“I'm Klydia. Dayo lang ako rito sa Grimace.”

“Same.”

“Bakit ka pala hinahanap ng mga lalakeng iyon? May atraso ka ba sa kanila?”

“Uh, wala naman. It's just masyadong obsessed yata sa akin yung ex ko—yung isa sa mga lalakeng iyon. Ayaw akong tigilan, Kahit break na kami.” Sagot nito. “I'm Ashia pala. Nice to meet you, Klydia. Ang weird ng una nating pagkikita. Hehe. ”

“Nice to meet you, rin, Ashia. Kailangan ko na palang umalis. Sana muli tayong magkita.” Magaan ang loob ko sa kanya at mukhang mapagkakatiwalaan naman siya.

Dahil hindi ko alam kung saan ba ang sakayan ng bus pabalik ng La Ezpera ay bumalik na lang ako sa gasoline station kung saan huminto ang school bus namin kanina.

Hindi ko inaasahang narito pa rin ang school bus na sinakyan ko kanina. It's been two hours since I left. Napatingin ako sa aking relo. At mas nagulat ako nang makitang twenty minutes pa lamang ang lumipas.

Paanong...?

“Klydia?” Para akong naestatwa nang bigla kong marking ang boses ni Patricia sa aking likuran. Isa sa mga kaibigan ko.

Shit.

Wala sana akong balak harapin ito pero nang mag-angat ako ng tingin ay nasa harapan ko na ito.

“Anong ginagawa mo rito?”

“Uhm, ano..” Hindi ako makahanap ng tamang salita.

Matalim ang tingin na binibigay sa akin ni Patricia, kaya kinakabahan tuloy ako. Paano na lang kaya kung pati si kuya ay malaman ring narito ako? Patay talaga ako.

“You disobeyed Lola Luci and your brother. I can't believe it! Kailangan itong malaman ni Macky. How did you even sneak here without them knowing?”

“Kasama ako kanina sa bus papunta rito. And please don't tell Kuya Macky. Malalagot ako sa kanya.”

“Lagot ka talaga, Klydia.” Nakangising sagot ni Drake.

Ngayon ko lang napansin na hindi lang pala nag-iisa si Patricia. She's also with Niel at Tina. Good thing Sky and my brother aren't here.

“You shouldn't be here,” seryosong sabi ni Patricia. “Kailangan na nating bumalik ng La Ezpera. Niel, tell Sky and Dale, na hindi na tayo tutuloy sa retreat.”

“No! It's okay. Ayaw kong maabala kayo. I know I shouldn't be here. Ang totoo niyan ay balak ko talagang bumalik ng La Ezpera.”

“And you think we'll let you go alone? We're all going home together.”

“But the retreat...”

“Ano ka ba, Klie. Parang retreat lang naman 'yon. Kahit ilang retreat pa yata ang dumaan di naman mababago ang ugali ni Niel at Drake, no.” Saad ni Tina.

“Narinig ko 'yon.”

Bumalik si Niel at kasunod niya si Sky, Dale at si Kuya. Seryoso ang mukha ni kuya habang nakatitig sa akin. Walang mababakas na emosyon sa kanyang mukha.

I'm really dead.

“Walang bus rito pabalik ng La Ezpera. But I already called someone na pwede nating rentahan ng kotse para makabalik. He'll be here any minute," wika ni Kuya Macky.

“Hindi ba dapat magpaalam muna tayo kay Ma'am Terry? Baka mamaya magpanic pa yun kapag mapansing kulang yung mga studyante niya,” Saad ni Niel.

Sabay kaming bumalik na magkakaibigan kung nasaan ang bus. Dahil nasa loob si Ma'am Terry ay pumasok kami para sana pormal na makapagpaalam rito.

“What?” Bulalas nito. “No. Hindi pwede.”

“Pero po kailangan po talaga naming bumalik. May emergency lang po kasi.” Si Niel ang kumausap kay Ma'am Terry.

“I'm sorry, Mister Carolin. But I can't let you. Kapag may nangyare sa inyo pabalik sa La Ezpera ay kargo ko.”

“You don't have to worry about anything, ma'am. My grandma sent someone to pick us up.” Sagot ni kuya.

Isang walang emosyon na ngiti ang pinakawalan ni Ma'am Terry. Bakas sa mukha nito na parang nauubusan na ito ng pasensya.

“I said what I said. Walang uuwi. Walang lalabas ng bus. Go back to your seats. We'll continue our ride to Nature's Haven.”

Or better, say hell.

©Quinnxixityy

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro