CHAPTER 15
At kagaya nang kaniyang sinabi, sinundo niya ako pagkatapos ng aking trabaho. At habang sakay ng sasakyan, kapwa pareho kaming tahimik. Seryoso siya habang nagmamaneho. Samantalang ako naman ay nakatingin lamang sa kaniya.
"Jay, I want to know something." I finally broke the silence. "Pumunta ka ba sa Shop last time?"
"Yes," agad niyang sagot.
"Kailangan mo bang gawin ang bagay na iyon?"
"That was part of my job."
"Ang puntahan ako sa Shop sa araw ng day-off ko is malaking kalokohan. Alam mong off ko, pero pumunta ka pa rin."
"Ikaw ang nagbibigay ng problema sa sarili mo," tugon niya.
"At ang isali ang Staff ko sa kalokohan mo."
"She's nice. And besides, mapagkakatiwalaan naman siya." Gusto ko siyang bugbugin pero alam kong wala akong magiging laban sa kaniya.
"Punyeta ka, Jay."
He laughed a little, "Huwag mo akong murahin, Ashleigh. Dahil hindi mo ako madadala sa pagmumura mong iyan."
Inirapan ko siya saka bumaling sa may bintana. At mula sa aking kinalalagyan, para akong isang ibon na nakakulong. Walang kalayaan. Tanging rehas lamang ng mga problema ang aking kinakaharap maya't maya.
Pagkarating namin, bumaba siya at pinagbuksan ako ng pinto saka minasamaan niya ako ng tingin. Inirapan ko siya saka bumaba na rin.
"Humingi ka sa kaniya ng depensa," utos niya. "Ng sa ganoon, mabawasan ang init ng ulo niya."
"Hindi mo ako kailangang utusan." He closed the door saka humarap sa akin.
"Pinagsasabihan lang kita." Nagsimula siyang maglakad habang nakasunod naman ako sa kaniya.
"Merhaba," bati niya sa ibang bantay na nasa labas at ganoon din pagkapasok namin sa loob ng bahay.
"Nasaan si Boss?" tanong niya pagkalapit sa isang kasamahan.
"Nasa dining area," sagot naman nito at agad naming tinungo ang dining place.
Limang lalaki ang nasa dining table, at isa sa kanila ang aking Boss. Tahimik ang kapaligiran pero agad din naman akong nagsalita.
"Good evening," bati ko at siya namang pag-angat ng tingin sa akin. Nagtama pa ang aming mga mata. Tumango lamang ang mga kalalakihan habang siya naman ay nakatitig sa akin ng masama.
Lumapit ako saka humalik sa kaniyang pisngi.
"Good evening," muli kong bati sa kaniya. Ngunit sa pagkakataong iyon, nakatingin ako sa kaniya. Huminto naman siya sa kaniyang pagkain.
"Anong oras na ba?" tanong niya habang nakadako ang tingin sa harap ng mesa. Pasimple kong tiningnan ang aking relo.
"Eight-Thirty."
"Bakit ngayon ka lang umuwi?" Bumaling ako sa iba pa niyang kasamahan. Tahimik ang mga ito habang kumakain. Alam kong naririnig nila kami. Ganunpaman, umaasta lamang sila na para bang mga pipi't bingi.
"Masyado akong busy sa trabaho."
"Busy sa trabaho?" he smirked. "Baka naman sa ibang trabaho."
"Magtatalo na naman ba tayo?"
Tumingin siya sa akin. "Ano ba ang inaasahan mo?"
Hindi ako sumagot. Sandali pa ay may tumawag sa akin. I checked my phone and saw his name. The man I loved the most.
"Hi, Hon," sabi ko pagkasagot sa tawag. Pakunwari na masaya ang napeste kong araw.
"Hey, where are you now?"
"Ikaw, nasaan ka na?"
"Dumaan ako sa Shop pero wala ka na pala. Umuwi ka na ba?"
"Hindi pa. Nasa bahay ako ng kaibigan ko ngayon. Her parents invited me for a dinner."
"Her?"
"Yes, Hon. And I'm sorry kung hindi ako nakapagpaalam sa'yo."
"It's okay," sagot niya. "Anong oras ka uuwi?"
"Don't worry, hindi ako late uuwi."
"Susunduin kita mamaya." Napalingon ako sa nakaupong lalaki na nasa mismong tabi ko lang.
"No need. And besides, alam ko rin na pagod ka."
"Lagi akong pagod. Pero pagdating sa'yo, nawawala ang pagod ko."
Nakaramdam ako ng lungkot sa pagitan naming dalawa at saya dahil kahit paano ay naging comforter din ako sa kaniya.
"Anyway, let me know if nakauwi ka na."
"Yes, I will."
"May password akong gusto marinig," sabi niya in a flirty voice. I make a smile habang kagat ang aking ibabang labi.
"I love you."
"I love you, Hon," sagot naman niya, "I love you."
Dinama ko ang mga salitang aking narinig. Gusto kong yakapin ang boyfriend ko saka halikan. Ang kaso, nasa ibang lalaki pala ako.
"Good night," pabulong kong sabi sa kaniya.
"See you tomorrow. Goodnight." Pagkasabi niya ay ibinaba ko na ang aking telepono at saka humarap sa aking Boss.
"I will go upstairs," walang-gana kong sabi.
"Susunod ako," sagot niya. Lumakad na rin ako at tinungo ang aming silid na nasa second floor lamang ng bahay.
Nagpalit ako ng damit at saka umupo sa kama habang sinusuklay ang aking buhok. Hindi nagtagal, bumukas ang pinto. Isang pabango na may halong amoy ng alak ang aking nalanghap. Muli akong nanghina lalo pa't marahan siyang lumapit sa akin.
"How's your work?" tanong ko nang makaupo na siya sa aking tabi.
"I'm doing good. And you?"
"I-Im sorry." Kabado ako habang nakatingin sa malapad na salamin sa mismong harap namin. I saw him on there. At alam kong galit siya sa akin.
"Kumusta iyong trabaho mo?" tanong niya.
Hindi ako sumagot. Inangat naman niya ang kaniyang tingin sa salamin at doon kami nagkapalitan ng tingin.
"I'm sorry," tugon ko sa mahinang boses habang ang aking mga mata nama'y nanlalamig.
"Kailan lang naging kayo?" Nanatili siyang nakatitig sa akin.
Yumuko ako, "Bago pa lang."
"Ganoon ka ba kasabik sa kaniya para balikan mo siya?"
"Please, huwag tayong magtalo," pakiusap ko. "Ayokong marinig tayo ng mga tauhan mo sa ibaba."
Pasimple siyang tumayo. "Magpahinga ka na, saka na tayo mag-usap." He turned back pero agad ko siyang pinigilan hawak ang kaniyang braso.
"Gage." Humarap siyang muli saka tumingin sa akin.
"Alam kong pagod ka, at ganoon din maging ako. But please, mag-usap tayo ng maayos."
"Gaano mo ba siya kamahal?"
Hinawakan ko ang kaniyang kamay. "Rain is my boyfriend, at mahal ko siya."
"So, how about me? Ano naman ako para sa'yo?"
I cupped his hand with my other hand. "Gage, please . . . Please, huwag natin itong pagtalunan. I-I know it's my fault but please . . . I love him."
Inalis niya ang aking kamay. "From now on, hindi ka na papasok sa trabaho mo."
"Ne?" Hindi ako makapaniwala sa kaniyang sinabi.
"Narinig mo ang sinabi ko and that's it." He began to walk. Agad naman akong humarang sa may pinto.
"Please, don't do this to me . . . Kailangan ko ng pera, Gage. Nakikiusap ako sa'yo."
"Kaya kitang buhayin, Ash at alam mo iyon," giit niya. "Ikaw lang ang may ayaw sa gusto ko."
"Marami ka ng naitulong sa akin . . . At ayoko pa na umasa sa'yo. So, please . . . huwag tayong mag-away."
"Know what, Ash? Masyado mo na akong sinasagad."
"Gage."
Umiling siya, "Hindi ko alam, Ash. Hindi ko na alam."
He took a deep breath saka lumabas ng silid. Naiwan akong nakatayo, tahimik at tulala. Hindi ko na rin alam kung ano ang pupuwede kong gawin. Lahat na lang sila e nasasaktan ko. Masyado akong mapanakit sa kanila. Parang wala na akong magawang matino.
I went back to our bed at tumalukbong ng kumot habang umiiyak. But I remembered Rain and his positive words. At kahit na umiiyak, my lips wanted to remain strong by making a smile on it. Bumalik ako sa pagkakaupo, inabot ko ang aking telepono and making him a call. It was ringing twice at ang sumunod ay ang kaniya ng boses.
"Where are you now?" tanong niya.
"I'm home now," tugon ko sa mahinang boses.
"Are you okay?" He's worried about me.
"Yeah, kararating ko lang. At sobra akong napagod."
"Pwede ba akong sumaglit diyan sa'yo?"
Gustuhin ko man, pero hindi pwede . . . Nasa ibang bahay ako.
"No, Hon." I'd rather careful with my lies to tell. "I'm fine at kailangan mong magpahinga. Pagod ka sa trabaho mo."
"Hindi ako makatulog, Hon," sabi pa niya. "I want to sleep with you."
"I even want to be with you."
"Hindi ba ako pwedeng tumabi sa'yo ngayon?" I know he was serious and I mean it.
"Next time, Hon."
"Susunduin kita bukas."
"Gagawin mo iyon?"
"Why not? Sigurado naman siya sa kaniyang sinabi. "Iuuwi kita sa bahay bukas na bukas din."
"Don't worry," I simply smiled. "Basta ikaw, sasama ako."
"Magiging legal kang akin kapag naikasal na tayo."
"Very soon, Hon."
"Aasahan ko iyan."
I laughed a little, "Ikaw lang ang gusto kong makasama habangbuhay. Sa tingin mo ba aayaw pa ako?"
"Alam ko namang hindi mo na ako tatanggihan. Not this time."
"I love you, Rain." Tanging siya lamang ang pumapawi sa aking lungkot.
"I love you, Ashleigh."
"I know that you loved me."
"Noon hanggang ngayon, Ash. Magpakailanman."
***
The sun shines so bright. Umaninag ang sikat nito sa living area ng bahay, at maging ang mga halaman ay tila nabuhayan ng loob.
Tahimik na kumakain si Gage kasama ang iba pang kalalakihan nang bumaba si Ash. Marahan naman siyang lumapit sa lalaki at humalik sa pisngi nito.
"Good morning," bati niya ng may ngiti sa kaniyang mga labi.
"How's your sleep?" tanong ni Gage habang tuloy lamang sa kaniyang pagkain.
Tumango ang dalaga saka umupo sa tabi nito.
"I slept well."
Tumango ang binata. Ibinaling ni Ash ang tingin sa hapagkainan. She stopped as if wondering about something missing.
"Zeynep," tawag niya sa housemaid na nakatayo lamang hindi kalayuan sa kanilang kinaroroonan. Zeynep is someone na siyang pinagkakatiwalaan ni Gage sa buong bahay, a Turkish lady.
Lumapit naman ito, "Yes, Ma'am?"
Bumaling si Ash sa kaniya, "Hindi ka nagluto ng vegetable soup?"
Huminto si Gage sa pagsubo at tumingin sa mga pagkain. Tumingin naman si Zeynep sa kaniyang Boss. Ash nodded at naiintindihan niya iyon. Yumuko ang housemaid at umalis.
"Hindi mo ba nagustuhan ang ibang dishes?" tanong ni Gage.
"Mas prefer ko ang gulay during breakfast," sagot niya. "But it's okay, better next time."
"I'm going around," sabi ni Gage na umangat sa kaniya ng tingin. "And better to stay here."
Hawak pa lamang ni Ash ang kaniyang kutsara nang muli niya itong ibinaba.
"Papasok ako ngayon sa trabaho."
"Do what I say," dagdag pa nito. "At hiwalayan mo na siya."
"Gage, nag-usap na tayo tungkol dito," giit ng dalaga sa mahinang boses.
"You should obey my rules."
Ash curved her palm at nagpipigil sa kaniyang galit. He smirked as he saw her face.
"Open the vault and get any amount that you've wanted. Pumunta ka sa mall para mag-shopping o hindi kaya gumala ka sa kahit saan mo gusto. Sasamahan ka ni Jay at iba pa."
"Hindi na," mabilis na sagot ng dalaga.
"It will be okay for me," he said, smiling. "As long as you will be happy."
"Ang gawin ang gusto ko," tumingin siya sa kaniya, "ang magpapasaya sa akin. And not even in this house, Gage."
She began to stand and turned back.
"Be careful," he added. "I'm watching you."
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro