Kabanata 4
Her mother loss its balance....
"Ma, okay ka lang?" Tanong niya dahan-dahan naman itong dumilat at nagsalita.
"Nakita ko ang papa mo Thea."
"Ma naman..."
"Rebecca, magpahinga ka na muna sa kotse." Sabi ng kanyang tito Raul. Inalalayan ng Tita Rowella niya ang kanyang ina. Para makapagpahinga sa kotse.
Samantalang may matang nakatingin sa malayo. Nag-aalala ang mga matang ipinupukol ng binatilyo sa lugar kong saan siya nakatayo. Gusto niya man'g tulungan at aluin ang dalagita. Ngunit madami ang makakakita.
"How I wish, I am right--"
"Nate! Ano bang ginagawa mo dyan?" tanong pa ng kanyang pinsan na si Jed.
"Wala. Are we leaving?" he asked.
"Precisely. Yes, kanina ka pa kasi hinahanap. "
"Let's go." aniyang nanghihinayang napalingon sa kinaroroonan ng dalagita.
"Have you even been in loved, Bro?" biglang tanong ni Jed sa kanya pawari,
"H-a? Why you'd ask me that? Are you?"
"Me! Of course not! Not in a single chance." sagot ni Jed na parang nandidiri sa salitang pag-ibig.
"Bakit ayaw mo bang maranasan ang ma-inlove kahit na puppy love lang?" tanong niyang tila interesado sa pinag-uusapan.
"Hindi pa ako handa sa mga pag-i pag-ibig na yan bro. Isa pa, narinig ko sa mga barkada ko. Na masarap ang magmahal sa umpisa. Pero kapag tumatagal nakakawalang-gana na."
"That's absurb. Really?" kunot-noong ani na hindi makapaniwala.
"Really. Kaya nga siguro ayaw ko munang ma-involve sa ganyang bagay. And you know me bro, choosy akong tao. Hindi ako pumapatol ng basta-basta sa mga babaeng nakilala lang. "
"You have some point." aniyang pag-sang-ayon sa pinsan. Pero iba siya. Hindi siya katulad ng ilan sa kanyang mga pinsan na ganun ang pananaw sa pag-ibig.
Love can be harsh, rough or even painful. But love can be also colorful, wonderful and powerful. Without love he didn't exist.
"Nandyan na pala kayo. Aalis na tayo. Jed nauna na ang mama, sa amin ka nalang makisabay."
"Sige po Tita Lara." halos magkasabay lang silang pumasok sa kotse nila. Hindi parin mawala sa kanyang isipan ang pag-aalala kay Althea.
Though he knows that it is not easy to lose someone you love. Most especially it is your father. Alam niyang masakit iyon at mahirap para kay Althea. Gusto niyang tulungan si Thea. Pero ayaw niyang mabansagan ng kanyang mga kaklase.
Kaya pag-uwi nila sa bahay mabilis siyang umakyat sa bahay...
Kinabukasan balisa parin si Althea sa mga pangyayari. Malungkot siyang pumasok sa classroom nila.
"Thea, kumusta ka na?" Tanong ni Rosell.
"Hindi ko alam." Kaagad siyang niyakap ng kaibigan at bahagya siyang napaluha.
"Kaya mo yan. Andito lang ako. Ikaw pa! Fighter ka kaya." Talagang tsinecheer up siya ng kanyang kaibigan.
"Ang mahalaga kasama na ng papa mo si God." Ngumiti ito sa kanya.
"Salamat Sell ha. Isa kang matalik na kaibigan."
Nang mga sandaling iyon hindi naman gaanong mahirap para kay Thea ang mga quizzes nila. Kahit na pumanaw na ang ama. Hindi parin niya pinapabayaan ang pag-aaral.
Malungkot man basta ang nasa isip niya ay magkasama na sila ng Diyos.
Kagagaling lang niya ng comfort room. To her surprise she found a one set of ferrero rocher. Hugis puso yung desinyo.
Nagtataka siya, subalit nagbigay iyon sa kanya ng ngiti na hindi niya mawari.
"Sino kaya ang nagbigay ne'to?"
"Oy. Ferrero sinong nagbigay?" Tanong ng kaklase niya.
"Di ko nga rin alam eh." Kibit balikat niyang sabi.
"Pahingi naman." Binigyan niya ito ng isang piraso.
"Buti ka pa Thea may secret admirer ka. Kami wala. Nganga." Ani nito kapagkuwan.
"Over ka naman. Baka kay Rosell ito."
"Ayan na pala si Rosell."
"Galing ba sa'yo yung chocolate Sell?"
Tanong niya.
"Anong chocolate? Kakadating ko nga lang."
"Ganoon ba?"
"Bakit meron bang chocolate?"ani ni Rosell.
"Oo eto, gusto mo?" Binigyan niya ito. Kahit na nakikinig sa guro ng buong maghapon. Hindi mawala sa isip niya kung sino ang nagbigay ng chocolate sa kanya.
Tapos na ang klase at papauwi na siya. Sino ba naman ang mag-aakalang sa mismong araw na iyon siya dadatnan.
Without knowing, pasan niya ang kanyang bagpack at dala niya ang iilan na mga libro. Paglabas niya sa classroom. As usual naroon ang mga magbabarkadang grupo ni Nathaniel.
Hindi niya talaga alam. Sino ba naman ang may alam di'ba?
"Thea! Dalaga ka na pala. So ibig sabihin pwede ka na palang ligawan?" Kantiyaw sabay tawa ni Nathaniel. Dahil sa pagiging pakialamero ng binatilyo ito mismo ang nakapansin na tinagusan na pala ang palda niya.
"Anong sabi mo?!" Matiim niyang nilingon ang binata.
"Ang sabi ko dalaga ka na. Hindi mo ba alam?" Sarkastikong sambit nito.
Napangunot-noo siya. Nang maunawaan niya. Kaagad siyang tumakbo patungong comfort room.
Hindi pa siya nakakalayo. Rinig na rinig niya ang bawat halakhak nito. Na para bang sinapian ng kung ano sa ulo.
Napatingin siya sa salamin. At yun nga! May tagos ng dugo!
"Diyos ko. Anong gagawin ko dito? I can't walk like this." Nangangambang sabi niya. Palakad-lakad siya't nag-iisip. Pero wala siyang maisip.
Kinuha niya ang kanyang cellphone. Tinawagan niya si Rosell.
"Sell saan ka?"
"Andito sa canteen may binili lang. Bakit?"
"Sell, natagusan ako. Hindi ko alam ang gagawin ko."
"Oh my... San ka ngayon?"
"Andito sa cr malapit sa classroom." Mangiyak-ngiyak na aniya.
"Hush. Pupunta na ako dyan." Kaagad na pinutol nito ang tawag.
May narinig siyang katok mula sa labas.
"Thea. Wala ka na sigurong planong lumabas ano?" Sabi pa nito.
"Let's go dude. Pinagtritripan mo na naman si Thea."
Mga tawa lang ang narinig niya sa labas. Alam niya kung sino iyon. Ilang sandali ay dumating si Rosell.
"Oh my God! Thea. Isuot mo na lang toh." Sabay lahad sa kanya ng short.
"Buti nalang napospone yung practice namin sa badminton."
"Salamat ha. Imagine! Si Nathaniel pa talaga ang unang nakapansin na tinagusan na pala ako."
"Gosh, tapos?" Tanong nito habang siya'y nagbibihis sa cubicle. Binigyan din siya ng sanitary pad ni Rosell.
"Mabilis yung takbo ko papunta rito. Buti nalang hindi ka pa nakakaalis..." aniya sabay labas.
"Buti nalang talaga kung hindi. Hay nako ewan ko lang." anito sabay silang lumakad papalabas ng kanilang building.
Madalang narin ang mga estudyanteng naroroon. May iilan ay naglalaro pa ng badminton sa covered court. Sa labas naman ay may mga naglalaro ng tennis. Malawak naman kasi ang paaralan nila.
Dahil sa may kaiklian ang suot niyang shorts. Naiilang tuloy si Althea pakiramdam niya kasi may mga matang nakatingin sa kanya. Kaya napapalinga siya habang naglalakad.
"Okay ka lang?" puna sa kanya ni Rosell,
"Um.. medyo..."
"Naiilang ka? Sus, ano ka ba Thea.. Papauwi ka na rin naman."
"Salamat nga pala sa tulong mo ha."
"No worries, basta ba isauli mo lang. Favorite ko kasi yan." sabay tawa nito.
"Oo ba, gusto mo ngayon na?" nagtawanan silang pareho at nagpaalam sa isa't isa.
Pumara siya ng traysikle medyo hapon na din kasi. Nang mga sandaling iyon kabilang iyon sa mga naging nakaraan ni Althea. She can barely remember how Nathaniel react when he saw a spot of blood on her shirt.
* * * * *
Kasalukuyan siyang nakatulala sa kisame. Naapaisip sa usapan nila ng kanyang ina. May utang pala sila sa mga Montebello. Kung maibabalik lang ang nakaraan ay mas gugustuhin niyang akuin ang lahat. Huwag lang magkaroon ng utang na loob sa pamilyang Montebello.
Ang sabi ng kanyang ina ay mababait naman ang mga ito. As far as she can remember the parents are quite nice. Except!
"Hello! Ano bang pinag-iisip mo Althea! Nakalimutan mo na bang pinahiya ka ng lalaking yun!" pangaral niya sa kanyang sarili.
Right! It was merely happened during their JS Prom. It was their Senior Prom. She's wearing a royal blue cocktail dress with beads all over her waist.
It was almost a dream, To wear those gorgeous dress in this kind of occasion.
Nang mga oras na yun hindi niya makakalimutan ang nangyari. Habang binigay na kasi ang pagkain nila sa kanilang table. Sa di inaasahang pangyayari. Natapik ni Nathaniel ang kamay ng waiter at nabuhos sa kanya ang malamig na juice.
"Oh my God!" bulaslas niya. Lahat ng tao nakatingin sa kanya dahil sa pagkakaagaw ng atensyon.
"Nako Thea, pano na yan hindi ka na makakajoin niyan sa Cotillion." natatawang sabi pa ni Bridgette. Na nakatingin sa kanyang basang-basa na gown.
"Thea, I'm so sorry. I didn't mean." lumapit sa kanya si Nathaniel.
"Don't bother Nate. Kahit kailan hindi ka naging matino!" singhal niya rito sabay waklit ng kamay nito.
"Ma'am kukuha nalang po akong ng punas." ani ng waiter.
"Huwag nalang po. Dahil uuwi nalang ako." aniya at pinigilang hindi tumulo ang luha. Hanggang sa nakalabas na siya sa function room. Hindi na niya nakaya pa. Umiyak siyang umuwi sa kanilang bahay.
"Kahit anong isipin ko na may mabuting kalooban dyan sa puso mo. Binigo mo lang ako Nate." Naiiyak na aniya sa halip na umuwi ay dumiretso sa lupain nila kung saan may kubong itinayo ng kanyang ama para sa mga magsasaka.
Itinuyo niya ang kanyang suot na damit sa hampas ng hangin. Napakuyom niya ang kamao. Dahil ang damit na ito ay pinaghirapan ng kanyang ina na itahi para lang na may maisuot siya. Dahil kapos na sila sa pera kung bibili pa sila.
Umiyak siya ng umiyak roon kahit na nilalamok ay panay parin ang kanyang pag-iyak. Gusto niyang suntukin ang binata sa galit. Ngunit hindi niya magawa-gawa. Noon pa man, o ni katiting man lang hindi niya nakitang naging mabait si Nathaniel sa kanya.
Kung mabait man ito may kalakip naman na pang-aasar o pambubully. She never saw Nate as a good person. Sa pagiging guwapo nito natatabunan iyon ng salbahing ugali. Yun ang nasa isip ng dalaga.
Namulat ang kanyang pag-iisip sa kasalukuyan ng biglang tumunog ang kanyang cellphone. Kinuha niya iyon at binasa.
Nanlaki ang kanyang mga mata sa kanyang nabasang message na galing sa kanyang ina. Kaya't bigla niya itong tinawagan.
"Hello, ma? Bakit naman po pabigla-bigla ang desisyon niyo ma?!" naiinis na sambit niya sa kabilang linya.
"Anak, patawarin mo na ako. Wala na akong maisip na paraan. Bukas na bukas iimbaguhin na ang bahay natin. Kung hindi ako nakabayad sa banko. Anak please naman umuwi ka na muna." pakiusap nito sakanya,
"Ma naman, nasa kanila na nga ang iilan na mga lupain natin, Ngayon naman manghihiram na naman tayo ng pera? Ma naman."
"Anak please, kung kukunin ng bangko ang bahay natin. Para narin'g pumayag ka na mawala ng tuluyan ang iyong ama. Ito nalang ang natitirang alaala niya sakin anak. Nakikiusap ako sayo." nangingiyak na wika nito.
"Hindi naman sa ganoon ma, pero malaki na po ang utang na loob natin sa mga Montebello. Hindi na po natin mababawi ang lupa natin. Tapos yung pera? Paano ko babayaran?"
"Anak, kaya nga ikaw ang gusto kong pumunta sa mga Montebello. Sigurado akong maiintindihan ka nun. Alam naman nila ang kahinatnan natin anak."
"Ma naman..."
"Althea, huwag ka ng tumutol pakiusap." naiiyak na sabi nito sa kabilang linya. Tila piniga ang kanyang puso sa pakikiusap ng kanyang ina. Wala rin siyang nagawa kundi ang pumayag. Alang-alang sa gusto nitong hindi maimbargo ang bahay ni siyang alaala ng kanyang ama.
"Sige ma, bukas na bukas din uuwi ako." nagpaalam siya sa kanyang ina at nagbook kaagad ng ticket pauwi sa kanila.
Kahit na may kamahalan. Wala siyang choice. Alangan naman magbabarko siya? Wala naman'g barkong pupupwede sa probinsiya nila. Kung meron man aabutin pa siya ng dalawa o tatlong araw makauwi. Ganoon kalayo.
Pagkuwa'y kaagad siyang nag-impake at nag-email sa kanyang manager na magbabakasyon siya. Tutal hindi pa naman niya nagagamit ang kanyang leave. Ngayon gagamitin na niya ito.
Nang maapprubahan ang kanyang leave ay tinapos niya ang pag-iimpake.
"At last natapos rin. Hindi naman ako magtatanggal roon sapat na siguro ang dalawang linggo kong pagbabakasyon."
Bigla na naman sumagi sa kanyang isipan si..... Nathaniel....
"Paano kong andoon din siya?" tanong niya sa sarili.
"Eh ano ngayon? Magpapaapekto ka na naman? Remember! Marami siyang kasalanan sayo Althea!" paalala niya sa sariling sabay turo sa kanyang mukha.
Napahiga nalang siya sa kama at napapikit. Napahinga siya ng malalim at natulog ng mahimbing.
Tunog ng alarm clock ang gumising sa kanya kinabukasan. Madaling araw pa naman subalit kailangan niyang magmadali para hindi matrapik sa daan patungong NAIA.
Pumara siya ng taxi at tuluyan ng umalis sa kanyang apartment. Hindi naman gaanong matrapik buti nalang at nagising siya ng maaga. Padating niya sa airport at nagcheck in na siya ng kanyang mga bagahe. One luggage is quite enough for her.
Ilang oras na paghihintay ay tinawag na ang kanilang flight number para sa mismong eroplanong kanyang sasakyan. Matiwasay naman ang kanyang pag-alis galing Maynila at pagdating sa kanilang probinsiya.
May kaunting pagbabago narin siyang napansin ng dumating siya. Naging mas malaki na ang kanilang paliparan kaysa nung dati. May mga establishment narin'g nakatayo roon paglabas mismo sa kanilang airport.
May mga gusali narin ang nakatayo di kagaya nung dati na mabibilang lang ang mga gusali. At mahalaga nadadagdagan na.
"Marami narin palang mga pagbabago sa lugar na ito nga po ba?"
"Aba! Oho ma'am marami-rami narin. Kaya nga laking saya nga mga taga San Rafael ay nakakasabay narin sa uso."
"Siya nga ho manong." nakangiting aniya.
Nadaanan nila ang kanilang lupain na noon ang pagmamay-ari nila. Laking paghihinayang niya na naisanla ito sa mga Montebello. Kahit anong pagmamatigas niya. Na hindi humingi ng tulong kahit kanino. Subalit ang ina na mismo ang nakiusap. Kung may sapat lang sana siyang pera para mabayaran lahat-lahat. Subalit wala siyang ganoon kalaking pera para sa isahan lang.
Nakakalungkot man pero ito ang realidad. Kailangan talagang lunukin ang pride alang-alang sa pangangailangan. Kahit na ang tingin sa iyo ng tao ay parang ang liit-liit muna. Wala kang magagawa dahil ikaw ang nangangailangan ng tulong. Ganoon ang buhay ng tao.
Huminto ang taxi sa tapat ng kanilang malaking bahay subalit may kalumaan na. Bagama't inaalagan parin naman ito ng kanyang ina at hindi pinapabayaan.
"Bayad ho manong."
"Salamat hija, sana maging masaya ang pagbabakasyon mo rito sa San Rafael."
"Salamat po." ngumiti siya rito at humarap sa kanilang bahay.
Their house was the same and still the same as it is. Though, may konting pagbabago pero ganoon parin umuusbong parin ang kanyang kagandahan kahit na may kalumaan na.
"Anak!!!" Masayang salubong ng kanyang ina pababa sa hagdan.
"Ma.. mag-ingat naman kayo sa pagbaba." aniya at lumapit sa ina para yakapin.
"Salamat at umuwi ka na."
"Pasensya na ma, hindi ako nakauwi nung nakaraang pagtawag niyo sakin."
"Okay lang anak ang importante andito ka na."
Kinuha niya ang kanyang bagahe. Napansin niyang dalawa nalang ang kanilang katulong.
"Ma, pinaalis niyo na pala ang ibang katulong?"
"Oo anak, kasi wala na akong ipambabayad pa. Alam mo naman ang tanging pinagkakakitaan ko rito ay iyong mga kaunting halamanan natin at iilang tanim na lanzones."
Napabuntong-hininga siya sa sinabi ng kanyang ina. Binigyan siya ng isang basong tubig ng katulong nila.
"Anak, tungkol sa sinabi ko sa'yo kagabi. Ako na ang kumausap kay Lara."
"Po? Ang akala ko ba ay ako ang kakausap ma?" aniya.
"Yun na nga, pero anak hindi kasi mapapanatag ang loob ko. Kung matatagalan pa kasi anak."
"Kailan daw makukuha ang pera ma?" tanong niya.
"Ngayon anak. Kakatawag lang din niya kanina lang na handa na ang pera. Sinabi ko sa kanya na ako ang kukuha. Tutal andito ka na ikaw nalang ang kukuha ng pera anak."
"Sige po ma..." magalang na aniya sa kanyang ina....
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro