Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Kabanata 2

Nagtawanan sila hanggang sa makabalik sa classroom. Natahimik silang dalawa ng nasa lobby ang grupo nina Bridgette at Nathaniel.

"Speaking of the----" biglang sabi ni Audrey kapagkuwan.

"Anong sabi mo?!" Asik na sagot naman ni Rosell.

"Girls, first day of class. Nag-aaway na kayo." Malapreskong saway pa ni John na kaibigan ni Nathaniel. Habang naroon ang binatilyo. Nakatayong nakasandal sa pader.

"Sell tayo na...." hinila niya si Rosell papasok sa silid-aralan.

"Pasalamat kayo, mabait itong si Althea. Kung hindi, ewan ko lang talaga." Galit na sabi ni Rosell at pumasok na sila sa loob.

Hindi naman nakaimik ang mga ito. Umupo silang dalawa at nagsimulang kumain.

Nagkwentuhan rin sila ni Rosell habang kumakain. From that moment, naging matalik na silang magkaibigan ni Rosell.

Matapos ang kanilang klase ay nasipaguwian narin ang mga estudyante. Kinuha niya ang kanyang packbag at sinabit ito sa balikat.

"Sabay na tayo palabas?" Ani ni Rosell.

"Sige ba..." at lumabas na sila ng classroom.

Nasa lobby naman ang mga kagrupo ni Nathaniel at hindi pa nakakauwi.

"Saan nga pala ang bahay niyo?" Tanong nito.

"Doon lang malapit sa---" hindi niya na pansin na may paang nakaharang sa dinadaanan niya.

Muntikan na siyang madapa at mapahiya. Naging maagap naman ang pagsalo sa kanya ni Nathaniel.

Napakurap siya ng magkalapit ang katawan nila. Doon niya mas lalong napansin ang itsura ni Nathaniel.

"Nate bitawan mo na yan.." natatawang tukso pa ni Darren.

"Sorry..." aniya kapagkuwan at umiwaa ng tingin sa binatilyo. Siya na mismo ay kumawala rito. Dahil parang wala itong planong bitawan siya.

"Okay lang, kahit pa ulit-ulitin mo pa. Ay sasaluhin kita." Anitong malapilyo ang ngiti.

"Sus! Ayan na naman tayo. Pinagtritripan niyo na naman si Thea. Ang sabihin mo sinadya mo'ng mangyari yun Nate." Singit pa ni Rosell.

Tumawa ito ng malakas. Na parang nakikiliti.

"Buti at alam mo, lampa-lampa kasi ng bago nating kaklase."

"Lumabas rin ang totoo! Lika na nga Thea." Hinila nito ang braso niya. Bigla siyang nakadama ng sakit pagkasabi nun ni Nathaniel. Talagang hindi ito mabait o rumerespeto ng babae.

Nang matitigan niya ito ng malapitan parang wala naman sa mukha nito ang pagiging antipatiko. His face is fine and look like an angel. Pakiramdam nga niya kanina, ay tila isang guardian angel ang sumalo sa kanya.

Gayunpaman, hindi niya pinansin ang kirot na dinulot ng sinabi ni Nathaniel.

"Ganoon ba talaga yun sa ibang kaklase natin?" Napausisa siya tungkol sa binatilyo.

"Dalawang taon ko ng kaklase si Nate, Thea. Pero ngayon ko lang nakita ang ugali niyang ganyan. Siguro nahawa na sa sukdulang kayabang nina Bridgette. Close na close din kasi ang dalawang yun noo'ng una."

"Ganoon ba, bakit ngayon ba di na sila naging close?"

"Close naman siguro pero sa tingin ko dahil may kanya-kanya narin silang grupo, kaya busy." Pababa na sila ng hagdan ay biglang may bumangga sa kanila.

"Sorry, lampayot." Biglang bansag sa kanya ni Nathaniel.

"Hoy! Nate, magsorry ka nga." Sigaw ni Rosell. Umalingawngaw tuloy ang boses nito sa stairway.

"Bakit ako magsosorry nagmamadali nga ako. Bye lampayot." Nakangisi pa ito at tuluyan ng bumaba ng hagdan.

"Naku!" Akmang iniangat ni Rosell ang kamao niya.

"Hayaan mo na. Di naman ako na pano."

"For sure simula bukas pagpipiyestahan ka na naman ng mga kagrupo niya."

Hindi lang siya kumibo at naghiwalay na sila ni Rosell pagkalabas nila ng gate. Pumara siya ng traysikle at umuwi.

Pagdating niya sa bahay nila. Agad naman siyang nagmano sa kanyang ina.

"Kumusta ang klase mo anak?"

"Okay lang po ma." Simpleng sagot niya sa ina.

"May nga naging kaibigan ka ba?" Tila ba excited itong marinig ang kwento niya sa bagong eskwelahan.

"Meron naman po ma. Ang babait nga po nila." Masiglang aniya na pilit tinatago ang karanasan sa paaralan.

"Mabuti naman kung ganoon. Sige anak magpalit ka na ng damit. May meryienda sa mesa. Kumain ka narin pagkatapos."

"Opo ma." Umakyat siya at nagtungo sa kanyang kwarto.

Humarap siya sa salamin. Habang iniisang hinuhubad ang kanyang damit uniporme.

Hindi niya mapigilang di mapaluha sa kanyang dinanas kanina sa school. Hindi naman talaga yun nakakatuwa. Hindi niya inaasahan na mas grabe pa palang bully ang matatanggap niya rito kaysa sa Maynila.

Wala naman kasing pakialam ang nga tao roon. Oo may mga nangbubully rin sa kanya noon. Pero hindi naman ganoon  kagrabe.

But this time, she never expect this to happen. Ang nasa isip niya kasi ay mababait ang mga tao. Probinsiya nga diba?

Napasinghap nalang siyang nilagay ang kanyang damit sa basket. Matapos niyang magpalit ng uniporme.

Humiga muna siya sa kama at napaisip. Pagkuway biglang sumagi sa kanyang isipan ang malaamong mukha ni Nathaniel. Ang mga mata nitong kulay kape. His brown eyes makes her weak. It's like she was been drawn to him.

Na parang gusto niya itong titigan ng paulit-ulit. Napailing niya ang kanyang ulo.

"No! Hindi pwede. Nakakaasar ang ugali niya. Tinawag pa akong lampayot. Anong tingin niya sakin di kumakain?!" Napabangon siya't napatingin sa kanyang sarili.

Hindi naman siya payat. Sakto lang  naman ang katawan niya para sa isang batang tulad niya.

"Malakas lang siguro yung mang-asar." Aniya sabay kuha ng kanyang mga gamit. At ginawa ang kanyang mga takdang-aralin para bukas.

Kinabukasan ay hindi na siya nahuli sa klase o nawala man. Ay maaga siyang pumasok. Iilan sa mga kaklase niya ay naroon na. Ang iba ay gumagawa ng takdang aralin. Yung iba naman ay nagkwekwentuhan.

Napayuko siya sa kanyang armchair na tila nagpapahinga. Hindi pa naman nagsisimula ang klase.

Ilang sandali lang ay may kumalabit sa kanya.

"Thea... Thea..." ani pa nito. Napabangon siya.

"Hmm?... Ano?" Aniyang napainat.

"May naghahanap sayo." Sabi ni Leslie na kaklase niya.

"Sino?" Kunot noo niyang sabi.

"Di ko rin alam." Sabi nito kapagkuwan.  "Mabuti pa puntahan mo nalang."

Tumayo siya't lumabas nakita niya ang isang binatilyo na nakatalikod at nakapamulsa.

"Hinahanap mo raw ako?" Tanong niya kapagkuwan. Saka naman ito lumingon.

"Anong meron Jimleo?"

"Jim nalang." Ngumiti ito sa kanya at lumapit.

"Pwede ba kitang yayain maglunch mamaya?"

"Eh... kasi...." di niya natuloy ang sasabihin. Nang dumating ang katropa ni Nathaniel dahil sa sobrang ingay ng mga ito.

"Wow naman.. ke aga-aga may nangliligaw na sa'yo?" Nakangising sabat pa ni Nathaniel.

"Ano bang pinagsasabi mo?!" Tinaasan niya ito ng kilay..

"Wala naman.." ani pa nitong nakahands-up.

"Pa'no na yan bro. Baka maunahan ka ni loverboy." Sambit naman ni Julian sabay akbay kay Nathaniel.

"Ako? Magkakagusto sa kanya? No way! Pasok na nga lang tayo." pumasok na ang mga ito sa classroom. Parang bumagsak ang langit sa narinig ni Althea. Napakamalutong  na No Way talaga ang sinabi ni Nathaniel sa kanya.

Nawala siya ng sandali sa pag-iisip. At nakalimutan niyang kausap pa niya si Jimleo.

"Althea, okay lang kung sa susunod na lang kita yayain." Ngumiti ito sa kanya.

"H-ha?... Sige, pasensya ka na ha." At nagpaalam na ito sa kanya. Pagkuway pumasok siya sa classroom na matamalay.

Hindi niya alam kung bakit siya nagkakaganun. Bumuntong-hininga siyang napaupo sa kanyang armchair. Malapit narin magsimula ang klase wala parin si Rosell.

Nang mga sandaling iyon, pagkatapos ng first subject nila. Ay may umupo sa kanyang tabi. Habang hinihintay ang susunod na guro.

"Sinong may sabi na uupo ka dyan?" Tinaasan niya ito ng kilay at lumingon sa katabi.

Nagulat siya dahil hindi niya inisip na lalapitan siya ng binatilyo.

"Bakit may pangalan bang nakalagay sa upuan na'to?" Pilosopong sabi pa ni Nathaniel.

"Wala nga, pero may upuan ka naman. Ayon oh." Sabay turo niya.

"Eh.. mas gusto kong umupo rito. Kahit papano nakikita ko ang pangit mo'ng mukha ng malapitan." Nakangising sabi pa nito na talagang fond nito ang inisin siya.

"Umalis ka na nga rito. Distorbo ka lang rito eh..." naiinis na saad niya at bahagyang tinutulak ang binatilyo. Subalit di parin ito nakikinig sa halip na umalis lumalaban pa ito sa kanya.

"Oy.... ang sweet naman nilang dalawa." Tukso pa ng kaklase nila na nakaupo sa harapan.

"Sweet? Iyang mukhang yan? Sweet? Baka bitter." Inirapan niya si Nathaniel at napaupo na lang ng maayos.

"Oo nga Nate, bakit ba dito ka umupo?" Tanong pa ni Rhia na may dalang panunukso.

"Gusto ko lang asarin si Althea. Mas lalo kasi siyang nakakatawang tingnan kapag napipikon. Akala mo nung una hindi naapektuhan.... Yun pala napipikon din.." at humalakhak ito ng malakas na napahampas pa sa armchair.

Gustung-gusto na niyang sapakin ang binatilyo. Subalit pinipigilan lang niya ang kanyang sarili...

Wala siyang natanggap mula kay Nathaniel kundi ang mga asar nitong nakakainis. Kahit anong pabalang ang gawin niya rito. May panlaba parin ito sa kanya.

Halos matuyo na ang kanyang lalamunan sa kakadada para paalisin ito. Ngunit talo parin siya.

Nagsimula na ang kanilang susunod na klase. Kaya napatahimik na lamang siya. Napaismid.

"Ano ba talaga ang gusto ng lalaking toh!? Nakakaistorbo!" Daing niya sa kanyang isipan.

"Class, please get one whole sheet of paper." Ani ng kanilang English teacher.

"One whole ma'am?" Tanong ng isang estudyante.

"Yes, one whole." At kumuha ang mga estudyante ng papel.

"And now, I want you to write an essay. Anything you like as long as it will contains two or more paragraph."dagdag nito kapagkuwan.

Napaangat ng ulo si Althea at nag-iisip. Kung ano ang kanyang isusulat. 
She couldn't think straight coz someone is staring at her. Yun ay si Nathaniel.

"Pwede ba. Tigilan mo nga yan." Mariing sabi niya sa binatilyo.

"Ang ano?" Mahinang tugon nito at nilapat pa ang mukha nito sa mukha niya. Biglang lumakas ang tibok ng kanyang dibdib. Na parang kabayong nag-uunahan.

"Matutunaw ka ba na parang ice cream?" Ngumisi ito ng kapilyo-pilyobg ngiti.

"Tumigil ka." Umirap siya rito at bahagya siyang tumayo't inurong ang kanyang upuan palayo kay Nathaniel...

Nakita niyang ngumiti pa ito sa ginawa. Inirapan na lang niya si Nathaniel at nagpatuloy sa paggawa ng kanyang sinusulat.

Each of them was silently. Lahat sila ay talagang seryoso sa kanilang sinusulat. Habang ang guro naman ay nakaupo sa mesa't nagbabasa.

Nakalipas ang isang oras ay kanya-kanyang nagsipasa ng mga papel ang mga estudyante. Ganoon naman si Althea. Nang pabalik na siya sa kanyang upuan.

Naroon parin si Nathaniel nakaupo sa upuan ni Rosell.

"Anong sinulat mo? Tungkol sa loverboy mo?" Nakangising tanong pa nito.

"Bakit ko sasabihin sa'yo? Anong paki mo kung siya. Hmp." Anas niya sabay upo.

Dumaan ang guro sa upuan niya at napansin ang alignment ng kanyang inuupuan.

"Althea, hindi ka yata nakaposisyon ng maayos." Ani pa ng guro.

"Sorry ma'am." Sabi niya at binuhat niya ang upuan pabalik sa tamang kinaroroonan nito.

Narinig niya humahagikhik ang binatilyo.

"Ano ba kasing ikinatatakot mo? Kakagatin ba kita?" Nag-iba ang tono ng boses nito.

"Wala." sambit niya.

"Isa pa." Sambit nito sabay akbay sa kanya na ikinagulat niya.

"Hindi naman kita type. Gusto ko lang gawin sa'yo ang inisin ka. Ang pangit-pangit mo kasing inisin." Dagdag pa nitong sabi kapagkuwan.

Alam niyang dapat niyang umaksyon sa pag-akbay nito sa kanya. They we're not that close. Ni minsan wala pang umakbay sa kanya kahit kailan.

Bumilis ang tibok ng kanyang puso. Na tila ikabingi na niya. Winaklit niya ang kamay ni Nathaniel at tumikhim.

"Pwede ba umalis ka na nga rito." Aniya na sabay tulak sa binata.

"Bakit naaapektuhan ka ba na katabi ako? For sure, gusto mo rin." Tukso pa nitong sabi sabay taas baba ng mga kilay nitong naging karagdagan ng appeal ng binatilyo.

Napakurap siya sa sinabi nito.

"What did you just say? Ako? Gustong makatabi ka? Yuck! Over my dead body!" Di niya napigilan ang kanyang sarili at napalakas ang boses niya.


"Keep quite." Saway ng kanilang guro na nakaupo sa likuran kung saan ang mesa nito. Kasi kapag tapos na ang kanilang adviser na magturo. Uupo ito sa likuran at ilang minuto ay aalis para pumasok na naman sa susunod na klase nito.

Pagkuwa'y lumabas na ang kanilang guro. At mabilis niyang hinampas si Nathaniel sa balikat na walang pagdududa.

"Aray! Bakit mo ginawa yun?"

"Bagay lang yan sa'yo! Akala mo kung sino ka'ng gwapo. Feeling gwapo, looking gago." Naiinis niyang sabi rito.

"Talaga lang ha.." sumungaw sa mukha nito ang malapilyong ngiti ni Nathaniel.

"Bakit? Anong binabalak mo?" Aniya.

"Wala lang naman. Hindi ka pala tinatablan ng Nate's Charm." Ani pa nito at biglang tumayo si Nathaniel at inaayos ang uniporme.

"Sayang." Dagdag pa nito saka umalis at bumalik sa mismong upuan....

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro