Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 53: STONE STATUE

CHAPTER 53: STONE STATUE

Kim's POV

"Weird, ang tahimik yata ngayon?" pansin ko sa paligid habang naglilibot kami. Kanina pa kami palakad-lakad pero wala pa kami masalubong na kalaban.

"Mag-iingat kayo. Hindi maganda ang kutob ko," paalala sa amin ni Kuya Ivan.  Nakarinig kami bigla na pagsabog at nakakita kami ng usok. Agad kami nagtungo doon upang tignan ang sitwasyon.

Habang palapit kami biglang lumiwanag ang hinakbayan ko. Natigilan ako bigla at tinignan kung ano yun.

"Kim, umalis ka diyan. Dalian mo!" sigaw bigla ni Kuya Ivan pero huli na ang lahat.

"Hindi ako makagalaw. Tulungan niyo ko!" sigaw ko.

"Nandyan na ako!" takbo palapit sa akin ni Adrian.

"Wag ka lalapit sa kanya. Kung ayaw mo magi--" hindi na natapos ni Kuya Ivan ang sasabihin niya dahil naging bato bigla ang paa ko. Doon ko lang naunawaan kung anong spell ang naapakan ko.

"Wag ka lalapit sa akin. Magiging bato ka din!" pigil ko kay Adrian pero hondi hindi ito nagpaawat. Ningitian niya lang ako saka hinawakan ang kamay ko bago ito maging bato.

"Hindi kita iiwan. Sasamahan kita kahit maging bato pa ako," aniya habang seryosong nakatingin sa akin. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Ano ba pinagsasabi ng lalaking ito?

"Adrian! Kim!" sigaw ni Kuya Ivan at bago pa ako tuluyang maging bato nakita ko na nag-umpisa na din maging bato ang katawan niya.

"I love you, Kim..." rinig kong huling sabi ni Adrian. At dahil naging bato ako hindi ko magawang makapagpasalita pero aware pa rin ako sa paligid.  Nang mawala ang liwanag doon lamang lumapit sa amin si Kuya Ivan.

"Kim? Adrian? Naririnig niyo ba ako? Wag kayo mag-aalala maghahanap ako ng paraan para bumalik kayo sa dati," sabi niya sa amin.

"Hahaha. Natagumpay tayo!" tawa ng isang babaeng nakitim na hood. Kung hindi ako nagkakamali siya yung witch na tumutulong kay Samael.

"Sino ka?" tanong ni Kuya Ivan pero ningitian lang siya nito.

"Wag ka mag-aalala, susunod ka din sa kanila. Warning pa lang yan mula kay Haring Samael. Pinapasabi niya kay Zeque na iisa-isahin namin kayong kumakalaban sa amin," sabi nito saka nawala.

Pinatawag ni Kuya Ivan si Zeque at agad naman ito dumating. Sinuri niya kami.

"Walang duda. Katulad ito ng ginawa namin kay Samael noon. Isang dugo lamang ng tao na anak ng isang External Child ang makalaya sa kanila. Sa ngayon dalhin muna natin sila sa Black Academy," paliwanag ni Zeque.

Hindi maiwasang humanga sa kanya dahil nagagawa niya pa rin maging kalmado sa kabila ng nangyayari.

******

Third Person's POV

"Hanapin niyo sila! Wag kayo titigil hanggang hindi niyo sila nakikita," sigaw ni Samael. Galit na galit ito nang malamang nawawala si Zarah at hanggang ngayon hindi pa rin nila ito nakikita.

"King, nilibot na po namin ang buong kaharian. Wala po talaga sila," paliwang ng isa sa kanila.  Hinagisan lamang  niya ito ng dark fire ball at hinayaang masunog. Walang din nagtangkang tumulong dahil sa takot na madamay.

"Sino gusto masunod? Mga wala kayong silbi! Kung wala sila dito  Hanapin niyo sila sa Outlandish. Bantayan niyo si Max. Baka magpakita sa kanya si Zarah," sambit nito.

"Masusunod mahal na hari," tugon ng mga alagad nito at dali-daling nagsialisan.

"King, tagumpay po ang inutos niyo sa amin. Dalawa sa mga kakampi ni Zeque ang naging bato," balita ng isang babae.

"Good. Wag kayo titigil hanggang hindi niyo sila nagagawang bato lahat. Oras na mabawasan ang mga pwersa ng kalaban, hindi na nila tayo mapipigilan sa pagsakop sa Outlandish!"

"Masusunod kamahalan. Mauna na po kami."

"Zeque, sa aking ang huling halakhak. Hahaha. Malapit na ang pagbagsak niyo," bulong ni Samael at saka ito tumawa ng malakas kasabay ng malaks na kidlat.

Samantala sa Xaterrah, isang masamang pangitain ang nagpakita sa panaginip ni Erie.

"May problema?" tanong ni Jiro sa kanya nang mapansin nito ang pagkatulala.

"Wala. Nag-aalala lang ako kila Zeque. Sana maayos matapos na ang digmaan sa Outlandish."

"Erie, tapos na  ang world system sa Aurora," masayang basta ni Zeya.

"Mabuti naman. Umpisahan na natin ang pag-aayos sa Aurora," tugon nito.

"Nagmamadali ka yata? Hindi mo ba muna titignan yung ginawa namin?"

"Hindi na kailangan. May tiwala ako sa inyo. Sigurado ako na maganda ang plano niyo base na din sa unang pinakita niyo sa akin."

'Saka wala na tayo oras. Kailangan namin maghanda kung sakaling tuluyang bumagsak sa kamay ni Samael ang Outlandish,' sa isip ni Erie.

"Okay. Basta wag mo masyado papagurin ang sarili mo," paalala ni Zeya.

Nagtungo sila kay Zep at doon pinag-usapan ang gagawin. Kasalukuyan sila ngayon nasa tabi ng  bagong tubo na si  Treena. Maliit pa lang ito na halaman at wapa pang human form.

"Ano na una natin gagawin?" tanong ni Erie.

"Una, kailangan natin lumikha ng mga monster at beast sa iba't-ibang parte ng Aurora," tugon ni Zep. Inabot nito ang list ng lilikhain nila. May mga nakaguhit dito na iba't-ibang monster at magic beast kung ano ang mga information tungkol sa kanila .

"May kakayhan kang lumikha isipin mo lang mga nakalagay diyan," paliwang nito habang sinusuri ni Erie ang mga nakalagay sa papel.

"Okay. Uumpisahan ko na," nakangiting sabi ni Erie. Inilabas nito ang magic wand niya at inumpisahang lumikha ng mga monster at magic beast.

May naipon na spiritual energy at mula doon may nabuo na isang kulay itim na wolf na higit na malaki sa normal na hayop. May dalawang buntot ito at may pulang mata.

"Okay na ba yan?" tanong ni Erie.

"Okay na yan," sagot ni Zep.

"Cool. Parang yung mga mythical animal lang sa Outlandish," komento ni Zeya.

"Binase ko sila sa mga mythical animal ng mga celestial guardian kaya halos wala din sila pinagkaiba maliban sa itsura."

"Ganyan pala kapag lumilikha ng living things. Teka ayon sa system na ginawa once na adult na sila pwede na sila magkaroon ng human form. Ano itsura nila?" tanong ni Flora habang sinusuri ang nilikha ni Erie. Nakatayo lang ito sa harapan nila parang istatwa.

"Kapag nasa adult sila at nasa level 50 na sila pwede na sila maging beastman. Kapag naman nasa level 100 na sila pwede na sila magmukhang tao. Mamaya makikita mo kapag may soul na siya," paliwanag ni Erie.

"Tama. Nilagyan namin sila ng level para madaling malaman kung gaano ba ito kadelikado. Ang laki nila ang magsisilbing palatandaan ng level nila," dugtong ni Zep.

"Para talagang sa computer game sa mortal world yung system na ginawa niyo." komento ni Erie.

"Ehem. Naging interesado ako sa mga larong kiniwento sa akin ni Zaira noon kaya pinag-aralan ko talaga ang mga games na sinabi niya.  Pagkatapos mo diyan, sunod natin gagawin ang spirit summoning," tugon  ni Zep.

"Excited na ako kung ano klaseng nilalang ang magpapakita kapag nagsummon ka," masayang sabi ni Zeya.

"Mas maganda kung sa Xaterrah natin gagawin iyon. Mas malakas ang spiritual energy doon," sabi ni Erie habang tuloy lang sa ginagawa niya.

"Naiintinhan ko. Magpahing ka kung pagod ka na. Wag mo pilitin ang sarili mo," paalala ni Zep habang tinutuloy ang ginagawa niyang monster. Kumpara kay Erie, limitado lamang kaya niyang gawin. Wala itong elemental power tulad ng magical beast. Normal na monster  at hayop lamang ang kaya niyang gawin.

Tinanguan siya ni Erie bilang tugon.

"Gusto ka namin tulungan pero limitado lang kapangyarihan na binigay sa amin. Mga low level lang ang pwede naming gawin," sambit ni Zeya.

"Ayos  lang. Hindi ba delikado sa taga-Outlandish ang system dito? Iba ito sa kinalakihan nila." tanong ni Erie.

"Ilalagay na din sila sa safe na lugar. Doon sa wala masyadong magical beast. Ipapaliwanag din natin sa kamila ang tungkol sa mundong ito," sagot ni Zep.

"Erie, tama na muna yan," awat ni Jiro kay Erie nang mapansing pawis na pawis ito.

"Kaya ko pa."

"Pagod ka na. Marami ka ng nagamit na kapangyarihan. Kung hindi ka magpapahinga, hindi na kita patutulungin sa kanila."

"Okay."

"Relax ka lang. Marami pa tayong oras," sabi ni Zep.

"Paano kung wala na tayong oras? Hindi natin alam kung hanggang kailan nila Zeque mapoprotektahan ang Outlandish," nag-aalalang sabi ni Erie.

"Ano ba sinasabi mo? Wala ka ba tiwala sa asawa mo?" tanong ni Zeya.

"Alam ko malakas sila Zeque. Pero mas marami ang kalaban at marami silang kailangan protektahan. Ayon sa panaginip ko babagsak ang Outlandish sa kamay ni Samael."

"Naiintindihan ko. Pero kailangan mo pa rin magpahinga. Wag mo kakalimutang buntis ka. Saka nandito  naman kami para tulungan ka sa pag-aayos ng Aurora."

"Tama. Hindi ka nag-iisa," pagsang-ayon ni Flora kay Zeya.

Lumipas ang mga buwan na tanging pag-aayos sa Aurora ang ginawa nila.

"Hindi ko akalain na matatapos tayo agad. Isang taon ang inaasahan natin para maayos ang mundong ito," masiglang sabi ni Zeya.

"Kayo mismo ang lumikha ng mga nilalang sa mundong ito kaya mas mabilis ang lahat. Kung hahayaan niyo lang na natural na mabuo , ilang taon ang itatagal bago sila mabuhay,"  paliwanag ni Flora.

"Erie, ayos ka lang ba?" tanong ni Jiro nang mapaupo ito bigla habang nakahawak sa tiyan.

"Manganganak na yata ako," tugon ni Erie sabay kapit ng mahigpit sa damit ni Jiro.

Itutuloy...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro