Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 25

"Doc, I just want to ask you something." tanong ko sa doctor.

"Yes Mr. Montebello?"   "Is there any chance that my wife will be pregnant again?"

"There are many cases of ectopic pregnancy. May ibang sperm cell na tumutubo sa fallopian tube kadalasan may posibilidad na magkaanak pa. Subalit may mga kaso rin na hindi. Kaya ipagpapasa-Diyos nalang natin ang lahat Mr. Montebello." esplika ng doctor sabay tapik ng aking balikat.

"For now, you better keep her smile and relax. It's a better way to ease the pain. I better go now."

"Thanks doc." sa halip na maging malungkot ako. Huminga ako ng malalim pumikip ng mariin. Ayaw kong ako ang isa sa mga dahilan na magiging mahina ang loob niya. I NEED TO BE STRONG!

Binuksan ko ang pintuan niya. Pagkuway pumasok. Kahit na nalulungkot. Hindi parin ako nagpapatinag.

"Babe, kumusta ang pag-uusap niyo ng doctor?"

"Okay naman babe, kailangan ka lang raw muna magpahinga at tatagan mo ang loob mo."

Sa gitna nang aming pag-uusap may kumatok sa pinto.

"Hello po, ma'am sir. Bale panahon na po para i-transfer ang pasyente sa oeperating room."  Tumango ako at hinawakan ko ang kanyang kamay.

"I will always be here for you no matter what, okay."

"Okay.  I love you." isang masayang  ngiti ang ipinukol niya sakin.

Habang pinagmasdan ko siya na binubuhat para mailipat sa isang kama, patungo sa operating room hindi ko naiwasan na mapaluha. Kaya mabilis ko yung pinunasan ng aking kamay.

"Ma'am lalabas na po tayo ha."  ani ng nurse.

"Sige, handa na ako. Babe, sunod ka ha. "

"Oo babe, andito lang ako nakasunod sa'yo."

Kalaunan namin'g tinatalunton ang paseo ng hospital patungong operating room.   "Babe, nasa'an ka?"

Pabigla akong lumapit sa kanya at hinawakan ko ang kamay ni Thea.

"I'm here. I'm just here." sabay haplos. Para kumalma siya. I know she's scared deep down yet so sad.

"Wait for me."    maluhang ani ni Thea sa'kin.

"I'm always right here."  at hinalikan ko ang kanyang kamay.

"Mahal na mahal kita." ani ko sa kanya.

"Sir, hanggang dito nalang po kayo." saad ng nurse.

"Okay." at napatango ako.

Nakita ko ang aking asawa hinihila ang kanyang kama papasok ng operating room. Hindi ko alam kung ano ang gusto kung maramdaman. Masaya ako dahil magiging ligtas na siya ngayon. Sa kabila ng lahat, malungkot rin dahil walang kasiguraduhan kung magkakaroon pa ba kami ng anak.

Napabagsak akong napa-upo sa upuan. Napahilamos ako ng mukha sa sobrang depresyon. Pagkuway tumunog ang aking phone.

"Si mama. " at sinagot ko yun.

"Anak?! Kumusta na kayo? Ano nang balita? Bakit hindi mo man lang sinasagot ang mga tawag ko kanina? Maging text wala rin."

"Ma, sorry po. Hindi ko namalayan naka-silent kasi yung phone ko kanina ma. Pasensya na po."

"Okay lang anak, ano na? Sa'ang hospital ba kayo? Gustong-gusto na namin makita si Thea."

"Ma, please sana hindi po kayo mabibigla. i just wanted to tell you after the result."

"Result?! Result of what Nathaniel?! Sabihin mo ano ba talaga ang nangyari sa asawa mo?!"

"She's in the operating room as we speak ma. She had an ectopic pregnancy. Hindi ko na sinabi sa inyo kagabi dahil ayaw ko kayong mag-alala pa."

"What!? Are you out of your mind son?! Sa'ang hospital kayo!? Pupunta kami dyan!?"

"Nasa San Joaquin malapit ma." sagot ko.

"You better explain this Nate!" at binabaan siya ng telepono.

Napabuntong-hininga lang sya. He knows that her parents will get mad at him. Ayaw niya rin kasi masaktan ang mga magulang niya. He knows how they wanted me to have a family like my own. At ngayon, tila malabo na.

Halos isang oras na ang nakalipas, hindi parin natatapos ang operasyon.

"Nate!" Sigaw ng kanyang ina habang nasa malayo pa.

"Ma, I'm so sor---" isang malutong na sampal ang natanggap niya mula rito.

"Why did you lie to us?! Alam mo ba na kargo de konsensya ko ang mangyari kay Althea!? Alam mo naman diba na mahina na ang ina niya. At ngayon, pinaglilihim mo pa samin ang kalagayan niya!"

"Ma, ang tensyon mo." Sabi pa ni Carlo.

"Ano nalang ang sasabihin ng kanyang ina, ha Nate?! Napinalaki kitang sinungaling.!?"

"Ma, hindi naman po sa ganoon."

"Eh ano?! Bakit mo nilihim?! Mabuti nalang at wala na rito si kumare kung hindi dadagdag tayo sa depresyon niya."

"Ma! Hindi naman kasalanan ni Nate ang lahat." Sabat ni Carlo.

"Instead we fight this discussion. Mas mabuti pa damayan natin ang isa't-isa, ma please."

"Ewan ko lang kung malaman ito nang papa mo. Ewan ko lang."

"Ma, please I really didn't know what to do. Ayaw ko lang talagang ipaalam muna sa inyo dahil alam kung mag-aalala kayo para sa'min."
malungkot na wika ko kay mama.

"Anak naman, ano ba'ng gusto mo'ng gawin ko? Hahayaan lang kitang sulohin mo ang mga problema mo? Hindi yun gawain ng isang ina ang pabayaan ang kanyang anak sa oras ng kagipitan. Anak naman." napaluha si mama at bahagyang niyakap niya ko.

"Sorry ma, it's just I just messed up."

"Everyone do messed up, son. So please stop owning every problem you have. We're here for you and you know that." Napaluha ako sa sinabi ni mama. Napayakap ako ng mahigpit at pati narin si kuya.

Nang naging okay na, naghintay kami'ng tatlo sa labas hanggang sa lumabas ang doctor. Mabilis akong napatayo at lumapit rito. Maging sina mama at kuya lumapit narin.

"Doc, kumusta na po ang asawa ko?"

"Mr. Montebello........"

"Doc, how is she? Kumusta ang operasyon doc?" paulit na tanong ni mama. 

Humingan malalim ang doctor bago nagsalita...

"She's a strong one. Don't worry she's fine. You can see her to her room for awhile." Masayang balita ng doktor.

"Thank you doc. Thank you!" Natakpan ko ang aking bibig sa saya.
At napayakap kay mama.

"Thanks God." Pasasalamat ko sa Diyos.

"Hintayin nalang natin siya sa kanyang kuwarto anak." Saad ni mama.

Habang nasa kuwarto kami nina mama at kuya Carlo. Hindi ko maiwasan na mag-alala para sa kalagayan ng aking asawa.

"Ma? Pa'no kung mahirap na na magkaanak kami ulit."

"Don't say that, anak. Walang imposible sa Diyos manalig lang tayo sa kanya. Alam kong mabibiyayaan din kayo. Ang importante, ligtas si Althea."

Bumukas ang pinto at naroon ang aking asawa nakahiga sa kama. Mahimbing ang kanyang pagtulog. Siguro binigyan siya ng pampatulog ng mga doctor.

"Sir, binigyan po namin ang pasyente ng pampatulog at pain reliever para paggising niya hindi niya masyadong maramdaman ang sakit sa kanyang tiyan." salaysay ng nurse.

"Thank you."

"Ma, excuse me. Sasagutin ko muna tung tawag." ani pa ni Carlo.

"Anak, wag ka munang mag-isip ng ikakasama sa kanya please. You have to be strong to make her b;etter." sabi ni mama.

"Thank you ma. Hindi ko talaga alam ang gagawin ko kung wala kayo."

"Anak, just always remember we're always here for you son." niyakap ako ni mama ng mahigpit.

"Gusto ko'ng kumain? Magpapadala ako sa kuya mo."

"Wag na ma. May canteen naman sila rito dun nalang ako kakain ng agahan."

"Sige na, kumain ka na muna. Para may sapat kang lakas baka ikaw naman ang magkasakit niyan."

"Yes ma." nagpaalam ako kay mama at hinalikan siya sa pisngi.

Nang patungo ako sa kantina. May isang tao akong namataan na pamilyar sakin.

"Rei..."  lumingon ang babae at napag-alaman kung guni-guni ko lang pala.

Dumiretso ako sa kantina at umorder ng makakain. Nang inilapag na sa tray ang inorder kung pagkain at binigay ko na ang bayad sa cashier.

"Isang yogurt drink po at sandwich." saad ng isang babae na nakabolero ang ulo.

"Iyan lang ba sa iyo ineng?" Tumango ang babae at nang mabigay ang gusto kaagad itong umalis.

"Wala ba siyang balak magbayad?" tanong ko sa kahera.

"Alam mo hijo, nakakaawa ang dalagang iyan. Ilang taon na siyang pasyente rito. Halos buwan-buwan bumabalik sa ospital para magpa-chemo."

"Ahh ganoon po ba, nakakaawa naman po siya."

"Sinabi mo pa. Pero hindi sumusuko ang batang iyan. Kahit na alam mo'ng nahihirapan siya. Pinagpapatuloy niya parin ang kanyang treatment. Sana nga gumaling na siya." dagdag pa nito.

Napatango nalang ako at bahagyang kinuha ang pagkain. At humanap ng mauupuan para makakain. Ilang sandali rin akong naroon, nang napatapat ang mga mata ko sa mismong bintana ng kantina.

At bahagyang nakita ko si na dumaan sa kantina.  "Si Rei yun! Hindi ako nagkakamali!" napatayo ako at mabilis akong lumalakad papalabas.

"Mister! Ang sukli mo hindi mo pa nakukuha!" sigaw ng kahera kaya napabalik ako para kunin yun. Mabilis akong tumakbo palabas.

Sinubukan ko siyang habulin, subalit wala na siya roon. Marahil nakaalis na. Pinagtatakhan ko bakit siya andito?

Kinuha ko ang aking phone sa bulsa. "Hello Jed? Did Rei ask my whereabouts?"

"Hindi bakit? At isa pa bro, kung sakali mang tatawag yung psychopath mo'ng kaibigan. Talagang makikita niya ang hinahanap niya. Bakit may problema ba sa hospital?"

"Wala naman, akala ko kasi sinundan niya kami ni Althea."

"Basta insan, kung may kailangan ka. Tandaan mo andito lang kami okay? Pasensya na nga pala, umalis akong pabigla kanina. Nagkakaproblema kasi kailangan kung asikasuhin."

"Okay lang yun, ako nga dapat magpasalamat sayo Jed. Ikaw talaga. Pasensya na sa abala ha." At pinutol ko na ang tawag.

Bumalik ako sa room ni Thea. Nakita ko ang paglabas ng doctor kaya nilapitan niya ako.

"Gising na ang asawa mo at hinahanap ka niya. Mr. Montebello, bukas pwede na kayong makapag-discharge at sa ngayon hindi muna siya pwedeng ma-stress." paalala ng doctor.

"Yes doc, thank you very much doc. For keeping my wife alive."

"It's my job to help her, Mr. Montebello." at tinapik nito ang balikat tsaka ako pumasok sa loob ng room.

"Babe, ikaw na ba iyan?" iyon ang bumungad sa pagpasok ko sa kanyang kwarto.

"Oo andito na ako babe." lumapit ako sa kanya at umupo sa tabi niya.

"Anak, lalabas muna ako. I need to make a call."

"Okay ma."  ngumiti siya sakin. Nang ngiting kasingtamis. Na ngayon ko lang ulit nakita.

"Alam mo babe, nanaginip ako nagkaroon na tayo ng anak." masayang salaysay niya sakin.

"Oo babe, magkakaroon na tayo ng baby." sambit ko.

"Anong sinasabi mo!? Anong  magkakaroon?! Nagkakababy na tayo babe! Hindi mo ba alam?! May baby tayo! Infact nasa tiyan ko nga siya ngayon!?" nagsimula siyang magwala't hinila niya ang kumot at itinaas niya ang kanyang damit sa kanyang tiyan.

"Babe, huminahon ka please..." sinubukan ko siyang pakalmahin.

"Tingnan mo! Andito siya sa tiyan ko!?"  Nang makita niya ang kanyang benda sa tiyan niya ay mas lalo siyang naging agresibo.

"Hindi?! Ang anak ko! Nate ano ang nangyari sa anak ko!???!"patuloy na sigaw niya. "Huminahon ko babe please..."

"Anak..." bungad ni mama ng makita niyang nagwala si Althea ay kaagad siyang tumawag ng nurse at doctor.

Mabilis naman'g nagresponde ang mga doctor at nurse sa kanya.

"Ang anak ko! Anong ginawa niyo sa anak ko?!?! Nate! Bakit mo pinabayaan ang atin natin!?" patuloy na sabi ni Althea at umiiyak.

Napaluha ako ng makita siyang nagkakaganyan. Habang ang ibang nurse at pinipigilan ang magkabilang kamay niya at ang mga binti. Hindi naman mapigilan ni mama na maiyak.

"Althea anak please...." maluhang sabi ni mama.

Habang ang doctor naman ay hinanda ang gamot para pakalmahin siya. At mabilis na itinusok ang gamot sa kamay niya.

Ilang sandali lang ay huminahon na siya at unti-unting nakatulog. Napabuntong-hininga ang doctor sa labis ng pag-aalala niya sa aking asawa.

"Doc? Ano ba'ng nangyari sa asawa ko doc? Bakit siya nagkakaganyan?"

"Hindi ko rin alam, subalit kadalasan may mga pagkakataon sa ating isipan na hindi makatanggap sa pangyayari. Lalo na ngayon na kakatapos lang ng kanyang operasyon. Sa nakikita ko hindi niya tanggap ang nangyari na nawala ang anak niyo."

"Anong ibig niyong sabihin doc?"

"You need to take her to the therapist. Baka na lumala pa ang kanyang kondisyon Mr. Montebello. Habang maaga pa kailangan iyong agapan."
Esplika ng doctor.

"My God, Nate..." napaiyak na ani ni mama.

"Bakit ba sunod-sunod ang problema natin?" Dagdag pa ni mama..

Malalagpasan rin namin to... Malalagpasan rin namin to...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro