Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 9: MARCKY AND RENZ

CHAPTER 9: MARCKY AND RENZ

Zeque's POV

"Magaling! Pasok ka na sa team," sabi sa akin ng coach ng basketball club.

"Thank You Coach!" pagpapasalamat ko.

"Pre, saan ka natuto magbasketball? Ang galing mo," puri sa akin ng isang nakalaban namin.

"Napapanood ko lang sa mga kaibigan ko. First time kong maglaro," tugon ko dahil wala naman basketball sa panahon namin.

"First time? Ibig sabihin, yung kanina unang beses mo pa lang maglaro?"

"Yes!"

"Hindi nga?" hindi makapaniwalang sabi nila habang gulat na nakatingin sa akin.

"Tama na yan! Magpraktis na kayo! Zeque, pwede ka na umuwi. Bukas ka pa namin isasama sa practices," sabi sa amin ni Coach Vic.

Nagpaalam na ako sa kanila at nagmadaling pumunta sa cafe. Pagdating ko doon marami pa rin silang costumer.

"Zeque, nakita mo si Athena?" tanong sa akin ni Ash.

"Hindi. Bakit?"

"Pumunta siya sa school niyo kanina. Titignan daw niya yung Marcky."

"Wala naman siya doon. Sino kasama niya?"

"Sina Blaize, Max at Zarah."

"Hahanapin ko siya," sabat bigla ni Henry. Katulad ko nag-enrol din siya sa Clifford High pero sa ibang section siya napunta.

"Sige. Salamat. Dami pa kasing costumer, hindi ko maiwanan," tugon ni Ash. Umalis na si Henry at ako na lang ang pumalit sa kanya bilang cashier.

"Erie, may alam ka ba tungkol kay Marcky?" tanong ko habang nakatayo siya malapit sa counter.

"Hmm. Siya ace player ng basketball club."

"Bukod doon?"

"Na-injured siya nung last game nila. Sabi malala daw yun kaya pinatigil muna siya sa paglalaro habang nagpapagaling. Pero pagkatapos ng field trip, bumalik na siya sa paglalaro. Yun nga lang katawan na ni Max yung gamit niya," aniya sa akin.

"Miss!" tawag bigla sa kanya ng isang costumer kaya nilapitan niya ito.

Isa lang ang naisip ko sa sinabi niya. Meron talaga nangyari nung araw ng field trip nila. Maaring sinamantala ng demon ang kahinaan ni Marcky para linlangin ito. Kailangan ko siya makausap.

"Hey Jiro!" tawag ko kay Jiro na kanina pa nakatayo sa gilid ko. Nakahuman form na siya kaya ayos lang kung kausapin siya kahit may tao. Siya kasi taga bukas ng pinto sa mga pumapasok dahil ayaw naman niya masyado makipag-usap.

"Oh?"

"Kaya mo alisin yung spirit ni Marcky sa katawan ni Max diba?"

"Oo pero sa tulong ni Erie. Hindi ko magagawa yun kung wala ang alter."

"Paano kung sapilitin natin paalisin si Marcky sa katawan ni Max?"

"Maaring makadamage ang spirit niya kung sapilitan natin siya paalis o tuluyan siyang mawala."

******

Zaira's POV

"Si Ian," sambit ko nang makita ko yung katawan ni Ian. Siya yung kumausap sa akin noon.

"Saan ka pupunta? Akala ko ba pupuntahan natin yung sinasabi nilang Marcky?" saway sa akin ni Zarah dahil sinundan ko si Ian.

"Sandali lang. Titignan ko lang kung anong klase tao yung nasa katawan ni Ian," sabi ko sa kanya habang ino-obserbahan yung katawan ni Ian.

"Sino yan?" sabi bigla nito sabay lingon sa tinataguan ko.

"Hello," bati ko saka napakamit ng ulo.

"Ikaw yung bata noon diba? Bakit mo ko sinusundan?" tanong niya.

"Gwapo mo po kasi," napatakip ako bigla ng bibig nang masabi ko yung sana na sa isip ko lang. Ngumiti siya bigla saka hinawakan yung ulo ko.

"Teka! Totoo ba itong tenga mo?" pansin niya sa tenga ko. Hinawakan niya ito at sinuri.

"Ano pangalan mo?" tanong ko.

"Renz, ikaw?"

"Zaira. Hindi ka man lang nagulat sa anyo ko?"

Tumawa siya bigla dahil sa tanong ako. Natulala naman ako sa kanya dahil bihira ko lang makitang ganun si Ian.  Mukhang masayahin si Renz. Naexcite tuloy ako bigla dahil kakaibang Ian ang makikita ko sa kanya.

"Mukhang nag-eenjoy si Zai kay Renz. Baka ipagpalit ka na niya?" rinig kong sabi ni Zarah kaya napalingon ako sa kanila.

"Tss," sagot ni Ian. Tinignan niya ng masama si Renz.

"Ang sama ng tingin ng kasama mo sa akin," sabi bigla ni Renz. Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.

"Nakikita mo sila? Paano?" gulat na tanong ko.

"Simula nung napunta ako sa katawan na ito, kakaiba na ang nangyari sa akin. Lagi ako naghahanap ng dugo, kung ano-ano din nakikita ko. Higit sa lahat, gunagaling agad sugat ko," aniya kaya pala hindi na siya nagulat na totoo yung tenga ko. Siguro dahil sa nasa katawan siya ni Ian, nakuha din nito ang kakayahan niya.

"Nasa katawan kita kaya normal lang yan," sabi ni Ian sa kanya.

"Ibig-sabihin ganun din sa iba?" tanong ni Max. Nagkatinginan kaming apat.

"Kung alam mo na wala ka sa katawan mo, bakit hindi ka umalis diyan?" tanong ko kay Renz.

"Kung alam ko lang kung paano, matagal ko na ginawa. Hindi na rin naman masama itong katawan ko ngayon," tugon niya.

"Tsk. Go back to your own body. That's mine," inis na sabi ni Ian. Kung hindi lang siguro spirit baka nasaktan na niya si Renz.

"Tutulungan ka namin. Punta ka lang sa Magical Cafe, marami kami na pwedeng makatulong sayo," pag-iimbita ko sa kanya. Mas magandang makilala  din siya ng iba.

"Magical Cafe? Ah! Yung bagong bukas na cafe malapit sa school. Narinig ko sa mga kaklase kong babae na masarap daw pagkain doon."

"Totoo yan. The best ang ice cream at cake nila doon."

"Maggagabi na. Baka hinahanap na tayo doon," sabi bigla ni Max. Tumingin ako sa langit at sa paligid. Dumidilim na nga, hindi ko napansin yung oras sa kakasunod kay Renz. Hindi ko din alam kung nasaan  na kami.

"Baka pagalitan ka na ng magulang mo. Asahan ko yung tulong mo," umupo siya para makatapat ko saka bumulong.

"Baka ano pa gawin sa akin ng kasama mo kapag hindi ako umalis sa katawan niya," bulong niya sa akin kaya napatingin ako kay Ian. Ang sama na ng tingin niya kay Renz.

"May ibibigay ako sayo," sambit ni Renz saka may kinuha sa bulsa niya. Kinuha niya ang kamay ko at may nilagay siya doon.

"Lollipop? Salamat. Sa susunod stick-o naman ibigay mo sa akin," sabi ko sa kanya. Tumawa naman siya.

"Sige. Kapag nagpunta ako sa cafe niyo, dadalhan kita ng stick-o."

"Talaga? Asahan ko yan."

"Alis na tayo," iritableng sabi ni Ian.

"Galit na kasama mo. Umuwi ka na. Mag-iingat ka," ginulo ni Renz ang buhok ko saka tumayo.

"Hihintayin kita sa cafe. Salamat ulit sa lollipop. Bye! Ingat ka din," paalam ko saka tumakbo paalis. Lagot ako kila kuya kapag nagtagal pa ako.

Habang pabalik ako nasalubong ko si Marcky. Kakagaling lang siguro nila sa basketball practice.

"Tol, kamusta injured mo?" rinig kong tanong ng isa sa kanila kay Marcky.

"Ayos lang tol. Sabi ko naman sa inyo, magaling na ako," tugon nito.

Pagkalampas nila sa akin, tumigil ako sa paglalakad at saka ko sila tinignan.

"Si Henry," sabi bigla ni Zarah sabay nguso sa gate ng clifford high.

"Saan kayo galing? Kanina ko pa kayo hinahanap," tanong sa amin ni Henry.

"Sorry. Hindi ko namalayan yung oras habang kausap si Renz," sagot ko. Naglakad na kami pabalik ng cafe.

"Renz? Yung nasa katawan ni Blaize?"

"Oo. Kilala mo siya?"

"Kaklase namin ko siya."

"Sabi niya pupunta daw siya cafe sa susunod. Gusto ko na siya makausap ulit," masayang sabi ko. Kapag kausap ko siya para siyang si Ken pero mukha  Ian. Gustong gusto ko siya makitang  tumawa ulit. Bihira lang kasi tumawa si Ian kaya malaking oportunidad na makita siyang masayahin.

"Athena..." tawag sa akin ni kuya Paris nang makita ako. Nakapamewang pa siya na sinalubong ako. Akala mo nanay ko siya. Siya kasi pasamantalang nagbabantay sa akin habang spirit si kuya Hades kaya ganyan siya.

"Ikaw bata ka! Gala ka talaga! Kung saan- saan ka nagpupunta. Gabi na! Paano kung may masalubong kang kalaban sa labas?" sermon niya sa akin.

"Para kang tatay na pinapagalitan yung anak," komento ni Hazel sabay tawa.

"Edi pasado na pala ako sa pagiging tatay ng mga anak natin?" biro sa kanya ni kuya.

"Anak ka diyan!" sagot ni Hazel sabay hampas ng tray kay kuya. Pero pansin ko namula ito.

"Aray! Joke lang naman," reklamo ni kuya sabay hawak sa braso kung saan  hinampas. Natawa na lang ako habang pinapanood sila pero siyempre  yung mahin lang para hindi nila ako mapansin. Bagay silang dalawa.

"Hindi pa tayo tapos Athena. Wag kang tumawa diyan," pansin sa akin ni Kuya.

"Hayaan mo na si Zai. Hindi na siya bata para pagalitan mo ng ganyan," kontra sa kanya ni Hazel.

"Anong hindi bata? Tignan mo nga itsura niya," sagot ni kuya.

"Hindi na ako bata kuya. Naging ganito lang katawan ko," reklamo ko habang nakasimangot.

"Ang iingay niyong tatlo. Maglinis na kayo para makauwi na tayo," saway sa amin ni Zeque.

"Yes Sir!" sagot ko sa kanya saka umalis para tumakas kay kuya.

"Athena, may sasabihin pa ako. Bumalik ka dito!" tawag sa akin ni kuya pero hindi ko pinansin.

"Ay multo!" napahawak  ako sa dibdib ko dahil sa gulat. Bigla na lang kasing sumalubong sa akin si kuya Hades. "Ikaw pala kuya. Sesermunan mo din ba ako?"

"Wag masyadong matigas ang ulo. Kung alam mo lang kung gaano kami nag-aalala sayo. Isipin mo din sila mama. Wala tayong magkakapatid sa tabi nila."

Pagkabangit niya kila mama, bigla ko silang namiss. Hindi na namin sila masyadong nakakasama simula nung hinahanap namin ang mga mythical animal at ang weapon ng mga guardian. Tapos nangyari pa ito sa amin. Siguro ito yung epekto ng sumpa sa pamilya namin.

"Sorry. Hindi ko na uulitin," malungkot na sabi ko.

"Magsorry ka din kay Paris," utos niya sa akin. Kaya wala na ako nagawa  kundi balikan si Kuya Paris para magsorry.

"Kuya sorry. Hindi na ako gagabihin sa daan," sabi ko sa kanya.

"Maniwala ako sayo? Hindi ka kakai ng stick-o sa loob ng isang lingo," aniya saka ako iniwanan.

"Waaaahhhhh! Kuya! Wag naman yung stick-o ko," reklamo ko saka siya sinundan para kulitin. Isang araw nga lang na walang stick-o hindi ko kaya. Isang lingo pa kaya? Hindi ako payag!

Itutuloy...

Note: Dedicated to AED_Kaito_Kid. Thank you for the name. Sa kanya galing yung pangalan na Marcky. ^^ Sa susunod na yung iba.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro