Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 23

Nang mahimasmasan na ako. Hindi talaga ako pinabayaan ni Nate sa araw na kami'y nagdidiwang sa aming outing.

He is very gentle and kind in every way. Daig ko pa ang pasyente sa mga hospital, kung tutuusin. Kasi kahit na kaya ko naman na subuan ang sarili ko... gustong-gusto niya na siya lang.

"Babe, ako na. Kaya ko na to." Giit ko sa kanya nasa kwarto kami ng mga panahong iyon.

"No way, I told you I will do my job as your beloved husband. And this is a good example. So susubuan kita babe." Kinuha niya yung kutsarang hawak ko.

Ngumiti siya at sinubuan ako. "Say ahh.."

Napanganga nalang ako.. but deep down I'm so lucky and bless. That I have him as my husband.

Ano pa bang hahanapin ko? Ang gusto ko lang ay maging mas matiwasay pa iyong pagsasama namin ni Nate....

Habang sinusubuan niya ako ay nakikita ko sa kanyang mga mata ang sayang di mapapantayan.

"Babe?" Puna ko.

"Hmmm.." sambit nya habang pinaghimay niya ako ng prawns.

"Ba't ang saya-saya mo? Anong nakain mo?"

"Wala lang, may naisip lang ako. Ang cute mo palang tignan pagbine-baby." Sabay ngisi.

"Ahhh.. ganun." At kinurot ko siya sa tagiliran niya.

"Ouch..." shooot, he sounds so feminine. Nagtataka tuloy ako ngayon.

"Babe? Mmm.. Sorry okay ka lang ba? Bakit parang biglang naging babae ang boses mo." Kantiyaw ko sa kanya.

"I know what you're thinking. Don't start." Biglang sumeryoso si mister.

"What did I do?" Napangiti kong tugon.

"Thea, I'm not joking. It really hurts alot." Nilapag niya ang pinggan sa lamesita. At hinaplos-haplos ang pa niya ang tagiliran niya...

"I'm sorry babe." I smirked.

"Ikaw talaga...!" At bigla niya akong kiniliti.

Damn! He gets it. Really, kung saan ang kiliti ko. It makes me so crazy. Sobrang napatili ako sa pinaggagagawa niya. Halos kapos ako ng hininga ayaw niya parin akong tigilin.

"Babe, stop please." Begging.

"No, you start with it." Kiniliti na naman niya ako.

"Babeeeee!!!!!! St-----ooooppppp" malakas kong sabi..

"Nate? Anak? kumusta na? Okay lang ba kayo dyan?"

Then those clingy moments stop suddenly..

Tumayo si Nate para buksan ang pinto.

"Ma, opo medyo magaling na po ang pakiramdam ni Thea."

"Sa palagay ko nga." Nakangiting sabi nito.

"Sumunod nalang kayo sa function room okay."

"Yes ma. Thank you." At isinara ulit ni Nate ang pinto.

Habang ako naman ay inaayos ko ang aking sarili. Pagkuway tumalon pabagsak si Nate sa kama.

"Babe, anong ginagawa mo?"

"Ano pa sa tingin mo?" Sabay kindat pa nito.

"Hoy! Nathaniel Montebello maghunus-dili ka nga. Eh ang aga-aga nagsisimula ka na namang kumalabit diyan.!"

"Bakit? Ayaw mo ban'g kalabitin kita palagi." His voice can turn me on. Pero gusto kung pigilan.

"Hay nako, ikain mo na lang iyan babe."

"Oo nga ikakain ko nalang talaga to"

"Hindi ako madadala sa mga jokes mo'ng ganyan, Nate."

"Ano palang joke ang gusto mo?" At nilapit niya ang kanyang mukha sa mukha ko.

Kahit na kasama ko na siya ngayon. Kinakabahan parin ako. Kumakabog parin ang dibdib ko sa'twing nagkakalapit ang aming mga sarili.

"Kung alam lang nila na puro green lang yan'g nasa utak mo." Sabay hampas ko sa mukha niya pero mahina lang.

"Tara na nga! Baka hinahanap na nila tayo.." saad ko sa kanya.

Ningitian niya ko at hinawakan ang kamay ko. Sabay kaming lumabas ng aming villa. HHWW ang peg namin.

Patakbong palapit naman ang anak ni Alex.

"Tito, ang sweet niyo naman tignan. Kailan po ba kayo magkakababy?" Tanong pa ng bata.

Natigilan ako at bahagyang kinarga ni Nate ang bata habang nakatingin ako sa kanya.

"Don't worry malapit na yun. Maghintay lang tayo ha kung kailan ibigay ni Papa Jesus." Biglang may kirot akong naramdaman sa sinabi niya.

"Ahh ganoon po ba. Sana naman bilisan ni Papa Jesus tito. Para may bago na naman akong kalaro."

"Ikaw talaga... Ang dami mo'ng alam." Marahang pinisil ni Nate ang ilong ng bata at binaba.

"Joke lang naman po yun. Bilisan niyo na po tito kasi kanina pa kayo hinihintay."

At mabilis na tumakbo ang pamangkin ni Nate.

"Babe, pasensya na ha. Talagang ganoon lang yun napakadaldal." Nakangiting wari pa niya sakin.

"Okay lang babe." Ningitian ko siya. Ramdam ko ang kanyang emosyon na pilit niyang tinatago sa harap ko. Na maging ako rin ay pilit kong tinatago ang katotohanan.

Nang dumating kami sa venue. Everybody is so happy and jolly. Lahat sila ay nag-enjoy. Kasi naman may program din pala ang resort sa mga oras na yun.

"Babe, akala ko ba exclusive toh?"
Puna ko.

"Yes exclusive nga. But Tania prepare something to Mommy Maxine."

"Ahh.. Kaya pala." Napatango kong sabi.

May mga palaro at konting kantahan at sayawan. Everything was well-planned. Hanggang sa nakadama ako ng kirot. Kirot na hindi ko maipaliwanag.

Ano ba itong nangyayari sakin? Baby please kumapit ka lang. Kapit lang. Please. Mangiyak-ngiyak kong dasal.

Subalit unti-unti yata akong dinadaanan ng sakit. Habang nakatulog ako sa kwarto namin. Kasalukuyang katabi ko ang aking asawa. Nang biglang sumakit ang tagiliran ng aking tiyan!

"Aray!!!" Napasigaw kong sabi na siyang ikinagising ni Nate mula sa napakahimbing na tulog.

"Anong nangyari?!" Gulat na naalimpungatang sabi ni Nate.

"Ang sakit ng tiyan ko Nate! Dalhin mo ko sa ospital!"

"Sige! Sige! Sandali lang." Napatalong bumaba sa kama si Nate habang namimilipit ako sa sakit.

"Nate!!! Bilisan mo!" Napangiwing sigaw ko...

Kaagad na lumabas ang binata sa villa nila. At kinuha ang sasakyan. Sa sitwasyong iyon hindi na nagawang gisingin ang kanyang pamilya.

Nang makuha na ang kotse ay kaagad niya akong binalikan at kinarga. Habang ako naman ay nagtitiis sa sakit. Na hindi ko maintindihan. My doctor didn't mention anything.

Diyos ko.. Tulungan mo ako at ang baby ko. Dasal ko habang karga ako ni Nate.

"I don't have much time to wake them up. Just stay still okay." Malumanay na sabi sakin ni Nate.

Pinaandar na niya ang kotse ng makalabas na sa mismong gate ng resort. Ay huminto muna kami.

"Sir? Saan ho ang punta niyo?"

"Kuya, anong hospital ang malapit rito?"

"Nasa kabilang bayan pa po yun sir. Hindi naman gaanong malayo."

"Sige po. Maraming Salamat po."

"Aray!!! Ang sakit!" Ani kong napapaluha sa sobrang sakit.

At madaling pinaandar ni Nate ang kotse. Halos ilipad na niya ang sasakyan makarating lang sa hospital.

Nang marating na nila ang hospital. Ay kaagad niyang binuhat ang asawa ng makababa sa kotse.

I saw him with full of concern and worry. Habang buhat-buhat niya ko. Napapaluha ako sa pag-alala para sa aming anak.

"I need help!" Baritonong sabi ni Nate. At nag madali naman'g umalalay ang mga nurse at in charge sa ER.

Kaagad na pinahiga ako sa scratches at dinala sa loob ng emergency room.

"Babe... Please don't leave."

"I'm here.. Andito lang ako sa labas. Don't worry I'll follow."

"Sir, you need to fill out this forms." Ani ng staff at nag-fill out na ako. At agad kong ibigay sa staff ng matapos ako. Nang bigla akong nakarinig ng isang sigaw mula kung saan dinala si Thea.

Mabilis akong tumungo roon.

"Anong nangyari?"

"Babe, ang sakit talaga ng tiyan ko."

"Mrs., hindi po ba kayo buntis?" Tanong ng doctor.

"Buntis? Buntis ka?!" Nabiglang tanong sakin ni Nate. Bigla akong kinabahan.

"Hindi po ako sigurado. Babe, pwede bang tawagan mo muna sila mama?"

"Sige babe.." pagkaalis ni Nate ay kaagad akong nagsalita tungkol sa pagdadalantao ko.

"Yes doc. I'm 2 or 3 weeks pregnant."

"Okay, kailangan mo'ng tiisin ang sakit. Dahil hindi kita pwedeng bigyan ng anumang pain reliever kung hindi pa kita na titingnan. You need to undergo a TVS."

"Sige po doc. Please don't tell my husband about my condition." Pagmamakaawa niya.

"I respect that, Mrs. Montebello."

"Thank you doc."

"Kaagad kitang papalipat sa ultrasound section. Para malaman natin kung bakit sumasakit ang tiyan mo."

"Yes doc." Lumabas ang doctor at ilang sandali lang ay pumasok ang auxilliary staff para ilipat ako roon.

Kahit na nakahiga lang ako ay panay parin ang kirot ng aking tiyan. Hindi ko alam kung bakit parang pakiramdam ko pinipiga sa kirot ang sinapupunan ko.

"Ma'am malapit na po tayo." At ilang sandali lang ay naroon na kami. Kaagad naman akong tinulungan ng in-charge roon.

"Mrs. Montebello?" ani ng doctor habang binasa ang aking patient record.

"Anong nararamdaman mo?"

"Sobrang sakit ho, ng aking tiyan. Hindi ko po alam kung bakit."

"When did it start?"

"Last week po doc, pero nawawala naman po siya. Ngayon lang po siya sumakit ng sobra at pabalik-balik."

"Are you pregnant?" tanong ng doctor. "Yes, about two or three weeks."

Tumango lang ang doctor. And she wear her mask. "Sige, titingnan natin yan mamaya." ani ng doctor.

Habang nagsimula ng mag-prepare ng doctor para sa gagamitin niya. Kinakabahan yata ako ngayon. Gosh! I do it yearly ba't ngayon pa ako kinakabahan ng ganito. Inayos ko ang aking paghiga tutal naka-lab gown naman ako kaya medyo madali nalang sakin na tanggalin ang saplot ko sa ibaba.

"Are you ready?" "Yes doc. " sambit ko sa kanya.

"Madali lang ito, kaya wag kang kabahan." ani ng doctor.

"Kinakabahan kasi ako doc." "Don't be." Sagot ng doctor.

"Okay,  please spread your legs." at sinunod ko naman ang sinabi ng doktor.

"Mag-sisimula na ako ma'am ha. Just relax and stay calm." huminga muna ako at sinabihan na handa na akong magsimula. When she penetrates a tool to my vagina. Nakadama ako ng kirot sakit.

"Doc, masakit masyado.." I can feel the pain. Napapangiwi ako sa sobrang sakit.

"Sandali lang po ma'am. Wag muna kayong malikot." at tiniisin ko nalang ang sobrang sakit.

Para akong manganganak sa pakiramdam ko. Tiningnan niya ang right ovary ko.

"Tsk...Tsk... " Maging ang left ovary ko.. Napalingu-lingo ang doctor nang matingnan kung anong resulta ng aking ultrasound.

"Doc? Ano po bang nangyari?" tanong ko.

"Mrs. Montebello, you need to undergo an operation. I'm so sorry to inform you but your having an ectopic pregnancy." Malungkot na balita sakin ng doctor.

"Ec-to-pic?" mabilis na rumehestro sa aking isipan na mawawalang saysay lang pala ang lahat. Mawawala ang anak ko.

"Doc! Is there any other way doc? Ang anak ko doc!?" nagsimula ng tumulo ang aking luha.

"The only way is you need to have an operation. Dahil tumubo siya sa fallopian tube mo. Kung hindi ka magpapa-opera sa lalong madaling panahon posibleng ikamatay mo ito, misis." esplika ng doctor.

"Pero doc... ang anak ko.." gulong-gulo ang utak ko sa panahong iyon. Halos gumulo na ang lahat-lahat.

"Wag kang mag-alala misis. Ang mahalaga ngayon ay ang buhay mo. Nagsisimula ka ng mamutla. Is there someone I can talk to?" tanong ng doctor.

"Yes, doc. My husband is in the emergency and he doesn't know that I am pregnant." maluha-luha kong tugon. Tumango nalang ang doctor. "Maiwan muna kita dito para makapag-isip ka."

Habang kasalukuyang nakaupo si Nathaniel sa waiting area na nasa labas ng ultrasound room.

"Doc?! How's my wife?" kaagad na napatayo si Nathaniel ng lumabas ang doctor.

"I'm so sorry to inform you Mr. Montebello, but your wife is having an ectopic pregnancy. She need to undergo and operation, asap."

Napakunot ang noo ko. "Ectopic ba kamo doc?" he clarify. "Yes, and i need your consent right away. Dahil kung papatagalin niyo pa ito. Maaari niya itong ikamatay."

"Okay doc, please do anything to make her live." ani ko. Hindi ko alam kung anong dapat kung isipin ngayon. She's pregnant and he didn't even tell me!

"Don't worry Mr. Montebello we will do our very best. But as of now, we can't perform the operation because we need an anesthesiologist. Don't worry I will put her on schedule tomorrow then. Sa ngayon, kailangan niyo munang magpahinga. Please transfer Mrs. Montebello to her room." saad ng doctor sa staff.

"Thank you doc." tila nalugmok ang mundo ni Nate. Bakit hindi niya inusisang mabuti ang asawa. Sinisisi niya ang kanyang sarili. At kaagad na dumating staff para ilipat na ang kanyang asawa.

Bago umalis ang doctor ay binigyan siya ng resita na ng gamot para bilhin. Habang hindi pa ito na-ooperahan. Kaagad naman niya itong tinungo sa pharmacy upang ma-icharge ang mga gamot...

I can't think straight right now. I felt like I'm floating in the air... Bakit niya nilihim sa'kin ang bagay na ito?! BAKIT???! Napakuyom siya.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro