Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 55: WAR

CHAPTER 55: WAR

Zeque's POV

"Zeque, kung magpapatuloy ito babagsak ang barrier," sambit ni Zaira . Walong araw na ang nakalipas, patuloy pa rin sa pag-atake ang mga demon. Walang tigil kami sa pag-ayos ng barrier bago ito masira.

"Namumutla ka. Magpahinga ka muna," pansin ko sa kanya. Hindi ito umimik. Napahawak ito bigla sa tiyan niya.

"Pakitawag si Ian," aniya sabay upo habang nakahawak sa tiyan. Lumikha ako ng paro-paro at inutusan itong puntahan si Blaze na nasa labas ng barrier upang patayin ang mga umaatake sa amin.

"Aaahhh!" sigaw bigla ni Zaira. Pagtingin ko sa kanya may dugo sa kanyang binti. Una kong naisip na manganganak na siya. Dalawa lang kaming magkasama dahil kami lang ang may kayang gumawa ng barrier. Lahat sila nasa labas. Kapag tumigil ako sa pag-ayos ng barrier, baka tuluyan itong masira dahil sa dami ng umaatake.

Napabuntong hininga ako at hindi nagdalawang isip na buhay siya upang ipasok sa Black Academy.

"Zeque, yung barrier!"

"May isa pa namang barrier. Mas importante ka at ang bata sa tiyan."

Sa clinic ko siya agad dinala. Mabuti na lang may doctor sa school nila. Hiniga ko siya sa kama.

"Manganganak na yata siya. Maghanda kayo. Siguraduhin niyong ligtas ang panganganak niya. Tinawag ko na ang asawa niya," sabi ko sa doctor . Pagbalik ko sa may unang barrier, sira na ito.  Ngayon patungo na sila sa pangalawang barrier.

"Zeque, ano mangyayari? Bakit nasira ang barrier?" tanong ni Jiro nang makita ako. Sinabi ko sa kanya ang nangyari.

"Kaya pala nagmadaling umalis si Blaize kanina," komento niya. Hindi na ako nakipagdaldalan sa kanya. Gumawa ako ng portal patungo sa sunod na barrier at agad itong dinagdagan bago pa  mkalapit ang mga demon.

"Tulungan niyo kong paatrasin sila," utos ko kay Blaire dahil siya ang pinakamalapit. Tinanguan niya ako at nag-umpisang kumilos.  Pero masyado silang madami. Mabilis nila kaming napalibutan. Alam kong hindi ko kakayanin kung mag-isa lang akong nandito. Maaring makatagal ako ng dalawang araw na walang kapalit. Alam kong hindi agad makakabalik si Zaira. Wala si Crystal dahil may problema din sila sa Bizarre. Ang hiling ko na lang dumating sila Greg bago masira ang barrier.

******

Third Person's POV

Patakbong nagtunggo sa clinic si Blaize. Dahil sa dami ng demon na humaharang sa kanya natagalan ito. Pagbukas niya ng pinto, isang iyak ng bata ang sumalubong sa kanya.

"Ian," sambit ni Zaira pagkakita sa kanya. Agad siya lumapit dito at hinawakan ang kamay.

"Sorry, natagalan ako."

"Ayos lang. Ang importante nakarating ka. Tignan mo ang baby girl natin. Sabi ng doctor, malusog ang bata."

"Napagandang bata. Ano po ipapangalan niyo sa kanya?" tanong ng nurse.

"Kazumi Astrid Deuhurst," tugon ni Zaira habang nakangiti. Matagal na nakahanda ang pangalan ng anak nila. Babae man ito o lalaki meron na sila.

Makalipas ang dalawang araw, unti-unting nasisira ang panghuling barrier na pumuprotekta sa Black Academy.

"Miss, kailangan na po natin umalis dito," sambit ng doctor kay Zaira.

"Bakit? Ano nangyari?"

"Hindi na kaya ng barrier protektahan ang school. Kaya pinakiusapan ang lahat na umalis bago tuluyan bumagsak ang barrier."

"Hindi ba mas delikado kung aalis dito?"

"Parating na daw ang saskyan na magdadala sa atin sa ligtas na lugar. Pero bago yun kailangan muna daw namin gawin ang lahat para makaligtas."

"Tutulong ako sa barrier."

Biglang pumasok si Blaize. Puno ng dugo ang katawan nito at makikita ang pagod nito.

"Athena, sumama ka na sa kanila," sambit nito.

"Hindi. Tutulong ako. Wag ka mag-aalala nakapagpahinga na ako."

"Kailangan ka ni Kazumi. Wag mo sabihing balak mo siya isama sa harap ng demon? Target nila ang mga bagong silang na bata."

"Pero kapag nasira ang barrier, lahat manganganib. Pati na din ako."

"Hindi mo kailangan humarap sa demon o tumulong sa barrier. May iba kami ipapagawa sayo. Alam mo kung nasaan si Greg diba?" singit ni Blaire na kakapasok lang. Tumango si Zaira bilang tugon.

"Paunta na sana sila dito pero nalaman nila na napapalibutan tayo ng kalaban. Pinapasabi nila na gumawa na lang ng  portal papunta sa sasakyan. May  posibilidad na atakihin ng mga demon ang sasakyan bago pa ito makaalis. Hindi pwede iwan ni Zeque ang barrier kaya ikaw ang inaasahan namin sa portal."

"Okay. Naiintindihan ko."

"Alis na kami ni Ian. Mag-iingat kayo,"  paalam ni Blaire at bago pa makapagsalita ang kapatid niya, inakbayan na niya ito at sinama palabas.

Hindi na nagsayang ng oras si Zaira. Naghanap siya ng magandang lugar para sa portal at isa-isa niya pinapasok dito ang mga survivor. Sinalubong sila nila Greg saka pinasakay sa sasakyan.

"Bakit po wala pa sila mama?" tanong ng batang babae kay Greg. Nakamasid ito sa mga bagong dating.

Napabuntong hininga na lang si Greg. Hindi niya alam kung ano na nangyari sa  asawa niya. Ang huling balitang alam niya ay nasa underground ito nagtatago. Ngunit, ilang buwan na ang nakalipas. Alam niyang hindi pa ito nahahanap nila Zeque. Kaya naman tinapos niya agad ang sasakyan upang hanapin ang asawa niya bago sila umalis.

"Dito ka lang muna kasama ni Roy. Hahanapin ko ang mama mo," paalam ni Greg  sabay tingin sa robot na bagong gawa niya. Tumango ang batang babae saka nito hinawakan sa kamay ang robot na si Roy. Dahil sa anyo nito na mukha talagang tao, hindi mahahalatang robot ito.

Bitbit ang mga invention nitong baril at pampasabog, sumakay ito sa kanyang sasakyan.

"Alis na ako," paalam niya saka nagmaneho. Nagtungo ito sa lugar kung saan ang kanyang asawa, subalit pagdating niya doon ay puro bangkay na lamang ang nandoon.

"Bella!" sigaw ni Greg habang tuloy sa paglalakad hanggang sa makita nito ang isang pamilyar na babae na nakahiga sa ilalim ng puno. May hawak itong espada at puno ng dugo. Sa paligid nito ay mga walang buhay na demon.

"G...greg," sambit nito nang makita ang palapit na lalaki. Sinubukan nitong abutin ang lalaki ngunit nanghihina na ito.

Mabilis siyang nilapitan ng lalaki at hinawakan ang kamay nito.

"Gre--"

"Wag ka na magsalita," putol niya dito at saka binuhat.

"Hanapin mo ang anak natin. Binigay ko siya kay Della," tukoy nito sa  niya
nakakabatang kapatid.

"Papunta na sa sasakyan ang mga nasa Black Academy.  Baka nandoon na siya," tugon nito sabay sakay sa sasakyan. Pinanood ni Bella ang asawa habang nagmamaneho. Hindi nito maiwasang mapaluha dahil alam niyang wala na siyang oras. Hinawakan nito ang kamay ng lalaki.

"S...sorry Greg," sambit nito. Dahan-dahang nagsara ang mga mata nito at unti-unting lumuwag ang pagkahawak nito. Napahinto sa pagmamaneho si Greg.

"No! Bella, wag mo ko iwan. Malapit na tayo! Gumising ka," sigaw nito. Napamura ito nang makitang hindi na ito humihinga. Binilisan nito lalo ang pagmamaneho. Lahat ng zombie o demon na humarang ay pinagbabangga niya.

"Papa!" salubong sa kanya ng batang babae. Nawala ang ngiti nito nang makita ang kanyang ina na duguan.

"Roy, ihanda mo ang freezing capsule," sigaw nito sabay buhat sa asawa niya. Pinasok niya ito sa laboratory na nasa pinakataas ng Constantine.

Pagpasok niya doon nakabukas na ang isang hugis capsule na mas malaki pa sa tao. Umuusok ito dahil sa sobrang lamig. Hiniga niya sa loob ang asawa at agad na sinara. Binabaan niya ang temperature nito upang bumilis ang pagyelo.

"Papa, ano nangyari kay mama?" tanong ng batang babae.

"Napagod ang Mama mo kaya natulog muna siya para makapagpahinga," pagsisinungaling nito.

"Kailan po siya gigising? Saka nasaan po little brother ko?" tanong nito. Dahil sa taas ng IQ nito, kahit na dalawang taon lamang ito ay nasa edad sampung taon na ang pag-iisip nito.

"Nasa tita Della mo ang kapatid mo. Baka nasa labas na siya," tugon nito. Hinawakan niyo sa kamay ang anak at saka lumabas upang hanapin si Della. Subalit wala ito sa sasakyan.

"Lahat na ba nandito?" tanong niya kay Clara nang mawala ang portal. Tumango ito bilang tugon.

"Oo. Yung ibang nasa labas ng Black Academy, susubukang hanapin ni Zai. May balitang may mga survivor na hindi nakapasok sa Black Academy dahil napapalibutan ito ng mga demon."

"Aalis na ba tayo?"

"Sinundo na ni Jiro si Erie. Pagdating niya, baka umalis na tayo agad."

Hindi umimik si Greg. Gusto siya tanungin ni Clara, ngunit pinigilan nito ang sarili. Agad na dumating si Erie kasama si Jiro.

"Tatawagin ko sila Zeque. Pagkatapos aalis na tayo," paalam ni Jiro. Wag na silang choice kundi iwan ang Black Academy dahil hindi sapat ang lakas nila laban kay Samael.

"Aalis na lang kayo basta? Paano yung mga ibang hindi nakapunta dito?" tanong ni Greg.

"Kung hindi sila nakapunta dito, ibig-sabihin lang niyon patay na sila. O kung hindi man maliit ang posibilidad na makaligtas sila. Importanteng makaalis tayo agad bago tayo matagpuan nila Samael," tugon ni Jiro saka ito lumipad paalis.

"May pamilya ka pa bang nasa labas?" tanong ni Erie.

"Nawawala ang anak ko. Hindi ko alam kung nasaan sila o kung buhay pa sila."

Hindi alam ni Erie ang sasabihin niya. Kung siya ang nasa posison baka lumabas na siya para hanapin ang anak niya. Tinignan niya si Greg na kalmado lang pero ramdam niya ang pag-aalala nito sa anak niya.

Hindi nagtagal bumalik na sila Jiro, ngunit lima lang sila.

"Nasaan ang iba?" tanong ni Erie nang mawala ang portal. Sina Jiro, Zero, Levi, Blaire at Blaize lamang ang dumating.

"Umalis na muna tayo. Papunta na sila Samael dito. Pinapasabi ni Zeque na pagkabalik mo sa Xaterrah kailangan mo lagyan ng seal ang pinto ng Outlandish," tugon ni Jiro.

"Bakit? Kapag ginawa ko iyon mawawalan tayo ng connection sa Outlandish. Mahihirapan tayo malaman ang nangyayari dito."

"Halos sakop na ng demon ang Outlandish. Kung ayaw mo maulit ang nangyari sa Xaterrah noon, kailangan mo lagyan ng seal ang pinto na nag-uugnay sa dalawang mundo, tulad sa infernal world."

"Paano makakabalik si Zeque? Hindi siya makakapunta sa Xaterrah kung lalagyan ko ng seal ang pinto. Hindi din siya makakapunta sa Aurora."

"Nandiyan na ang mga demon!" sambit ni Zero.

"Umalis na muna tayo," hila
ni Jiro kay Erie paakyat sa Constantine.

Itutuloy....

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro