Prologue
"Anak? Kumusta ka na?" Tanong ng kanyang ina sa kabilang linya.
"Okay lang ako ma.. Kayo po kumusta?" Tanong niya rito. Kasalukuyang nagpapahinga si Althea ng tumawag ang kanyang ina.
"Anak, may sasabihin ako sa'yo. Naisanla ko ang mga ari-arian natin sa mga Montebello. Simula kasi nung mawala ang papa mo. Hindi na masyadong bumebenta ang mga ani natin. Tapos ang bahay kukunin na ng bangko. Kung hindi ako nakapagbayaf sa kanila..." nangingiyak na paliwanag ng ina.
"Ma, bakit hindi niyo po sinabi sakin kaagad? Di sanay hindi niyo naisanla kina Tita Lara ang lupa."
"Anak wala akong choice. Isa pa, panatag naman ang kalooban ko na andoon kina Lara ang mga ari-arian natin, kaysa nasa ibang tao. Anak, umuwi ka na muna please." Pakiusap pa nito sa kanya. Mahihindian ba niya ang ina?
"Sige ma, bukas na bukas din. Magpapaalam lang po ako ng maayos sa manager ko."
"Salamat anak. Mag-iingat ka anak. I love you." Ani pa nito.
"I love you too ma." At pinutol na niya ang tawag. Napabuntong hininga na lang siya sa sinabi nito.
Napaisip siya ng maalala ang kahapon. Kahapong kay ubod ng kay tamis, kayganda, kay lalim at kay hapdi.
Ang kahapong iisang tao lang ang nagpadama sa kanya ng ganoon... Napilit niyang kinalimutan kailanman...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro