Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 6

"Anong sabi mo miss, pakiklaro nga?" tanong niya rito.

"Sabi ko po, tapos na po'ng nabayaran yung utang niyo sa bangko."

"Pero sinong bumayad? Pwede bang malaman ang pangalan?"

"Hindi po namin naitanong ma'am eh. Ang sabi lang niya ay napag-utusan raw siya ni Mrs. Almonte. Ito nga po ang resibo sa binayad ma'am."

"Bakit hindi niya kinuha?" tanong niya rito.

"Nakalimutan ko kasing ibigay sa kanya ang recibo ma'am. Mabuti nga po binalikan niyo ma'am." sabay bigay ng recibo sa kanya.

"Salamat ha." Umalis na siya sa bangko. Nagtataka talaga siya kung sino ang taong magbabayad ng ganoong halaga.

"Ang importante, tapos na ang problema ni mama." aniya ng nasa labas na siya ng bangko.

"Ibabalik ko na lang itong pera kay Tita Lara. Pero, ano naman ang sasabihin ko?" aniya habang nag-iisip ng dahilan.

"Ibibigay ko nalang ito kay mama." bumalik siya sa kanilang bahay. Para ipaalam rito ang nangyari.

"Ma, andito na po ako." aniya ng makapasok ng tuluyan sa sala.

"Kumusta anak? Nabayaran mo na ba ang bangko?"

"Wala po ma eh, nahuli na po ako ng dating kasi may nagbayad na raw po sa utang natin. May pinagsabihan ka bang ibang tao ma?"

"Ano!? Sino naman ang magbabayad nun. Maliban kay Tita Lara mo, wala na akong pinagsabihan." ani ng kanyang ina na nagtataka rin.

"Ganoon po ba, marahil ay may naawa po sa atin ma. Pero paano nalang itong perang hiniram natin ma?"

"Ibabalik natin yan sa mga Montebello anak." Maagap na wika ng kanyang ina.

Tumango lamang siya't umakyat muna sa kanyang kwarto. Pabagsak siyang napahiga sa kanyang kama. At humugot ng malalim na hininga.

No wonder, they still have a strong connection. Which she can't denied. Habang inaasar at binubully kasi siya ni Nathaniel. There's apart of him a bit angry and happy.

Dahil kahit paano naalala parin siya nito. It's been a long years of hoping.

"Umaasa ako noon na makita kang muli. At ngayon narito ka. Parang gusto kong lumayo palayo sayo." Bulong niya sa sarili at dahan-dahang napapikit.

Hindi niya namalayan ang oras dahil sa mahimbing ng kanyang pagtulog. Ilang katok ng pinto nalang ang kanyang namulatan.

Napahikab siya't napaunat ng dalawang kamay pa itaas. "Sandali lang ma."

Malupaypay pa siyang lumapit sa pinto at pinihit ang doorknob.

"Bakit ma?"

"Anak, tumawag kanina lang ang mama ni Nathaniel. Pinapaalala niyang alas sais magsisimula ang piging."

"Po?! Eh mag-aalas sais na ma!" Bulaslas niya.

"Kaya nga kanina pa kita kinakatok. Siguro nga napagod ka sa biyahe. Ano? Pupunta ka parin ba?"

"Yes ma. It's better to be late than never ika nga." Ngumiti nalang siya at dumiretso sa banyo para maligo.

"I don't want to be excited. Because in the end it will ruin my day. But I can't deny it that I am happy." Aniya habang malayang binabasa ng tubig ang kanyang katawan mula sa shower.

Ilang buntong-hininga ang pinakawala. Hanggang sa natapos na siyang maligo. Humarap siya sa salamin. Nakita niya ang kanyang sarili. Nang may bumulong.

"Are you in love with her? You can't deny it with me. I can see it in your eyes, Nate! Your in love with Althea! sumbat ng dalagita sa binatilyo.

"How can you say that? Rie if there's a person in this world is much more than important to me. It is only you."

Parang may punyal ang biglang tumusok sa kanyang puso. That time it was an accident that she heard their conversation. Nasa cr kasi siya ng mga oras na iyon. Nakita niya ang anino sa labas mula sa pintuan. Hindi niya magawang buksan ang pinto. Kaya nakatayo lang siya.

Tila ba'y naestatwa siya ng marinig ang pangalan ng binatilyo.

"I'll promise you that I will never fall for that tramp. Did you see here? How she acts right. I will never leave you nor replace you. Remember that, okay."

"Okay." Humupa din ang iyak ng dalagita. Sa assurance na binigay rito ni Nate. At ngayon, kahit na ilang taon na ang lumipas. Naaalala parin niya ang mga katagang sinabi ng binata. Damang-dama parin niya ang hapdi, ang kirot ng kanyang puso.

Nanlulumo siyang tumingin sa kanyang sarili sa salamin. "No! You can't do this right now! No! Nadala ka na sa mga sinabi niya noon, Thea! Maging manhid ka! Naiintindihan mo!" Matigas na sermon niya sa sarili.

Kinalma niya ang sarili at tinuyo ang buhok gamit ang isa pang tuwalya. Paglabas niya sa banyo nakita niya ang paper bag na bigay sa kanya ng ina ni Nathaniel.

Pagbukas niya nito ay isang napaka-eleganteng cocktail dress ang nakita niya. It was a black lace longsleeve dress. Kitang-kita ang ang ibang parte ng kanyang pang-itaas. Maliban sa kanyang dibdib.

She looks like a goddess. Coz the taste of Nate's mother is impeccable. Marahil likas na nga sa mga mayayaman ang ganoon lalong-lalo na't kapag pananamit ang pag-uusapan.

She fix her hair, na naaayon sa desinyo ng kanyang damit. Habang nilalagyan ng hikaw ang kanyang tenga. Narinig niya ang kanyang ina na tumatawag.

"Anak matagal ka pa ba?" anito.

"Nariyan na po ma." sagot niya habang sinusuot ang kanyang heels. Lahat yata ng kanyang sinuot para sa party ngayong gabi ay bagay na bagay sa kanya. Sa pagiging maganda niya ay mas lalong lumimitaw ang kanyang pagiging pagkababae. She's exquisite and gorgeous lady.

Palabas na siya ng kanyang kuwarto at nakita niya ang kanyang ina nakatingala sa kanya.

"Wow anak, ang ganda-ganda mo." masiyang anito.

"Mana ako sayo eh." natutuwang sagot niya habang pababa ng hagdan.

"Sige na anak, naghihintay na sayo ang sundo mo. Tiyak na pinasundo ka ni Lara rito."

"Sige ma. Mauna na po ako."

"Mag-iingat ka at mag-enjoy okay? Tsaka, pakibigay nalang ulit nito sa kanya anak." inabot nito sa kanya ang isang sobre. Sinilip niya ito at pinasok niya sa kanyang hand bag.

"Sige ma." hinalikan niya ang ina sa pisngi.

Paglabas niya ng bahay naroon na ang isang sasakyan sa labas ng gate nakaabang sa kanya. Nagmamadali siyang kumilos palabas ng kanilang gate.

Isang lalaki ang lumabas sa driver's seat. Pormal ang pananamit nito at hindi niya masyadong maaninag ang mukha nito. Sa halip na pagbubukas siya nito ay siya na mismo ang nagbukas ng pinto at sumakay sa likod.

Nakita niyang umiling ang lalaki at hindi nagsalita ng pumasok ito sa kotse.

"Ano ba ito para bang naasiwa ako sa kinauupuan ko." lihim niyang sabi sa sarili.

Palihim niyang tiningnan ang salamin sa harap. Seryoso naman ang hitsura nito.

"May itsura naman, guwapo pero parang delikado. Isa ba talaga siyang driver? O napag-utusan lang." dagdag pa niya.

"Uhmm... Manong, pasensya na kung naabala pa kita sa pagsundo sakin." lakas loob niyang sabi.

Sa halip na sumagot ito. Ay tiningnan lamang siya nito sa front mirror na para bang ang sama-sama na niyang tao.

Sa ilang sandali ay dumating na sila sa mansyon ng mga Montebello. Lahat yata ng nasa lugar nila ay imbitado. Marami ang nakaparada sa malawak na lupang kanyang nilakad noong araw na pumunta siya para kunin ang pera.

"Pwede ka ng bumaba." pormal na saad nito ng naparada na ang sasakyan. Sa wakas nagsalita rin si Pepe.

"Salamat ha." tumango lang ito at saka na siya bumaba ng kotse.

Marami nga talagang bisita ang mga Montebello. Tiyak lahat ng mayayaman sa lugar nila ay imbitado. Nakita niya ang mayor at gobernor. Na nakikipag-usap sa ina ni Nathaniel.

Papasok pa lang siya sa hardin, kaagad siyang napansin ng ina ni Nathaniel. Kumaway ito papalapit sa kanya.

"Hija! You look magnificent. I'm glad that I pick that dress for you," Natutuwang puri nito sa kanya.

"Salamat po Tita. Maayos ka bang pinagmaneho ni John?"

"Okay naman po Tita."

"Good. Sige hija, just don't be shy okay. Pupuntahan ko muna ang ibang bisita." nakangiting wika nito. "Okay po Tita."

Napaangat siya ng tingin at nagmasid kung saan siya pwedeng maupo. Nang makakita ng bakanteng mesa ay kaagad siyang umupo roon. Kinuha niya ang kanyang cellphone at kuha siya ng isang litrato sa sarili.

"I bet your even prettier if you take stolen photos." sambit ng lalaki sa kanyang harapan.

"Ha?" inangat niya ang kanyang mukha. "Anong sabi mo?"

"It's much better if you take some stolen photos. Same as this." ani nito sabay harap ng cellphone nito sa kanya.

Nakita niya ang kanyang sarili roon habang kumukuha siya ng selfie. Matalim niya itong tiningnan.

"Pinicturan mo ko ganoon?" mataray niyang tugon.

"Oo bakit may problema ba doon? Besides, you didn't say sorry."

"Sorry? For what?" Kunot-noong aniya.

"For calling me Manong. Don't worry kinalimutan ko na yun."

"Don't tell me your not a driver---"

"Bro, andito ka na pala. I thought your not coming." sabay akbay ni Nathaniel sa lalaking kausap ni Thea.

"Magkapatid ba sila? O baka kaibigan lang." mahinang aniya.

"Magagawa ko ba yun? Tayong dalawa nalang naman ang naiiwang bachelor sa pamilya natin."

Tila ba naging out of place siya ng mga oras na yun. Parang gusto na niyang matunaw ng dahil sa dalawa. Lalo pa't tinawag niyang manong ang kapatid ni Nathaniel.

"So, you met Althea." baling sa kanya ni Nathaniel.

"Hmm.." kimi siyang ngumiti.

"Yeah, infact ang ingay nga niya ng pinagmaneho ko siya papunta rito."

"You drove her here?" pagklaro ni Nathaniel.

"Yes. Mom asked it. So, I don't have any choice."

"Sandali lang, makikisingit ako ha. Pasensya na kung na-offend kita kanina. Pero hindi ako maingay. Nakakabingi lang talaga ang tahi-tahimik." nakatayong sambit niya.

Napatingin sa kanya ang dalawang binata. Yes, she admit it... She's stunning and gorgeous.

"Your so stunning." sambit pa ni John.

"John, Thea's has a secret admirer. Baka magalit yun sayo." saad pa ni Nathaniel.

"By the way, John hinahanap ka ni Papa."

"Okay. By the way, Thea nice meeting you. And thank you for the gift." nakangiting sabi pa nito. Napangunot noong nakatingin sa kanya si Nathaniel. Inirapan lang niya ito at umupo.

"Oh? Bakit dito ka uupo?"

"Sa gusto kong maupo rito. Bakit may problema ka?" sarkastikong anito sa kanya.

"Alam mo, sa halip na mag-enjoy ako sa party na ito. Nagsisimula lang masira ang araw ko ng dahil sayo at sa kapatid mo."

"Oh really? Nakakasira ba talaga? O nagugustuhan mo rin ang karisma niya."

"H-a? Anong sinasabi mo?"

"Ang sabi ko, paayaw-ayaw ka pa eh, gustong-gusto mo naman'g akitin ka ng lalaki." pang-iinsulto nito sa kanya. Ano bang nakain nito kahit kapatid niya ang init ng dugo.

humugot siya ng hangin at tumayo. "You know what I don't need this party. I have to go. Pakisabi nalang sa mama mo na salamat sa pag-imbita at sa damit." tumayo siya't tinalikuran ang binata ng walang pasabi.

Nagulat na lang siya ng hinila siya nitong bigla. "Bitawan mo nga ko!" nagpupumiglas niyang sabi subalit hindi parin siya nito binibitawan. Tahimik lang itong naglakad habang hawak ang kamay niya.

"Nathaniel, pwede ba! Saan mo ko dadalhin!?" Sa likod ng bahay sila dumaan at umakyat sa hagdan. nang makapasok na sila ng mansyon ay binuksan nito ang isang pinto at pumasok sila roon.

"Hoy! Bakit dito mo ko dinala?!" sinapak niya ang balikat ng binata dahil hindi ito nagsasalita. Nang mapasok sila sa kwartong ito.

"Will you stop hitting on me." baritonong sabi nito.

"Stop?! Bakit mo ba kasi ako dinala rito?"

"Bakit? Kung hindi kita dinala rito? Saan ka naman pupunta? Makikipag-usap ka na naman sa kahit na sinong lalaki dyan? Yun ba ang gusto mo? Nagmamagandang loob na nga--"

"Nagmamagandang loob ba ang tawag mo rito?! Daig mo pa ang isang kidnapper Nathaniel. Don't tell me." natikop niya ang kanyang bibig.

"Tell you what?"

"May lahi kang manyakis! Tulong! Tulungan niyo ko!" nagsisigaw siya sa harap ng binata. Wala siyang pakialam kung pinagtatawanan siya nito o ano ba. Pilit niyang buksan ang bintana subalit sirado ang mga ito.

"Kahit anong gawin mo'ng pagsigaw diyan. Walang makakarinig sayo."

"Wala ka talagang hiya! Kahit kailan kung hindi pang-aasar ang gawin mo. Pinapahirapan mo ko! Ano bang kasalanan ko sa'yo huh?!" napaupo si Althea sa isang kama at umiiyak,

"Ano bang kasalanan ko sa'yo Nate? Bakit mo ako ginaganito? HIndi ko lang talaga maintindahan." naiiyak niyang sabi na nakatakip ang mukha.

"I'm sorry. Nagbibiro lang naman ako eh. HIndi ko naman alam na totohanin mo pala."

"Gago ka naman pala eh! Anong gusto mo matuwa ako sayo ganon?! Kung gusto mong magbiro, Pwes, magbiro kang mag-isa mo." matigas niyang sabi at dumiretsong lumakad sa pintuan at pinihit ang pinto.

Hindi nakapagsalita ang binata sa sinabi niya.

"Teka, ba't ayaw bumukas."

☆☆☆☆☆


Please comment if nagustuhan niyo po ba ang update na ito. Please vote also... lovelots... :-)

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro