CHAPTER 13
A S H Y
Pagod ako galing sa trabaho, at dahil sa sobrang pagod, naisipan kong magpahinga na muna. At sa kalagitnaan ng aking pagtulog, isang maliit na halik ang dumampi sa aking pisngi, at ramdam ko ito lalo pa't sinimulan niya akong alugin.
"Mama, wake up." Napabalikwas ako, at laking gulat ko nang makita si River. Nakangisi ito ng malapad saka yumakap sa akin.
"Mama, I missed you," sabi niya, "that's why we came here."
"I even missed you more," sabi ko saka hinimas ang kaniyang likod at hinalikan ang kaniyang ulo.
Idinako niya ang tingin sa akin, "Where is Papa?"
Bumangon ako at umupo. Masinsinan kong hinawakan ang kaniyang mga kamay. "Your papa has been working, and later on he will be here."
Tumayo na ako at ibinaba siya sa kama. "Kasama mo ba si Aunt Tessa?"
Umiling sya, "Nope."
"What do you mean by that?"
"Si Tita Tiara ang kasama ko." Napangiti ako nang marinig ang pangalan ng aking kaibigan. I was thinking na nasa London pa rin silang dalawa ng kaniyang asawa.
"Stay here, River," bilin ko sa kaniya at mahinahon naman itong umupo sa sofa at nagsimulang humawak sa kaniyang tablet. "I will be right back."
He nodded, "Yes, Mama."
Lumabas ako ng silid at agad na bumaba. Nakita ko ang babaeng nakaupo, nakatalikod ito pero alam kong siya iyon.
"Good morning, Beb," bati ko saka tumabi sa kaniya. Ngumiti siya at yumakap sa akin.
"Na-missed kita, Ash."
"Sandali lang tayo hindi nagkita, Tiara," humiwalay ako sa kaniya. "I missed you a lot."
Pasimple ko namang nilingon ang paligid. "Ikaw lang ba? I mean, hindi mo ba kasama si Adams?"
"My husband is very busy."
"How about Aunt Tessa?"
Umiling siya, "Hiniram ko lang si River para isama rito."
"Kumain na ba kayo?"
"Yeah. Idinaan ko si River sa Mcdo kanina."
"So, how's your vacation?"
Lumapad ang kaniyang ngiti, "And yeah, sobra kong na-enjoyed ang vacation namin. Pumunta kami kahit saan. But . . . But still, iba pa rin ang saya rito."
Isang kalabog ang bigla naming narinig dahilan para kami ay natigilan sa sandaling pag-uusap. "Saan 'yun?"
Tumayo ako, "Wait me here, Tiara. I will be right back." Muli akong bumalik sa itaas, sa mismong silid ko.
"River?" Wala sa sofa ang aking anak kaya minabuti kong tingnan ang buong silid.
"C'mon, River. Don't play games here." My kid loves to play lalo na kapag Hide-And-Seek. I opened the door of my comfort room, I checked maging sa mga sulok na bahagi at maging ang sa ilalim ng kama, ngunit wala siya.
I opened the sliding window, at tinungo ko rin ang terrace na connected lamang sa aking silid. But still, wala siya.
Agad akong lumabas at patakbong tinungo si Tiara.
"Beb!" tawag ko sa kaniya. "Beb! Nawawala si River."
Natigilan ako. Ang babae na kanina lang nakaupo sa sofa ay wala rin. Kaya't mas lalo pa akong nag-panic.
"Tiara? River?" Inikot ko ang buong bahay sa pag-aakalang pinagloloko lamang nila ako. "Guys, please don't play with me." Wala pa ring sumasagot.
"River! Tiara!" Halos namaos ang aking boses sa katatawag sa kanila. Sa sobrang kaba, I get my phone and dialed Adams's cell. Hindi ito sumasagot. Sunod ko namang tinawagan si Tessa at agad naman itong sumagot.
"Aunt . . ." Hindi ko alam kung ano ang una kong sasabihin sa kaniya.
"Maddy, okay ka lang?" Nanginginig ang aking labi maging ang aking mga kamay.
"Aunt, nawawala si River."
"Maddy, kalma." Hindi ko naramdaman ang kaba sa kaniyang boses. "Nandito si River sa bahay."
Napahawak ako sa aking ibabang labi, "What do you mean na nasa bahay?"
Nag-aalala ako sa aking anak. Ngunit siya ay nanatiling kalmado.
"Maddy, gising ka na ba talaga?"
"Anong ibig mong sabihin, Aunt?"
"Sa tingin ko binangungot ka," giit niya. "Gising, Maddy."
Napamulat ang aking mga mata at mabilis na napaupo mula sa aking kinahihigaan. Mga pawis ay dama ko, maging ang takot at pangamba. Panaginip lang pala ang lahat.
I quickly checked my phone at bumaling sa may bintana. Gabi na pala. I fixed myself and went downstairs. Tinungo ko ang kitchen at uminom ng malamig na tubig saka umupo.
Muling sumariwa sa aking isipan ang panaginip kasama ang isang batang lalaki. At alam kong mahirap, sobrang hirap. Ang batang iyon- siya ay kabilang sa akin. Parte siya ng aking buhay.
Hawak ang phone, sinubukan kong tawagan si Rain, ngunit hindi ito sumasagot, and maybe he was busy. Ganunpaman, tinawagan ko rin ang isa sa mga taong pinagkakatiwalaan ko.
Gumaan naman ang loob ko nang marinig ang kaniyang boses.
"Pasensya ka na kung minsan lang ako nakakatawag sa inyo," paliwanag ko.
"Kumusta ka na, Maddy?"
"Heto, busy sa buhay. Kumusta na kayo riyan?"
"Okay lang kami rito."
Gusto kong umiiyak pero pilit ko lamang itong pinipigilan.
"Napanaginipan ko siya kani-kanina lang," I began to sigh. "I missed him."
"Huwag ka masyadong magpakapagod, Maddy," pag-aalala niya. "Alam natin pareho na nasa mabuti siyang kalagayan."
Ngumiti ako, pero iyong puso ko ay parang sinaksak ng maraming beses.
"Inagatan mo ang sarili mo, Madisson," dagdag pa niya. "Mag-iingat ka palagi."
Hindi ko alam ngunit nasasaktan ako. Ewan. Hindi ko maintindihan.
--
R A I N
"Good day, Mr. La Costa," bati niya sa akin. Tuloy lang ako sa pag-upo ng hindi siya binabati.
"Iniisip ko kasi na baka kailangan mo ang ideya ko," sabi pa niya habang nakatingin sa akin.
"Iniisip mo lang naman kasi alam mong hindi ka sigurado."
He smiled, "Hindi na ba magbabago ang isip mo?"
"Kailangan ko bang baguhin ang desisyon ko?" tanong ko sa kaniyang tanong.
"Bakit naman hindi?" Tumingin ako sa kaniya. Gusto ko siyang bigyan ng leksiyon ngunit ayoko ng ibalik iyong dating ako.
"Hindi pa naman kayo kasal, hindi ba? May chance ka pa para makipagpalitan sa akin. Pera kapalit ng isang babae."
Tumango ako na para bang gusto kong maniwala sa kaniya. "Hindi pa ba kayo nagsasawa sa ganitong laro?"
Tumawa siya, "Bakit Rain, ganitong laro rin naman ang ginamit niya sa'yo noon, hindi ba?"
"May gusto ka bang patunayan sa sarili mo?" I smirked. "Marami ka namang pera, hindi ba? Then, buy any woman as many as you could. Babae lang pala ang kailangan mo."
"Maiba ko lang, gaano mo na ba siya kakilala?" Hindi ako sumagot.
"Pareho kayong may malalim na pinagdaanan sa buhay. At malamang hindi n'yo pa lubusang kilala ang isa't-isa."
"Matanong ko lang, gaano ba kakitid ang utak mo?" Natawa siya sa aking sinabi at umiling.
"Rain La Costa," sambit niya. "Ang ahas ay mananatiling ahas. At kung nagdududa ka man sa mga sinasabi ko sa'yo, well, kailangan mong alamin."
"May sasabihin ka pa ba? Kasi kung wala na," tumayo ako, "aalis na ako."
Inangat niya ang kaniyang tingin sa akin. "Marami ka pang hindi alam. Therefore, mag-iingat ka." Ngumiti siya pero agad din naman akong umalis.
**
A S H Y
Nasa trabaho ang katawan ko, pero lutang naman ang aking diwa. At sa harap ng shoe boxes, I remembered years ago kung saan nagkaroon din ako ng isang bangungot. At hindi pangkaraniwan ang bangungot na iyon. That lady na may palatandaan sa batok, Miss A. Si Amber ang babaeng iyon. At ngayon, batang lalaki naman.
"Miss," dinig ko ang boses na iyon. At dahil nga lutang, dinedma ko na lang.
"Miss." Isang kamay ang humawak sa akin na ikinagulat ko ng kaunti. Pasimple akong tumingin dito at humarap sa kaniya ng hindi nagsasalita.
"Okay ka lang ba, Miss?"
Tumango ako, "Y-yeah . . . I-Im fine."
"Nilapitan kita since pansin ko na tulala ka."
Ngumiti ako at umastang maayos. Pakunwari na normal lang ako.
"And Miss, may pumunta rito kahapon," sabi niya. "Hinahanap ka."
Nagsimula akong magtaka, "Sino."
"Walang ibinigay na pangalan," pagkasabi ay may inabot siya sa akin. "Pero pinapaabot niya ito sa'yo."
Tinanggap ko ang isang envelope. "Day-off mo kahapon," sabi pa niya. "Pero guwapo iyong naghahanap sa'yo kahapon, Miss."
"Gwapo, huh?" sabi ko at ngumiti. "Gaano kaguwapo?"
"Kasing-hot ni Rain La Costa," sagot niya at ngumiti sa akin.
"Ako ba ang dapat na kiligin, o ikaw?" Pasimple siyang tumawa.
"Pero ang totoo, pareho silang guwapo." Nagsimula akong maglakad habang siya naman ay nakasunod sa akin.
"Kung sakaling single pa yung guy, pwede mo ba siyang ireto sa akin, Miss?"
Tumingin ako sa kaniya at huminto, "Kung sakali." At pagkatapos ay umiba na rin ako ng direksiyon.
Pasimple kong binuksan ang envelope pagkaupo ko sa swivel chair. Natigilan ako nang makita ang isang piraso ng papel. Nakasulat dito ang pangalan ng aking anak in Bold form at kulay pula. Walang pangalan ng sender, at tanging ito lamang ang laman ng envelope.
Pumasok ako sa Private room ng aming opisina at ni-review ang CCTV footage sa mismong harapan, at malamang sa entrance ito pumasok.
Iisang pinto lang ang meron kami sa shop at dito kami labas-pasok.
At habang ako'y nakatingin sa screen ng monitor, wala akong nakita na anumang kakaiba, maging ang lalaki na nagpaabot ng envelope sa akin. Agad akong lumabas ng opisina at tinungo ang kinaroroonan ng aking mga staff. Busy na ang lahat since sunod-sunod ang pagpasok ng mga costumer. Lumapit ako sa guard na nakatayo sa main door.
"Kuya, may pumunta ba rito kahapon at hinahanap ako?" Bumaling naman siya sa akin.
"Wala po, Ma'am." At mas lalo po akong nagtaka.
"Sinong staff ang nandito kahapon?" tanong ko. Bumalik siya sa kaniyang mesa at kinuha ang log book. Ni-review ko iyon maging ang DTR ng aking mga staff.
"Wala si Sylvia?" tanong ko habang nakatuon ang daliri sa listahan.
Tumingin ako sa kaniya, "Hindi niya day-off kahapon."
"Lumiban siya kahapon."
"Saan siya nagpunta?" pang-uusisa ko.
"Hindi ako sigurado, pero sa tingin ko umuwi siya sa kanila."
"Paano mo nasabing umuwi siya sa kanila? Tingin mo lang?"
"Pumunta siya rito kahapon," dagdag niya, "para personal sana na magpaalam sa'yo."
Tumango ako at saglit pa ay umalis na rin. Bumalik ako sa opisina para tumawag. The line was ringing at agad itong sinagot.
"Good morning," panimula ko. "This is Ashleigh Fortalejo from XIEN'S CLOSET. Gusto ko lang malaman kung umuwi ba kahapon si Sylvia."
Tumango ako at agad na ibinaba ang telepono. Sandali pa ay pumasok ang babaeng si Sylvia.
"Yes, Miss Ash?" tumango ako. Dahan-dahan naman siyang lumapit sa akin at marahan na umupo.
"Lumiban ka kahapon?" Hindi siya sumagot. "Ang sabi mo may pumunta rito kahapon at hinahanap ako."
Tumango siya, "Yes, Miss Ash. Lumiban ako kahapon kasi umuwi ako sa amin. May sakit iyong Lola ko."
"Dumaan ka lang ba rito kahapon?"
"Pumunta ako rito kahapon para sana magpaalam sa'yo. Ang kaso, nakalimutan kong day-off mo pala."
"Bakit hindi ka tumawag sa akin?"
Umiling siya, "Improper kasi kung sa telepono ako magpapaalam sa'yo. Kaya minabuti ko na lamang na pumunta rito."
"At tungkol sa lalaking sinabi mo?" Nagsimula siyang yumuko. Ganunpaman, nanatili akong nakatingin sa kaniya.
"I checked the CCTV, at wala akong nakita mula sa sinabi mo." Tahimik siya habang nakayuko.
"Sylvia, tumingin ka sa akin. Kinakausap kita."
Umangat naman siya ng tingin.
"Makikinig ako sa paliwanag mo." Nagsimula siyang magbuntong- hininga.
"Ang totoo," she paused, "sa labas ko siya naabutan. Nakamasid siya sa may gilid ng shop na tila ba may hinihintay."
"Tapos?" Hinintay ko siyang magsalita muli. Alam kong hindi pa iyon ang sagot na gusto kong malaman.
"Lumapit ako sa kaniya at tinanong ko rin siya kung ano ang kailangan niya," huminga siya ng malalim. "Pangalan mo 'yung sinabi niya. Pagkatapos no'n ay ibinigay niya sa akin ang envelope at sinabing ipapabot iyon sa'yo."
"Hindi mo siya tinanong kung ano ang pangalan niya?"
Umiling siya, "Wala siyang iniwan na pangalan. Isa pa, hindi siya nagtagal at umalis din naman."
Tumango ako, "Then, how's your Lola now?"
She began to smile, "Yeah, she's lil fine now at Kuya ko ang nagbabantay sa kaniya."
Puno ng katanungan ang aking isipan. Hindi ko lubos maisip kung bakit ganito ang mga nangyayari sa akin. Alam ko naman ang naging pagkakamali ko, at aminado ako rito. Gusto ko pa rin malaman kung sino ang lalaking iyon.
Tarantado.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro