CHAPTER 54: TRIPLETS
CHAPTER 54: TRIPLETS
Zeque's POV
"Zeque, dumadami na ang mga nagiging bato. Kung magpapatuloy ito mauubos ang mga kasamahan natin," sambit ni Zaira habang lumilipad kami sa langit.
"Kaya wag kayo baba dahil hindi natin kung nasaan ang trap. Hindi natin kakayanin kung nababawasan pa tayo," tugon ko.
"Zeque!" sigaw ni Jiro habang nalipad patungo sa amin. Bigla ako kinabahan.
"May nangyari ba kay Erie?" nag-aalalang tanong ko. Kapag pumunta si Jiro ibig sabihin may kinalaman si Erie. Baka may masamang nangyari sa kanya. Mukhang nagmamadali pa siya na mahanap ako.
"Manganganak na si Erie. Puntahan mo na siya. Ako na muna dito."
Pagkarinig ko na manganganak na si Erie agad ako bumalik sa Xaterrah. Masyado ako abala hindi ko na namalayan na kabuwanan na niya. Sana maging maayos ang panganganak niya.
"Zep! Nasaan si Erie?" tanong ko sa kapatid ko.
"Nasa loob. Tinutulungan nila Zera na manganak."
Pumasok ako agad sa pintong tinuro niya at isang iyak ng bata ang sumalubong sa akin.
"Zeque, nandito ka na. Salamat dumating ka," sabi sa akin ni Erie. Hinawakan ko siya sa kamay habang tinitignan ang pag-aasikaso nila Zeya sa bata.
"Lalabas na yung isa," sambit ni Zera. Triplets ang magiging anak namin. Matagal na namin itong pinaghandaan. Pati pangalan inayos na namin. Hindi ako umalis sa tabi ni Erie hanggang sa matapos siya sa panganganak. Nang lumabas ang huling bata, nawalan siya ng malay.
"Gusto mo buhatin?" tanong ni Zeya sa akin habang buhat ang pangalawa sa anak ko. Tinanguan ko siya bilang tugon. Maingat niya itong inabot sa akin.
"Ano pangalan niya?" tanong niya sa akin pagkakuha ko ito.
"Heidi," nakangiting sagot ko habang buhat ko nag-iisang babaeng anak ko. Ito kauna-unahang pangaln na napagkasunduan namin ni Erie.
"Si Damian yung panganak at Nash naman yung bunso," dugtong ko.
"May birthmark din sila katulad ng kay Erie," pansin ni Flora. Nakita ko din kanina na meron nga sila nun. Nasa bandang dibdi ang kay Heidi. Habang nasa likod naman ang kay Damian at sa balikat ang kay Nash.
"Maganda yan. Malalaman niyo agad kung anak niyo sila. May palatandaan na sila," komento ni Zeya.
"Aayusin ko na ang higaan nila," sambit ni Zera at saka ito lumikha ng higaan ng mga bata gamit ang magic. Isa-isa namin silang binaba. Hinintay ko muna magising si Erie bago bumalik sa Outlandish.
"Zeque..."
"Kamusta pakiramdam mo?"
"Gusto ko makita ang anak natin."
"Kukunin ko si Damian," tugon ko saka kinuha ang isa naming anak. Masaya niyang binuhat ang aming anak.
"Bakit ka umiiyak?" tanong ko nang mapansin kong lumuluha siya.
"Masaya lang ako. Hindi pa rin ako makapaniwala na magiging mommy na ako. Ngayon masasabi ko na may sarili na talaga akong pamilya," aniya sabay punas ng luha niya.
"Hindi ka na nag-iisa. Nandito ako at ang mga anak natin."
"Mas masaya sana kung tapos na ang kaguluhan sa Outlandish. Naayos na namin ang Aurora. Anumang oras pwede na sila lumipat doon."
"Sasabihan ko sila Greg. Hindi pa yata tapos sasakyan. Oras na matapos yun kailangan namin ang tulong mo. Ikaw lang makakabukas ng portal patungo sa Aurora."
"Okay. Sabihan niyo lang ako."
"Tama na muna ang tungkol sa trabaho. Pag-usapan natin ang future ng anak natin."
Tinignan ko siya ng seryoso. Alam ko alam niya na special ang mga anak namin. Kakaiba sila sa dahil nagmula sila sa pinaghalong dugo ng magkakaibang uri ng nilalang.
"Gusto ko sila mamuhay ng malaya at payapa. Zeque, kapag naayos na ang gulo sa Outlandish... gusto ko mangako sa akin na hindi ka na aalis para makipaglaban. Gusto ko na makasama kang inaalagaan ang mga anak natin. Yung malayo sa gulo, walang digmaan at hindi binbuwis ang buhay mo. Naiintindihan ko na tungkulin mo protektahan ang mundo mo pero kailangan ka rin namin."
"Naiintindihan ko. Sorry kung nawawalan na ako oras sa inyo. Pangako kapag natapos na ito, hindi na ako aalis ulit."
Niyakap ko siya at saka hinalikan sa noo. Kung ako papiliin ayoko naman talaga na umalis sa tabi niya. Pero kailangan ko gawin ito dahil kasalanan ko kung bakit naging immortal si Samael. Kung hindi dahil sa akin wala sanang kaguluhan. Kaya naman gagawin ko ang lahat para bumalik ang katahimikan sa Outlandish. Bago ako mamuhay ng tahimik kasama ang pamilya ko gusto maitama ko lahat ng pagkakamali ko sa nakaraan.
"Uwaaaaaahhhhhh" iyak bigla ni Heidi. Agad ako tumayo at kinuha ito para dalhin kay Erie. Nagugutom na yata. Binaba niya muna si Damian at saka kinuha si Heidi upang painumin ng gatas.
"Zeque! Emergency!" pasok bigla ni Zera. Nagmamadali itong lumapit sa akin. Pagkakita ko sa kanya makikita ko ang nag-aalala niyang mukha.
"Ano nangyari?"
"Si Samael, sumugod sa Outlandish kasama ang mahigit isang daang libong demon."
Napatayo ako bigla nang marinig ko ang sinabi niya. Bakit ngayon pa niya naisipang sumugod? Gusto ko pa makasama ang mga anak namin.
"Pumunta ka na doon. Ayos lang ako dito. Mag-iingat ka," sambit ni Erie. Nakangiti siya sa akin pero alam ko na pinipilit lang niya ang sarili niya.
"Sorry," malungkot na sabi ko.
"Naiintindihan ko. Kailangan ka nila doon."
"Baka hindi ako agad makabalik."
"Alam ko."
"Papatawag kita kapag natapos na yung sasakyan ni Greg para mailipat na sa Aurora ang mga survival. Alam ko na hindi magtatagal babagsak ang Outlandish sa kamay ni Samael."
Tumango siya bilang tugon. Hinalikan ko muna siya bago umalis. Pinuntahan ko muna si Greg para alamin kung patapos na ang sasakyan.
"Mga tatlong linggo pa bago ko matapos. Pupunta ako agad sa black academy natapos ako."
"Sige. Habang wala ka pa pipilitin naming protektahan ang black academy sa mga demon. Magtatayo kami ng iilang barrier."
"Papa," sambit ng isang batang babae sabay hila sa damit ni Greg.
"Anak mo?" tanong ko.
"Yeah. Bagong panganak ang mama niya kaya ako muna ang nag-babantay sa kanya. Pwede bang pakitingin ang asawa ko? Huling balita na narinig ko na papunta sila
Black Academy para sa evacuation. Isang member ng white legion ang asawa ko at sigurado hindi niya matitiis ang hindi tumulong. Kung makikita mo siya, pakidala siya sa ligtas na lugar."
"Nasaan daw sila? Wala na kami masyadong nakikitang survivor sa paligid?"
"Sa underground base. Doon sila nagtatago pero para makarating sila Black Academy kailangan nilang lumabas. Nag-aalala ako na baka maabutan sila ni Samael."
"Sige. Hahanapin ko ang asawa mo."
"Salamat."
Bumalik na ako kila Jiro at naabutan ko sila na nakikipaglaban sa mga demon. Kumpara sa mga naunang demon mas malakas ang mga ito. Napansin ko na may palapit na dark fire ball sa tabi ko kaya agad ako umiwas.
"Zeque, nagustuhan mo ba ang surpresa ko? Hahahaha!" sambit ni Samael. Tinignan ko siya ng masama.
"Ano pinapaplano mo?" tanong ko.
"Nandito ako para patayin ang lahat ng batang babaeng sa mundo. At ang mga batang nasa sinapupunan pa lang. Tulad niya!" aniya sabay atake kay Zaira na napapalibutan ng mga demon. Mabilis naman siya hinarangan nina Blaize at Max upang protektahan si Zaira. Tumulong na din ako sa kanila.
"Ako kalaban mo! Hindi pa ako nakakaganti sa ginawa mo kay Zera" sigaw ni Jiro sabay atake kay Samael.
"Ako ang kalaban niya," kontra ko sa kanya. Tinawanan lang kami ni Samael.
"Kahit magtulungan pa kayo hindi niyo ko matatalo!" mayabang na sabi ni Samael. Sa sobrang inis namin ni Jiro sabay namin siyang inatake. Inaamin kong hindi na sapat ang kapangyarihan ko ngayon dahil sa pagiging alter necklace. Ganun din si Jiro.
"Zeque, bakit hindi na lang natin gawin sa kanya ginawa sa akin noon? Mas may silbi siya kung magiging alter necklace din siya," suhestiyon ni Jiro.
"Tingin mo ba hindi ko naisip yan? Pero mas delikado kung gagawin natin iyon. Hindi natin alam kung may kakayahan ba siyang magbago tulad mo. Pureblood demon siya. Likas na sa kanya ang maging masama," tugon ko. Baka kapag ginawa namin siyang alter necklace, gawin lang niyang sunod-sunuran sa kanya ang nakatadhanang gumamit sa kanya. Hindi ako naniniwalang kayang maging mabait ng mga demon maliban na lang kung half lang sila tulad nila Jiro.
"May punto ka pero wala bang ibang paraan para mapigilan siya? Hindi natin siya mapapatay kahit ano gawin natin."
"Sa ngayon wala pa pero hindi ka ba nagtataka kung bakit target niya ang mga sanggol o isisilang pa lang?"
"Sinasabi mo ba na sa hinaharap may nakatadhanang tumapos sa kanya?"
"Kaya napaaga ang pag-atake niya dahil gusto niya pigilan ang nakatadhanang mangyari sa kanya. Kung ano man yun sigurado maganda iyon para sa atin. Kaya naman gawin mo ang lahat para protektahan ang mga sanggol at buntis."
Isang malakas na pagsabog at malakas na tawa ang nagpatigil sa amin.
"Hahahaha. Katapusan niyo na lahat. Ayan ang nararapat sa mga kumakalaban sa akin. Uubusin ko kayo lahat," masayang sabi ni Samael habang nagpapaulan ng dark ball. Sunod-sunod ang pagsabog sa lupa. Kung sino man ang nandoon sigurado patay ito . Idagdag pa na may makita man siyang kalaban o wala pinapasabog niyak ito. Kung magpapatuloy ito tuluyang mawawasak ang Occult City.
"Zeque, papunta sila sa Black Academy!" sigaw ni Zaira.
"Mahina na ang barrier ng black academy. Kung si Samael ang aatake doon sigurado patay ang lahat ng nandoon," sambit ni Jiro.
"Pigilan mo si Samael na pumunta doon. Athena, tulungan mo kong gumawa ng mas matibay na barrier," sabi kila Jiro. Tinanguan nila ako.
Tinulungan ko si Zaira na patayin ang mga demon na nakapalibot sa kanya at saka ko siya hinila papasok sa portal.
"Mas mabuting manatili ka muna dito. Malapit ka na manganak. Delikado kung magkikilos ka pa," paaala ko kay Zaira. Pagkatapos manganak ni Erie, hindi ko maiwasang mag-alala din sa kalagayan niya. Hindi ba siya pinipigilan ni Blaize? Dapat hindi na siya sumasama panahon ngayon.
"Kaya ko pa naman. Hindi naman ako masyado gumagalaw. Hinagisan ko lang sila ng fireball o kaya pinapatamaan ng kidlat. Minsan pinapalipad ko sila gamit ang wind blade," paliwanag niya.
"Kahit na. Gusto patayin ni Samael ang batang dinadala mo. Hindi ko alam kung ano sinabi mo kay Blaize para pumayag siya na tumulong pa rin."
"Payagan man ako o hindi ni Blaize, gagawin ko pa rin ang gusto ko. "
"Kung gusto mo tumulong pa rin, dito ka lang. Bantayan mo ang barrier. Protektahan mo ang mga nandito habang wala pa si Greg," utos ko sa kanya. Hindi din ko pwede manatili dito dahil kailangan ko hanapin ang asawa ni Greg bago pa sila makita ni Samael. Sa ginagawang pagpapasabog ni Samael, hindi malabong makita niya ang underground base na tinataguan ng ibang survivor.
Itutuloy....
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro