Kabanata 1
"Thea! Anak halika na! Mahuhuli ka na sa klase." Sigaw ng ina ni Althea mula sa kusina. Nang mga oras na iyon ay nasa harap siya ng salamin at nanunuklay.
Althea Jane Almonte, nag-iisang anak ng mag-asawang Leandro at Rebecca Almonte. Bagong lipat sa lugar na kung tawagin ay San Rafael. Hindi masyadong asensyo ang lugar na ito dahil malayo ito sa lungsod.
Ayaw sana ng ina ni Althea na pumarito sa probinsiya. Subalit wala itong magagawa. Kung hindi lang dahil sa lupaing nabili ng kanyang ama hindi sila mapapadpad rito.
Gayunpaman, mabait ang kanyang ama. Kaya naman napilitan itong bilhin ang lupain ng matalik nitong kaibigan dahil sa may sakit ang anak nito at kailangang ma-operahan sa Maynila.
Para lang matulungan ang kaibigan nito. Ay isinanla ng kanyang ama ang kanilang bahay sa bangko para may sapat na ipambayad sa kaibigan nito.
Kahit na mahirap para sa kanila ang naging desisyon ng kanyang ama. Niyakap parin nila ng buong puso ang kapalaran.
May mga puno ng mangga at lanzones din naman ang ektaryang nabili ng kanyang ama. Kung kaya, yun nalang ang pinagtutuunan ng pansin nito.
Hindi man nito kabisado ang buhay probinsiya. Pursigido rin itong matuto. May mga tauhan din palang nagtratrabaho sa lupain ng matalik nitong kaibigan. Na siyang gumagabay sa kanyang ama.
"Lahat kayo, magsilapit muna rito." Ani ng matalik na kaibigan ng kanyang ama na si Ricardo.
Nagsipaglapit naman ang mga trabahante sa kanila. Katabi niya ang kanyang ina. Nasa may tapat sila ng malaking bahay. Kung saan nagtipun-tipon ang mga tauhan ni Ricardo.
"Alam niyo naman na may malubhang karamdaman ang aking anak. Kung kaya't dapat ko siyang ipagamot sa Maynila. Ibinenta ko na ang lupaing ito----"
"Pero Don Ricardo, paano na po ang mga pamilya namin?"
"Saan po kami kukuha ng pang-araw-araw namin?"
"Wala na po kaming mapupuntahan Don...." sunud-sunod na pagprotesta ng mga trabahante.
"Sandali.... Sandali lang.... Tumahimik muna kayo." Ani pa ni Don Ricardo.
"Kaya nga nandito ang kaibigan ko para ipagpatuloy ni ang nasimulan nating lahat. Sana tulungan niyo siya at kung ano ang ipinakita niyo sakin. Yun din ang ibibigay niyo sa kanya. Ipinakikilala ko kayo sa bago niyong amo si Leandro Almonte." Mataas na pahayag pa ni Ricardo para sa lahat at nagsipagpalakpakan ang mga naroon.
"Magandang umaga, salamat at tinanggap niyo ako bilang panibago niyong amo. Sana magtutulungan tayong lahat para mas yumabong pa ang lupaing ito."
"Makakaasa po kayo." Masayang sagot ng lahat. Sa kauna-unahang pagkakataon nakita ni Thea na masaya naman ang kanyang ama sa naging desisyon nito. Masaya narin siya para rito.
"Althea! Ano ba! Mahuhuli ka na sa klase mo!" Sigaw ng kanyang ina na nauubusan na ng pasensya.
"Andyan na ma...." nagmamadali siyang tumungo sa kusina para kumain ng agahan.
"Ikaw talagang bata ka. Alam mo naman mabilis tumakbo ang oras." Pangaral ng ina.
"Sorry na ma." Aniya sabay subo ng pagkaing hinain ng ina. Sa halip na ubusin ang pagkain ay kaagad siyang uminom ng tubig. Napatingin siya sa kanyang relos.
"Ma, hindi ko na po toh mauubos. Salamat ma, malelelate na po ako." Aniya na nagmamadaling humalik sa pisngi ng ina sabay kuha ng baon.
"Nakakailang subo ka lang Althea."
Pahabol pa nito.
"Okay na po ako ma. Sige po. Bye." Sabay kaway rito. Napailing nalang ito sa kanyang pagiging pilya.
Sumakay siya nang traysikle patungong paaralan. Nasa grade school pa kasi siya nun. Pagdating niya sa eskwelahan. Kinakabahan tuloy siya. First time niya kasi sa lugar na toh.
Inabot niya ang bayad at humarap sa malaking gate.
"Magkakarun kaya ako ng mga friends rito?" Tanong niya sa sarili. Naputol ang kanyang pag-iisip ng may bumusina sa likuran niya.
Napatalon siya ng dahil sa gulat at tumabi sa daan. Nanlilisik ang kanyang mga matang tumitig sa itim na sasakyang dumaan.
"Pambihira!" Singhal niya at inayos niya ang kanyang uniporme. Dumiretso siyang lumakad papasok sa eskwelahan.
Sa katunayan hindi niya alam kung saan ang kanyang room. Kaya nagtanong siya sa dalawang estudyanteng nakatayo malapit sa may puno.
"Excuse me, pwede magtanong? Saan dito yung Grade six building?"
"Section?" Tanong nito.
"One." Sagot niya.
"Nakikita mo iyang malaking building sa gitna. Grade six building yan, nasa ground floor ang section one." Salaysay ng estudyante.
"Okay. Thanks." Nakangiting sabi niya tumango lang ito. Nang di pa siya nakakalayo ay nagsipag-apiran ang mga ito at panay ang tawa.
"Bakit kaya sila natatawa?" Napakunot noo niyang sabi. Habang timatalunton ang daan patungong building. Napalinga-linga siya sa paligid...
Malaki nga ang eskwelahang ito. May covered court din sa may bandang kanan at napakalawak rin ng lugar na nilalakaran niya.
Malapit na siya sa building at nagmamadali siyang humakbang sa maliit na hagdan. May tatlong classroom ang naroon.
Nang akmang papasok na siya nakita niya ang isang board na nakapaskil sa pinto.
"Grade 6 - 3" mahinang sambit niya.
"Oh my God..." natutop niya ang bibig at umatras. Lumakad siya sa kabilang classroom.
"Six five." Ani niya kapagkuwan.
"Six six." Muling sambit niya. Kinakabahan siya. Hindi niya alam ang gagawin. Sobrang late na siya sa klase ng sampung minuto.
"Ahmm... Miss, hindi ka ba papasok?" Tanong ng isang binatilyo.
"Thank God." Nasambit niya.
"Okay ka lang ba?" Tanong nito.
"Nawawala yata ako. Saan ba dito ang room ng section one?" Muntikan na siyang maluha pero pinigilan niya.
"Nasa itaas miss. Umakyat ka lang dito. Tapos nasa dulo yun ang six one." Anito.
"Salamat." Gusto niyang maiyak sa tuwa at mabilis na tumakbo paakyat. Hindi na niya narinig pa ang sinabi nito.
Nahihiya na siyang lumakad sa pathway ng bawat classroom. Dahil nagsimula na ang klase. Pagdating niya sa kanyang classroom.
Tiningnan niya muna ang nakapaskil sa pinto. Grade six -1 ang nakalagay. Humugot siya ng malalim na hininga.
"M--Ma'am I'm sorry I'm late." Aniyang napayuko.
"Please come in. Just take the vacant sit." Ani ng guro.
Naupo siya sa pangalawang hilera. Dahil yun lang ang may bakante. Napansin rin niyang kaklase niya ang dalawang babaeng nakausap niya kani-kanilang.
Tumahimik siya at nakinig sa guro. Gusto niyang manlumo sa inis. Dahil sa maling direksyon na ibinigay sa kanya. Yun tuloy nalate siya sa klase.
Nakalipas ang dalawang oras ay dumating na ang paborito ng lahat. Recess time! Kaagad naman nagsitayuan ang lahat ng kaklase niya.
Kanina'y ubod ng tahimik napalitan na ng ingay. Ganun naman talaga kapag recess time. Excited ang lahat para lumabas at bumili ng kung anu-ano sa kantina. O di kaya makipagkwentuhan sa iba pang kaklase sa study area...
"Ikaw pala si Althea. Pasensya ka na ha. Akala ko kasi section two ang sabi mo." Mataray na sabi pa ng kaklase niya na si Brigette. "Bagay ka kasi doon. Sa lower section." Ani nitong napatawa kapagkuwan.
Hindi lang siya umimik. Dahil sa inis napakuyom niya ang kamaong nakalapat sa kanyang palda.
"Let's go girls." Nakangisi pa itong pakembeng-kembeng ang lakad. Kasama niya ang dalawang kaklase niya sa si Sophia at Audrey.
"Kung ako sa'yo sinapak ko na ang mga yun." Biglang sambit ng katabi niya na si Rosell.
"Okay lang yun, ganoon nga talaga siguro."
"Hay naku, wag mo talagang pairalin yan'g ugaling ganyan dito. Transferee ka diba?"
"Oo, bakit may problema ba sa ugali ko?" Nagtatakang tanong niya.
"Sakin siguro wala pero sa iba naku meron. Wag kang mag-alala nasa likod mo lang ako." Nakangiting ani sa kanya ni Rosell at tumayo ito.
"Salamat ha." Kimi siyang ngumiti at kinuha ang kanyang baon sa bag.
"Hindi ka ba lalabas?"
"Hindi na muna, may dala kasi akong baon." Sagot niya.
"Sige. Labas muna ako wala kasi akong dala." Ningitian niya lang ito at binuksan niya ang kanyang baon. May tuna sandwich siyang dala at kumain.
Habang inuubos niya ang kanyang sandwich. Pagkuwa'y uminom siya ng tubig. Hindi niya namalayan na may umupo sa tabi niya.
"Althea right?" Ani ng binatilyo.
"Oo, bakit?" Nilagay niya ang tubig sa kanyang armchair.
"May gagamba sa likod mo!" Biglang sabi nito sabay turo. Nagkataon din'g wala ang kanilang guro ng mga oras na yun. Nang dahil sa gulat kinapa niya ang sinasabing gagamba nito para maalis.
"Hala! Papasok na sa damit mo!" Tumayo ito na kaunti at nagtuturo. Natataranta rin siyang pinagpag ang likod. Di niya maiwasang tumayo at natapon ang kanyang tubig.
Nabuhusan ang kanyang palda ng tubig. Para siyang dalagitang naka-ihi tuloy sa panty.... First day of school bully na ng kaklase ang natanggap niya.
"Ay, sorry Althea. Hindi pala gagamba yung nakita ko. Kundi alikabok lang pala yun. Iyan tuloy sa sobrang likot mo nabuhos yung---"
Sa sobrang pagkadismaya ni Althea. Hindi na niya pinatapos ang kaklase na magsalita at kaagad siyang nagwalk-out.
Kaagad siyang pumunta sa cr. Para ihinahon ang sarili. Pumasok siya sa cubicle ay doon umiyak. Ramdam niya ang lamig na dulot ng pagkabasa sa tubig.
Gusto niyang lumaban ngunit wala siyang lakas ng loob. Dahil hindi naman siya pinalaki ng magulang niya na bastos.
Pinahid niya ang kanyang mga luha ng marinig ang bell. Hudyat na magsisimula na naman ang klase.
Kinalma niya ang sarili. Lumabas siya sa cubicle at humarap sa salamin. Huminga siya ng malalim bago siya tuluyang lumabas sa cr.
Tumingin siya sa loob ng kanilang classroom. Hindi pa nakabalik ang iba niyang mga kaklase. Kaya nagmamadali siyang pumasok. Para maitago ang palda niyang nabasa ng tubig...
Pinagpag niya ang kanyang palda. Para maibsan ang basa at kahit konti tumayo ito. Narinig niya na nagtatawan ang mga boys. Sa bandang dulo. Doon kasi ito nakaupo.
"Anong nangyari dyan?" Kunot-noong tanong ni Rosell..
"Ahh... Wala toh, nasamid lang ako kanina. Kaya natapon ang dala kong tubig."
"Lahat ng tubig mo natapon?" Bulalas nito na napaangat ang kanyang baong tubig.
Tahimik lang siyang tumango sa kaklase. Ano bang makukuha niya kung magsusumbong siya rito? Wala din naman. Ayaw din niyang patulan ang mga ito dahil wala siyang mapapala sa mga ito.
Isa pa ayaw niya kasi ng gulo. Lalong-lalo ng ayaw niya rin'g mapunta sa prefect of discipline ng dahil lang doon.
Kahit na basa ang kanyang palda ay patuloy parin siya sa pag-participate sa klase. Sumasagot rin siya sa mga recitation kapag nagtatanong ang guro.
Isa sa naging kakompitensiya niya ay si Nathaniel. Hindi naman magpapatalo ang mataray na malditang si Brigette.
Oo, alam niya ang ilang sa mga sagot sa mga katanungan ng guro. Nang mapansin niyang pinag-iirapan siya ng mga mata nito. Hindi na siya tumaas pa ng kamay.....
"Naku! Kung pwede ko lang tusukin ang mata ni Brigette ay ginawa ko na." Naiinis na sabi ni Rosell na nanggigilaiti sa inis.
"Wag na lang natin silang pansinin Sell." Mahinang aniya.
"Please keep quite." Saway ng guro ng umalingawngaw ang kanilang boses.
Nakita niya rin'g pinaikutan siya ng mata ni Bridgette.
Dumaan ang ilang oras at lunch time na nila. Niyaya siya ni Rosell na kumain sa labas ng classroom.
"Hmm.. may baon akong---"
"Oo na, may baon din naman ako. Bibili lang ako ng ulam. Samahan mo nalang ako." Pagpupumilit nito sa kanya.
"Ehhh..." napakamot siya ng batok.
"Sige na Thea.."
"Baka wala siyang pera." Biglang sambit ni Sophia na kasa-kasama ni Brigette.
"Itikom mo nga iyang bibig mo Sophia." Ani ni Rosell na parang di takot sumugod.
"Rosell, tama na. Hindi natin sila papatulan." Mahinang sabi niya na inaawat si Rosell.
"Bridge, ano ba naman yan?" Napreskong tugon pa ni Nathaniel sabay akbay rito.
"Sila kasi inaaway nila si Sophia." Sabay turo pa ni Bridgette sa kanila.
"Aba!" Nawalan ng kontrol si Rosell na parang gusto nitong sabunutan si Bridgette. Gumagawa ng kwento sa di naman ni ginawa. Buti nalang naroon si Althea para pigilan ito.
"Bridge, hayaan mo nalang si Althea ha." Masuyong sabi pa ni Nathaniel.
"Okay. Fine whatever." Sagot nito at kinuha nito ang kamay ng binatilyo sabay irap.
"Tse!." At ini-snob pa sila ng mga nakakalokang mga babaeng ito. Sumunod naman ang grupo ni Nathaniel.
"Hay naku! Kung di mo ko pinigilan talagang sinabunutan ko na ang bruhang yun!" Naiinis na sabi ni Rosell.
"Ano ka ba, para ka naman'g hindi higher section niyan eh."
"Alam mo Thea, nasa higher section nga tayo. Pero nakita mo ba kung anong ugaling meron ang nga kaklase natin? Palibhasa kasi nga anak mayaman." Naiinis na salaysay pa ni Rosell sa kanya.
Tahimik lang siyang nakikinig sa kaibigan. Habang naglalakad patungong kantina. Para samahan itong bumili ng ulam.
"Lalo na iyang Nathaniel Montebello na iyan. Pa-epek, katulad rin sila ni Bridgette. Ewan ko nga ba, kung bakit ang lalakas ng apog ng mga mayayaman! Grrr!" Galit na galit na wika ni Rosell parang siya ang inaaway.
Napatawa si Althea sa sunod-sunod na reaksyon ng kaibigan. Kahit na binu-bully siya ng iilan. Lumitaw ang kanyang kasiyahan ng dahil kay Rosell.
"Tinatawanan mo naman eh."
"You should see your face in the mirror. Para kang may sira."
Pareho silang nagtawanan. Nang marating nila ang kantina ay kaagad bumili si Rosell ng ulam.
Di naman siya nakakalayo. Ay may lumapit sa kanya.
"Nalate ka kanina ano?" Sambit ng binatilyong tumabi sa kanyang pagtayo.
"H-Ha?" Napalingon siya rito. Nang mamukhaan ang kausap ay ngumiti siya rito.
"Medyo, pero salamat ha."
"By the way, I'm Jimleo." Ani nito sabay lahad ng kamay.
"Althea. Salamat talaga kanina ha." Tinanggap naman niya ito.
"Wala yun, nasa ibaba lang naman yung classroom ko. Transferee ka?"
"Oo eh... kaya di masyadong kabisado sa lugar ng school."
"Okay lang yun masasanay ka rin." Ngumiti ito sa kanya.
"Sige mauna na ako sayo. Nice meeting you Althea." Ngumiti ito sa kanya at nagpaalam.
"Nice meeting you too." ningitian rin niya ito.
"Sino ba yu'ng kausap mo?" Puna ni Rosell ng pabalik na sila sa classroom.
"Jimleo daw ang pangalan." Sagot niya.
"Ah.. at least may nakilala ka rin na matinong tao dito sa school diba."
"Hindi ka ba kasali sa matitinong tao dito sa school?" Nakangiting tanong niya.
"Syempre! Kasali ako, pwera nalang kina Bridgette." Natatawang sambit nito.
"Tumpak!" At nag-apiran pa silang dalawa.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro