Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 5

"Iimpaki mo nalang muna ang mga gamit mo sa taas anak. Baka kasi naghihintay na si Mrs. Montebello."

"Yes ma." Tanging sagot niya.

No doubt about this kind of feeling. Ngayong gipit na gipit na sila. "

"Bakit sa lahat-lahat ng tao sa mundo Montebello pa ang naiisipan ni mama." She murmured while walking up stairs.

"I know their are some of our relatives are willing, right?" Napaisip siya sa kanyang sinabi.

Pinihit niya ang pinto. To her surprise nothings change. Walang binago ang kanyang ina. Kung ano ang itsura ng kwarto niya iyon para ito ngayon.

She's touched. Her mother did everything to maintain this house. Her very own memory of her late father.

She take a deep breath. And not be emotional. She don't need it anyways. She had to be brave and face all those trials in her life.

"I know everything will be fine." Pinasa-Diyos niyang sabi.

Pagkatapos niyang inayos ang kanyang mga gamit. Nabihis siya ng damit. She wear a white knitted blouse and a faded jeans with sneakers. Yes. Sneakers.

Ganyan siya kung manamit kapag nasa probinsiya. Ganoon naman kasi siya ka down to earth. Kahit noon pa man, hindi siya pinalaking malaki ang kanyang ulo. Kung anong meron niya, yun na yun. Kung may mga gusto man siya kailangan niya munang paghirapan. Kaya naman hindi niya ginagasta ang lahat ng kanyang baon. Palagi siyang may tinatabi para ihulog sa kanyang alkansya.

Masinop, mabait, at maunawaing bata si Althea. Ganyan ang ugaling alam ng lahat lalo na ang mga taong nakapaligid sa kanya. Papaalis na siya sa kanilang bahay.

Pumara siya ng traysikle, yun lang kasi ang tanging pampublikong transportasyon sa lugar nila. Maliban nalang kung may sarili kang sasakyan.

"Saan po ang punta niyo ma'am?" tanong ng drayber.

"Sa Rancho De Montebello." tumango ito at pinaandar na ang makina. Medyo mainit ang panahon ng mga oras na yaon. Hindi naman siya gaanong naiinitan dahil may hangin naman. Kahit papano gumagaan ang pakiramdaman niya.

Malayo-layo din pala ang lugar ng mga Montebello. May kalakihan narin ang mga ari-arian ng mga ito at kabilang na ang lupain nila. Tila ba pinipiga ang kanyang puso sa pag-iisip na uunti nalang ang kanilang yaman.

"Malaki na pala ang pinagyabong ng mga lupain ng mga Montebello." usal niya.

"Oho, kaya nga siguro walang sawa ang biyaya sa kanila. Dahil halos lahat dito sa San Rafael. Sa kanila humihingi ng tulong."

Napalunok siya sa sinabi nito.

"Hihingi rin ka rin ba ng tulong sa kanila hija?" usisa ng matandang drayber.

"Ano ba naman kayo manong. Hindi ba pwedeng bumisita lang muna." aniyang may kalakip na tawa.

"Oo nga naman."

"Ano ba naman itong si manong napakatsismoso."sabi niya sa kanyang sarili. Kunsabagay totoo din naman.

Mahaba-haba rin naman ng konti ang biyahe. Hanggang sa pumarada ito sa labas ng malaking gate. Inabot niya ang bayad at bumaba.

Magdodoorbell na sana siya. Subalit may dumaan namang tao mula sa loob.

"Manong, pwede po bang magtanong?"

"Ano yun ineng?"

"Nariyan po ba si Ma'am Lara?"

"Andito naman, pasok ka muna." at pinatuloy siya nito. Kahit na sa mansyon ng mga ito. Ay malawak parin ang lugar bago makapasok sa mismong bahay.

Diretso siyang lumakad patungong masyon. Nang malapit na siya sa mismong bahay. Isang malakas na tahol ng aso ang kanyang narinig. Pagkalingon niya mula sa likuran ay mabilis na ang takbo nito patungo sa kinatatayuan niya.

Akmang tatalon na ang aso sa kanya. "Ahhhh!" napapikit niyang tili.

"Bruno! Enough!" baritonong boses ng isang lalaki. Halos mangatog ang kanyang tuhod sa takot. Tila ba nilamon siya ng lupa sa takot at gusto niyang mahimatay.

Pagmulat niya ng kanyang mga mata ay siyang paglapit ng aso nito sa amo. Para bang nagkakarera ang kanyang paghinga. Para maiwasto ang sariling kalagayan.

"You're okay now." the sound of his voice was clear but she felt like she's being tease. Bumuga siya ng malalim na hininga bago siya humarap sa nagsasalita.

Napakurap siya ng makita ang lalaking nasa kanyang harapan. Guwapo ito, matipuno ang pangangatawan, at mas lalong naging ma-appeal. Gusto niyang matumbok ang kanyang hinala. Dahil may resemblance ang itsura nito.

"Althea? Is that you?" halos hindi makapaniwalang sambit ng binata.

"U-uhm.. Oo, kilala ba kita?" tinaas niya ito ng kilay. Humalakhak ito sa harap niya.

"Grabe, hindi ka parin nagbago. Suplada ka parin. Kaya siguro walang nagkakagusto sa'yo."

"Excuse me! Ikaw kahit kailan hambog ka parin."

They we're look like cats and dogs. They've always like this. When they see each other.

"In fairness, you look different." isang mapaklang tawa ang pinakawala nito.

"Nate, kung wala ka man lang magawa sa buhay. Pwede ba wala ako sa mood makipag-usap sayo. HIndi ikaw ang kailangan ko."

"Ahh... Oo nga pala ano, andito ka para kunin ang perang hihiramin niyo." para siyang binuhusan ng malamig na tubig sa sinabi nito.

Ano pa nga ba? Anak siya ng mga Montebello. Syempre, alam niya ang tungkol doon.

Matalim siyang tumitig dito. "Oh.. ba't ganyan ka makatingin? Ngayon ka lang ba nakakita ng gwapong katulad ko?" sabay tawa nitong nakakarinde.

"Yuck! In your dreams! Ikaw lang ang nakakaappreciate sa sarili mong itsura. Ang totoo ang pangit mo. Dahil ang pangit ng ugali mo!"

"Nathaniel.... Nariyan na ba si----" Nagulat ang ina ng binata ng siya ang makita.

"Althea ikaw ba yan hija?"

"Opo Tita Lara. Ako nga po. Pasensya hindi po nakapunta si mama kaya ako nalang po ang pumunta."

"Okay lang yun hija. So, nagkita na pala kayo ni Nathaniel. Inaaway mo parin ba si Althea? Nate! Tandaan mo hindi na kayo mga bata."

"Ma naman! Ano bang pinagsasabi mo dyan. In fact, winuwelcome ko nga siya ma." sabay akbay nito sa kanya.

"Diba Thea?" sambit pa nito sabay kindat.

"A-ahh.. Opo tita. Parang naging mabait naman po si Nate." hilaw niyang sabi na napipilitan lang. At kinurot niya ang tagiliran nito sa sobrang inis.

"Aahh! Kinagat ako ng langgam." napaigtad ito sa kirot.

"Mabuti naman, anyways hijo tawag ka ng papa mo. May iuutos raw siya sa'yo. Thea, halika na hija pasok ka sa study room ka na dumiretso ha."

"Opo tita." tumalikod na ang ina ni Nathaniel at siyang mabilis na pagkahiwalay ng dalawa.

"You have to pay for this. Ang sakit kung alam mo lang."

"Sakit? Kulang pa nga yan gusto mo dagdagan ko pa yan!" sabay taas niya ng kamao.

"Thea pangit kahit kailan." sabi nito at humarurot na tumakbo papalayo sa kanya.

"Bwisit ka talaga Nathaniel Montebello.!" nanggigilaiti niyang sabi sa sobrang pagkainis.

At tuluyan siyang pumasok sa mansyon. At hinintay ang ina ni Nathaniel sa study room.

"Hija, okay ka lang bang talaga?"

Medyo napapitlag siya ng biglang nagsalita ang ina ng binata. Napahawak tuloy siya sa kanyang dibdib.

"Oh gosh.. A-ah okay naman po ako." Napaupo siya ng maayos kasi habang wala pa ang ginang. Napatingin-tingin kasi siya sa mga picture frames na nakadisplay sa shelves.

"Mabuti naman at hindi ka na inaasar ni Nate."

"O-Oo nga po." But at the back of her mind. "Kung alam mo lang tita."

Inabot nito ang isang sobre. Alam niya kung ano ang laman niyon.

"Hija, pasensya siya kana kung yan lang ang mapapahiram ko sa mama mo." Ani pa nito.

"Nako po, ako nga po ang dapat humingi ng pasensya. Wag po kayong mag-alala babayaran ko po kayo sa lalong madaling panahon."

"Hay naku hija, hindi naman ako nagmamadali sa bayad. Ang mahalaga may naitulong ako sa mama mo. Mamaya mo na isipin yung pambayad okay?" Ngumiti ito sa kanya.

"Salamat po tita." Mga ilang minutong nakalipas matapos ang kanilang munting pag-uusap ay nakapagdesisyon na siyang umuwi.

Hindi pa siya nakaalis sa mismong mansyon ay sinulubong siya ng malapilyong ngiti ni Nathaniel.

"Anong ningiti-ngiti mo diyan?" Wari niya.

"Just curious, mas lalo kang blooming ngayon? Dahil ba sa mababawasan na ang problema niyo?" Sarkastikong ani nito.

"Anong paki mo? Wala ka na ba talagang magawa sa buhay mo? Kundi ang mambwisit ng tao?"

Mapakla itong tumawa na nakapamaywang pa.

"Bakit nga ba? Ah.. I know now. It's just been awhile since I saw your funny face when your mad. Look? Earlier your so blooming and now you look ugly." Binubully na naman siya nito. She clenched her jaw standing infront of this crazy guy.

"How do you look at yourself, five?"
Sagot niya rito.

Tumikhim ito at rumihestro ang seryosong pagmumukha ng binata.

"No, but when I see you right now. I just remember how funny you are since we're young."

"Oh. Really? Too bad for you coz you remembered." Bahagya niyang nilapitan ang mukha nito.

"I have an advice for you. You must move on, because I already move on." Sabay tapik niya sa balikat nito at tumalikod pagkuwa'y lumakad papalayo sa binata.

Kahit malayo-layo ang kanyang nilakad para bang ang bilis niyang nakarating sa malaking gate.

"Ma'am aalis na ho kayo?" anang ng isang hardinero na nagdidilig ng mga halaman sa pasilyo.

"Opo manong. Salamat ho." paalam niya rito. Nakalabas na siya sa mismong gate at hindi pa gaanong nakakalayo. Tinawag siya nito.

"Ma'am!" sigaw nito at patakbong lumapit sa kanya.

Kunot noong napalingon siya rito. "May problema yata." usal niya.

"Manong ano pong nangyari?"

"Ma'am pasensya na po. Pinapabalik ho kasi kayo ni Sir Nathaniel."

Lumaki ang kanyang mga mata sa gulat. Bakit siya pinapabalik? Para saan pa? "Bakit raw ho?"

"Hindi nga po sinabi ma'am. Ni-radyo lang ho kasi ng kasama ko sa loob na pinapabalik po kayo."

"Ganoon ho ba." bumalik silang dalawa papasok sa loob. "Tamang-tama ma'am may kabayo. Sumakay nalang po kayo."

"Huwag na ho manong. Maglalakad nalang po ako." pagtanggi niya.

"Naaawa kasi ako sa inyo ma'am pabalik-balik kayo."

"Kasalanan kasi toh ng magaling mo'ng amo." she murmered.

"May sinasabi po kayo ma'am?" sambit ng hardinero.

"A-ah wala po." napakagat niya ang pang-ibaba niyang labi sa hiya.

"Sakay na po kayo ma'am." iginaya naman siya nito para makasakay sa kabayo.

Habang nakasakay siya sa kabayo. Pakiramdam niya gusto na niyang bumababa at tumakbo papalayo sa bahay na ito.

Wag lang makita ang pagmumukha ni Nathaniel! And here she is, seeing him again for the second. No for the third time around.

Nang marating na nila ang harapan ng mansyon naroon ang binata nakatayo sa hagdan. Tila ba may hinihintay na kung ano.

"Manong bakit mo siya pinasakay sa kabayo? Sinabi ko ba'ng sasakay siya ng kabayo? Ang sabi ko papabalikin siya sa bahay hindi ba?" Baritonong sabi nito.

"Shit." sambit niya sa kanyang isipan.

"E-eh sabi ho kasi ni Manuel. Sinabi niyo na---"

"Wala akong sinabi kay Manuel. Ano ba naman kayo? Hindi kasi kayo nakikinig ng simpleng utos Manong." Reklamo pa ni Nathaniel rito.

"Pasensya na po sir." napakamot nalang ng ulo ang matanda at tinulungan siyang makababa sa kabayo.

"Sa susunod makinig naman kayo ng mabuti." paalala pa ng binata. Althea saw everything. Nate has no heart. Even for a single man nor woman like her.

Nakatayo lang siyang nakatingala sa binatang nakasandal sa haligi ng bahay.

"Are you gonna stand there or what?"

"Bakit mo pa kasi ako pinapabalik?" mataray niyang tanong rito.

"Hindi ako ay may gusto si mama. Infact, I just want you to get lost. Ano ba naman kasi to'ng si mama parang ngayon ng nakakita ng tao."

Alam niyang lahat ng mga sinabi nito ay nakakasakit na. Yes. And she definitely felt it. Like she was stabbed pointing directly into her heart.

"Hija, pasensya na talaga ha. Pasok ka muna. May nakalimutan akong ibigay sa mama mo." ani pa ng ina nito. Umakyat siya't bago pa siya nakapasok ng tuluyan ay inirapan niya ang binata. And she snob at him. Hindi ito nakapagsalita dahil naroon ang ina nito.

Nasa salas sila ng mga oras na iyon. May nakita siyang dalawang paper bags sa sofa. Batid niyang mamahalin ito dahil sa brand na nakatatak.

"Hija, para sa mama mo ang isang ito." sabay abot sa kanya ng unang paper bag. "Ito naman ay para sayo."

"Tita, hindi niyo naman po kailangang magbigay pa ng gamit. Malaki na po yung natulong niyo sa'min."

"Of course..." biglang sabat pa ni Nathaniel na nakatayo lang habang masisinang nakatingin sa kanila.

"Hijo! Nathaniel pasok ka na doon." saway pa ng ina.

"Pero hindi ko po matatanggap ang mga ito." aniya.

"Bakit naman? Thea, magtatampo ako sa'yo sige ka." nako ang matanda marunong pang manakot. May pinagmahan nga ang binata.

Ngumiti nalang siya sa sinabi nito. "Sige po. Salamat po rito Tita ha."

"Your welcome hija and before I forgot, bukas may party dito sa bahay. Imbitado ka ha. Pwede mo'ng dalhin ang mama mo para hindi ka naman ma-bored rito."

"Po? Pero po may lakad po kasi ako bukas." pagsisinungaling niya.

"Thea, please come I won't take no for answer." she smiled at her.

"Okay po. Maraming salamat po ulit." at nagpaalam na siya rito.

Bitbit ang dalawang paper bag na bigay sa kanya habang naglakad papalabas sa lugar ng Montebello.

"Kung pupwede lang na sabunutan ko ang buhok mo Nate. Para makabawi ako sa mga pinanggagagawa mo sakin ay ginawa ko na kanina pa. Pasalamat ka may respeto ako sa mama mo." she murmured.

Sa wakas nakalabas na siya sa malaking gate at ilang minuto ay sumakay siya ng traysikle pauwi.

Tahimik lang siya, hanggang sa makauwi siya sa bahay nila. Pagpasok niya sa loob nakita niya ang kanyang ina na nagtatahi.

Ito parin pala ang naging libangan nito hanggang ngayon. Lalo na kung walang ginagawa. Sumagi sa kanyang isipan ang damit niya nuon na nabuhusan ng malamig na juice.

Lumapit siya sa kanyang ina at yumakap mula sa likod nito.

"Narito ka na pala. Kumusta ang lakad mo sa mga Montebello?"

"Okay naman po, ito po ang perang pinahiram ni Tita Lara." sabay abot niya ng sobre rito.

"Salamat naman sa Diyos. Bayaran mo na ngayon ang bangko anak habang may oras pa."

"Sige ma, siya nga pala bigay po sa'tin ni Tita Lara." dagdag niya sabay lapag ng dalawang paper bags sa sofa.

"Ang bait talaga ni Lara kahit kailan."

"Sige ma, alis mo na ako."

"Sige anak mag-iingat ka." Ani ng kanyang ina.

Paalis na siya at pumunta sa bangko. Habang papasok siya sa mismong bangko ay may nakabangga siya....

"Watch it!"

Magsasalita pa sana siya subalit nagmamadali itong umalis.....

Pagpasok niya sa loob ng banko ay lumapit siya sa isang teller roon.

"Ma'am babayaran ko na po yung bahay ng mag-asawang Almonte."

"Sandali lang po ha. Itse-check ko muna."

Sa laking gulat niya ay ibang impormasyon ang bumulantang sa kanya..........

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro