Secretly Taken | One Shot |
"Sa dinami-rami ng araw, bakit ngayon ka pa nagka-LBM?!" galit na sigaw ni Cielo sa kausap sa telepono. Sapo niya ang ulo habang sinusulyapan ang pag-akyat ng mga pasahero sa bus patungong Mindoro.
"Pasensya ka na, Cielo, napa-rami yata ako ng kain kagabi ng Korean barbecue," sabi ng matalik na kaibigan at ka-trabahong si Larry.
"Wrong timing ka naman, eh! Naka-plano na ang pag-alis natin ngayong araw papuntang Mindoro para sa kasal ng pinsan kong galing Australia. Ikaw ang partner ko sa entourage, naka-handa na ang mga susuotin natin, papaano na ito ngayon? Hindi ba madadala ng gamot 'yan?"
"Naka-inom na ako ng gamot pero masakit pa rin talaga ang tiyan ko," sagot pa ni Larry. "Tawagan mo na lang ang pinsan mo at tanungin kung may proxy na pwedeng i-partner sa'yo—"
"Bukas na ang kasal, Larry, saan pa sila hahanap ng proxy?!" She closed her eyes to calm herself.
Ayaw niyang magalit ng husto rito dahil siya rin naman ang may pakana kagabi na mag-Korean barbecue sila kasama ng iba pa nilang mga ka-trabaho.
She and Larry work in an exclusive school as teachers. Si Larry ay nagtuturo ng Math samantalang siya naman ay sa Art subject— due to her being so in love with art since she was a child.
Sa maraming pagkakataon, dahil sa pagiging malapit nila ni Larry simula nang mag-umpisa silang magturo sa paaralang iyon limang taon na ang nakakaraan, ay kinukumbinsi sila pareho ng mga magulang nilang 'sila' na lang. Dahil daw may malalim na silang pinagsamahan at may matibay na pondasyon ng pagkakaibigan. Ang sabi pa ng mga pamilya nila— they are meant for each other. Ang problema— hindi babae ang gusto ni Larry kung hindi lalaki rin. At wala pang nakakaalam sa sikreto nito maliban sa kaniya.
Isa pa, kahit totoong lalaki ang kaibigan ay hindi siya naniniwalang pwedeng maging sila. No— people don't marry because they have a strong bond of friendship. People marry because they fell in love with each other.
Para sa kaniya, wala sa tagal ng pagsasama at malalim na pagkakaibigan para sabihing 'meant for each other' ang dalawang tao.
Katulad na lang ng nangyari sa pinsan niyang ikakasal, si Candice. Nakilala nito ang mapapangasawa noong nagtrabaho ito sa Australia. Ang sabi ng pinsan niya— it was a love at first sight. Na noong magtama raw ang mga mata nila ng lalaki ay alam na nitong ang lalaki ang gusto nitong makasama habang buhay. Eventually— Candice dated the man and learned that he was also thinking the same when they first met. Ayon pa sa lalaki, naniniwala raw ang pamilya ng mga ito sa love at first sight.
Oh well... She's never experienced falling in love at the very first sight, but who knows? Baka sa Mindoro lang pala naghihintay ang magiging ka-love at first sight niya at hindi sa Maynila.
Sinulyapan niyang muli ang bus na sasakyan niya nang malakas iyong bumusina. Nakita niyang nakasakay na ang lahat ng nakapila roon kanina at mukhang handa nang umalis.
Iyon ang RORO bus na magdadala sa kaniya patungong Mindoro, kung saan nakatira ang pinsan at buong pamilya nila. Sa katunayan ay siya lang sa buong pamilya ang kasalukuyang nakatira sa Maynila, lumipat siya roon nang magtapos ng kolehiyo at magtrabaho. At ang kaniyang mga magulang ay nasa Mindoro rin at hinihintay ang pag-uwi niya.
"I'm really sorry, Cielo," sabi ni Larry na gumising sa diwa niya. "Hayaan mo't siguradong may mahahanap na proxy si Candice para ka-partner mo. I gotta go now, tinatawag na ulit ako ng kalikasan."
Inis niyang ibinaba ang cellphone nang matapos ang pag-uusap nila ng kaibigan saka marahas iyong isinuksok pabalik sa shoulder bag niya. Umuusok ang ilong na tinungo niya ang bus bitbit ang traveling at shoulder bags.
Naisip niyang tawagan na lang si Candice mamaya kapag bumibyahe na siya. Hiling niya ay may mahanap itong proxy partner para sa kaniya.
Pagpasok sa bus ay sandali siyang napatda. Saglit na nawala sa isip ang pagka-inis kay Larry nang makita ang loob ng RORO bus. Bagong modelo iyon at may magkaharap na upuan, katulad ng sa mga bullet train na nakikita lang niya sa mga banyagang pelikula, air conditioned at sobrang linis.
At least she will have a comfortable trip.
Itinuloy niya ang pagpasok at hinanap ang seat number na naka-lagay sa ticket niya. At nang mahanap iyon ay kaagad niyang inihagis ang shoulder bag sa may bandang aisle saka isiniksik sa compartment sa itaas ang maliit na traveling bag niya. Pangdalawahan ang magkakaharap na upuan at dahil nabayaran na niya ang katabing seat na dapat ay para sana kay Larry— ay magiging bakante iyon.
Matapos mai-ayos ang traveling bag sa compartment ay kaagad na siyang naupo sa may bandang bintana. Mula sa bag ay dinukot niya ang cellphone at sinubukang tawagan si Candice, subalit hindi nito sinasagot ang tawag niya. Naisip niyang marahil ay abala ito lalo at bukas na ang kasal.
She sighed and started to type a message. Sa oras na matanggap nito ang text message niya ay siguradong ito ang tatawag sa kaniya.
Matapos niyang i-send ang message ay ibinalik niya sa loob ng bag ang cellphone saka inilabas naman ang librong dala upang basahin habang nasa byahe. Iyon palagi ang ginagawa niya kapag nasa byahe siya— read a romance novel.
She's a hopeless romantic person. She believes in love and happy endings. Wala pa nga lang siyang naging boyfriend ever since dahil pihikan siya. Pero naniniwala siyang makita lang niya ang lalaking para talaga sa kaniya, ay siguradong hindi na niya ito pakakawalan pa.
Napangiti siya sa naisip. Sana nga nasa Mindoro ka na...
Nasa ganoon siyang kaisipan nang may lalaking tumayo sa gilid ng kinauupuan niya. At dahil nakayuko siya sa librong hawak ay nasa ibaba ang tingin niya.
Una siyang napasulyap sa suot nitong mamahaling leather shoes. She raised an eyebrow— Armani. Unti-unti ay umangat pa ang tingin niya sa abuhing slacks nito na halos yumakap na sa matipunong mga binti, paakyat pa sa ibabaw ng binti nito— and she stopped. Halos magkapantay lang ang mga mata niya sa bagay na nasa pagitan ng mga binti nito at napalunok siya.
She cleared her throat and continued to survey the man. Umangat ang tingin niya sa flat na tiyan ng lalaki na tinatakpan ng puting poloshirt, paakyat sa matitipunong dibdib nito, sa mga nakaangat na braso na nag-aayos ng mga gamit sa compartment at nahinto sa mukha nito.
At doon siya natigilan. She sucked her breath in as she stared at the handsome creature. Pakiramdam niya ay biglang nag-slow mo ang paligid at naging dream-like ang scene— like in the movies. He was sparkling in her eyes and she couldn't help but sigh.
And just like in a slow motion scene, sinundan niya ang bawat kilos nito hanggang sa makaupo ito sa harapan niya, holding nothing but his phone.
At nang magkaharap sila ay una niyang napansin ang diamond stud earing sa kaliwang tenga nito. She didn't like men who would try to look cooler by wearing earings, pero iba ang pakiramdam niya sa lalaking kaharap. May pakiramdam siyang kahit siguro punuin nito ng hikaw ang magkabilang mga tenga ay magmumukha pa rin itong Diyos ng Kaguwapuhan.
Napapitlag siya nang biglang umalog ang upuan niya. Sandali siyang nagising sa pagpapantasya at napatingin sa labas. Doon lang niya napansin na tumatakbo na pala ang sinasakyan nila.
Oh my, gaano ka-tagal ko siyang pinagmamasdan?
Nang ibalik niya ang pansin sa lalaki ay nakita niyang nakatitig na rin ito sa kaniya. And when their eyes met, he gave her a smile. And everything around her seemed to float in the air. Para siyang nakakita ng mga bituin, mga bulaklak at ulap sa ngiting iginawad nito sa kaniya.
She clutched her bag and looked down. Hindi niya magawang gantihan ang ngiti nito, nahihiya siya. Taranta niyang binuksan ang hawak na libro saka nagpanggap na nagbabasa.
At sa loob ng mahabang sandali ay nanatili lang siyang nakayuko sa libro niya subalit ang pansin ay wala naman talaga roon. She was silently observing the man sitting in front of her. Manaka-naka niya itong sinusulyapan habang ito'y nakangalumbaba at tahimik na nakatingin lang sa labas.
Lihim siyang napagbuntong hininga. Mukhang hindi siya makakatulog ng mahimbing sa susunod na mga gabi dahil siguradong hindi mawawala sa isip niya ang mukha ng lalaki. Whatever's happening to her is something she has never experienced before.
Is this... love at first sight?
Pakiramdam niya ay natunaw ang puso niya sa naisip. So, this is what 'love at first sight' feels, huh?
Bumaba ang tingin niya sa kamay nito saka sinipat ang mga daliri para siguraduhing walang sabit. At nang makumpirmang malaya pa ito ay napangiti siya. Ibinalik niya ang pansin sa mukha nito at muli ay napabuntong hininga siya.
Such a handsome face... The kind of face I would like to spend time sketching... At nang maisip iyon ay natigilan siya.
Oh yes! Why not? Mabilis niyang binuksan ang kipkip na bag saka inilabas ang makeup set. Mula roon ay hinanap niya ang dark eye shadow, browliner, pink lipstick at cream blush on.
At sa palihim na paraan ay inumpisahan niyang i-sketch, gamit lamang ang mga daliri at makeup set niya, ang mukha ng lalaking kaharap sa isang pahina ng hawak niyang libro.
She outlined the man's face using the browliner and started brushing her finger tips onto the page.
Palihim niya itong sinusulyapan habang patuloy sa ginagawa. She did her best to hide it, sa pamamagitan ng paglalagay ng shoulder bag sa kandungan niya upang takpan ang make-up pouch na inilabas niya.
Sa tuwing kikilos ang lalaki, titingin sa relos na nasa bisig, yuyukuin ang cellphone upang magtext at muling titingin sa labas ng bintana ay itinitigil niya ang ginagawa at nagkukunwaring nagbabasa upang hindi ito magtaka sa kaniya.
He seemed to not care about his surroundings at pabor iyon sa kanya.
Lumipas pa ang mga oras at narating nila ang pantalan sa Batangas. Nangangalahati pa lang siya sa ginagawa kaya nang bumaba silang lahat sa bus upang sumakay sa itaas ng RORO vessel na siyang maghahatid sa kanila sa Mindoro ay sinundan niya ang lalaki. She will sit wherever he decides to sit. Subalit nang marating nila ang taas ng RORO vessel kung saan naroon ang mga upuan para sa mga pasahero ay nanlumo siya.
There were no available seats anymore! Okupado ng mga pasahero lahat at ang iba'y nakatayo na lang sa barandilya.
Hinanap niya ang lalaki at nakitang tumayo ito sa hindi mataong sulok, doon sa may barandilya at nakatingin sa dagat. Pa-simple siyang lumapit at sumandal sa poste hindi kalayuan sa kinatatayuan ng lalaki. Nakatalikod ito sa kaniya and she took that chance to draw him in that angle, on the other page of the book.
I am vandalizing my book just for you, Papi... Nakangisi niyang usal sa isip habang patuloy sa pagsi-sketch gamit ang kaniyang browliner.
Sa loob ng mahabang sandali ay naroon lang ang lalaki sa may barandilla ng RORO vessel at nakamasid sa dagat. He looks very sexy and professional at the same time, at hindi iilang mga babaeng pasahero ang nakatingin lang din dito.
She continued to draw and sketch as she stood few yards away from his back. At makalipas lang ang ilang minuto ay natapos niya iyon.
Itinaas niya ang libro sa kaniyang harapan at ipinantay sa lalaking nakatayo sa hindi kalayuan.
Yep— Perfecto!
She smiled. She's enjoying this trip because of him. Mamaya niya itutuloy ang pagku-kulay doon sa close-up sketch niya ng mukha nito kapag nakabalik na sila sa bus.
Sinipat niya ang pahina kung saan niya ini-sketch ang mukha ng lalaki at muli siyang napangiti. She's already drew and sketched the lines of his face, his brows, nose and lips. Ang kulang na lang ay ang mga mata nito, buhok, at kulay para magkaroon ng buhay ang iginuhit niya. Thirty more minutes would suffice.
Nasa ganoon siyang kaisipan nang biglang tumunog ang cellphone niya. Mabilis niyang kinuha iyon sa loob ng bag at nang makitang si Candice ang tumatawag ay mabilis niya iyong sinagot.
"Hey," aniya. Sandali niyang ibinaling ang tingin sa dagat.
"So, Larry is out, huh?" bungad nito.
"I'm sorry about that, Candice. Mayroon bang pwedeng mag-proxy? Ayaw ko namang maglakad sa aisle nang mag-isa, 'no!"
"Hmmm... Yeah, I guess. Pero hindi pa namin alam kung darating siya dahil abala iyon sa itinayong negosyo sa Maynila."
Napabuntong hininga siya. "Sana nga dumating siya."
Candice chuckled, "Alam mo bang dapat ay siya ang best man ni Martin? Pero tinanggihan niya iyon dahil ayaw daw niyang maki-agaw ng atensyon. H'wag kang mag-alala, we will do our best to convince him."
Nakahinga siya ng maluwag. At least may kaunting pag-asa... "Anyway, alam mo ba'ng may kaharap akong Hari ng Kaguwapuhan sa bus? We are currently on the RORO vessel and I am following him like a creepy stalker."
Natawa si Candice. "How does he look like?"
"Like a sin."
Lalong natawa ang pinsan. "Baliw ka pa rin talaga hanggang ngayon."
She smiled. "I am happy for you, Candice. Alam kong ilang ulit ko nang sinabi sa'yo ito, pero masaya akong nahanap mo na ang para sa iyo."
"Oh, he is the best thing that's ever happened to me, Cielo. Dalawang buwan lang kaming magkasintahan bago kami nagpasiyang magpakasal pero unang kita ko pa lang sa kaniya ay alam ko nang siya na kaagad ang nais kong makasama habang buhay. I hope you'll find yours soon."
Ibinalik niyang muli ang pansin sa lalaki at nakitang nakaharap na ito, ang mga siko ay nakapatong sa barandilya at nakatingin sa kabilang panig. His hair was blown by the wind.
"I hope so, too..." aniya sa pabulong na paraan.
"I can't wait for you to meet my Martin..." sabi pa ni Candice.
Oh yes, lahat na yata ng pamilya nila ay nakilala na si Martin maliban sa kaniya. Nakatira si Martin kasama ang mga magulang nito sa Australia pero umuwi lang ng Pilipinas para sa kasal. Hindi na rin siya makapag-hintay na makita ang lalaking bumihag sa puso ng pinsan.
"Anyway, magpapaalam na ako at kakausapin ko pa ang organizer ng kasal. Wala si Martin ngayon dahil may pinuntahan kaya mag-isa kong aasikasuhin 'to. I will fetch you at the terminal so you won't have to commute, okay?"
"Yep, thanks."
"Doon mo na lang ako hintayin sa coffee shop malapit sa terminal. Bye, Cuz."
Nang makapag-paalam ay muli niyang ibinalik ang cellphone sa bag at saka sinulyapang muli ang lalaki.
Hanggang sa marating nila ang pantalan sa Mindoro, makababa ng RORO vessel, at makabalik sa bus ay disimulado lang siyang nakasunod sa lalaki. Nauna itong nakabalik sa pwesto at nang makalapit ay tahimik lang din siyang umupo sa pwesto niya. Pagkaupo ay kaagad niyang inihanda ang mga gamit para ituloy ang sketch, keeping them hidden behind her bag which she put on her lap.
She opened the book to resume her 'project' when the man spoke,
"Beautiful Disaster."
She raised her head and met his eyes. "W—What?"
"The title of the book you are reading," anito na nakatingin sa hawak niyang libro. "How is it?"
She blinked twice. "G—Good, so far..."
"What is the story about?" Tumingin ito sa kaniya at doon ay tila siya nataranta.
She gulped. "A—A story about two different persons falling in love with each other..."
He chuckled. "Sounds interesting."
Oh Lord... Napayuko siya at napakagat labi. Gusto niyang matunaw sa kilig nang marinig ang pagtawa nito. He is definitely the sexiest man she had ever met!
"Where are you heading?" tanong pa nito makalipas ang ilang sandali.
Sinabi niya ang bayan na patutunguhan niya.
"Ah, so we're going to the same place."
Oh, we're probably meant for each other... bulong niya sa isip. Masaya siya at iisang lugar lang ang patutunguhan nila.
"Would you mind if I take a look at your book?"
Natilihan siya. At bago pa niya napigilan ang sarili ay malakas siyang sumagot ng, "No!!"
The man was stunned. Hindi marahil nito inasahan ang pag-sigaw niya. Kahit ang ilang mga pasahero sa bus ay napalingon sa kanila.
"Oh!" Natapik niya ang noo saka napa-pikit. Hiyang-hiya siya sa nangyari. Nang muli siyang nagmulat ay nakita niyang nakatingin sa kaniya ang lalaking kaharap ng may ngiti sa mga labi. Doon nag-init ang magkabila niyang pisngi.
"Walang problema kung ayaw mo. But you look tensed, are you feeling okay?"
Tumango siya saka muling niyuko ang libro, binuklat iyon at nagkunwaring muling nagbasa para hindi na siya nito kausapin.
The man just shrugged his shoulders. Muli itong bumaling sa labas ng bintana at nangalumbaba roon.
She took that chance to resume what she was doing. Binuklat niya ang libro at inumpisahang iguhit ang mga mata nito. Maingat siyang hindi nito mapansin ang panaka-naka niyang pagtitig dito. Malubak ang daan at umaalog siya sa upuan pero hindi niya iyon pinansin— all she wanted was to finish her sketch before they reached the location.
Hanggang sa matapos niya iyon na labis niyang ikinatuwa. Itinaas niya ang librong hawak sa tapat ng kanyang mukha para makita iyon ng mabuti. She shadowed the side of his face with her pink lipstick, putting life on the drawing. At habang nakataas ang hawak ng libro sa harapan niya ay sinulyapan niya ang lalaki upang pagmasdan kung na-kopya niya ng tama ang mukha nito nang matigilan siya.
He was looking at her again, with a smirk on his lips!
Mabilis niyang ibinaba ang libro saka isinara iyon at itinabi sa gilid niya. Kinabahan siyang baka kunin nito iyon at makita ang mga ginawa niyang sketches.
"You have a pretty smile," sabi nito sa kaniya na ikinagulat niya. "You are looking at your book and you were smiling. Gumaganda na ba ang eksena sa binabasa mo?"
Tumikhim siya saka pilit na tumango.
He grinned, "That's nice. I'd like to read that book sometimes."
Naramdaman niya ang paghinto ng bus at doon ay tumayo na ang lalaki. Tumingin siya sa labas at napagtantong nakarating na sila sa destinasyon.
Tumayo na rin siya at akmang kukunin na ang maliit na traveling bag sa compartment nang kuhanin iyon ng lalaki at inabot sa kaniya.
She took it from him and murmured her thanks. Akma na siyang mauuna sa paglabas ng bus nang marinig ang pagtawag nito.
"Hey."
Napalingon siya.
Ngumisi ito saka bumaba ang tingin sa kanang kamay niya na nakahawak sa traveling bag. "Your fingers look nice."
Nanlaki ang mga mata niya saka inangat ang mga daliring sinasabi nito saka lihim na umungol. Ang kanang daliri niya na siyang ginamit niya sa pag-sketch ay marumi sanhi ng blush-on, lipstick at dark eyeshadow na ginamit niya. Ang kuko niya'y napasukan din ng powder ng eye shadow at nagmukhang dumi sa loob. She groaned all the more.
"I wonder what you have been doing during the trip," nakangising sabi ng lalaki.
Hiyang-hiya na tinalikuran niya ito at nakipagsiksikan sa ibang pasaherong bumaba ng bus. At bago pa man siya tuluyang makababa at makalabas ay narinig niya itong malakas na nagsalita,
"Hope to see you around!"
Pagbaba ay halos takbuhin niya ang coffee shop na sinasabi ni Candice. Pumasok siya roon at dumiretso sa CR para maghugas ng mga kamay. Hiyang-hiya siya at nag-iinit ang mukha. Nakakahiyang isipin ng lalaki na pabaya siya sa katawan, na wala siyang proper hygiene! She was so embarassed!
Hindi niya alam kung gaano siya ka-tagal na naroon sa loob ng CR, washing her hands and composing herself. Pulang-pula siya sa pagkapahiya— pero naisip niyang hindi dapat dahil hindi naman siya nito kilala at malabong magkita silang muli.
Bago lumabas ng CR ay inayos muna niya ang sarili. She put some makeup on and brushed her long, straight hair. At nang makitang maayos na ang itsura ay lumabas na siya bitbit ang mga bags.
Akma na siyang di-diretso sa counter para umorder ng kape habang hinihintay ang pinsan nang makatanggap ng tawag mula rito at nagsabing naroon na ito sa labas ng coffee shop.
Paglabas ay kaagad niya itong nakitang naka-park sa harap. Mabilis siyang pumasok sa front seat ng kotse, hinagis ang mga dalang bag sa passenger's seat at hinalikan sa pisngi ang pinsang dalawang taon ding hindi nakita.
"You look lovelier!" aniya rito.
"And so do you!" nakangiti nitong sagot. "I guess it runs in our blood."
Pareho silang natawa sa sinabi nito. Ilang sandali pa'y inumpisahan na nitong imaniobra ang sasakyan. At habang nasa daan ay nag-usap sila nito ng kung anu-ano, tungkol man iyon sa pamilya nila o sa kasintahan nitong si Martin.
They were in the middle of their chitchat when Candice's phone rang. Nakapatong iyon sa dashboard kaya hindi niya naiwasang mapasulyap doon.
Martin. Iyon ang nakasulat sa caller ID. At nang titigan niya ng mabuti ang larawang lumabas sa caller ID ay napasinghap siya ng malakas.
What in the hell...?
Ang lalaking nasa screen— na ayon sa caller ID ay si Martin— ay siya ring lalaking nakasabay niya sa bus! Ang lalaking iginuhit niya sa libro niya!
Namamanghang napatitig lang siya sa cellphone ni Candice hanggang sa sagutin iyon ng pinsan at ilagay sa loudspeaker mode.
"Hey babe," anang lalaki sa kabilang linya.
Nagtayuan ang balahibo niya sa braso nang marinig ang pamilyar na tinig nito.
"Just wanted to let you know that I'm back in your house and I have good news. Jacob's here, too."
"Great!" natutuwang sabi ni Candice saka siya nilingon. "Your proxy partner is now secured," anito sa kaniya na sinagot niya ng pilit na ngiti. Hindi pa rin siya makapag-move on sa nakikita at naririnig.
Kapag tinamaan ka nga naman ng kamalasan... Na-love at first sight for the first time— pero sa fiancè pa ng pinsan ko! Gah!
"We'll be there in no time, babe. See you," sabi pa ni Candice bago tinapos ang tawag.
Nang matapos ang tawag ay bumalik sa homepage ang cellphone ni Candice at lalo siyang tinayuan ng balahibo sa pagkamangha nang makita ang wallpaper nito.
Candice and Martin, smiling at the camera, looking so happy and in love.
Nanlumo siya. Yes— yes, it's confirmed. It's him!
Hanggang sa makarating sila sa bahay nila Candice kung saan naghihintay ang lahat ay nanatili siyang tahimik habang nakikinig lang sa mga kwento ng pinsan. She would just nod and fakely smile at her cousin, dahil hindi pa rin maalis sa isip niya ang natuklasan.
Pagpasok nila sa loob ng bahay ay natigilan siya sa paghakbang nang sa living room ay makita ang mga taong hindi niya kilala— probably Martin's family. They were all talking about something but stopped when they entered the house.
All eyes were on them, but her eyes were on the familiar man who was walking towards them with a smile on his lips.
"Hey," sabi ni Candice na sumalubong rito.
Napalabi siya sabay yuko nang yakapin ni Martin ang pinsan niya saka halikan sa mga labi.
"Hon, this is my cousin, Cielo."
Nakita niya ang kamay ng lalaki na umangat upang i-abot sa kaniya. She took a deep breath before taking his hand. At nang magkamay sila ay saka lang siya nag-angat ng tingin—upang kunutan ng noo.
"Hey," sabi ni Martin na naka-kunot din ang noo. "I know you..."
Namamalikmatang napatitig siya sa lalaking kaharap at hindi pinansin ang sinabi nito. Wait... something's off... bulong niya sa isip habang sinusuri ito ng tingin. She stared at his shirt. You changed your shirt too fast...iyon ba ang una mong ginawa pagdating mo?
"Wait, you've met Cielo?" Narinig niyang tanong ni Candice kay Martin.
Subalit hindi sumagot si Martin. Sa halip ay umikot ang tingin nito sa paligid na tila may hinahanap. Kunot-noong ginaya niya ang ginawa nito— for no reason at all.
Si Martin, nang makita ang hinahanap ay nagtaas ng kamay at kinawayan iyon. "Hey, Jacob!"
Sinundan niya ng tingin ang tinawag nito at nang makita kung sino iyon ay halos mapugto ang hininga niya sa lakas ng pagkakasinghap niya.
Jacob, the man who was at the bar counter near the dining area, drinking something while reading a book raised his head and turned to them. At lalong nanlaki ang mga mata niya nang makilala ang librong hawak nito. Iyon ang librong dala-dala niya sa byahe!
Pero hindi iyon ang mahalaga. Namamanghang ibinalik niya ang tingin kay Martin saka muling nilingon ang lalaking tinawag nitong 'Jacob'.
"Wait— you are a twin?" bulalas niya.
Niyuko siya ni Martin at nginitian. "Yes, identical."
Si Candice ay nagtatakang hinawakan sa braso si Martin. "Nakilala mo na ba si Cielo? You seemed to know her."
Umiling ito saka marahang bumitiw sa pagkakahawak ng kamay niya. "Ito ang unang beses na nakilala ko siya. But," Martin took out his phone from his pocket, opened a message and showed it to them.
It was a meesage from Jacob saying,
Isn't she lovely?
At sa ibaba ng message na iyon ay maroong dalawang photos. Not just some photos but her photos! Ang isang kuha ay noong nasa bus sila, habang nakayuko siya sa libro niya— probably when she was sketching, and the other was when they were on the RORO vessel, while she was looking away, talking to Candice on the phone.
That man took my pictures secretly?
So, pareho silang nagnakaw ng pagkakataon sa isa't isa?
"Wow, is that really you?"
Napasinghap siya at mabilis na napalingon nang marinig ang lalaking nagsalita. Napa-atras siya nang makitang nakatayo na ito sa likod niya. The first thing she noticed was how his diamond stud earing on his left ear sparkled when the light hit it.
"I was just planning to look for you to return this." Nakangisi nitong itinaas ang librong hawak. "You left it on your seat."
Si Candice ay napasinghap ng malakas, "Cielo, si Jacob ba ang tinutukoy mong lalaking kasabay mo sa bus? The one you were stalking?"
Muli siyang napasinghap at nilingon ang pinsan saka tinapunan ito ng masamang tingin.
And then, she heard Jacob chuckled.
Muli niya itong hinarap saka inagaw ang librong hawak nito.
"Your sketches were awesome. I would like to model for you again next time."
Pinamulahan siya ng mukha sa sinabi nito.
Si Jacob ay nalipat ang tingin kay Candice. "Is she the one who needs a proxy partner?"
Tumango si Candice saka nanunukso siyang siniko. "You too are probably meant to meet and be partners for... life?"
Pinamulahan siya lalo ng mukha sa panunukso ng pinsan.
Again, Jacob chuckled and extended his hand to her. "I'm glad to see you again. My name is Jacob, and I believe your name is Cielo?"
Namamanghang napatingin siya sa kamay nito na naka-abot sa kaniya. Ilang sandali pa'y umangat ang tingin niya sa mukha nito at saka lang siya tumango.
Si Candice ay muling nanukso. "Nakita namin ni Cielo ang mga pictures at message na ipinadala mo kay Martin. Anong ibig sabihin no'n, Jacob? Do you like my cousin, huh?"
Jacob smiled and without breaking eye contact with her, he answered, "Like? I don't know. Afterall, my family believes in love at first sight."
Oh Lord... Hindi niya napigilang mapangiti sa sinabi nito. At doon lang sa pagkakataong iyon niya itinaas ang kamay at tinanggap ang pakikipagkamay ng lalaki.
They stared at each other for a long time with a soft smile on their faces.
Love at first sight, huh? she murmured in her mind. Not bad at all...
*****
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro