Kabanata 22
Binitbit namin ang aming mga dalang gamit patungong villa. We occupy at least seven. Kasama ni mama sina Mama Lara at Mommy Maxine. Sina Tito Damian naman at Tita Christina sa isang villa. Sina Zander at Alex naman sa kasunod na villa kasama ang mga anak. Pagkatapos ay sina Carlo at Ren. Vernon at si Raffy, kaming dalawa ni Nate. At sina Jed at Ciarra.
Pumasok na ng kanya-kanya ang bawat isa sa loob para makapagpahinga at makapagpalit nang damit. Habang ako ay nasa labas ng lobby nang aming villa nakaupo.
"Babe, what do you think?" bungad sakin ni Nate nang paakyat siya sa hagdan. Habang dala ang ibang gamit namin.
"Astonishing." Nakangiti ani ko. Nilapitan niya ako at hinawakan ang dalawang kamay ko at itinayo niya ko. Now we're talking, an eye to eye. Shit! How can I manage this situation. Can't help it.
"Babe, pwede bang wag mo kong titigan ng ganyan." Malambing na sabi ko sa kanya.
"Bakit naman? Ayaw mo ba na ikaw lang ang gusto kong makita? And I want us to be like this babe, for a lifetime. Kahit anong bagyo, ulan pa ang pagdadaanan natin kakayanin ko basta kasama kita. Walang hindi susukuan." Malumanay na wika niya sakin. His really true to his words.
"Babe, kahit anong pagsubok pa iyan. Basta para sa'yo hindi ako bibitaw. Pangako."niyakap ko ng mahigpit ang aking asawa ng buong puso at pagmamahal.
Dahil alam ko na ang pagmamahalan namin ay simbolo nang isang matagumpay na pagsasama nang mag-asawa. I always wanted this so much. And now, nasa tabi ko ang lalaking pinakamamahal ko. I can't ask anything else. Masaya na ako sa piling ni Nathaniel.
As we unpacked our belongings. Lagi niya akong nilalambing.
"Babe, i miss you." Sabi pa niya habang nasa likuran ko siya. At ako naman nakaharap sa kabinet. Inaayos ang aming mga gamit.
"I miss you too." Sagot ko. And his still at my back. Halos di ko magawa ng maayos ang gawain ko.
"I miss you so badly babe." At dinampian niya ng maliliit na halik ang aking batok. Na nagbigay sa buong katawan ko ng libu-libong kuryente.
"Your telling me?" Nakataas kilay akong humarap sa kanya.
"I know that you know what I mean babe." Aniya.
"Babe, hindi sa ayaw ko. Pero kakarating lang natin oh. Hindi pa pwedeng pagpaliban lang muna natin sandali?"
Sumimangot ang mukha ng matsing. "Babe, naman eh... Ang pantog ko tumitigas na oh." Turo pa niya sa kanyang alaga.
"Baliw ka na talaga." Nakangiting sabi ko sa kanya.
"Oo. Baliw na baliw na ako sa'yo noon pa man." At hinalikan niya ako nang mariin, masarap at halik na hindi nakakasawa. Sino ba naman ako para pagsawaan ang mga labi ni Nate. Hindi yun ni minsan pumasok sa isipan ko. Dahil isa lang din ang alam ko. Mahal ko siya at masayang-masaya ako sa piling ng aking asawa...
"Babe, I love you so much." At hinalikan niya akong muli. Pagkuway niyakap niya ako nang mahigpit.
"Babe, masaya ka bang talaga?" Tanong ko sa kanya.
"Syempre naman. Your my most awaited dream in my entire life. Ngayon, nakuha ko na. Daig ko pa ang nanalo sa casino babe." Hinawakan niya ang kamay ko at hinahalikan.
Hindi mo lang alam kung gaano ako kasaya. Kahit na may hadlang parin sa pagmamahal natin. Sana kung ano man ang mangyari sana ako parin. Ako parin. dasal ko sa aking sarili. Habang nakatitig sa kanya sa twing hinahalikan niya ang aking kamay.
"Thea!" Biglang bungad ni Ciarra sa aming kwarto.
"Ay sorry! Hindi ko sinasadya. Di kasi kayo naglalock. Sa susunod mag lock naman kayo para di kayo mapasok" natatawang sabi pa ni Ciarra.
"Bakit ka naman andito?" Pormal na wika ni Nate na parang nairita.
"Gusto ko lang makausap si Althea. It's an urgent." Saad pa nito sabay hila ng kamay ko. Hindi na nakaimik si Nate dahil sa mabilis ang paghila sakin ni Ciarra.
Tinalunton namin ang mapuputing buhangin patungo sa dalampasigan kung saan kaming dalawa lang ang naroon.
"Ano palang pag-uusapan natin Ciarra?" Tanong ko.
"Thea? May dapat ba kaming malaman na hindi mo samin sinasabi?" Diretsahang kompronta sa kanya ni Ciarra. Shit! I frozed to death when she asked me that!
Nanginig ang buo kong katawan. Tila na tameme ako. Hindi ko alam kung saan ako magsisimula. Diyos ko...
"E-eh.. A-anoo kasi Ciarra.."
"Ano ba'ng dahilan mo't tinatago mo sa kanya?" Parang may alam siya.
"Ciarra, how did you know?"
"Your doctor is my friend. She accidentally told me. Nadulas siya, but the point here. Bakit ayaw mo'ng malaman ni Nate? Nagdadalantao ka na pala." Halos di makapaniwalang sambit ni Ciarra.
"Komplekado ang sitwasyon namin ng pinsan mo Cia. Ayaw ko'ng maging pasanin ako sa kanya."
"My goodness! Thea. Your the wife! Kung ano man iyang dinadala mo dapat pag-usapan niyo ni Nate. Hindi iyan nakakabuti lalo na saiyo. Sa ganyang paraan parang tinatanggalan mo na siya ng karapatan para maging ama ng magiging anak niyo.." sunod-sunod na kompronta niya sakin.
"Hindi naman sa ganun yun. Sasabihin ko naman sa kanya, but not now. Ciarra! Please! Nagmamakaawa ako sayo wag na wag mo munang sasabihin kay Nate ang mga nalaman mo please." Nangingiyak kong paki-usap sa kanya.
"God, Althea. Bakit ano bang kinakatakutan mo? We have the authorities. I'm sure Nate can handle the situation." Niyakap niya ko habang paluha-luha naman ako.
"Hindi mo kasi naiintindihan. Mahirap talaga, so please lets make it hidden for now."
"You know what, naguguluhan talaga ako sayo. Pero kung iyon ang gusto mo'ng mangyari. Sige, pero sana sabihin mo sa kanya na may anak siya. Karapatan niyang malaman yun." Nalulungkot nasabi niya sskin.
"I will sasabihin ko sa kanya. Hindi pa sa ngayon."
Nagyakapan kami at bumalik sa villa. Tinawag narin kami nina Alex dahil magsisimula na ang party.
The whole family was there except Tito Dom and his youngest son. We rented the other function room. Dahil may apat silang function room. Sa apat iisa pa lang ang natapos?, yung iba ang ginagawa pa.
Everyone is so excited. Sa gathering na ito. Si Alex mismo ang tumayo bilang emcee.
"Hello everyone, we all know that this celebration is like a Thanksgiving to our family. Through this, we can build, share and unite our family. Para mas lalong tumibay ang relasyon, pundasyon at koneksyon ng ating pamilya. We also thank our Daddy Louis and Mommy Maxine, if they didn't meant for each other we're not here today. Celebrating this beautiful occasion. As we open this gathering here's a song for our opening prayer."
At pinatugtog ang kantang The Prayer. Everything is fine, solemn and full of greatness. Lalo na sakin na nakadama ako nang pagpapasalamat kaakibat ang kalungkutan.
Kalungkutan, dahil alam na ng isa sa pamilya ni Nate na buntis ako. Sino ba naman ang magkakailang magkakakilala lang ang doctor ko at si Ciarra.
Bahagya akong napaluha, pakiramdam ko kasi ang liit ng mundo para sakin ngayon. Hindi ko masabi-sabi sa asawa ko na buntis ako. Di sanay natutuwa na siya ngayon. Kami.... Napaluha ako ng husto dahil din sa mensahe ng kanta.
Kahit na palagi ko itong naririnig kapag may program. Ngayon damang-dama ko ang bawat mensahe. Halong-halo ang emosyong nararamdaman ko. Saya, galit at lungkot. Dasal ko sanay may hangganan din ang lahat ng ito. Dahil kahit ni sinong ina mas gugustuhin niyang hindi mapahamak ang kanyang anak. Kahit na masakit at mahirap man ang kapalit.
"Babe? Okay ka lang?" Puna sakin ni Nate..
"Okay lang ako babe, napuwing yata ako." Alibi ko sa kanya at pilit kong binukas-sira ang aking mga mata. Pagkuway natapos rin ang kanta.
"Sigurado ka? Baka kailangan ng konting hangin, para mawala ang puwing mo." Ani nitong nakangiti pa.
"Ayan ka na naman! Palagi mo nalang hinahaluan ng green jokes lahat!" Ani ko sabay hampas.
"This event will not be memorable kung hindi kakanta si Mommy Maxine." Ani pa ng emcee...
"Yooohoo!!!! Mommy!!!" Tilian at hiyawan ng lahat. Suporta para kay Mommy Maxine.
Nakangiti napalakad si Mommy Maxine kasama si Ren. Hanggang sa nasa gitna na sila katabi si Alex.
"Thank you mga anak, but I'm afraid hindi ako marunong kumanta. Kaya si Ren na lang ang kakanta para satin'g lahat." Sambit pa ni mommy.
Bumulong si Mommy Maxine kay Ren at saglit nagbigay nang senyas si Ren sa music operator.
Nagsimula nang kumanta si Ren.
Ilang ulit mo bang, itinatanong sakin
Kung hanggang saan,hanggang saan, hanggang kailan
Hanggang kailan mag tatagal
Ang aking pag mamahal
Dahil sa maganda rin boses ni Ren. Talagang na-amazed kami, she beautifully sing. Nakita ko na napaluha pa si Mommy Maxine.
"Babe, maganda pala ang boses ni Ren?" Tanong ko.
"Oo babe, kaya nabighani sa kanya ni Kuya." Sagot pa niya sakin.
Hanggang may himig pa akong naririnig
Dito sa aking daig-dig
Hanggang may musika akong tinataglay
Ika'y iniibig
Giliw wag mo sanang isiping
Ikaw ay aking lilisanin
Di ko magagawang
Lumayo sayong piling
At nais kong malaman mo
Kung gaano kita kamahal
As the song goes by, it literally hits me. Unti-unting namamasa ang aking mga mata. Subalit pinigilan ko, ayaw kong maapektuhan ang anak ko sa nararamdaman ko ngayon.
"Babe, I love you so much." Ani sakin ni Nate habang katabi ko siyang kaupo. Hinawakan niya ang aking kamay at dinampian ng halik.
"I love you too so much, Nate."
Alang-alang sa kapakanan nang lahat at anak natin magtitiis ako. Bulong ko sa sarili.
Pagkuway natapos rin ang magandang pagkanta ni Ren para ma-entertain kami'ng lahat.
Sumunod naman ay ang mga games para sa bata. Malalaki na rin kasi ang anak nina Alex, Ren at Raffy. Nagpabitin kami para sa mga bata. May iba't-ibang premyo na nakasabit roon. Mamahaling chocolates at candies at mallows.
The kids we're excited and happy. Napabuntong hininga ako. Marahan kong nilapat ang aking kamay sa akong hita malapit sa aking tiyan.
"Babe, naiingayan ka ba? O gusto mo munang magpahinga sa villa?"
"Okay lang ako babe."
"Kanina ko pa kasi napupuna parang balisa ka. May problema ba?"
"W-wala naman babe. Bakit may dapat ba akong ikabahala?" Binaling ko sa kanya ang tanong nya. Nag-uusap kami ni Nate habang ang iba naman ay panay ang tawa at hiyawan. Dahil sa laro ng mga bata.
"Hindi ko alam, may hindi ka ba sinasabi sakin?"
Biglang rumehistro sa aking isipan ang pinag-usapan namin kanina ni Ciarra. Mabilis na ang pagtibok ng aking puso na kasing bilis ng mga kabayong kumakarera patungong finish line.
Magsasalita na sana ako, maya-maya't nagdilim ang paningin ko. At kamuntikan na akong matumba sa kinauupuan ko mabuti naman ay mabilis ang agap sakin ni Nate
"Althea!" Biglang sigaw ng mama ni Althea.
Nahinto ang lahat sa ginagawa at natahimik. Nakita ng lahat na karga ko si Althea.
"Just continue, dadahil ko muna siya sa villa." Ani ko. Lumapit ang ina ni Althea sakin.
"Anong nangyari Nate?" Nag-aalalang tanong niya.
"Hindi ko nga rin po alam ma eh. Bigla lang siyang nawalan ng malay. Mabuti nalang at mabilis ko siyang nahawakan."
"Bakit madalang na pagkakahilo niya ngayon? Hindi kaya siya buntis." Puna na ina ni Thea.
"Hindi ko nga rin po alam. Wala naman siyang binabanggit sakin."
"Dapat na alamin mo Nate. Dahil ikaw ang asawa. Mas mabuti pa magpacheck-up kayo sa bayan bukas."
"Sige ma..." dumating na kami sa villa. Pinagbuksan naman ako ng ina ni Thea. Pumasok na kami at nagtungo ako sa kwarto.
"Nate, magpapadala ako rito ng bimpo't tubig at gamot."
"Thanks ma." At umalis na ito.
Bago pa nakabalik ang ina ni Althea. Unti-unti ng nagkakamalay ang aking asawa.
"Hmmm.... Anong nangyari? Bakit nasa kwarto na ako babe?" Tanong niya.
"Nahimatay ka na naman kasi babe. Bakit ba, ano nga talaga ang sakit mo ba't ka nagkakaganyan. Nakapagtataka naman yata, pati na rin si mama mo iniisip niyang buntis ka."
Biglang natigilan si Althea sa sinabi ni Nate. Ayaw kong malaman nila na buntis ako. Mas lalong magkakagulo. Mas lalong delikado.
"Anong sabi mo? Naniwala ka rin?"
"Sinabi ko na impossible. Pero kung maging totoo yung sabi ni mama babe. Ako na yata ang pinakamasayang asawa sa buong mundo." Isang masiglang ngiti ang pinakawala ni Nathaniel. Halos na maiyak na talaga ako. He is very happy having me with his baby.
Pero paano? Ayaw kong may mangyari samin ng anak ko. I have to do something.....
Itutuloy..........
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro