Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 52: SPACE-TIME WIZARD

CHAPTER 52: SPACE-TIME WIZARD

Third Person's POV

"Sorry, kailangan namin pumunta ngayon sa Bizarre. Gusto namin kayo tulungan dito pero lumala ang lagay sa amin," paalam ni Kayden.

"Ayos lang! Nandito pa naman sila Gin," tugon ni Zaira.

"Pasensya na Athena," paumanhin ni Crystal.

"Naiintindihan ko. Doon ka lumaki kaya importante sayo ang lugar na yun. Saka may pinoprotektahan din kayong tao doon. Kung babagsak ang Bizarre, magiging ganito din sa Vendon City. Katulad mo, ayoko din mangyari yun."

"Wag kayo mag-alala. Kung napapansin niyo nabawasan ang mga demon dito. Kaya na namin ito," sabi ni Zeque.

"Mag-iingat kayo doon. Gusto ko sana sumama sayo pero mas kailangan ako dito," paalam ni Gin kay Thea.

"Kayo din. Mag-iingat kayo. Babalik kami agad kapag naayos na ang lahat sa Bizarre," tugon ni Thea.

Lumikha ng portal si Crystal at isa-isa silang pumasok nina Kaycie, Thea, Kayden at ang mga kasama nilang mythical animal at legendary dragon.

"Kailangan natin maghiwa-hiwalay. Ako, si Zero at Levi dito sa Livingston. Sa Grambell naman kayo Athena, Blaize at Max. Sorry, Max alam ko na wala ka na oras para di--" sambit ni Zeque.

"Naiintindihan ko. Balewala din ang pagligtas ko kay Zarah kung masasakop tayo nila Samael. Saka naniniwala ako sa sinasabi niyo na hindi niya sasaktan si Zarah," putol ni Max sa kanya.

"Okay. Sa Howland naman sina Rhys at Finn, Kayo, Ivan, Adrian at Kim sa Copeland, at sa Whitehills ka naman Gin at Peirce. Nagkalat naman doon ang mga taga white legion kaya may makakatulong kayo doon. Mag-iingat kayo."

"Okay!" sagot nila kila Zeque saka sila naghiwa-hiwalay.

"Ken..." nag-aalalang tawag ni Athena sa kaibigan habang pumapatay ng zombie.

"Hmm?"

"Ayos ka lang ba talaga? May apat na araw ka na lang."

"Hindi din naman ako dadalhin ni Zeque kay Samael kahit gustuhin ko. Mas kailangan ako dito. Alam ko iyon."

"Pero ikakasal si Zarah sa iba kung hindi ka pupunta doon. Ayos lang ba sayo iyon?"

"...."

Napahawak ng mahigpit sa espada si Max.

"Hindi mo ba mahal si Zarah? Kung mahal mo siya puntahan mo siya. Kami na bahala dito ni Ian," pangungulit ni Zaira.

"Athena, ayos lang talaga. Saka tingin mo pa papayag si Zarah na ikasal? Kahit may usapan sila alam ko na yung gusto pa rin niya ang gagawin niya. Sana nga lang mapatawad niya ako dahil pinahintay ko siya sa wala," malungkot na sagot ni Max.

"Pero Ken... kung ako si Zarah, masa--"

"Athena, tama na yan. Nakapagdesisyon na siya. Wag mo na siya pilitin," pigil ni Blaize kay Zaira.

"Hindi niyo kasi alam ang nararamdaman ngayon ni Zarah. Iisa lang kami kaya alam ko lahat. Alam kung malungkot ba siya o masaya. Alam ko lahat kahit malayo siya. Totoong ligtas siya pero sa loob niya nasasaktan siya bawat araw na hindi ka dumadating. Hinihintay ka niya Ken. Hindi ka pa rin ba pupunta?" sigaw ni Zaira na ikinagulat ng dalawang lalaki.

"Sorry," sagot ni Max sabay iwas ng tingin.

"Okay. Bahala ka," galit na sabi ni Zaira saka umalis. Napailing na lang si Blaize bago sumunod sa kanya.

Naiwang nakatayo habang nakayuko si Max.

"Max..." nag-aalalang tawag sa kanya ni Tora.

Kasabay ng pagbuhos ng ulan ang pagtulo ng luha ni Max.

"Ayos lang ako."

Tumingin sa langit si Max upang hindi mahalatang umiiyak siya, ngunit napansin pa rin ito ni Tora kahit umuulan. Mas pinili na lang niya manahimik at hayaan ang binata.

********

Zarah's POV

"Sumuko ka na. Hindi na siya darating," sambit ni Samael.

"Shut up! Sigurado ako na may ginawa ka para hindi siya makapunta," tugon ko.

"Kahit may ginawa ako. Nasa kanya pa rin kung pupunta siya o hindi," nakangising sabi ni Samael.

"Matutulog ako. Wag ka maingay."

Humiga ako at nagtago sa ilalim ng kumot. Ayoko makita ang pagmumukha nita. Ayoko din siya makausap.

"Okay. Goodnight sweetheart," paalam  niya. Kinikilabutan ako tuwing tinawag niya akong sweetheart. Nakakainis!

Umupo agad ako nang marinig ko ang pagsara ng pinto.

Wag mo ko tawaging sweetheart," bulong ko habang nakatingin ng matalim sa pinto. Ininiisip ko na si Samael yung pinto. Ang sarap niya saksakin.

"Gusto mo ba makaalis dito?"

"Gustong-gusto."

Napatingin ako sa gilid nang mapagtanto ko na may iba akong kasama. Bumungad sa akin ang isang babae na may buhat na bata.

"Sino ka?"  tanong ko.

"Ako si Celia. Katulad mo, kinulong din ako ni Samael. Pero dahil iyon sa kapangyarihan ko. Tutulungan kita makatakas pero may isa ako kahilingan," tugon nito.

"Mapagkakatiwalaan ba kita? Saka paano ako makakatakas dito?"

"May kinalaman sa time and space ang kapangyarihan ko. Pwede kita ibalik sa Outlandish. Ah! Hindi pala. Mas mabuti kung sa mortal world pumunta. Mas ligtas kayo doon dahil naglalapit na masira ang Occult. Kahit anong gawin nila, hindi nila mapoprotektahan ang lahat. Kailangan nila isuko ang iba para sa nakakarami," paliwanag nito.

Hindi ko naiintindihan ang sinasabi niya pero gusto ko makaalis dito. Wala naman siguro masama kung maniniwala ako sa kanya.

"Ano kapalit ng pagtulong mo sa akin?" tanong ko.

"Gusto ko alagaan mo ang anak ko. Konti na lang ang oras ko sa mundong ito dahil sa sobrang paggamit ko ni Samael sa kapangyarihan ko. Gusto ko bago ako mamatay, matulungan ko kayo. Dahil sa kapangyarihan ko nabago ang hinaharap. Pero dahil din sa pagbabago nun, isisilang ang tatapos ang batang tatapos kay Samael. Gagawin ko lahat para maprotektahan ang batang iyon kahit buhay ko pa ang kapalit."

"Itong bata. Anak ba siya ni Samael?"

"Oo. Gusto din ni Samael na gamitin siya sa kasamaan. Ganun din ang balak niya sa magiging anak niya. Ayokong mangyari iyon. Nakikiusap ako sayo na ilayo siya kay Samael. Kahit half demon siya, gusto kong lumaki siya na isang mabuting bata."

"Naiintindihan ko. Payag ako pero hindi ko alam kung maalagaan ko siya ng maayos. Hindi ako mabuting tao."

"Nagkakamali ka. Hindi ko siya ipagkakatiwala sayo kung alam ko na masama ka. Naniniwala ako na maapalaki mo siya ng maayos. Siya at ang mga anak mo," nakangiting sabi nito.

Napatingin kami sa may pinto nang may tumatakbo sa labas. Parang nagkakagulo.

"Natuklasan nila na wala ako sa kwarto. Kailangan na natin umalis," nagmamadaling sabi niti sabay hawak sa akin. Pagkahawak niya sa akin pakiramdam ko tumigil ang oras. At sa isang iglap nasa tapat na kami ng portal patunggong mortal world.

"Bakit dito mo ko dinala? Hindi pa ako pumapayag na pumunta sa mortal world," reklamo ko.

"Kung pupunta ka sa Black Academy, madali ka lang matatagpuan ni Samael. Mas mabuting lumayo ka sa mga kasamahan mo para hindi ka niya makita. Pagsapit ng labing walong taon gulang ng mga anak mo. Doon lang kayo bumalik dito. Kunin mo ang librong ito. Malaki ang maitutulong niyan para makapagdesisyon ka ng maayos."

Binigay niya sa akin ang isang libro na nakabalot sa tela. Hindi na ako makapagreklamo dahil sa dami ng sinabi niya. Pakiramdam ko pinaghandaan niya ang lahat.

"Anak ko, patawarin mo si mama kung iiwan kita. Lagi mong tatandaan na mahal na mahal kita," aniya sabay halik sa noo nito at isinuot ang isang kwintas na may pendant na hourglass.

Itinutok ni Celia ang daliri niya doon. Biglang nagliwanag ang gintong buhangin sa loob ng hourglass at saka ito umikot at dahang-dahan na bumagsak ang buhangin.

"Ang kwintas na yan ang gagabay sayo para magamit mo ng tama ang kapangyarihan mo. Oras na mamatay ako, mapupunta ako dito. Para kahit wala na ako, makakasama pa rin kita kahit na wala ang physical na anyo ko," nakangiting sabi nito bago inabot sa aking ang anak niya.

"Ano pangalan niya?"

Binuhat ko ito ng maingat.

"Mira Clockston. Pero mas mabuting itago mo na isa siyang Clockston. Pwede mo ba siyang bigyan ng ibang apelyido?"

"Walang problema. Mula ngayon ikaw na si Mira Lundberg," sagot ko agad. Ayun ang apelyido nila Athena sa mortal world kaya mabuti kung  ayun ding ang gamitin ko.

"Salamat. Ikaw na bahala kay Mira. Bubuksan ko na ang portal. Mag-iingat ka," paalam niya sa akin bago buksan ang portal na tanging wizard lang ang makakagawa.

Tinanguan ko siya bago pumasok sa portal. Pagkasara ng lagusan, napabuntong hininga ako.

"Saan na ako pupunta ngayon?" tanong ko sa aking sarili.

Problema ko ngayon, wala akong pera. Kahit alam ko ang lugar na ito, mahirap ang walang pera. Malayo pa naman ito sa bahay namin noon.

"Ano na gagawin ko ngayon?" napaupo ako sa damuhan.

"Miss, mukha kang kawawa diyan," sambit ng isang lalaki.

Napaangat ako ng ulo at bumungad sa akin ang mukha ng isang lalaki na pamilyar sa akin pero hindi ko maalala ang pangalan.

"Ah! Ikaw?! Ano nga ulit pangalan mo?" tanong ko.

"Iron."

"Ayun! Ikaw yung kasama ng taong ahas. Ano kailangan mo sa akin? Wag mo sabihin balak mo ko ibalik kay Samael."

"Matagal na ako hindi nagtatrabaho kay Samael. Nagkataon lang na pabalik ako sa Outlandish. Alis na ako," aniya sabay lakad patunggo sa lagusan para buksan ito.

"Sandali! May pera ka ba?" pigil ko sa kanya. Tinignan niya ang kamay ko na nakahawak sa balikat niya.

"Kalaban ako. Baka nakakalimutan mo kung ano ginawa ko sa inyo dati?" paalala niya sa akin.

"Wala ako pakialam. Kailangan ko ng pera ngayon. Hindi ako makakauwi sa amin kung wala akong pera. Hindi ka ba naawa sa bata?" sabi ko sa kanya. Nag-iba bigla ang expression niya. Naging maamo ito nang makita ang bata.

"Anak mo?"

"Hindi. Pinakiusapan ako na alagaan siya. Konti na lang ang oras ng mama niya kaya binigay siya sa akin."

"Bakit hindi mo siya hayaan? Hindi mo naman siya anak."

"Hindi pwede. Kawawa ang bata. Walang mag-aalaga sa kanya."

"May puso ka pala? Akala ko katulad ka din ng kapatid mo. Sayo na itong pera ko. Babalik na din naman ako sa Outlandish. Hindi ko magagamit yan," aniya sabay hagis ng wallet sa akin may mga lamang pera.

"Ang dami. Saan mo ito nakuha?"

"Ninakaw ko."

"Ano pa ba aasahan ko sa katulad mo? Salamat pa rin."

"Hindi yan libre. Bayad yan sa pag-aalaga mo sa anak ni Alyza. Kung babalik ka sa bahay niyo, sigurado akong makikita mo siya. Hanggang nandito sila, ikaw muna tumingin kay Alice. Alis na ako," aniya at dali-daling pumasok sa portal.

"Teka! Pinakiusapan niya din ba ako na mag-alaga ng bata? Kailan pa ako naging yaya?" inis na sabi ko pero kuryos ako sa batang yun. Anak daw siya ng Alyza pero bakit concern siya sa bata? Siya ba tatay?

Itutuloy...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro