Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 9

"Hon, tinatakot ka ba nila?" Nakangiting sulpot pa ni Nathaniel.

"Oo tinatakot namin siya na kapag hindi siya ang mapapangasawa mo baka hanggang ngayon. Nakadikit ka parin sa babaeng yun!" Naiinis na sagot pa ni Ciarra at ini-snob niya ang binata lumakad palayo.

"Anong nangyari dun?" kunot noong tanong ni Nate.

Nagsitawanan na lang ang iba pang mga asawa ng pinsan ng binata.

"Thea pagpasensyahan mo na si Ciarra ha. May pinagdadaanan lang siguro siya." Ani ni Alex.

"Okay lang." Sagot niya.

"Sige mauna na muna kami sa loob."

"Sige."

"Anong pinagsasabi ni Ciarra sayo?" Tanong ng binata at umupo sa bench.

"Wala lang naman, sinabi lang naman niya sakin na natulog ka sa selda ng isang araw. Dahil doon sa isang babae. Yun lang." Pormal na aniya.

"Tapos? Anong reaksyon mo?" Pormal na wika nito.

"Ano pa ba dapat ang magiging reaksyon ko? Eh di wala." Aniya sabay irap.

"Hindi ka man lang naawa sakin o ano?" Ani pa nito na tila ba nagpapacute.

"Bakit naman ako maaawa sayo. Ginawa mo yun, ibig sabihin alam mo kung ano ang magiging resulta nun."

"Kunsabagay, ginawa ko lang naman yun para sa isang babaeng importante sakin." Ani nito sabay tingin sa itaas ng kalangitan.

"Kaya nga..." mahinang usal niya't katahimikan ang namayani sa kanilang dalawa. Tila may kung anong kurot ang umusbong sa kaibuturan ng puso ni Althea.

Ano pa nga ba? Kung sino man ang importante sa buhay ng binata yun ay ang babaeng sinasabi kanina ni Ciarra.

Hard to say and to believe. Nasasaktan siya. Kung ikaw ang nasa sitwasyon ni Althea masasaktan ka ba?

Pilit niyang kinalma ang sarili at hinayaang maramdaman ang ihip ng preskong hangin.

"Hindi ka ba nilalamok? Let's go inside." Yaya pa ng binata.

"Okay lang ako. Kung gusto mo'ng pumasok mauna ka na."

"Gusto mo'ng pumasok ako? Samantala gusto mo dito sa labas? Ang lamig-lamig ng hangin. Kargo ko pa kung giginawin ka. Besides, I don't want to care about you. It's just showing a charity."

Tumaas ang kilay ni Althea. Tama bang narinig niya? Charity?

"I want to clear this to you Mr. Montebello. I don't like the way you show your charity because I'm not a charity case!" Bigla niya itong tinalikuran at umalis.

Iniwan niyang mag-isa ang binata. At nagtungo sa cr malapit sa salas.

Pinagmasdan niya ang sarili sa salamin. Napaluha siya sa pag-iisip.

Kakayanin niya kayang makasama si Nathaniel sa iisang bubong?

Kakayanin niya kayang lunukin ang pag-uugali nito?

Kakayanin niya kayang lahat ng ito? Kung gayung malapit na ang pag-iisang dibdib nila ng binata.

Napahilamos siya sa kanyang mukha.

"You can do this, Althea! Wag kang papadala sa kanya. Kahit ano pang sabihin niya sa'yo! Kumalma ka lang."

"Tama yun ang gagawin ko. Ang kumalma na parang walang nangyayari." Aniya habang minu-motivate ang sarili.

"Thea, anak. Okay ka lang ba?" Ani ng ina niya sa labas ng banyo.

"A-ah okay lang po ako ma. Medyo sinipon lang ng konti."

"Ganoon ba? Mas mabuti pang dumito ka muna kina Tita Lara mo."

"Ano?!"

Madali niyang binuksan ang pinto. "Anong sabi niyo ma? Hindi ako papayag ma."

"Ano ka ba anak. Sinabi na naman sakin kanina ni Lara na ipagmamaneho nalang ako papauwi ni Nate. Wag kang mag-alala sakin okay? Ang mahalaga ay dapat magpahinga ka para hindi ka mastress. Lalo pa't nalalapit na ang kasal ninyo." Hinaplos siya sa pisngi ng kanyang ina na tila tuwang-tuwa. Ramdam niya ang kasiyahan na nakikita niya sa mga mata ng ina.

"Ma, gusto kitang samahan pauwi."

"Anak. Ano ka ba, ipagmamaneho na nga ako ng mapapangasawa mo." Sabay ngiti nito... hinagkan siya sa noo at niyakap.

Lumabas siya ng tuluyan at tamang-tama ang pagdaan ni Nathaniel sa gawi nila.

"Aalis na po ba tayo?" Magalang na tanong ng binata.

"Oo hijo, anak wag mo na akong aalalahanin okay? Magpahinga ka na." Niyakap niya ang ina at kapwa nagpaalam.

Hinatid niya ito sa labas pagkatapos magpaalam sa lahat ng kamag-anak ng binata.

Nag-aalala siya para sa ina. Habang naghihintay sila sa binata dahil naiwan nito ang susi sa sasakyan sa mesa.

Pagkalabas na binata ay naunang lumakad ang kanyang ina. At dahang-dahan na lumayo ng konti.

"Wag kang mag-alala makakauwi ng maayos ang mama mo. Hindi ko siya papabayaan."

"Hehe.. Siguraduhin mo lang kung hindi habang buhay mo itong pagsisisihan." Mahinang banta niya sa binata. Ngumiti lang ito na tila inaasar na naman siya.

"Tita, tayo na po?" Ani pa ni Nathaniel. Tumango ang ina ni Althea at inalalayan niya ang ina humalik sa pisngi at nagpaalam.

"God give me strength." Napadasal niya sa Itaas. Habang pinagmasdan ang papalayong kotse hanggang sa tuluyan itong nawala sa paningin niya.....

Napayakap siya sa sariling papasok sa loob ng mansyon. Naroon pa ang lahat ng mga pinsan ng binata pati ang kani-kanilang asawa.

"Hay naku, mabuti na lang at natauhan na yang kapatid mo Carlo."
Sambit pa ni Ciarra.

"Oh ano na naman yan Cia? Until now? Galit ka parin sa kababata ni Nate?" Pagklaro ni Carlo habang nakaupo sa tabi niya si Ren. She can't interrupt the conversation kaya nakadistansya siyang tumayo. Nakikinig.

"Oo! Until now I am really mad at that girl! Ang kapal-kapal ng mukha! Hindi ko talaga makakalimutan yung pagmumukha niya! Inis na inis talaga ako kay Nate. Kung bakit niya pinagtatanggol yung babaeng hindi naman niya gusto!"

"Ciarra, ganyan ka'ming mga lalaki. We never expose our affection to the real person we really like the most." Sagot pa ni Vernon. Habang nakikinig naman ang ibang naroon.

"Sus! Playing safe naman kasi ya'ng kapatid niyo Carlo. Buti nalang at hindi ganyan si John."

Kakarating lang ni John sa salas may dalang tubig. "At bakit ako nasali sa usapan niyo? Oh, Thea halika maupo ka." At napansin siya nito. Nagsitinginan naman ang iilan sa kanya.

"You can sit beside me." Malumanay na wika ni Jed. Wala siyang magawa kundi paunlakan ang yaya ni Jed. At pagkaupo niya at tumabi rin sa kanya si Jed. No comment lang ang mga naroon.

"Thea, let me ask you a question?" Pormal na tanong ni John.

"How did he propose?" Tanong pa nito. Parang tinuklaw siya ng ahas sa tanong nito. Anong isasagot niya? Dahil ang totoo hindi naman talaga ito nagpropose sa kanya. Tila binalaukan ata siya kahit wala naman siyang kinakain.

"Do we really need to talk about how did I propose?" Biglang sabat ni Nathaniel na kararating lang galing sa paghatid ng kanyang ina.

She saw his face. Serious. No smile. No reaction just blank slightly mad she think.

"Of course! Tell us Nate." Pacute na ani pa ni Ciarra.

"All the girls wants to hear it, right?" At napatango lang ang mga babae.

"It was simple, the very simplest thing that I could ever imagine. Althea can we talk?" Seryosong saad nito.

"Thea... galit na si mokong." Kantiyaw pa ni Ciarra. Pasimple lang siyang ngumiti. Kung galit ito pwes hindi siya takot.

Tumayo siya't nakiraan. Napatingin lang ang lahat sa kanila. Pakiramdam niya parang may kakaiba talaga sa pagitan ng dalawang magkapatid.

"Ano bang pag-uusapan natin?"

"Guys, will excuse us for a bit." At hinawakan nito ang kamay niya.

"Okay lang Nate! Solong-solo mo naman si Thea!" Kantiyaw pa ni Jed. At nagtawanan ang mga ito.

"Saan mo ba ako dadalhin?" Mahinang tanong niya at pinipilit na tanggalin ang kamay nito. Subalit mahigpit ang pagkahawak ni Nathaniel.

Pumasok sila sa kwarto at pumasok. Sinara ng binata ang pinto.

"Ilang minuto lang akong nawala. Katabi mo na agad sina Jed at John. Hah! At pumagitna ka pa sa dalawa."

Wait a minute? Tama ba ang naririnig niya?

"Anong gusto mo'ng palabasin? Nagseselos ka sa pinsan at kapatid mo ganun?"

"Jealous? Ako magseselos sa kanila? Hell no!"

"Yun naman pala eh. So, wag kang umastang boyfriend kita. Dahil wala naman'g tayo. You can leave now."

"Paalisin mo ko sa sarili kong kwarto?" Nakapamaywang na ani nito.

Nagpanic ang isip niya. Pucha! Kwarto pala ito ng binata. Bakit hindi niya tinanong kanina! Tanga.

"Ahh kung ganoon aalis ako."

"Saan ka naman matutulog?"

"Sa guest room niyo."

"At gusto mo'ng maghinala sila sa'tin ganoon? Besides, the guestrooms are currently occupied. Ito lang ang bakante."

"Pano magiging bakante toh? Kuwarto mo nga toh?!"

"Good point, this is my room. You are my soon to be wife. Definitely we're sleeping in the same bed."

"Mister! Hindi pa tayo kinakasal. Wag kang mangarap dyan! Dito ka sa couch matutulog. Ano ka sinuswerte!" Aniya at lumapit sa kama't umupo.

"Okay fine. Sa couch na kung sa couch. They said happy life happy wife." Natatawang ani pa nito.

Umirap na lang siya rito at humiga sa kama. Padabog niyang kinuha ang kumot at nilapat sa kanyang sarili.

Gosh! She can't take it. They are in the same room. Ano nalang kung....

Napakurap siya at napapitlag. Ilang sandali lang yata siya napapikit. Bakit nawala lang itong bigla?.

"Nate?" Tawag niya rito. Subalit walang sumasagot.

Tuluyan siyang bumangon at lumakad patungo sa isa pang pintuan. Hindi naman masyadong madilim ang paligid dahil sa nagsisilbing liwanag ng dimlight.

Binuksan niya ang pinto. Closet pala iyon ng binata. Medyo may kalakihan rin na pwede mo'ng maging kwarto. Sinara niya ang pinto.

Lumapit siya sa isa pang pinto. Akmang bubuksan na niya ito. Nang biglang bumukas ang pintuan.

Nakita niya ang binata na tanging tuwalya lang ang saplot nito!

"Bakit ang tahi-tahimik mo?! Kanina pa ako tawag ng tawag ah!" Halos nauutal niyang sabi. Sabay iwas sa mala-adonis nitong katawan.

Bumalik siya sa kama at umupo. Kinalma ang sarili na hindi pinahahalata sa binata.

"Kailangan ba na mag-ingay ako? Isa pa I like the ambiance of silence." Ngumiti pa ito at kinindatan siya.

"Nakakainis ka talaga!" At tinapunan niya ito ng unan. Tumawa lang ang binata sabay pasok sa isang pinto.

She wrap her head with a blanket. Ayaw niyang makita ang pagmumukha ng binata.

"Bakit ba kasi sa dinami-nami ng mga mangyayari sa buhay ko! Bakit ito pa! Nakakainis talaga! Grrr.." aniya sa sarili.

"Why? Mapanghihinayang ba talaga ang lahat ng ito?" Seryosong saad pa ni Nate sa kanya.

Kinuha niya ang kumot na nakatakip sa kanyang mukha. Nakita niya itong nakaupo ito sa harapan niya. Seryoso ang mukha nito.

"Yes. Nakakahinayang talaga."

"Don't worry, pagbibigyan lang naman natin sila. Pagkatapos, pwede na tayong maghiwalay." Seryosong saad nito at tumayo't humiga na sa couch. Pinagmasdan niya ang binata ng ilang sandal bago natulog.

Ilang araw din ang nakalipas. Dumating na ang pinakahihintay ng lahat. Ang pag-iisang dibdib nina Nathaniel at Althea.

Engradeng kasal ang naging selebrasyon ng bagong ikinasal. Bago pa matapos ang seremonya.

"I pronouce you husband and wife. You may now kiss your bride." Ani ng pari.

Nagharap ang dalawa. That was a dream. Noong bata pa si Althea. Na balang araw maikasal. Ang saklap hindi siya mahal nito.

Kinuha na ng binata ang kanyang belo at iniangat. Dahan-dahang lumapit ang mukha ng binata kay Althea.

"Act normal." mahinang sambit ng binata... at sinunod niya iyon sa pagkakataong nasa gitna siya ng maraming tao.

Isang halik ang binigay sa kanya ng binata. Akala niya panandalian lang. Akala niya hindi niya ito tutugunin. Subalit nagkamali siya. Tumugon siya sa bawat lapat, bawat galaw ng labi ni Nate. Hanggang sa ito na mismo ang tumigil.

Hiyawan at tilian ang pumalibot sa kanila. Pansin ni Althea na napangiti pa ang binata. Pakiramdam niya tuloy naisahan na naman siya nito.

Pagkatapos ng kasal ay dumiretso ang lahat sa reception. May banda para sa bagong ikinakasal. At lahat nagkakasiyahan maliban sa kanya.

I am wearing this beautiful ang incredible gown. But the man who sit beside me. Wasn't really in love with me. Malungkot na sabi pa niya sa sarili.

"Congratulations!" Lumapit ang isang magandang babae sa table nila.

Napakunot-noo siyang pinagmasdan ang bawat kilos ng binata.

"God! Your here. Pa'no mo nalaman?" Ani pa ng binata sabay tayo at niyakap ang babae.

"I got the news from our batch. So, ayon nagbook ako ng flight para makauwi." Ani nitong mapang-akit ang boses.

"So who'se the lucky girl, Nate?" Baling nito sa kanya.

"Meet my wife. Althea. Thea this is my closefriend since childhood, Rei." Pakilala pa sa kanila..

"Nice meeting you Althea." Nasa boses nito ang pagkamalandi.

"Nice meeting you too. I'm glad you make it." Pasimpleng tinanggap niya ang kamay nito.

"Yeah. How could I miss Nate's wedding." Ani pa nito sabay haplos sa balikat ng binata.

"By the way, I won't be long. May aasikasuhin pa kasi ako. Dumaan lang talaga ako para kamustahin si Nate at ang napapangasawa niya." Ngumiti ito. Sa tuwing kaharap niya ang babae parang gusto na niyang magwalk-out.

"Congrats again." sabay halik sa pisngi ni Nate. Pagkatapos ay lumapit ito sa kanya at pasimpleng yumakap at bumulong.

"Your so damn lucky. Dahil alam kung pinikot mo lang si Nate. The truth is, ako dapat ang nasa pwesto mo ngayon." Saad nito at plastic na ngumiti. Sabay layo pa nito sakanya.

"Sige Nate. I have to go. Bye."

"Thanks for coming Rei. Take care." Anito. Nauna siyang umupo. Pakiramdam niya tuloy magiging mahirap nga para sa kanya ang pinasukan niya.

"Ano ba'tong pinasukan ko." Sambit niya...

"Anong sabi mo?" Tanong ng binata.

"Sabi ko wala..." at hindi na siya kumibo pa.....

* * * *

#a/n

Sorry for the delayed guys... Sana kahit papano magustuhan niyo ang update nato.. lovelots..

#annasanderx 💖💖💖

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro