Kabanata 15
She woke up with a little messy hair. Napaunat siya, wala naroon ang binata. Kumunot ang noo niyang nakakita siya na nakaimpake na ang lahat ng gamit nila.
"Goodmorning baby." Nakangiting bumungad nito sa kanya na may dala pang tray.
"Ano toh? Breakfast in bed." Usal niya.
"What do you think? Ayaw na kasi kitang gisingin pa. Baka kasi napagod kita kagabi." Sambit nito sa kanya ng ilapag ang tray na niluto ni Nate.
"Buti at alam mo." Taray na wika niya at umupo siya ng maayos.
"Wait. Isuot mo muna toh." Kinuha nito ang tray at nilapag sa mesa. At iniabot sa kanyang ang puting polo nito. Gusto niyang kumontra pero hinayaan na lang niya ang sariling sumunod sa binata.
Sinuot niya ang damit nito at mag-ayos na nang pagkakaupo.
Simple lang ang pang-almusal na hinanda ng binata. Ramdam niya ang pag-alaga sa kanya ni Nate. Bread and bacon ang hinanda nito.
"Hmm..."
"What you think? Papasa na ba ang ala Monte Cristo bread ko." Nakangiting saad pa nito sa kanya. Habang nakaupo ito sa tabi niya.
She raised her eyebrows. "Talaga palang marunong kang magluto ha." Aniya sabay subo pa.
"Of course. Especially in States you have to do all the work all by yourself."
"True..." tumayo ang binata at hinalikan siya sa noo. "Eat well baby. Dahil uuwi na tayo mamaya."
Ngumiti lang siya't tumango. Kinuha na ng binata ang kanilang mga bagahe at inilabas na ito sa kwarto. Para maihanda na sa kotse.
Pagkuwa'y natapos na siyang kumain. Nagtungo kaagad siya sa banyo para maligo. Nang matapos na siyang maligo at makapag-ayos. Kinuha niya ang iilang mga personal niyang gamit.
Nakita niya ang paligid na maayos na. Maybe he really did his job to impress her.
Napangiti siya. Nang papalabas na siya nang bahay. Naroon ang napakaguwapong lalaki sa buong buhay niya. Naka-avaitor habang nakasandal sa kotse.
Damn. Bakit ba ang guwapo-guwapo mo. Saad niya sa sarili. She could fall in love with him even more.
"Is everything good?" Tanong nito.
"Yes." At bahagyang pinagbuksan siya nito ng pinto sa may passenger's seat. Pagkuway ay umikot ito at umupo rin sa tabi niya....
"Okay na po ba tayo Sir?" Tanong ng driver.
"Oo tara na." Kaagad na pinaandar ng driver ang kotse. Sa kalagitnaan ng biyahe. Tahimik lang siyang naupo katabi ang kanyang asawa.
"Baby, you look so damn beautiful." Anito sa kanyang tenga. Muntikan na siyang magulat. Buti nalang nakontrol niya ang sarili. Tiningnan niya ito at kiming napangiti siya rito.
"Totoo bakit---" biglang tumunog ang phkne ng binata. Kinuha niya iyon sa kanyang bulsa.
Kumunot ang noo nito bago sinagot ang tawag.
"Yes. I know her. Why? What happened to her?" Sambit nito sa kabilang linya at napaayos ang upo nito at dumistansya sa kanya ng kaunti.
"Actually I'm heading back to Manila. No, her parents was in States. Okay doc, I will be there as soon as i can. Thank you for calling me doc. I see thanks again doc." Anito pagkatapos ay binalik ang phone sa bulsa.
Hindi niya alam ang nangyayari subalit nakadama siya nang pagkaselos. She can sense it na may kinalaman na naman ang matalik na kaibigan nito.
"Baby pupunta ako nang ospital mamaya. Naospital kasi si Rei wala siyang ibang kakilala dito kundi ako lang. You want to come?" Sambit nito.
"Hindi na. Tutal gusto ko rin naman magpahinga pagdating natin sa bahay." Sambit niya.
"Sige. Thank you baby." At hinawakan nito ang kanyang kamay at hinalikan.
Ilang sandali ay narating na nila ang airport. As usual private plane ang sasakyan nila. Ayaw kasi ng binata na mastress siya sabi pa nito.
Kinuha ng tauhan nito ang kanilang mga gamit. At inalalayan naman siya ng binata paakyat nang hagdan. Nate is such a kind man. Ngayon lang niya iyon nakita. Batid ba niya'y nag-iba ng husto ang ihip ng hangin. Simula nung nagkaaminan na sila ng damdamin.
Kaya pati siya ay hanggang langit ang ligaya niya. Kung tutuusin pwede na siyang mamatay. Napangiti nalang siya sa ligayang kanyang nadarama.
"Why are you smiling?"
"A-ahh w-wala lang. May naisip lang ako." Bahagya siyang napaupo katabi ang binata.
Binigyan sila nila crew nang pagkain at inumin.
"Babe, you want some?" Alok nito sa kanya.
Imported snacks at drinks ang naka-serve para sa kanila. Kumuha siya ng isang snack na nakalagay sa isang saucer at isang juice.
"Okay na ako rito." Aniya.
Tumango si Nate at kumuha rin ng makakain. Habang masaya silang nagkwekwentuhan habang binubola siya ng binata. Ay biglang tumunog ang cellphone nito.
"Baby, can I take this call? Baka kasi importante."
"Sure baby." At sinagot yun ng binata.
"Hello? Kumusta ka na? Ano ba kasing nangyari?" Sambit nito habang nakikinig siya tila ba may kirot na di niya mawari. Gusto niyang sabihin rito na nagseselos siya.
"Rei, ano ba kasing pinaggagagawa mo? I'm currently on a plane. Pagkatapos kong mahatid si Althea sa bahay bibisita ako. But don't expect na magtatagal ako dyan. Did you call your mom about what happened?"
"What?! Bakit wala pa!? Are you out of your mind? Ako na ang tatawag sa kanila para malaman nila ang kalagayan mo rito."
"Bakit hindi? If that what you want. Fine. You take care, mag-laland na ang eroplano. Okay bye."
At bahagyang ini-off ang tawag.
"Anong sabi?" Aniya.
"Na-ospital siya at pinapadali niya ang pagpunta ko roon. Ewan ko ba sa babaeng yun. Kung bakit ba kasi nagpapabaya sa sarili. I knew her very firm and sophisticated. But this is way too far from what I've expected."
"Ano ba kasing nangyari?"
"Nakipag-away sa isang babae sa bar. Hanggang sa napunta sa sakitan. Ayon mas napuruhan siya dahil may mga kasama din yung babaeng kaaway niya."
"Bakit hindi sila naawat?"
"Naawat naman pero paglabas ng club. Inaabangan na pala siya."
"Kawawa naman pala siya. Mas mabuti pa dumiretso kana sa ospital paglapag natin." Suhestiyon niya.
"No. Even if she's close to me. I can't leave my wife behind." Seryosong saad nito.
Napangiti siya at hinalikan ni Nate ang kanyang pisngit. I love you so much Nate. More than you'll ever know. Lihim niyang sambit sa sarili.
Nang nakalapag na ang eroplano ay maagap ang pag-aalay sa kanya ni Nate. Kahit na sa pagsakay sa sasakyan.
"You know you don't need to do that." Aniya.
"Do what?" Ngumuso siya at nang maalala ng binata.
"Ahh.. That. I will do whatever I want as long as I live I will always take care and love you. Dahil yun ang gusto ko ang alagaan ka." Malumanay na saad nito habang bumabyahe sila pauwi.
Ilang oras din ang biyahe nila hanggang sa nakauwi na sila sa mansyon ng mga Montebello.
Dahil sa walang nakakaalam na uuwi sila. Kaya naman ang lahat ay busy sa kani-kanilang mga trabaho.
Pagdating nila wala ni isa ang sumalubong at yun ang gusto ni Nathaniel. Naunang bumaba ang binata kaysa kay Althea. Pinagbuksan naman siya ng pinto...
"Sir Nathaniel!!!" Laking gulat ng isa sa mga katulong ng binata. Napangiti lang ang binata at nasaksihan iyon ni Althea.
"Ma'am Lara! Ma'am! Sina Sir Nate dumating na po!" Kakasigaw na tawag nito sa kanyang ina na natutuwa pa. Lumapit ang isang pa nilang katiwala.
"Sir, bakit hindi kayo nagsabi na uuwi kayo." Ani pa ni Manong Elmer habang kinuha ang kanilang bagahe.
"Gusto ko kasing sorpresahin si Mama." Aniya habang hawak ang kamay ni Althea. Nararamdaman niya ang talaga ang pagmamahal sa kanya ni Nate.
"Mas matutuwa ang mama mo. Kapag nakita na kayo sir." Sambit pa ng katiwala. Napangiti nalang silang pareho at bahagyang pumasok sa loob ng mansyon.
"Anak!!!!" Masayang sigaw ng ina ni Nate at sinalubong sila nito ng masiglang yakap at mga halik.
"Ma. Kumusta na po kayo?" Tanong pa ng binata.
"Kayo ang kumusta? Hindi man lang kayo nagpasabi na uuwi na kayo ni Thea." Napangiti nalang siya.
"Manang mag-handa kayo ng masasarap na makakain." Utos ng kanyang ina.
"Hija. Ikaw kumusta ang honeymoon niyo ni Nate?" Ani nito na may ibig ipahiwatig. Dahil sa kislap palang ng mga mata nito alam na niya ang ibig sabihin ng ina ni Nate.
"O-okay lang naman po ma."
"Anong okay lang baby? We're very fine ma." Nakangiting ani pa ng binata.
"Mabuti naman." Sagot pa nito at nagtungo sila sa sala.
"Hija, may gusto ka bang kainin?"
"Wala po ma."
"Ay nako Thea. Na-aaloof ka parin ba dito sa bahay?" Tanong ng ina ni Nate habang hawak ang kamay niya.
"Medyo po."
"Don't be. Siya nga pala ang mama. Pumunta sa bayan may binili. Siguradong matutuwa yun pag-uwi ng mama mo."
"Sigurado ho yun ma. Siyanga pala, baby diba pupunta ka pa sa ospital."
"Ospital?! Sinong na-ospital?" Takang tanong ng ina ni Nate. Naghanda naman ng makakain ang katulong nila at pinagsilbihan sila.
"Salamat Manang." Sambit niya rito.
"Yung bestfriend ni Nate ma."
"Si Rei? Bakit anong nangyari sa kanya hijo?"
"Ang sabi niya may nakaaway siya sa bar."
"Hay nako iyan talagang si Rei kahit kelan parang hindi nag-iisip."
"Ma, bibisitahin ko muna siya. Kanina pa kasi nangungulit."
"Oh siya. Wag kang tatagal alalahanin mo may asawa kana."
"Yes ma. Baby mauna na muna ako ha." Anito sabay halik sa pisngi niya. "And please don't be shy."
"Yes, baby. Take care okay." "I will."
At isang masarap na halik ang ibinaon niya para kay Nathaniel bago pa ito makaalis.
Habang naroon si Althea sa mansyon pansamantala. Nakatanggap na naman ng tawag si Nate.
"I'm on my way. Hinatid ko pa ang asawa ko sa bahay. Take care okay. Bye."
At pumasok na siya sa kanyang kotse. Hindi pa niya pinaandar ang sasakyan nagtext na muna siya kay Althea.
Don't be jealous baby okay. I'm just visiting her I won't be long coz I can't stand to stay away from you. I love you.
At kaagad na pinaandar ang kotse at umalis na sa mansyon. Isa't kalahati rin ang kanyang pagmamaneho bago marating ang hospital na kinaroroonan ng dalaga.
Nang nakaparada na ang kanyang sasakyan ay kaagad siyang pumasok sa ospital at tumungo sa kwarto nito.
Kumatok siya bago pumasok. Pagbukas niya ng pinto ay wala roon ang dalaga.
"Rei? Where are you?" Nang nakapasok na siyang tuluyan at pumaroon siya sa isa pang pinto. Pinihit niya ang pinto subalit nakalock ito.
"Rei? I'm here. Are you okay?" Narinig niyang sumusuka ito.
"Rei! Please open the door." Talagang nag-aalala siya para rito. Ilang sandali pa ay binuksan na nito ang pinto.
"Nate..." sambit nito na talagang nanghihina pa.
"Are you okay? Kumusta na ang pakiramdam mo?" Tanong niya habang inalalayan ang dalaga makabalik sa higaan nito.
"I'm fine now. Dahil andito ka na sa tabi ko."
"I told you, you have to tell your mother about your condition. Hindi pwedeng walang magbabantay sayo rito." Aniya habang tinutulungan ang dalaga na makahiga sa kama.
"I'm fine. Andito ka naman para alagaan ako diba?" Anito sa kanya.
"Rei.. Alam mo naman na hindi ako pupwede diba? May asawa na ako at may inaasikaso rin akong trabaho----"
"You always say that! You promise me that you will take care of me no matter what! Kinalimutan mo na ba talaga ako Nate?! Ganyan na lang kadaling kalimutan ang lahat-lahat?!"
Sumbat nito sa kanya na nangingiyak pa.
"Rei it's not like that. Iba noon at iba na ang ngayon. Hindi na ako ang dating kaibigan na laging andyan para sa'yo."
"But I want you Nate. I want you to take care of me." Ani nito nagmamakaawa sa kanya hawak ang kamay niya.
"Please Nate... As long as I will get better. I'm begging you." Hanggang sa umiyak na nga ito ng tuluyan.
Wala namang magawa ang binata kundi ang kaawaan ang dalaga. Napayakap siya rito para alu-in ito.
"I can't promise you anything. Pero pag-uusapan muna namin ito ni Althea."
"Thank you Nate. Your such a good friend of mine." At niyakap siya nito ng mahigpit at kumawala naman kaagad siya sa pagkayakap.
"You have to take a rest. Dito na muna ako ng ilang sandali." Aniya at umupo sa isang tabi.
"Salamat talaga dahil binisita mo ko. Alam mo naman na ikaw lang ang kamag-anak ko rito sa Pilipinas."
"I know but you have to take good care of yourself Rei."
"Nawala lang ako sa isip. Siya ang nagsimula ng gulo Nate at hindi ako. Dinepensahan ko lang ang sarili ko. Yun naman pala may sankatutak na tropa ang dala. At heto ang bagsak ko."
"I believe you. But still you have to be careful." Saad niya sa dalaga. Napatahimik nalang ito at napayuko. Tamang-tama ang pagpasok ng doctor.
"Good afternoon, Miss De Castro I'm glad to inform you, na pwede ka ng ma-discharge. Gayun normal na ang mga lab results mo. Sa bahay ka na tuluyang magpagaling." Esplika ng doctor.
"Mabuti naman kung ganoon doc. Thank you doc."
"Your welcome. You can process your clearance in the nurse station. Ipapaalam ko na rin sa kanila na pwede ka nang umuwi."
"Salamat po doc."wika ni Rei.
"I-process ko muna yung clearance mo para makapagpahinga ka na."
Tumango nalang ito. Sumabay si Nate sa doctor palabas ng kwarto ni Rei.
"Doc I want to ask you something? Is Rei's injury are that serious?"
"Not really. Good thing hindi masyadong malala ang nasapit niya. Kaya mas mabuting double ingat na ngayon. She really need to take a rest. Baka mapano siya."
"Sige po doc. Thank you very much." At tinapik siya nito bago ito makalayo nang tuluyan. Pinagprocess niya ang pag-discharge nang dalaga. Kinuha niya ang phone at tinawagan ang dalaga.
"Hello baby? How are you? Hindi ka ba napagod?"
"Hindi naman baby. Ikaw kumusta na si Rei? Kelan ang labas niya baby?
"Okay na siya sa ngayon. Kailangan lang ng dobleng ingat. Pwede narin siyang umuwi. Kaya pinaprocess ko ang clearance niya. Baby, medyo matatagalan pa talaga ako dito. Okay lang ba sayo?"
"Baby, as long as matulongan mo siya. Okay lang sakin. Besides she's your best bestfriend."
"I know baby. Ayaw ko lang na mag-alala ka."
"Hindi ako mag-alala kapag walang masamang mangyari."
"I'll make sure of it baby. I don't want to hurt you. I love you so much."
"I love you too so much baby." Saad ni Althea sa kabilang linya.
"A-ahm sir paki-permahan nalang po rito." Saad pa ng nurse.
"Baby I have to go muna."
"Okay baby bye." At pinutol na ni Nate ang tawag pagkatapos nilagdaan ang papel na ipinakita sa kanya ng nurse.
"Sir ipakita niyo nalang tong discharge slip sa guard mamaya. Pagkatapos niyong nabayaran ang bill po."
"Okay. Where's the billing station?"
"Downstairs sir turn left." Anito.
"Thank you." Pagkuwa'y natapos niyang bayaran ang hospital bill ng dalaga. Kaagad na bumalik sa room nito.
"Shall we?" Saad niya rito.
Maagap ang pag-alalay ni Nate ang dalaga hanggang sa makarating sila sa parking area.
"Nate pwede bang samahan mo muna ako?" Anito na medyo nanghihina.
"Okay. You know I won't take too long."
"Yes." Tumango ito at pinaandar na ng binata ang saksakyan niya...
******
Itutuloy.....
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro