Kabanata 16
Pagdating nila sa condo. Pinarada niya ang sasakyan. Pinagbuksan pa ni Nate ng pinto si Rei.
"Thank you Nate. Kahit ngayon your always been a gentleman to me." Saad nito.
"Rei, alam mo naman ang pagkatao ko diba? Sige mauna ka na kukunin ko pa to'ng mga gamit mo."
"Sabay na tayo." Saad nito at mabilis na pumalupot ang kamay nito sa mga bisig niya.
Napatingin siya kay Rei. "Rei, you know what my status. Right?" Pumormal ang wika niya at tono ng pananalita niya.
"I know, pero grabe ka naman Nate. Kahit ganyan lang bawal?" Pamamaktol nito.
"It's just.. I don't want an issue Rei. I have to get your stuffs first. Will you excuse?" At bahagyang binitawan siya nito kaya malaya niyang kinuha ang mga gamit ng dalaga. Habang tahimik lang na naglalakad ang dalaga na nakasunod sa kanya patungong elevator.
At pinindot ni Nate ang 7th floor button. Sumira ang lift nito. Katahimikan ang umalingawngaw sa pagitan nila.
"Look Rei, I'm sorry for what I have said. Ayaw ko lang na saktan ang asawa ko. She trust me and I trust you also. I know you will find someone who will take care and love you."
"Alam ko naman yun Nate. At naiintindihan kita. Salamat nga pala sa oras mo naabala patuloy kita, kayo." Anito.
"Okay lang. Napag-usapan narin namin toh ni Althea bago kita pinuntahan rito." At bahagyang bumukas ang lift ng elevator...
"Hmm.."
Naunang lumabas ang dalaga at sumunod siya rito. Tahimik lang siyang naglakad habang tinatalunton ang hallway.
Tumigil ito sa may tapat ng pintuan at tsaka kinuha ang card key ng unit nito.
Pumasok si Rei sa loob at sinundan naman ito ni Nathaniel.
"Pakilapag nalang ng mga iyan sa mesa, Nate." Malumanay na anito.
At sinunod naman iyon ng binata.
"Do you want juice or something?"
Alok nito.
"Hmm.. Juice nalang hindi rin naman ako magtatagal."
"Okay." Lumiwanag ang mukha nito at nagtungo sa kusina.
"Good thing, may four season pa akong naiwan rito." Anito habang pinagtimpla siya ng maiinom. While his waiting for a drink. He texted her wife to inform her na naka-discharged na sila. Na hinatid niya ito sa apartment at uuwi rin siya kaagad.
"Here's your drink." Ani pa ni Rei na may dalang dalawang baso.
Umupo ito sa tabi niya sabay bigay sa kanya ng baso.
"Wala ka na bang balak bumalik ng States?" Tanong niya rito.
"Pag-iisipan ko pa. Maybe by the end of the month yata."
"Ahh. I see." At ininom niya ang juice na ibinigay sa kanya ng dalaga.
Ilang sandali lang ay tila nag-iba ang kanyang pakiramdam. Na para bang nahihilo siya. Kinuha nito ang basong hawak niya.
"W-what did you put----" at tuluyan nang nagblack-out ang paningin niya at nawalan siya ng malay.
"That's right Nate. Talagang hindi ako babalik ng States. Dahil pakikinabangan muna kita." Ani pa ni Rei na humalakhak sa tuwa...
"Sa'kin ka lang Nate.. Sa akin ka lang!" aniyang nilapitan ang walang kamalay malay na binata. Hinahaplos niya ang maamong mukha nito.
****
Mag-dadapit hapon na hindi parin bumabalik ang binata.
"Anak, bumalik na ba si Nathaniel?" Tanong pa ng ina nito.
"Hindi pa nga po ma. Nangangamba na nga po ako. Baka kung ano ng nangyari sa kanya."
"Wag kang mag-alala hija. Hindi naman yata pahihintulutan niyon ng Diyos. Kaya wag kang mag-alala okay."
"Yes ma.." tanging sambit niya.
Tumunog ang kanyang phone. Isang text na galing kay Nate. Nanginig ang kanyang buong katawan. Sa kanyang nakita. Isang litrato nina Rei at Nathaniel sa kama at tanging kumot lang ang nagsisilbing takip ng dalawa...
Parang dinurog ang kanyang puso. Hindi niya mawari ang kanyang nararamdaman ngayon. Hindi niya lubos maisip na magagawa ni Nate na lokohin siya. Muntikan na niyang naitapon ang kanyang phone sa sobrang galit.
Huminga siya ng malalim... Gusto niyang replayan ang text message...
Nakatunganga lang siya na nakatitig sa kanyang phone.
"Hija, tumawag na ba si Nate? Anong oras siya babalik?"
Napapitlag siya. "A-ah.. E-eh ma may inasikaso po pala siya kaya siya matatagal." Pag-aalibi niya
"Ganoon ba? Sayang naman." Tamang-tama ang dating ng kanyang ina.
"Andito ka na pala mare. Guess who'se here." Nakangiting saad nito sa kanyang ina. At napatingin ang kanyang ina sa kinaroroonan niya.
"Anak!!!" Tuwang tuwa na makita siya at nabitawan patuloy nito ang mga pinamili. Nagmadaling sinalubong siya nito ng yakap.
"Ma!! Namiss ko po kayo." Niyakap niya ang ina. Gusto niyang maiyak sa tuwa at sakit.
"Ma.. Namiss ko kayo ng sobra."
"Ako rin anak. Nasaan na pala si Nate? May inaasikaso pa po siya ma."
"Kumare kunin ko muna itong mga pinamili mo."
"Nakakahiya naman sa iyo kumare."ani pa ng kanyang ina at tinulungan nito ang ina ni Nathaniel.
"Anak sandali lang ha." Nakita ng kanyang dalawang mata kung gaano na kaclose ang dalawa. Lalo niyang ikinatuwa na maligalig ang pagtanggap sa kanila ng mga Montebello. Ngunit kung gaano kasaya ang kanyang nasaksihan. Ganon din kalalim ang sugatan niyang puso..
Ano ba talaga ang gusto mo'ng mangyari Nate?! Gusto na niyang bumigay.
Pagkuway tumunog ang kanyang phone. Kunot-noo niya itong sinagot dahil unknown number lang ang nakalagay.
"Hello. Sino toh?"
"Do you like what you see?" Nakangiting sabi pa nito kabilang linya. Kaya napatayo siya't lumabas ng bahay at nagtungo sa hardin. Wala na kasing tao sa mga oras na iyon.
"Kung ano man ang binabalak mo babae ka! Wag na wag mo akong hamunin!" Pagbabanta niya rito.
"Really?" Bahagya itong tumawa. Naririndi na ang kanyang tenga sa galit. "Kahit na may relasyon kami ni Nate. Bago pa naging kayo. Gusto ko lang ipaalam sa'yo na alam ko ang agreement niyo. Pakakasalan ka lang ni Nate dahil naaawa lang siya sayo at sa pamilya mo! Ang totoo niyan hindi ka niya talagang mahal!" Natigilan siya sa kanyang narinig. Tila huminto ng ilang segundo ang buong mundo.
"Dahil ako talaga ang totoong mahal niya. At ngayon nakuha muna ang gusto mo. Babawiin ko sa'yo kung ano ang para ay sakin! Dahil kailanman hinding-hindi kita patatahimikin! Hangga't hindi ko makukuha si Nate."
"Si Nate ang gusto mo? Iyong-iyo na siya!" At pinutol niya ang tawag. Humalukipkip siya sa kanyang nalaman. Hindi siya makapaniwala na pinaglaruan lang ulit siya ng binata. At this point, awa lang talaga ang tingin nito sa kanya. Gusto niyang sumigaw ng malakas. Mabawasan lang ang sakit ng puso niya.
Humakbang siya bagama't nagdilim ang kanyang paningin at nawalan siya ng malay.
May nakakita sa kanya nang matumba siya sa hardin. "Ma'am Lara! Ma'am!" Tawag ng katiwala sa ina ni Nate.
"Ano ba yun? Si maam Althea po nahimatay sa hardin."
"Ano?! Nasaan siya?"
" Nasa salas po pero hindi pa siya nagigising." Halos takbuhin na ng dalawang ginang ang sala galing kusina.
"Namumutla si Thea. Clara dalian mo tumawag ka ng ambulansya." Utos ng ina ni Nate.
"Anak, ano bang nangyari sa'yo. Pakiusap gumising ka na please."nakaluhod na wika ng kanyang ina. Subalit hindi parin siya nagkakamalay.
"Bilisan niyo andito po ang pasyente." Ani ni Clara. At mabilis nakinarga si Althea pahiga sa stretches.
"Nasaan na ba si Nathaniel?! Bakit hanggang ngayon wala pa!" Inis na ani ng ina ni Nate.
"Clara kapag nakabalik na si Nathaniel. Sabihin mo na dumiretso sa ospital."
"Opo maam. Ito po ang bag niyo." At nagmadaling sumakay ang dalawang ginang sa ambulansya.
"Magiging okay pa ba siya?" Tanong ng ina ni Althea.
"Ano po palang nangyari. Ang sabi ng katulong nahimatay nalang bigla sa hardin."
"Wag po kayong mag-alala magiging okay naman siya. Unconscious palang po siya ngayon."
Habang binibilisan ang pagmamaneho ng ambulansya. Kaagad tinawagan ni Lara ang anak.
"Ano bang nangyari kay Nathaniel? Bakit hindi man lang sumasagot. Ngayon pa na may nangyari kay Althea. Nasaan na ba itong batang toh!"
Tumawag itong muli subalit. Palaging busy. Kaya tumawag nalang ito kay Carlo.
"Carlo, anak nasaan ka ngayon?"
"Ma, nasa palawan po kami ni Ren. Bakit po?"
"Ganoon ba? Eh si Althea sinugod namin sa ospital ang kuya mo naman hindi pa umuuwi."
"Pano ba ngayon yan ma? Nasa malayo ako. Subukan kung tawagan sina Zander at Jed ma."
"Sige hijo. Sabihin mo na dumiretso sila sa Makati Medical Center."
"Sige ma. Mag-ingat po kayo."
"Salamat hijo." At pinutol na nito.ang tawag. Pagkuway dumating na sila sa ospital.
"Mare, huwag tayong mawalan ng pag-asa." Kapit kamay na wika ni Lara sa kumare.
"Salamat kumare." At binaba na ang dalaga para maipasok sa loob ng ospital.
Mabilis na dinala sa emergency room si Althea. Habang naroon ang dalaga sa loob ay nagdasal ang dalawang ginang na magkamalay na si Althea.
"Tita... Ano pong nangyari?" Ani ni Jed nang dumating siya at yumakap sa dalawang ginang.
"Jed, si Althea nahimatay bigla. Hindi namin alam ang nangyari. Baka kong napano siya."
"Huwag po kayong mag-alala tita. Ginagawa naman ng mga doktor ang kanilang makakaya." Saad pa ni Jed.
"Nasaan na po pala si Nathaniel? Bakit wala po siya rito?"
"Kanina pa umalis si Nathaniel. Para bisitahin si Rei at hanggang ngayon hindi pa nakakabalik." sambit pa ng ina ni Althea.
"Ewan ko nga ba sa pinsan mo'ng yan Jed. Nagkakagulo na rito, habang siya'y patuloy na hindi sinasagot ang mga tawag ko."
"Sige po tita. Hahanapin ko po si Nate. Papunta narin po si Ciarra rito Tita. Ito na nga po pala siya." ani ni Jed ng makita ang kapatid.
"Tita, kumusta na po si Althea?" ani ni Ciarra matapos bigyang ng yakap ang dalawang ginang.
"We still don't know hija. Until now, hindi pa lumalabas ang doctor. Nahimatay siya kanina sa garden at pagkakita namin ay namumutla na siya." salasay ng ina ni Nathaniel.
"Cia, samahan mo muna sila tita rito. Hahanapin ko muna si Nate."
"Sige.." at umalis na si Jed sa ospital.
Dahil sa pagmamadali ng binata may nakasalubong tuloy siya. Na hindi niya namalayan.
"Watch where you're going!" asik na wika ng dalagang nakabangga niya. Nang nilagpasan na niya ito.
"Sorry!" pasigaw na wika niya rito nang nilingon niya ito.
Mabilis na tinalunton ang lobby palabas sa ospital. Tumungo siya kanyang kotse kung saan ito nakaparada. Pagkuway nakapasok na siya sa loob ng kotse at pinindot niya ang kanyang secret laptop sa loob ng kotse.
"Please entry your password." The computer stated.
"Jeddrick." sabi niya. "Access granted."
"Track Nathaniel's phone." utos niya at pinakitaan siya nito ng coordinates kung nasaan ang kanyang pinsan.
Pinahaharurot niya ang kotse patungo kung saan ang kinaroroonan nito. Sa laking gulat niya ng makarating siya sa isang condo,
"Anong ginagawa ni Nate rito? Hindi naman ito ang condo niya. Kaninong condo ba toh?" pagtataka niya hindi na niya pinarada ang kotse sa basement. Tutal hindi naman siya magtatagal kaya sa labas ng condo nalang niya ito pinarada.
"Baka dito niya hinatid si Rei." aniyang nakatingin sa gusali.
"What's room is he?" he commanded. At nakuha naman niya ang gusto niyang malaman. SA halip na magtanong sa receptionist at dumiretso siya sa elevator. Pinindot ang floor na nais niya.
Walang pag-aatubiling kumatok si Jed sa mismong unit ng dalaga. Nakailang katok na siya subalit hindi parin siya pinagbuksan. Nang panghuling katok niya ay pinagbuksan na siya nito.
"Jed! What are you doing here?" laking gulat ng dalaga ng makita siya,
"Where's Nate?" awtomatikong pumasok siya sa loob para hanapin ang pinsan.
"His not here." pagsisinungaling nito.
"Really? I'm tracking his phone Rei. Kaya kung ako sa'yo tigilan mo na yan ginagawa mo." pagbabanta niya sa dalaga. Lumakad siya patungo sa isang kwarto.
"Ginagawa? Wala pa nga akong ginagawa. Pinagbibintangan mo na kaagad ako. How rude are you."
"This is a warning Rei. Kung wala kang magawa sa buhay mo. Tigilan mo na si Nathaniel at Althea." hinarap niya ang dalaga. Napaismid ito at ini-snob siya.
Binuksan niya ang pangalawang pinto. Nakita niya ang kanyang pinsan na nakahiga sa kama. Ang himbing ng tulog habang naka-topless. Naniningkit ang kanyang mga matang tiningnan ang dalaga.
"What? Napagod si Nate kanina. Kaya natulog muna siya. Alangan naman'g gisingin ko siya?" pagtataray na wika nito. Wala siyang mapapala kung bibilhin niyang makipagtalo rito ngayon.
"Nate. Wake up. Nate! Wake up!" aniyang sabay yugyog rito.
"Hmmm..." tanging usal nito.
"Nate! You need to wake up. Hinahanap ka na nila."
"O-Oo.." ani nito bahagyang bumuka ang mga mata ni Nate. Ngunit bumalik rito ito sa pagkakahiga.
"This is useless. I need you to get out of here." Kinuha niya ang inner shirt ng pinsan niya't kahit nahihirapan siyang isuot ito. Pinagpatuloy parin niya while Rei is watching him. Na nakapamaywang pa.
"Kung tatayo ka lang dyan mas mabuti pang tulungan mo ko." utos niya sa dalaga.
"Bakit kita tutulungan? In the first place, ikaw ang may gustong kunin siya. Di panindigan mo!" taray nito at tinalikuran siya.
"Wala ka talagang kakwenta-kwenta. Mabuti nalang at hindi sa'yo nagkagusto ang pinsan ko." wika niya at kinuha niya ang kanang kamay nito para maisablay sa leeg niya.
Napalingo siya dahil talagang hagok sa tulog ang kanyang pinsan. "I'm sorry but I have to do this." Binitawan niya ito at napahiga na naman sa kama si Nate. Isang malakas na sapak ang ginawa niya para lang ito magising.
Subalit hindi parin ito nagigising. "Napahina ko yata." Nang sasapakin niyang ulit ang pinsan at kaagad nitong nakuha ang kamay niya. Kaya natigilan si Jed.
"Isang masakit na sapak yun ah." ani ni Nate na medyo nanghihina pa sa lakas ng tama ng pills.
"Ilang oras ba akong nakatulog?" At natauhan na nga si Nate sa wakas.
"HIndi ko alam, ang sabi sa'kin ni Rei napagod ka raw."
Nang rumehistro sa kanyang isipin ang ginawa ni Rei sa kanya. kaagad siyang bumalikwas at bumangon mula sa pagkakahiga.
"Where is she?" galit na galit na wika ni Nate.
"I don't know. The last time she's just out there. Hindi pa nga niya ako tinulungan na magising ka."
"By the way, kailangan na natin'g magmadali dahil nasa ospital ang asawa mo, sinugod."
"Ano?!" nagmadaling siyang nagbihis ng damit at paglabas na nila ng kwarto ay wala naroon ang dalaga. "Nate, let's go." Iniwan na nila ang unit ni Rei at sinara ang main door.
Patakbo nilang tinalunton ang elevator at nang makalabas na sa condo ay kaagad na pinaandar ni Jed ang kotse. Pagkatapos nagtungo kaagad sa ospital.
Itutuloy....
Pasensya na po medyo may kabagalan ang pag-update ko.. I need 20 votes and 20 comment for the next update... :-) ☺☺☺ pag na hit niyo po ang request ko. Araw-arawin ko po toh ☺☺☺😉😉😉 goodluck sakin!....
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro