Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 20

Kinabukasan nagising nalang ako na hinahanda ni Nate ang aking almusal.

"Goodmorning babe." Hinalikan niya ako at nilapag ang tray sa harapan ko nang makabangon ako.

"Kumain ka na dahil mamaya uuwi na tayo." Nakangiting aniya sakin.

"Ikaw kumain ka na ba?"

"Mamaya na, pagdating ni Jed rito babe. Magdadala rin kasi siya nang makakain."

"Ah okay." Katahimikan ang nanaig sa loob ng kwarto. Ayaw ko naman na hindi kinikibo ang aking asawa.

"Babe, about last night. Pasensya na talaga." Paghingi ko ng tawad.

"No. Babe, I just realized na siguro nga tama ka. We need some more time for ourselves first. We need to bond together. Take vacations yung mga bagay na ganoon. Na tayo lang munang dalawa. Don't worry I'm not mad at you or anything. I just want you to know that, kung handa ka na kahit magdamag pa tayong gagawa. Okay na okay lang sakin." Kinindatan niya ako at sumungaw sa kanyang mga labi ang malapilyo niyang mga ngiti. And that's makes him so sexy.

Tinapunan ko siya ng unan ay kaagad naman niya itong nasalo.

"Hi guys! Goodmorning!" Masayang bati pa ni Jed ng biglang bumukas ang pintuan.

"Oh! Jed andyan ka na pala. Akala ko matatagalan ka pa." Ani ni Nate.

"Hindi na, nagdrive-thru nalang ako sa Jollibee. Nagugutom na kasi ako. Kayo eh ang aga-aga pa naghaharutan na kayo ha." Tukso pa samin ng pinsan niya.

"Ulol! Anong harutan ang pinagsasabi mo!" Napatawa nalang si Jed at ako'y tila namula sa hiya.

Pagkatapos namin'g kumain. Nagkwentuhan at puro tawanan lang ang umaalingawngaw sa aking kwarto nang mga oras na yun. Habang pinoproceso ni Nate ang paglabas ko sa ospital ito naman'g si Jed. Patuloy ang pagkwekwento nang mga kung anu-anong jokes.

"Jed, maiba nga ako. Ikaw ba may girlfriend ka na ba?"

"Girlfriend? Me? Nako, Thea wala pa akong panahon diyan. Lahat ng oras ko nakagugol lang sa trabaho, kompanya at hobbies ko."

"Ahh? Bakit ano pala ang hobbies mo?"

"I usually went to beach para mag surfing o di kaya scuba diving."

Kaya pala medyo may pagka-tan yung kutis niya. Babad pala masyado sa dagat-araw.

"That's why my skin is so tan than the others." Tumawa pa ito ng bahagya.

"Pansin ko nga, hindi ka ba nabo-bored? Or let's rephrase it, wala ka bang nagugustuhan sa mga nakikilala mo?"

"Nagugustuhan? So far, wala pa naman. And for now, I just don't see myself as a serious man Althea. Good thing lang sa inyo ni Nate. Pero para sakin, parang bihira yun mangyari."

"Baka kasi nakasirado yan'g puso mo."

Humalakhak pa siya ng malakas pagkasabi ko nun.

"Althea naman, pinapatawa mo naman ako. I never close any of my doors or even the windows, you know." He smirk.

"But you never been so serious, dahil ba sa ayaw mo'ng matamaan ka ng sobra-sobra, tama ba?"

"Siguro nga? Who knows. Don't worry I will let you know, kung saka-sakali man." Ngumiti pa ito.

"Okay na ang pag-discharge mo babe. Papunta na rito ang nurse para tanggalin yung dextrose at makapagpalit ka na nang damit."

Ilang minuto lang ay pumasok na yung nurse at nagsimula na naman'g nagbiro si Jed.

"Dude, sa tingin mo ba dapat na akong mag-asawa?"

"H-ha? Ikaw? Bakit mo naman naisip na mag-asawa?" Di makapaniwalang ani pa ni Nate. Habang ako at ang nurse na nagtatanggal sa dextrose ko ay nakinig lang.

"Oo ako, bakit naman hindi. Wala ba sa itsura ko?" Ngumiti pa ito.

Hay nako. Ito na naman tayo. For sure pinagtritripan niya itong nurse.

"Ano ba naman ang nakain mo Jed?" kunot-noong tanong pa ni Nate.

Ngumiti ito ng bahagya. "Wala naman, pinagtutulakan na kasi ako ni Thea na magseryoso sa buhay." sagot pa ng mokong.

Tumingin sakin ng matalim si Nate. Anong problema niya, bakit parang ako pa ngayon ang may kasalanan.

"Hay nako Jed, maniwala ka kay Althea. Nagbibiro lang yan. Isa pa you can do anything you want and everything will set into place, you know." ani pa ni Nate na para bang may ipinahihiwatig.

"Yeah right, beside I'm a nice good looking guy. Sino ba naman ang aayaw sa Montebello." daig pa nitong pinagmamalaki ang angkan nila.

"Kung si Alex, Ren, Raffy at Thea. Di nakahindi eh, ano pa kaya ang iba dyan." at tumawa pa ito. Nakakarindi talaga ang tawa niyang ganyan kapag nagpapa-alaska sa sarili.

"Ma'am tapos ko na po'ng natanggal lahat. Mauna na po ako at
baka mapuno pa ng preskong hangin ang kwento mo." Kiming ngiti pa ng nurse.

Natigilan naman ang dalawa sa pag-uusap. Nang umapila ang nurse.

"Salamat nurse ha. Pasensya ka na sa kanila. May mga toyo lang talaga ang mga utak." napangiti kong sabi at tumango lang ang nurse at umalis.

"Ay! Nagalit si miss nurse. For sure, walang lalaking pumapatol dun." sambit pa ni Jed.

"Jed! Tumigil ka na nga. Pati nurse hindi mo pinapaltos. Mabuti pa dalhin mo nalang itong ibang gamit ni Thea. Para maisakay na sa kotse." saway pa ni Nate.

"Yeah right. I'm just being honest though." at dinampot nito ang ibang gamit para mailabas na.

"Babe, ganoon ba talaga yun si Jed? may nasabi ba akong masama kanina?"
tanong ko.

"Babe, next time wag mo ng i-open up yung subject na ganoon ka seryoso. Allergy siya sa mga ganyang usapan."

"Ganoon ba, pasensya na babe di ko kasi alam." Gusto ko sanang umusisa pa pero hinayaan ko nalang.

"Okay lang." Tumayo ako. "Tulungan nakita babe."

"Babe naman kaya ko na."  "Sige ikaw bahala." hinalikan niya ako sa noo at naghintay nalang sa labas ng banyo. 

Pagkatapos kong makapagbihis. Ay maagap niya akong inalalayan. Hanggang sa madako namin ang nursing station.

"Ma'am, pwede po ba kayong makausap?"

"Sige, ano yun?" sambit ko. "Babe, mauna ka na muna."

"Okay babe." pagkaalis ni Nathaniel ay kinausap ako ng nurse. Napaiyak ako sa kanyang sinabi. May binigay siyang recita na kailangan kong inumin. At mag-follow up sa aking doctor.

" Pakisabi kay doc, salamat."

"Sige po maam." at binulsa ko ang papel na binigay ng nurse sakin.

Bumaba ako ng hagdan habang naghihintay sa akin si Nate. Napangiti ako na pilit kong tinatago sa kanya ang tunay kong kalagayan.

Mabilis siyang lunapit sakin at hinawakan ang aking beywang at kamay. He is so kind and gentle. Sana ganito nalang palagi.

"Babe okay ka lang? Anong pinag-usapan niyo ng nurse?" tanong niya sakin.

"Nagpaalam lang at sinabihan ako na hindi ko raw kakalimutan na mag-follow up kay doc."

"Ganoon ba, akala ko pa naman gaano kaseryoso yung pinag-usapan niyo. Kasi babe, hindi ko kaya ko'ng anong mangyari sayo. I prefer that your always right here beside me." at niyakap siya nito ng mahigpit.

"I will always be babe. I love you." at dahan-dahan na silang lumabas sa lobby ng hospital. Habang si Jed naman ay naghihintay sa labas ng kotse at nakapamaywang pa.

"Akala ko pa naman matatagalan na kayo." nakangiting saad pa ni Jed samin.

"Grabe ka naman Jed. Hindi naman masyado." sambit ko at pinagbuksan ako ng pintuan ng aking asawa.

"Ako na muna ang magmamaneho Jed." ani pa ni Nate.

"Okay." at pumasok na ang dalawa sa loob ng kotse.

"Siya nga pala bro, tumawag sakin ang mama mo. Sabi niya dumiretso raw tayo sa mansyon ni mommy."

"Ganoon ba. Babe okay lang ba sa'yo? Baka may importanteng nangyari."

"Okay lang naman babe, doon nalang siguro ako maliligo. Sabagay, may damit naman akong extra dyan."

"Good! At least magkikita-kita na naman tayong lahat." masayang ani pa ni Jed.

Pinaandar na nito ang makina't umalis na kami sa ospital. Dumiretso kami sa mansyon ni Mommy Maxine.

May kalayuan rin ang mansyon ni Mommy Maxine. Yun kasi dapat ang itawag sa kanya. Ilang oras din ang byahe namin ay narating na namin ang mansyon.

Actually, this is my first time. Na tumapak sa ancestral house ng mga Montebello. Kahit na makaluma ang disenyo nito. Tiyak na talagang inaalagaan ang iniingatan ang bahay.

"Babe, ang ganda pala talaga ng bahay ni Mommy no."

"Oo babe, hindi niya kasi pinapabayaan ang bahay. Pinapaayos niya agad kapag may sira o anuman. Dahil ito nalang kasi ang naiiwang alaala niya kay Daddy Louis. Kaya mahal na mahal niya ito katulad nang pagmamahal niya kay Daddy." Esplika pa ni Nate sakin...

Na-amazed siya sa pagmamahalan ng Mommy at Daddy ng mga ito. Dahil bihira nalang talaga ang ganun. Minsan nga kahit bago pangkasal eh naghihiwalay din ang iba. Yung iba naman hindi pa nga ikakasal may nakalambigit nang ibang babae. Kaya naman swerte-swerte lang talaga ang buhay.

Nang nakaparada na ang sasakyan namin. Ay si Jed na ang kumuha ng aking bagahe habang si Nate naman ay grabe ang pag-iingat sakin. He treated me as his precious gem. Masaya ako at nalulungkot.

"Andito na kami." Masayang ani pa ni Jed.

Nasa salas na ang lahat. Yung iba ay nakaupo at nag-uusap nang mapansin nila ang pagdating namin. Pagkuway tumayo ang mga ito at nagsilapit samin.

"Kumusta na ang pakiramdam mo hija?" Tanong pa ng ina ni Nate.

"Okay na po ako ngayon ma." At nagbeso-beso kami. Maging ang mga asawa ng pinsan ni Nate ay ganoon din. Kinamusta ang kalagayan ko. Nakipagbeso-beso. Hanggang sa dumating si Mommy Maxine.

"Mabuti naman at nakauwi ka na hija. Kumusta ka na? Inaalagaan ka ba ni Nate nang maayos?" Ani pa ng matanda na parang may ibang pinapahiwatig.

"Oho, sa katunayan hands on po siya sakin mi."

"Hands on? Ano bang klaseng hands on iyang tinutukoy mo hija?" Pabiro nitong tugon.

Nalilito tuloy ako kung anong ibig sabihin ni Mommy Maxine. Habang ang ibang naroon na nakakaintindi ay nagtawanan.

"Mi! Ikaw talaga!" Saway pa ni Lara.

"Mommy naman, hindi kayo naiintindihan ni Althea." Nakangising ani pa ni Nate.

"Ay akala ko naiintidihan niya." Ngumiti pa ito. Ako pakiramdam ko natutunaw na ako sa hiya. Ano ba kasing pinag-uusapan nila.

"Anyways, welcome home hija. By the way, kaya ko kayo pinatawag it's because I just want to extend my gratitude to all of you. Kung hindi dahil sa mga anak namin ni Daddy Louise niyo. Wala kaming mga apo ngayon. I am so bless and happy within this journey when I'm about to enter my twilight years. I just want to thank you all. For having here and for making us happy. I hope you will continue our legacy not just for our company but for the sake of our family." Mataas na salaysay pa ng matanda. Lahat sila ay na-touch sa speech nito. Napaluha ang ibang kamag-anak. Maging ang mga anak nitong sina Damian, Dominique at Daniella. Niyakap ng mga ito ang kanilang ina at hinalikan sa pisngi.

Kasunod naman ang mga apo at mga asawa nito at ang mga anak. We're all happy celebrating this such event. Habang nagsimula na ang pagsalo-salo. Naroon ako at nakipagkwentuhan sa mga asawa ng mga pinsan ni Nate....

"Thea, kumusta na kayo ni Nate? Kailan niyo balak magkaroon?" Tanong pa sakin ni Raffy.

"A-ahh.. Eh hindi pa namin napagplaplanuhan."

"Bakit naman hindi? Dapat umpisahan niyo na ngayon pa ang sarap kaya kapag kasal ka na sa lalaking pinapangarap mo." Daing pa ni Ren. Na tila kinikilig pa na naikasal siya kay Carlo.

"Siguro, magbonding muna kami nang kami lang muna."

"Parehas pala samin ni Zander noon. Nung bago pa kaming ikasal. Medyo matagal din bago kami nag-kaanak. Kahit nga diba sa inyo Ren?"

"Oo kahit nga samin. Medyo matagal rin. Buti nalang dumating na sa buhay namin Andrei." Ani pa ni Ren at kinuha ang anak nang lumapit ito sa kanya.

"Wives meeting ba ito?" Nakangiting ani pa ni Ciarra.

"Ciarra! Upo ka. Ano bang wives meeting ang sinasabi mo. Get together lang." Saad pa ni Raffy.

"Kung sabagay, lahat kayo nakasungkit ng Montebello. Ako kaya kailan kaya ako susungkitin ni kupido." Napangiting saad ni Ciarra na napadasal pa't nakaangat ang ulo na parang humihiling.

"Darating din iyan Cia, sa ganda mo'ng iyan walang magtatangka. Syempre naman meron yan." Ani pa ni Alex.

"Paano kasing magkakaroon hon. Eh panay ang pambabasted niya sa mga suitors niya. Kesyo? Di niya type, di matangkad o kung anu-ano pang pinipili. Baka sa huli doon ka mapunta sa talagang makakabangga mo." Biglang sambit pa ni Zander.

"Talaga naman ah. Totoo ang mga sinasabi ko. Wala naman kasi akong mapili na papasa sa panlasa ko eh!" Giit pa ni Ciarra.

"Ang sabihin mo ang arte mo! Okay naman yung mga suitors mo." Sabat pa ni Carlo.

"Excuse me! Ako maarte?! Of course not!" Pagdedeny ni Ciarra.

"Hay nako, maniwala kayo diyan. Nung una nga may taong nagdala ng bouquet sa office niya. Imagine, anong ginawa niya kinuha niya yung flowers pagkatapos. Sinabihan pa yung lalaki na thank you but I'm not available. Alam niyo bakit? Dahil lang sa pandak yung tao." Esplika pa ni Zander.

"Talaga ba Ciarra? Nagawa mo yun? Kawawa naman niya." Sabi ko.

"Eh kasi wala na akong maisip na maidadahilan ko kaya yun na lang ang nasabi ko."

"Ang sabihin mo Cia. Napaka-arte mo at mapili ka lang talaga." Zander insisted.

"Ewan ko sayo!! Lex pagsabihan mo nga yan si Zander! Nakakainis na talaga." Sumbong pa ni Ciarra kay Alex.

Napangiti nalang kami sa kanila. They really have that bond. Ang saya nilang tignan. Kahit na may mga kanya-kanya na silang buhay. They still do some silly things with each other.

"Ang cute niyong tingnan." Ani ko.

"Naku masanay ka na sa mga iyan Thea. Kung minsan nga naglalaro pa iyan ng habulan nung nakaraang araw para talagang mga bata.

"Grabe naman, nakakainggit naman ang sobrang closeness nila."

"Sinabi mo pa. Kahit nga kami naiinggit." Ani pa ni Raffy.

Habang panay ang kwentuhan namin. May tumawag sakin cellphone. Kaya nag-excuse muna ako.

"Yes hello?" Sambit ko sa kabilang linya.

"Mag-iingat k---"

"Hello?! Hello?" Biglang naputol ang linya. Hindi niya makuha ang numero dahil private number lang ang lumalabas.

"Sino kaya yun?" Nagtataka ako na parang kinakabahan.

"Babe? Andito ka lang pala. Akala ko kung saan ka na napadpad." Nakangiting ani pa ni Nate sakin.

"Napadpad kaagad? Di ba pwede umalis muna sandali." Tumawa siya nang bahagya.

"Halika na, pasok na tayo sa loob. Kasi gusto ni Mommy ng family outing sa Batangas."

"Okay." At magkahawak kamay silang bumalik sa loob ng mansyon...

"Thea! Napag-usapan namin'g mga girls na tayo ang mag-oorganized sa games." Aning salubong sa kanila ni Raffy. Ngumiti lang si Nathaniel at nag-excuse para makipag-join sa grupo ng kalalakihan..

"Games?! Sige ba. Exciting yata itong outing natin."

"Oo naman! This is my first time ever na makapunta sa isa sa mga resort ng Fuentebella." Masayang ani pa ni Ren.
At umupo ang lahat sa couch. May kanya-kanyang diskusyon ang lahat. Iba rin sa mga boys, girls at sa medyo may edad na.

"Fuentebella?" Kunot noong sabi ko.

"Yes! Isa sila sa family friend ng Montebello. And guess what ni isa samin wala pang nakikilalang Fuentebella. But Mommy Maxine suggested na doon raw gaganapin ang outing natin." Esplika pa ni Alex.

"Anyways guys, any plans kung anong games ang pwede niyong maisuggest?" Singit pa ni Raffy.

"Paper dance!" Mabilis na sagot ni Alex...

"Hmmmmp... Ang sabihin mo may naaalala ka sa larong iyan." Wari pa ni Ren kay Alex. Nagtawanan lang ang mga ito. Maging ako man ay nakitawa narin. Subalit di lang ako masyadong makasabay. But they are very friendly. I hope this event will be as clear as crystal. I just want to be with him. Every single moment of my life....

Itutuloy...

#pleasevoteandcomment
#upcomingstory
#StarryDreamStarryNight 😉

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro