Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 21

Ilang araw ang lumipas dumating na ang pinakahihintay nang lahat. Ang Family Outing ng Montebello.

Kanya-kanyang sasakyan ang dala ng kani-kanilang pamilya. Samin sumakay si Ciarra at Jed. Yung iba naman kina Alex at Zander kasama ang kanilang pamilya. Si Mama at si Mama Lara ay sa sasakyan ni Mommy Maxine. Dahil sa wala ang papa ni Nate at yung isang kapatid nilang bunso doon nalang sila sumakay kasama ang pamilya ni Carlo at ang asawa nitong si Ren.

Si Vernon naman at si Raffy ang hinihintay namin. Medyo male-late raw ang dating nila ayaw naman na iwanan ni Mommy Maxine. Kasi atat na atat na ang mga bata na umalis. Dapat raw sabay-sabay ang pagpunta roon.

Sandali pa't dumating na ang mga ito. "Babe? Okay ka lang ba?" Tanong sakin ni Nate. Habang nasa loob ako ng kotse at nakikinig ng music sa phone ko.

"Babe?" Tinanggal ko ang headphone.

"Sabi ko okay ka lang ba? Pasensya na medyo natagal." Nasa labas siya ng sasakyan na nakaharap sakin. Habang ang kanyang ulo ay halos singlapit na sakin'g mukha.

"Okay lang ako bakit?" Ani ko sa kanya. Na napataas ang aking kilay.

"Wala lang. I'm very happy because your stick wit me for a lifetime." Napangiting tugon nito. Habang hinahaplos ang aking pisngi.

"Weeehhh?? Di nga..." bigla kong sabi.
Kahit na todo naman ang kilig ko sa sinabi niya.

"I'm not joking. Look me in the eye. Kung nagbibiro ako sayo." Napalunok ako. Honestly, I never look at him like an eye to eye contact. I can't do it. You know why? Matutunaw ako ng sobra. Iba kasi kapag nakakatitig sa kanya.

Kaya nung kinasal kami, tiniis ko nalang talaga yun pero umiwas din ako kaagad. Kasi ang hirap mga bes..Ang hirap..

Pakiramdam ko ba na parang nilalamon ako ng kumunoy nang dahil sa kilig o kaba. Ewan ko ba! Kahit na asawa ko na ang kumag na ito. Hindi ko parin maiwasan na hindi kiligin ng sobra..

"Oo na! Gwapong-gwapo ka na sa sarili mo!" Ani ko sabay tapik sa mukha niya. Kasi papalapit na masyado. Awkward naman kung hahayaan ko lang. Andito kaya lahat ng pamilya niya. PDA ko naman kung sakali.

"Nate! Ano ba naman yan? Hindi pa nga tayo nakakaalis. Lalanggamin na kami ni Jed rito eh." Patuksong sabi pa ni Ciarra ng pumasok na sila sa loob ng sasakyan. At dinilaan ni Nate si Ciarra. Bahagyang hinalikan ni Nate ang aking braso't umikot siya sa driver's seat.

"Jed, doon ka sa harap umupo. Dahil mag-bobonding kami ni Althea." Utos pa ni Ciarra sa kapatid niya.

"Eh bakit naman?!" Ani pa ni Jed ng akmang papasok sa loob ng kotse.

"Wala nang bakit-bakit... Okay lang naman sayo diba Thea? Maghiwalay muna kayo ni Nate ng upo ha." Palambing pangsabi niya sakin. Natawa tuloy ako sa reaksyon ng dalawang magkapatid.

"Okay lang naman." Nakangiti kong tugon. Walang nagawa si Jed kundi ang sumakay sa harapan.

"I really want to talk to you." She whisper and she sound serious though.

Tumango lang ako nang okay na ang lahat sa pag-alis. Pinaandar na ni Nate ang sasakyan. Yes we're having
a convoy. Nauna ang sasakyan nina Mommy Maxine pagkatapos sina Alex kasunod kami at nasa huli sina Vernon.

"Ano bang meron dito sa CD mo Nate?" Ani pa ni Jed habang naghahanap ng kantang pwedeng ipatugtog.

"RnB, pop, rock. Klase-klase alam mo naman basta maganda at patok sa panlasa ko. Kukunin ko talaga."

"Kaya pala..." ani pa ni Jed na nakangiti at napatingin sakin.

"Kaya pala ano? Jed." Wika ko.

"Uhmm... Wala naisip ko lang na may taste pala talaga itong pinsan ko." Napangiti pa ito.

"Sino ba naman ang walang kataste-taste dyan? Diba ikaw lang naman Jed?" Mataray na sabi ni Ciarra.

"Ako?! Walang taste? Excuse me Cia, hindi lang talaga dumating yung para sakin." At humalakhak ito.

"Wag kang mag-alala, balang araw may maipapakilala rin ako sayo, diba Thea?" preskong sagot pa nito sa kapatid.

"H-ha?" Kunot noo kong sabi...

"As if yan'g sinasabi mo. At dinamay mo pa si Althea! Maniwala ka dyan kay Jedrick. Kahit nga si Nate sinasangayunan lang yan eh." tila nagkakatensyon na sa loob ng kanilang sasakyan habang nasa sa kalagitnaan ng biyahe.

"Who knows! Tania is-----"

"Cia! Shut it!" asik ni Nathaniel at biglang natigilan si Ciarra at tumahimik naman si Jed.

"Anyways, guys matanong ko lang mga ilang oras ba ang aabutin ng biyahe natin'g toh?" agaw eksena ko kasi naman imbes na magsasaya kami. Ito kami ngayon parang nag-babangayan sa loob ng sasakyan.

Tumikhim si Jed at nagsalita. "It takes two to three hours I think. Ciarra, next time you will ask any favor from me. Don't expect anything." mariing sambit pa nito.

Nanlaki ang mata ko dahil sa ang pinsan nilang si Jed. Na palaging pilyo at masayahin may tinatago pala itong ugaling di mo inaasahan.

Napayuko nalang si Ciarra. Na nalulungkot. "Ikaw din kasi, napasobra yung asar mo sa kanya." pabulong kong sabi.

"Bakit ba kasi hinahayaan niya ang sarili niyang makulong. Hay nako." nasa boses nito ang pagiging maarte.

"Unawain mo nalang siya. After all, magkapatid parin kayo."

"Kunsabagay." huminga ito at kinuha ang phone. "Habang nasa biyahe, selfie muna tayo. Para bawas stress.. We're here to enjoy." masayang sambit ni Ciarra. Pumayag naman ako, kaya mga ilang shots din ang nakuha namin.

Grabe pala itong babaeng toh. Nakakaloka, sa pagkukuha ng litrato. Hindi ko rin namalayan na habang nagmamaneho si Nate ay panay din pala ang tingin niya sa rear mirror. Nakangiti. Talagang nagugustuhan niya ang mga kabaliwan namin ni Ciarra.

"Wacky pose naman." anito.

"S-sige." Sagot ko. "Ay wait! Jed, kuha naman tayo ng picture oh." masuyong sabi pa ni Ciarra.

Humugot pa ng hangin si Jed bago hinablot ang phone ni Ciarra.

"One, two, three. Smile." pormal na sabi ni Jed.

At kaming tatlo nakangiti maliban kay Jed na talagang nakasimangot ang mukha. Blankspace kung baga.

"Salamat." mahinang saad pa ni Ciarra.

"Hmmmm!!! Nakakainis!" mahinang sambit pa nito.

"Bakit naman?" kunot noo kong sabi. "Pano ba naman kasi, ang ganda-ganda ng kuha natin siya lang yung hindi masaya." nakasimangot na sagot nito.

"How can I be happy?  If your always making me furious." narinig nito ang sinabi ni Ciarra.

"I'm sorry...."

"Kasi naman Cia, alam mo naman diba noon pa kung anong ayaw ni Jed. Binabalik mo pa kasi.." saad pa ni Nate.

"Anyways, past is past. I just want to sleep so.. please," sambit pa ni Jed.

"Fine! No one will bother you don't worry." tugon ni Cia na nakataas pa ang dalawang kamay.

"Thea, matanong ko lang. No offense ha, kayo kailan niyo balak magkaanak?" tila naging blanko ang utak ko sa tanong niya sakin.

Sa halip na ako ang sasagot biglang umeksena si Nathaniel.

"Wala pa sa plano namin iyan, Ciarra. Gusto ko sana na magbonding kaming mag-asawa muna bago kami papasok sa parenting."

"Precisely, you have a point Nate. Kadalasan nga yung iba diyan nagkakaanak agad pero hindi pa pala nila nabibigyan ng time ang isa't-isa. Kaya yun kalaunan maghihiwalay din sa huli. Yung iba naman may tina patago sa kanilang mga asawa. Ewan ko ba, may kaibigan kasi akong kasal na tapos akalain mo hindi niya sinabi sa asawa niya na buntis pala siya." Esplika ni Ciarra.

"Really?! Tapos anong nangyari? Alam na ba ng lalaki na buntis ang asawa niya?" usisa pa ni Nate habang ako naman ay nakikinig lang sa kanila.

"Hindi pa yata, tinatanong nga niya ako kung saka-sakaling ako ang nasa kalagayan ano raw ang gagawin ko? Oh my gee! Ano ba naman ang maipapayo ko sa kanya?! Ni boyfriend nga wala ako, anak pa kaya!" mataray na wika pa ni Ciarra.

"Baka naman natatakot lang siya." sambit ko.

"Ano bang kinatatakutan niya? Eh kasal naman siyang tao. Dapat nga maging masaya pa siya dahil may blessing na dumating sa kanilang dalawa."katwiran ng aking asawa.

"Besides, the guy has the right to know. After all his the father. Ano pa ba ang hihintayin niyang mangyari?" Nasa tono ni Nate ang pagkainis.

Ramdam ko ang reaksyon niya. Sa kinuwento samin ni Ciarra. Siguro nga may dahilan lang ang lahat. Kung bakit itinago ng babae sa lalaki yung totoo.

"May katwiran ka rin Nate. Ikaw Thea? May maisa-suggest ka rin ba?"

"Uhmm.... Siguro nga may mga posibilidad ang mga bagay-bagay pero may karapatan parin na malaman ng ama yung totoo. Kawawa naman kung ipagdadamot niya yun sa lalaki." Sabi ko.

Tumango si Ciarra at kinuha ang phone at may dinayal na numero.

"Hello? Ches, good thing may sagot na sa problema mo. Sabi ng kamag-anak ko. Sabihin mo yun totoo girl!"

Nagtinginan nalang kami ni Nate at nagngitian. Kasi naman itong mga the moves ni Ciarra pabigla-bigla. Unpredictable talaga tong babaeng toh. Di mo maunawaan kung minsan.

"Yes girl! Kaya tawagan mo na si papa mo at sabihin mo na yung katotohanan. Go girl! Kaya mo yan! Sige ha, basta balitaan mo ko. Okay, bye!" At pinutol na nito ang tawag.

"Cia, ano ka ba naman nabigla naman kami sayo. Agad-agad tinawagan mo?"

"Aba syempre! Sinabi niya sakin na kapag naka-kolekta ako ng sagot. Sasabihin ko sa kanya. Nagkataon lang na andito kayong dalawa. Sapat na yun para maging sagot ko, diba?" Ani pa nitong natatawa pa.

Napalinga-linga nalang si Nate sa kanyang pagiging makwela. Kahit ako rin ay natawa.

Habang si Jed ay mahimbing na natutulog. Ilang mga pasabog na kwento naman ang ibinunyag sakin ni Ciarra nung mga kabataan pa nila.

Kaya panay naman ang tawa ko. Kahit si Nate hindi nakaiwas sa kapilyahan ni Ciarra.

"That's the funniest moment of our childhood." Tugon pa ni Nate.

Kasi naman nung kabataan nila naligo raw silang magpipinsan sa isang pool. Hindi nila alam na gagawin pala iyong pond ng mga isda. Ang sabi naman kasi  ni Zander ay okay lang dahil hindi pa ginagamit.
Ang hindi nila alam may mga isda palang maliliit roon. Hindi nila napansin dahil madilim sa oras na yun.

Kaya nagtataka sila kung bakit parang may kung ano silang naramdaman. Hanggang sa si Jed ay kumikisay na sa sobrang takot. Dahil nilagyan siya ng kung sa likuran nito.

"Grabe talaga halos himatayin ako nun sa sobrang tawa. Mabuti nalang at di ako naki-join sa kanila." Halakhak pa ni Ciarra.

"May sayad din kasi ton'g ulo ni Zander. Yun pala pinag-tritripan lang kami. Kaya ayon." Tumawa pa si Nate habang nagmamaneho.

Mahigit mga dalawang oras na kami nagbibiyahe. "Uhmm... malayo pala talaga itong resort ng mga Fuentebella ano."

"Sinabi mo pa. Hindi nga namin alam kung saan sa Batangas. Kasi hindi kasi siya open for public. Kaya naman kahit i-google mo pa ang name ng resort wala kang makikitang info kahit ni isa." esplika ni Ciarra.

"Really?" Halos di makapaniwala.

"Yes that's true si Mommy Maxine lang ang nakakaalam ng mismong address. Exclusive lang kasi talaga para sa kanilang pamilya. Sayang nga eh, at maganda pa naman daw sabi ni Paul." Tugon ni Nate.

"Paul?"

"Bestbuddy ni Kuya Carlo. Isa din kasi yung Fuentebella. Pero madalang lang din namin yun nakikita. Ewan ko lang kung nagkita na sila ni Kuya."

"Ahh, masyado palang nakaka-intriga ang pamilya nila babe. Pero matanong ko lang kaninong angkan ba ang mas gwapo? Fuentebella o Montebello?" Sumungaw sa labi ko ang malapilyang ngiti.

Tiningnan niya ako sa rear mirror. And his eyes speaks Later. Ramdam ko yun dahil iba yung mga titig na pinapahiwatig niya. Nag-init ang kanyang pisngi sa hiya.

"Of course! It's Montebello. Iba din kasi yung beauty ng mga Fuentebella. Pero halos magkaparehas lang naman. Kahit nga isang Montebello nahuhulog din sa isang Fuentebella." Saad pa ni Ciarra pagkakuwan.

"Ciarra...." saway ni Nate.

"Fine.. Fine. Fine.. Wala na akong sinabi. Siya nga pala Thea mabait ba na asawa itong pinsan ko?" Baling niya sakin.

"Si Nate? Uhmmm... syempre, kaso lang..."

"Kaso lang ano?" Kunot noo nitong sabi.

Medyo natagalan akong sumagot. Hanggang sa narating na namin yung resort ng Fuentebella.

"Kaso lang? Binibitin mo naman eh."
Makulit na tugon pa ni Ciarra.

"Kaso lang, minsan antipatiko." Bulong ko sa kanya...

"Ano yun babe?" Sambit pa ni Nate.

"Wala! Sabi ng asawa mo, sobrang galing mo raw..." bilang sagot ni Ciarra.

Kumunot ang noo ko nang hindi ko ma-gets ang sinabi niya. Maging si Nate rin, ngumiti pa ito nang bahagya.

"I see." Ngumiti pa ito.

"What did I miss?" Pahikab na wika pa ni Jed.

"Nothing." Mataray nasagot pa ni Ciarra.

"We're here!" Dagdag pa nito nang pinarada na ni Nate ang sasakyan.

Napatingin ako sa resort. Simula nung pagpasok namin. Exclusive nga kaya puro puno ng niyog ang sumalubong samin.

Bago ako tuluyang namangha sa tanawin bumaba na kami sa sasakyan.

And this resort was really breath-taking. Sobrang namangha ako sa lugar kung saan aabot ang paningin ko. Kahit hindi ko pa tuluyang naikot ang buong resort.

"Don't worry I will take you anywhere you like." Ani pa ni Nate mula saking likuran.

"I know what you mean." Tinaas ko ang aking kilay.

"You know exactly what I mean? Hmmm... and what is that babe?" Sumungaw nito ang pilyo niyang mga ngiti.

"Loko! Tulungan mo nalang kaya si Jed doon oh!" Ani ko sabay turo sa kinaroroonan ng pinsan niya.

"Basta, later okay." At mabilis niya akong hinalikan sa labi at tumakbo.

"Inis!" Sambit ko.

"Sarap naman. Sana ako rin meron." Ani pa ni Ciarra na nangangarap.

Tumawa nalang ako sa naging reaksyon niya.

"Ngek! Nakakainis nga eh, ang kulit-kulit. Minsan nakakairita na nga yung mga suyo niya sakin. Ewan ko ba." Esplika ko sa kanya.

Napatingin naman ako sa asawa ko habang tinutulungan ang pinsan niya sa pagbaba ng mga gamit namin.

"This is what I always told you, honey. Vacation." Nakangiting saad pa ni Raffy habang bitbit ang panganay nitong anak.

"I know honey.." sagot pa ni Vernon habang dala ang mga ilang gamit nila.

Napangiti rin ako sa kanila. "Blake, come to Tita Ciarra." Nakangiting ani pa ni Ciarra sa anak ni Raffy. At kinarga naman niya ito. Maganda ang kanilang anak. Manang-mana sa magulang. Laking Montebello.

"Hello, how are you?" Nakangiting tanong ko habang karga siya ni Ciarra.

Patungo na kaming lahat sa information ng resort. Hindi pa gaanong develop ang buong lugar pero may mga iilan nang mga cottages. Pumasok kami sa isang malaking bahay. Yari sa magkahalong kongkretong semento at matibay na puno ang bahay.

Hindi moderno ang klase ng disenyo nang bahay sa labas. Ngunit pagpasok mo sa loob. Iba rin ang interior design nito. Napaka-cozy ng palibot talagang relaxing sa mga mata.

"Dito na muna ako babe. Sambit ko sa aking asawa. Habang ang iba naman ay nakatayo at nagpapahinga.

Sina Mommy Maxine kasama ang ibang nakakatanda ay naroon at nakikipag-usap sa receptionist.

Laking gulat namin nang tumaas ang boses ni Tito Damian.

"No! This is not fair! We travel all the way to Manila and this is what we've got!?" Bulyaw ni Tito Damian sa frontdesk. Ni isa walang kumontra kahit na ang asawa nito hindi umapela.

"Anong nangyayari?" Bulong ko kay Raffy.

"Dinig ko hindi raw tayo nakareserved, due to circumtances raw."

"Oh no! Paano na ngayon yan?" Lahat kami nag-aalala.

"You have to do something! Or else I will sue this family!" Sigaw ni Tito Damian.

Sa kabila nang kaguluhan ay may isang babae ang dumating papasok. Pagkuway dumiretso sa frontdesk.

Batid ko isa siyang manager sa resort. Dahil ang damit niya napakapormal. Ang tindig niya ay napaka-professional rin. Hindi mo lang siya gaanong makikilala dahil naka-aviator siya.

Ilang sandali ay humupa na ang init ng ulo ni Tito Damian ng makausap ang babae ng masinsinan at umalis din ito kaagad.

"We have a room, at last!" Sambit ni Zander na nakangiti.

"Yes!" Masayang sambit ng lahat. Dala ang kanya-kanyang mga gamit...

Itutuloy..........

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro