Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Secret Crush (One-shot)

Secret crush.

I'm sure all of us have one. 'Yung tipong ikaw lang ang nakakaalam na crush mo siya. 'Yung crush mo na kahit ang best friend mo ay walang alam dito. Syempre, secret crush nga 'di ba?

Bakit nga ba nauso pa 'yang secret crush na 'yan? Dahil ba natatakot ka na baka malaman niya? Na baka crush rin pala ng best friend mo? Dahil ba hindi ka marunong magtiwala? Whatever the reason is...

Wala na akong pakialam. Basta ako, mayroon akong secret crush. Gusto niyo bang malaman kung sino?


Yiiieeee...I know you're interested dahil patuloy mo pa rin itong binabasa. xD

Ok. Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. Sasabihin ko na. Sasabihin ko naaaa...







Hindi ko alam. Huhuhu. 'Di ba ang saklap? Na hindi mo siya ma-search sa facebook at ma-stalk? Na kahit sa facebook lang kayo maging friends? Dahil sa totoong buhay, hindi ka nag-e-exist sa life niya.

Ouch.

Pero kahit ganun, na hindi ko alam ang pangalan niya, I still enjoyed my 'crush life' because of him.

Mr. Cute Smile.

Yhup. 'Yan ang nickname ko sa kanya. It was our Intramurals that time. Grade 8 student na ako nun. Hindi ako mahilig sa basketball pero dahil Grade 10 versus Grade 8 ang laban, nanood ako. At isa pa, supportive classmate kasi ako. (ehem)

Everytime na makaka-shoot ang Grade 8, todo hiyaw ako kasama ng best friend ko. Tapos ayun na. Nakita ko siya. Tumigil na mundo ko. Charr. Nakaupo siya sa bench ng mga Grade 10. Nakasuot siya ng jersey kaya alam ko agad na player rin siya. Pero kasi, hindi ko pa siya nakitang naglaro.

4th quarter na ng mag-decide ang coach nila na papasukin na siya sa court. That exact moment, isang hindi mapigilang ngiti ang sumilay sa kanyang mukha. Isang ngiting kapag nakita mo ay mapapangiti kana rin. Isang ngiti na naging dahilan ng pagkagutom--ah, pagkaroon ng butterflies sa stomach ko pala.

Naks lakas maka-"butterflies".

Hindi pa doon naputol ang kanyang ngiti dahil hanggang natapos na ang laban at sila ang nagwagi, hindi pa rin nabubura ang ngiti niyang 'yun. Hanggang ngayon nga, kapag naaalala ko ang ngiti niya habang tumatakbo sa loob ng court ay napapangiti rin ako. Dahil sa mga ngiti niyang 'yun, nagawan ko siya ng nickname. Mr. Cute Smile.

Actually, okay lang naman sa'kin na hindi ko siya kilala. Kontento na ako na palagi ko siyang nadadaanang nakasandal sa pader ng classroom nila kapag mag-iigib kami ng classmates ko ng tubig. But these happened..

One.

Pumunta kami ng classmate ko sa library para ibigay kay Ma'am ang mga ipina-check niyang test papers sa'min. Since mabait ang classmate ko, siya na lang daw ang papasok sa loob at hintayin ko na lang daw siya sa labas. Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa para makapagbasa ng wattpad at sumandal sa pader.

Habang nagbabasa, nakarinig ako ng kwentuhan papalapit sa'kin. Pag-angat ko ng tingin ko, si Mr. Cute Smile pala ang papalapit kasama ng kabarkada niya. Saktong nasa harap ko na siya ng bigla siyang tumawa sabay palakpak sa sinabi ng kabarkada niya. Nagulat man, natawa na lang din ako. Pati pala ang tawa niya nakakahawa.

Napansin niya siguro akong tumawa noong tumawa rin siya kaya tumingin siya sa akin. Nagpigil na lang ako ng tawa at nakangiting tumitig sa screen ng cellphone ko para kunyari, may nabasa akong nakakakilig na scene.

Two.

Nagkakatuwaan kami ng best friend ko habang papasok ng school canteen ng makita ko siyang papasok rin. Tumigil muna ako sa paglalakad para makauna siya nang bigla akong natulak ni best friend ng hindi sinasadya. I repeat, HINDI SINASADYA. At saka, hindi niya naman kasi alam na crush ko 'tong lalaking sa harap ko eh. Okay, ako na ang defensive.

Mabuti na lang at hindi ako na-out balance. Nahawakan ko LANG naman kasi ang braso niya kaya hindi ako tuluyang natumba. Dali-dali akong humingi ng tawad sa kanya. At alam niyo ba kung anong sagot ni Mr. Cute Smile?

"Mag-ingat na lang next time ha? Baka kasi wala ng sumalo sa'yo."

And I was like, waaaaaaaaahh!!! Kinikilig ako! Para sa'kin iba kasi ang meaning ng sinabi niya eh. Hehe.

Three.

Dismissal na noon at nasa 'usual place' kami ng mga kaibigan ko. Dito kami palaging tumatambay kapag walang klase. Since kami na ang mag-le-lead ng Flag Ceremony next week, ayon ang naging topic namin. Ini-imagine namin na habang nag-le-lead ng Flag, bigla naming makita si crush.

"Ganito 'yun oh..ahem..Schoolmates, awitin natin ang Pambansang----hi Crush!!" Pag-de-demonstrate ko at kunyaring biglang kumaway sa gilid ko. Tumawa naman silang lahat at nagulat na lang ako na nandoon pala talaga si Mr. Cute Smile sa kinakawayan ko.

Alam niyo ba kung ano pa ang mas nakakagulat? Binigyan niya ako ng kanyang famous contagious smile at biglang sumigaw: "Hi rin!"

Waaaaaaaaaaaaah!!!!! Wala na!! Wala na sa'kin ang puso ko. Lumipat na sa kanya. Tumawa naman ng tumawa ang mga kaibigan ko sa kahihiyang ginawa ko. Ako? Ayon! Tumawa rin! Idaan sa tawa ang kilig! Wahahahaha!!

Sabi nila naging kasing pula ko daw ang kamatis. Sabi ko, dahil sa kahihiyan at salamat naman at naniwala sila. Namumula kasi talaga ako sa kilig.

Four.

Kinabukasan, nasa gitna kami ng discussion sa Science ng biglang pumasok si Mr. Cute Smile. Napatigil ako sa pag-take down ng notes sa biglang pagtawag sa'kin ni Ma'am. Tumingin rin sa'kin si Mr. Cute Smile at napangiti. Oh my. Nakakahawa talaga. Hala! Hindi kaya namumukhaan niya ako? Na ako 'yung babaeng sumigaw sa kanya ng 'hi Crush'?

Sabi niya pinapatawag daw ako ni Sir sa Computer Lab. Omaygads. Kinausap niya ako! Tapos..tapos..sabay pa kaming pumunta ng Computer Lab! Waaaah!

At hindi pa diyan natatapos! Bubuksan ko na sana ang pinto ng Computer Lab ng bigla siyang nagpresenta na siya na daw ang magbubukas. Medyo mabigat kasi ang pinto dahil sa naka-aircon ang loob nito.

Pagkapasok sa loob, "Sir, nandito na po si Miss Ganda."

0_0 Omo!! What. Did. He. Call. Me?! Oh my M.C.S!! Mr. Cute Smile!! 'Wag kang ganyan! Hahahahaha!! Di joke lang po. Miss Ganda kasi talaga ang tawag sa'kin ni Sir sa Computer Lab. Ginaya niya lang ang pagtawag sa'kin ni Sir.

But we can't deny the fact na tinawag niya akong Ganda 'di ba? Maganda daw ako, guys!! Kpayn. xD

Kung ikaw ang nasa kalagayan ko, if those four situations happened to you, hindi ka pa rin ba ma-cu-curious sa name niya? He has a contagious smile and a contagious laugh, mabait, friendly, at gentleman pa. Sige, sabihin niyong hindi kayo curious. Dahil ako? Curious na curious na ako!!
Kaya I decided to know his name. Kaya lang, ang hirap. Lalo na't hindi ako pwedeng humingi ng tulong sa mga kaibigan ko or else, malalaman nilang crush ko siya. x(

I did everything I could, but it was useless. Okay, ang drama na. Hahaha. But seriously, ang hirap talaga.

May time noong nagkaroon ng Basura Art Contest ang Grade 10 at siya ang nag-represent ng section nila. Kaya ayon, sobrang na-excite ako dahil at last makikilala ko na siya. Sa sobrang excitement, nakipagkulitan ako sa best friend ko sa loob ng room para lang mailabas ang kilig ko. Sa sobrang kulitan namin, hindi ko na narinig ang pagpapakilala niya. (U_U)

Tapos kanina, nagkasalubong kami sa corridor. Chance ko na 'yon para masulyapan ang ID niya. Habang papalapit lumalakas na ang tibok ng puso ko. Yumuko lang ako ng yumuko. Noong malapit na siya, doon ko pasimpleng inangat ang ulo ko at nakita ko...I saw it...nakita ko talaga......na baliktad ang ID niya. (UU__UU)

Grabe!! May lihim na galit yata sa'kin si tadhana eh!! Ayaw niya talagang malaman ko ang pangalan ni Mr. Cute Smile. Huhuhu.

"Skyla! 'Di ka pa ba uuwi?" Tumatakbo ngayon papunta sa'kin ang best friend ko. "Halika na. Uwi na tayo!"

"Mamaya na," humiga ako sa damuhan at pinikit ang mga mata ko. Bad trip pa rin ako dahil kanina. Ayun na 'yun eh! Makikita ko na sana ang pangalan niya kung hindi lang baliktad ang kanyang ID.

"Eeeeh! Sige na! Tumawag na sa'kin si Mommy at pinapauwi na niya ako," hinila niya ang kaliwang kamay ko pero nanatili lang akong nakapikit.

"Mauna kana. Wala pa akong ganang umuwi," pagmamatigas ko.

"Bahala ka nga diyan. Geh una na ako, Sky!" Kumaway ako sa kanya habang nakapikit pa rin. Naramdaman ko na siyang tumakbo paalis.

Ilang minuto yata akong nakahiga ng makaramdam ako ng uhaw. Gusto ko ng soft drink. Tumayo ako at naglakad papuntang canteen.

Pagkapasok ko, wala ng estudyante sa loob except sa isang lalaki. 'Di ba dapat nakauwi na 'to? 3:30 na at 3 o'clock siya palaging umuuwi. Bakit ko alam? Sus, ako pa ba? Si Mr. Cute Smile 'yan eh!

Nakaupo siya sa isa sa mga upuan doon at nakatingin sa cellphone niya. May tinetext siguro. Dumaan ako sa harap niya pero hindi niya ako napansin. Habang naghihintay kay Ate na nagsasalin ng inumin ko sa plastic, pasimple akong sumulyap sa kanya at nakita siyang nakangiti.

Contagious Smile Alert!

Lumakas ang tibok ng puso ko at gusto ko nang magwala. Kinikilig ako! Kinuha ko na lang ang panyo ko sa bulsa at tinakip sa bibig ko para hindi mahalatang kinikilig nga ako.

Pagkakuha ng inumin ko, naglakad nanaman ako sa harapan niya at saktong bigla siyang nag-stretch ng mga binti niya kaya natapilok ako. Waaah!! Buti na lang at hindi ako lumanding sa sahig.

"Uyy, Miss!" Lilingon ba ako? Lilingon ba? Waah!! Ayoko. Super-duper nahihiya na ako!

Tumakbo na lang ako palabas ng canteen. Dumiretso ako sa pwesto ko kanina at humiga ulit. Sabay sigaw ng, "Worst day ever!!"

Tinitigan ko lang ang kalangitan. Cloudy day ngayon kaya hindi mainit. Bumangon ako sa pagkakahiga at uminom ng soft drink. Badtr-

"Miss!"

Muntik na akong mabulunan ng makarinig ako ng pamilyar na boses. Dahan-dahan kong nilingon kung saan 'yun nanggagaling at nakitang nakatingin siya sa'kin. Tumakbo siya papunta sa lugar kung nasaan ako at ngumiti.

"Hi."

Pakiramdam ko nawalan ako ng boses. Bumilis ang tibok ng puso ko. Tipong gusto na itong lumayas sa ribcage ko kung makakabog. Hindi na ako makahinga.

Skyla...'wag ka. Masyado ka nang obvious.

I cleared my throat. "Uhm...hi?"

Mahina siyang tumawa. Gosh, anong nakakatawa sa sinabi ko? May kinuha siya sa bulsa niya at-oh my gosh! A ring! Deh joke lang. Panyo ko ang hawak-hawak niya.

Teka, panyo ko?

"Nahulog mo kanina sa canteen," inabot niya sa'kin ang panyo. Kukunin ko ba? Ay syempre kukunin ko, akin 'to eh.

"A-Ah, salamat," I cleared my throat. Luh, kinakabahan ako na na-e-excite na ewan.

Akala ko aalis na siya pagkatapos niyang ibigay sa'kin ang panyo pero hindi. Isang malaking HINDI. Dahil pumunta siya sa harapan ko at umupo rin sa damuhan.

"Hindi ka pa ba uuwi?" Umiling ako. "Ah, dito na muna ako ah? Boring kasi sa loob ng canteen. Wala akong makausap."

Ibig sabihin gusto niya akong makausap?!

Ngumiti na lang ako. Hindi ko na kasi talaga alam ang sasabihin ko. Idagdag pa na hindi ko na maintindihan kung ano ang nararamdaman ko ngayon.

"Di ba ikaw 'yung babaeng tinatawag ni Sir Spencer na Miss Ganda?" Nahihiya akong tumango. "Haha. Kung ganun, Miss Ganda na rin ang tawag ko sa'yo ah?"

Malakas ang kutob kong namumula na ako ngayon. Hinihiling ko na lang na sana, sana hindi niya mahalata.

"Miss Ganda, Sorry kanina ah? Hindi kasi kita nakita," kinamot niya ang batok niya. Halatang nahihiya. Luh, hangkyut!! "At sorry na rin dahil ang FC ko. Haha."

Natawa na rin ako. Nakakahawa talaga eh!

"Okay lang 'yun Mr. Cu--ah, Kuya. At don't worry, hindi ka naman FC, friendly lang," pareho kaming natawa sa sinabi ko. Yey! Close na kami! Hahaha.

Ngumiti siya. "Di ka pa ba uuwi?" Doon ko napansin ang oras.

"Hala! Oo nga pala, kailangan ko ng umuwi!" Nagmadali akong tumayo at kinuha ang bag ko. "Geh, Kuya, salamat sa time mo, alis na ako. Bye!" Tumakbo na ako paalis.

'Di ko man nalaman ang pangalan niya, okay na ako. Sabi nga nila, lahat ay nakatakdang mangyari sa tamang panahon. Hindi man 'yun ngayo-

"Miss Ganda!" Huminto ako sa pagtakbo ng bigla niya akong tawagin.

Nilingon ko siya. "Bakit?"

"Ano nga palang pangalan mo?"

Dugdugdugdugdugdgudug...tinanong niya pangalan ko!!!

Inhale, exhale. Dahan-dahan lang, Skyla. Baka himatayin ka.

"Skyla!" Sigaw ko.

Ngumiti siya at...













"Cloud nga pala."

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro