CHAPTER 56: DISTRUCTION
CHAPTER 56: DISTRUCTION
Zeque's POV
Hindi nagtagal nasira na ang barrier. Sinubukan ko muling ayusin, ngunit hindi na sapat ang magical energy ko. Mabuti na lang karamihan sa mga survivor nakapasok na sa portal.
Mabilis na kumilos sila Zero upang harangan ang mga demon. Sa pamamagitan ng dark fire hinarangan niya ang daanan nila. Tuwing magtatangka itong lumapit, agad sila nasusunog. Subalit hindi ito sapat para pigilan ang mga nasa langit.
"Nakaalis na lahat ng mga survivor. Pupuntahan ko na si Erie," sigaw ni Jiro. Tinanguan ko siya bilang tugon habang nakikipaglaban gamit ang dagger na pinagawa ko kay Greg.
"Uncle, kung magpapatuloy ito hindi natin sila lahat mapipigilan. Bakit hindi na lang natin sila pasabugin? Nakaalis na ang mga survivor," suhestiyon ni Zero.
"Sino gagawa? Ikaw?"
Alam ko hindi niya kontrolado ang kapangyarihan niya. Madalas malakas siya gumamit ng kapangyarihan. Kung siya gagawa baka buong Occult ang sumabog at walang matirang buhay.
"Uncle, paubos na kapangyarihan mo. Hindi mo na kayang patayin silang lahat sa isang atake."
"Kaya ko pa pero kailangan niyo munang makaalis dito. Pagbalik ni Jiro, sumama na kayo kila Erie. Alam na ni Jiro ang sunod na gagawin pagkaalis niyo."
Sapat na siguro ang maipon kong kapangyarihan pagbalik ni Jiro.
"Bakit pakiramdam ko hindi na kita makikita pagkaalis namin? Hindi ka naman siguro mamatay?"
"Immortal ako. Paano ako mamatay?"
Hindi ako mamatay pero hindi ko alam kung kailan ako makababalik sa tabi ni Erie. Sana nga lang mapatawad niya ako sa gagawin ko. Nakakalungkot nga lang dahil hindi na ako nakapagpaalam sa kanya.
"Zeque, may paparating nanaman," sambit ni Blaire. Nagkaroon ng black hole sa palagi at mula doon panibagong demon ang dumadating. Pagkakita ko pa lang sa mga bagong dating alam kong malabong mapigilan namin sila. Mas marami sila kaysa sa amin. Karamihan sa ng wizard, pumuntang Bizarre.
"Zeque," tawag sa akin ni Jiro.
"Nasa sasakyan na si Erie?"
Tumango siya bilang tugon.
"Nakita mo ba si Samael?" tanong ni Jiro. Pagkatapos nila ito makaharap, bigla na lang ito umalis at hindi na muling nagpakita sa kanila.
"Hindi pa. Baka hinahanap niya sila Greg kaya wala siya. Tawagin niyo na sila Blaize at umalis. Magpapaiwan ako dito para kunin ang atensyon nila."
"Mag-isa ka lang?"
"Magpapaiwan kami. Balak namin pumuntang Bizarre pagkatapos nito," sabi nila Finn.
"Magpapaiwan din ako. Tutulong ako ka---"
"No! Sasama ka sa akin," putol ni Jiro sa anak niya.
"Nasaan si Zaira? Saka Max?" tanong ni Jiro nang mapansing kulang sila.
"Wala ba siya sasakyan? Hindi na siya bumalik," tugon ni Blaire.
"Wala siya. Sabi niya pupuntahan niya kayo."
"Hahanapin ko siya," sabi agad ni Blaize.
"Wait! Wala na tayo oras. Ako na hahanap sa kanila. Mauna na kayong umalis," pigil ko sa kanya. Wala ng oras para maghanapan pa.
"Magpapaiwan din ako."
Tinignan ko si Blaire upang tulungan akong pigilan si Blaize. Kahit magpaiwan siya papupuntahin ko din siya agad sa Bizarre kasama nila Finn. Alam kong may masamang epekto sa kanya ang gagawin kung mananatili siya kasama ko.
"Sorry sa gagawin ko," sambit ni Blaire sa kapatid niya at hawak sa bandang leeg nito. Biglang nanlambot si Blaize na agad naman itong hinawakan ni Blaire bago tuluyang matumba.
"You..." inis na sabi ni Blaize sabay tingin ng masama sa kapatid niya.
"Babalikan natin siya. Maiiwan din si Zeque, sigurado pupuntahan siya ni Erie kapag naayos na ang lahat sa pupuntahan natin," paliwanag ni Blaire sabay hila sa kapatid na hindi makagalaw.
Ginawan ko sila ng portal para makaalis sila agad.
"Siguraduhin mong babalik ka agad. Hindi ko alam ang sasabihin ko sa asawa mo kung mawawala ka bigla," sabi sa akin ni Jiro bago pumasok sa portal.
"Lagyan niyo ng seal ang pinutuan ng Outlandish sa Xaterrah. Kahit wala yun pwede pa rin kayo makapunta dito sa pamamagitan ng aurora," tugon ko. Tumango ito bilang tugon. Pagkawala ng portal agad ako pumasok sa Black Academy upang hanapin si Zaira. Subalit hindi ko siya makita kahit anino man niya. Lumabas ko muli sa Black Academy at doon naghanap. Baka hindi lang namin siya napansin kanina dahil abala kaming lahat.
Nagtunggo ako sa posisyon ni Max at doon ko nakita ang dalawang estatwa. Nakaangat ang dalawang kamay ni Max na base sa expression nito, nagmamadali ito upang itulak si Zaira pero huli na ang lahat. Tinignan ko ang mukha ni Zaira. Nakangiti ito ng mapait. Makikita sa mata niya ang pag-aalala. Tinignan ko ang mga demon na nakapaligid sa akin.
"Buhatin niyo sila at dalhin sa Bizarre para madala sila nila Blaize sa Aurora pagbalik nila," utos ko kila Finn na tahimik lang na kasunod sa akin. Ginawan ko sila ng portal patungo sa Bizarre.
"Ano gagawin mo?" tanong ni Peirce.
"Papasabugin ko silang lahat. Hindi ko alam hanggang saan ang aabutin ng gagawin ko kaya mas mabuting ako lang ang nandito," paliwanag ko. Tinanguan nila ako saka sila pumasok sa portal.
"Sorry Erie. Hindi muna ako makakabalik," bulong ko. Alam ko sa gagawin ko mauubos lahat ng kapangyarihan ko at matagal bago iyon tuluyang bumalik. Hindi ko alam kung ano mangyayari sa katawan pagkatapos nun pero sigurado ako na hindi ako mamatay.
Huminga ako ng malalim at saka inumpisahang ipunin ang lahat ng kapangyarihan ko sa kamay ko hanggang sa sumabog ito at napalibutan ako ng puting liwanag. Rinig ko ang sigawan ng mga demon bago bumagsak.
*********
Erie's POV
Hindi na kami nagsayang ng oras pa at naghanda na umalis. Pagkapasok namin sa sasakyan gumawa ako agad ng portal patungong Aurora saka sinenyasan si Kuya Greg na paandarin ang sasakyan. Mula sa bintana makikitang napapalibutan kami ng makulay na liwanag. Sa isang iglap nasa kalangitan na kami ng Aurora.
Bago namin pinalabas ang mga survivor kinailangan kong ilagay sa memory ang sistema ng Aurora. Dahil iba ang mundong ito sa Outlandish. Binigyan namin sila ng lugay kung saan sila lamang ang naninirahan.
"Done. Bumalik na tayo sa Xatterah," sabi ko kay Jiro. Iniwan na namin kay Zep at Flora ang sunod na gagawin.
Pagkabalik namin sa Xatterah, dumiretso ako agad sa isang kwarto kung saan may iba't ibang pinto. Napabuntong hininga ako saka lumapit sa pinto na kunektado sa Outlandish at saka ito nilagyan ng lock katulad sa pinto ng Infernal World.
"Ano na sunod mong gagawin?" tanong ni Jiro.
"Babalik ako ng Outlandish," sagot ko. Malinaw sa akin na kahit nakaseal ang pinto pwede pa rin ako makapunta sa Outlandish sa pamamagitan ng Aurora.
Paglabas namin ng kwaro sumalubong sa amin si Zera. Napakunot ang noo ko nang mapansin kong kinakabahan ito.
"May problema ba?" tanong ni Jiro. Tumingin sa kanya saglit si Zera bago ito tumingin sa akin. Bigla itong yumuko.
"Erie..." mahinang tawag niya sa akin.
"May gusto ka ba sabihin sa akin?" tanong ko. Kinabahan ako bigla dahil base sa kinikilos niya, hindi maganda ang sasabihin niya. Nagulat na lang ako nang lumuhod siya.
"Sorry, hindi ko nabantayan ng maayos si Heidi. Hindi ko alam kung ano nangyari, nawala na lang siya bigla," aniya habang nakaluhod.
"Nawala?"
Tinignan ako sa mata ni Zera saka tumango.
"Hindi ako umalis sa kwarto nila. Wala ding ibang pumasok. Basta na lang ito nawala habang nagtitimpla ako ng gatas. Pagtingin ko sa higaan niya wala na ito."
Hindi ako makapaniwala sa narinig ko. Nawawala ang isang anak ko?
"Hinanap mo na ba siya?" tanong ni Jiro.
"Oo. Pero walang kahit na anong senyales niya sa mundong ito. Para siyang bula na naglaho na lang bigla."
"Wala ka bang ibang naramdaman bago siya mawala?"
Hindi ko inalis ang tingin kay Zera habang sinasagot niya si Jiro. Kita ko na nagsasabi siya ng totoo pero paanong nawala na lang bigla si Heidi? Posible kayang may traydor sa mundong ito? Napasok na ba kami ng mga demon?
"Wala. Pero may sulat akong nakuha sa higaan niya," binigay niya sa akin angs sulat na tinutukoy niya.
"Kukunin ko muna siya para sa hinaharap. Paglipas ng labing walong taon, babalik din siya sayo."
"Para sa hinaharap..." bulong ni Jiro na para bang may malalim itong iniisip.
"Naiintindihan mo ba yung nakasulat?" tanong ni Zera.
"Tingin ko may kinalaman ang sulat sa pagpatay ni Samael sa mga bata. Habang nakikipaglaban kami sa mga demon narinig ko na may propesiya tungkol sa katapusan ni Samael at para pigilan iyon kailangan nila patayin ang mga batang babaeng isisilang sa taong ito. Wag ka mag-alala ligtas si Heidi. Ayon sa sulat babalik siya kaya siguradong kakampi ang kumuha sa kanya."
Napabuntong hininga na lang ako. Alam ko nasa maayos na kamay ang anak ko dahil kung hindi baka hindi lang basta pagkawala ang nangyari. Kung nakapunta siya sa Xaterrah nang hindi naming napapansin, ibig sabihin malakas ang kumuha sa anak ko. Tinupi ko ang sulat at saka ito binulsa.
"Naiintindihan ko. Pakibantayan muna yung dalawa, kailangan ko bumalik sa Outlandish," sabi ko kay Zera. Dinalaw ko muna sila Damian bago bumalik sa Aurora upang sunduin sila Blaize. Mahimbing na natutulog ang kambal. Hinalikan ko sila sa noo bago umalis.
"Sino sasama sa akin?" tanong ko kila Blaize nang makabalik na kami.
"Kami lang dalawa," tugon ni Blaire. Tinanguan ko siya at gumawa ng portal papuntang Bizarre.
Hindi kami pwede makapasok sa loob mismo ng Bizarre kaya sa labas lang kami. Bumungad sa aming ang iba't-ibang wizard na abala sa pakikipaglaban sa mga demon.
"Nandito na kayo. Sasamahan ko kayo sa loob," sabi sa amin ni Crystal nang makita niya kami. Nagpaalam muna siya sa mga kasamahan niya. Gumawa siya ng portal na makakapasok sa loob para sa amin dahil sa barrier. Kumpara sa barrier sa Black Academy mas matibay ang sa kanila. Dahil siguro sa mas maraming magical energy sa kanila.
Pumasok kami sa isang kastilyo na may flag na sumisimbilo sa apoy. Tahimik lang kaming nakasunod sa kanya hanggang sa huminto siya sa tapat ng isang kwarto. Binuksan niya ito. Bumungad sa amin ang dalawang wizard na nagpaiwan sa Black Academy at dalawang estatwa na nakatayo sa tabi nila. Nilibot ko ng tingin ang kwarto para hanapin si Zeque.
"Nasaan si Zeque?" tanong ko kila Finn .
"Naiwan siya mag-isa sa Black Academy. Pagkakita namin kila Max, pinapunta na niya kami agad dito," tugon ni Finn. Hindi mawala ang kaba ko nang marinig ko ang sinabi niya. Alam kong hindi mamatay si Zeque pero pakiramdam ko hindi na siya babalik.
"Jiro... may hindi ka ba sinasabi sa akin?" tanong ko sa grimreaper na nasa tabi ko.
"Power of destruction," maiksing sagot niya na ikinagulat nila Crystal. Kahit hindi niya ipaliwanag, naiintindihan ko ang lahat.
"Hahanapin ko siya," sambit ko.
Itutuloy ....
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro