Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 50: AURORA'S WORLD SYSTEM

CHAPTER 50: AURORA'S WORLD SYSTEM

Erie's POV

"Weird. Nasuri na natin lahat pero wala ni isa sa kanila ang demon," sambit ko habang nakatingin sa listahan namin.

"Isa lang ang ibig sabihin niyan. Wala sa kanila ang hinahanap natin," konklusyon ni Jiro. Naisip ko na din iyon pero kung wala sa kanila ibig-sabihin isa sa mga kasamahan namin. Ayoko naman humusga dahil hindi ko kilala ang mga tumutulong sa amin maliban kila Zeque. Pero siguro naman yung mga pinagtitiwalaan lang nila ang nandito.

"Ano yan tinitignan niyo?"

"List ng mga nakalig-- Waahhh! Zeque!" gulat na sabi ko dahil sa biglang paghalik niya sa leeg ko. Bago pa ako makalayo pinulupot niya ang braso niya sa bewang ko.

"Tawagin niyo na lang ako kung tapos na kayo," paalam ni Jiro.

"Wait! Hindi pa tayo tapos mag-usap," sigaw ko pero lumipad na siya palayo.

"Wala na siya," bulong ni Zeque habang nakayakap pa rin sa likod ko. Siniko ko siya para lumayo siya sa akin.

"Ikaw may kasalanan kung bakit siya umalis," reklamo ko.

"Ano ba pinag-uusapan niyo? Baka makatulong ako," binitawan na niya ako saka hinawakan ang kamay ko.

"May demon sa loob ng academy. Tinignan na namin yung mga nakaligtas pero lahat siya normal. Iniisip ko na baka matagal na nandito yung demon kaya hindi namin siya makita. Pinaghihinalaan ni Jiro na may spy sa mga volunteer."

"Malawak itong academy. Marami pwedeng pagtaguan. Tignan niyo din yung mga hayop. Baka nagpalit ito ng anyo na hindi niyo paghihinalaan."

"Oo nga no? Hindi ko naisip na pwede siyang hayop tulad ng itim na pusa na yun," tinignan ko ang itim na pusa sa taas ng puno. Kanina ko pa ito nakita pero iniisip ko na alaga nila ito kaya hindi ko pinaghinalaan.

"Oo. Madalas itim ang na hayop ang anyo nila. Kaya tinuturing malas ang mga itim na pusa," paliwanag niya.

"Meow!"

"Oh my god!"

Lumundag bigla ang pusa sa harapan ko at sinubukang kalmutin ang tiyan ko. Mabuti na lang nahila ako ni Zeque. Bigla ito napalibutan ng itim na aura katulad ng naramdaman ko palagi.

"Sino ka?" tanong ni Zeque sabay hila sa akin patungo sa likod niya.

Muli ito lumundag patunggo sa akin ngunit hinarangan siya ni Zeque.

"Aaahhhh! Zeque!" sigaw ko nang may pumulupot sa paa ko at humila sa akin patungo sa gubat ng academy. Halos magkasugat-sugat ako dahil sa pagkaladkad sa akin.

"Erie! Lumayo ka sa akin pusa ka!" inis na sigaw ni Zeque sabay palabas ng malakas na hangin. Mabilis niya ako hinabol at inabot ang kamay ko. Pagkahawak niya sa akin, hinila niya ako at pinutol ang sanga ng puno na nakapulupot sa paa ko.

"Ayos ka lang?" tanong niya.

Napahawak ako sa tiyan ko nang kumirot ito bigla. Limang buwan na ako buntis kaya medyo malaki na ito. Natatakot ako na baka mapaano ang bata dahil sa pagkaladkad sa akin.

"Bumalik ka na sa Xaterrah," seryosong utos sa akin ni Zeque.

"Bakit?"

"Tapos mo na matignan yung mga nakaligtas diba? Ayos na ang lahat. Hihintayin na lang namin na matapos ang sasakyang gagamitin nila patunggong Aurora. Kung gusto mo makatulong, ihanda mo na lang ang titirahan nila."

"Paano yung mga bagong paparating?" tanong ko.

"Ipapatawag ka na lang namin ulit kapag may bago. Hindi ka pwede manatili dito."

"Okay."

Sinamahan niya ako pabalik sa Xaterrah. Bago niya ako iwanan sinugurado niya muna kung ayos ba talaga ako.

"Sasabihan ko si Jiro na bumalik ka na dito," aniya bago umalis.

"Erie, ayos ka lang ba?" tanong ni Flora. Binigyan niya ako ng tsa at makakain.

"Ayos lang ako. Medyo nabigla lang ako kanina."

Hindi ko inaasahan na bigla akong aatikihin habang kausap ko si Zeque. Ang malala pa doon, napansin ko na target nila ang nasa tiyan ko.

"Wag ka mag-aalala. Ayos ang bata," pagpapakalma niya sa akin. Ningitian ko siya. Mabuti na lang nandito siya ngayon.

"Kamusta sa bago niyong tirahan? Kung gusto niyo bumalik sa Aurora, sabihin niyo lang sa akin."

"Ayos naman ang lahat. Nagustuhan nila ang gubat na binigay mo sa amin. Malay kaming nakakakilos doon. Saka mas gusto namin dito sa mundo kung nasaan ka. Totoo ba na nakahanap ka na ng titira sa Aurora? Anong klaseng nilalang sila?"

"May tao, werewolf at bampira. Kung may ibang nilalang, hindi ko pa alam. Sabi sa akin ni Zep may naisip na siyang bagong system sa Aurora."

"Oo. Binase niya ito sa mga computer games na nakita niya sa mortal world."

Nakuha ko agad ang balak ni Zep pagkarinig ko sa computer games.

"Puntahan natin sila," masayang sabi ko. Ginanahan ako bigla. Hinila ko si Flora at nagtunggo sa Aurora.

"Zep!" sigaw ko pagkakita ko sa kanya. Naabutan ko siya na sinusuri ang mga bagong tubong halaman.

"Erie, ano ginagawa mo dito?" tanong niya.

"Ano yung naisip mong world system para dito?"

"Ah! Balak ko gayahin yung mga nasa fantasy games. May monsters, adventurer, magician at iba pa. Tapos may dungeon akong gagawin. Bibigyan natin ang ibang nakatira dito ng ability sa pamamagitan ng marka na katulad sa inyo ni Flora at sa mga first generation ng bagong Aurora. Lumilikha na ako ngayon ng mga monster para sa mundong ito," paliwanag niya.

"May slime na kaming nagawa," masayang sabi ni Zeya habang yakap ang isang malambot na slime.

"Paano kayo nakalikha niyan?" tanong ko.

"Ginamit namin yung power of creation na binigay sa amin bilang isang deity. Tinulungan din kami ng girlfriend ni Zero," tugon ni Zeya.

"Tama talaga ang desisyon ko na ibigay sa inyo ang trabahong ito. Ipagpatuloy niyo lang yan."

*******

Third Person's POV

"Nakita mo na si Zarah?" tanong ni Zaira kay Max.

"Hindi pa rin," nag-aalalang sagot nito.

"Wag ka mag-aalala. Kung nasaan man siya, nararamdaman kong ayos lang siya."

"Kahapon pa siya hindi bumabalik. Wala ba talaga nakakita sa kanya?"

"Wala."

"Max! May balita ako tungkol kay Zarah," nagmamadaling sabi ni Kayden. Bumaba ito mula sa langit.

"Narinig ko sa usapan ng mga demon na inuwi daw ni Samael si Zarah para pakasalan," pagkukwento nito.

"Kasal?"

Sumama bigla ang aura ni Max. Para itong binagsakan ng malaking bato.

"Rumor lang yun. Imposibleng magpakasal si Zarah kay Samael. Ikaw lang mahal nun," sabi ni Zaira.

"Hindi ako makakapayag na ikasal sila. Kukunin ko siya kay Samael. Hindi ko hahayaang mapunta siya sa iba," matapang na sabi ni Max. Napangiti bigla sila Zaira dahil sa kinilos niya.

"Hindi ko alam na may nararamdaman ka talaga kay Zarah. Akala ko napipilitan ka lang," komento ni Kayden.

"Matagal ko na alam na mahal niya si Zarah. Pero nakakagulat pa rin na marinig yun sa kanya," sambit ni Zaira.

"Goodluck," pagsuporta sa kanya ni Blaize.

Namula si Max dahil sa sinabi niya. Wala siya balak umamin sa harap nila Zaira pero dumulas ang dila niya at nasabi ang nararamdaman niya.

"Sa isip ko lang dapat yun," bulong niya.

Samantala sa kwarto ni Samael, galit na pinagkakatok ni Zarah ang pinto.

"Samael! Palabasin mo ko dito! Balik mo ko kay Max!" sigaw niya.

"Sinabi ko na. Dito ka na titira kasama ko," sagot nito mula sa labas ng kwarto.

"Ayokong makasama ka! Palabasin mo ko dito."

Sumulpot sa likod niya si Samael at galit na sumuntok sa pinto. Kalmadong tinignan ni Zarah ang kamao nita kahit na malapit lang ito sa mukha niya.

"Hindi mo ko matatakot sa suntok mo," humarap sa kanya si Zarah. Walang emosyon  siya nitong tinignan.

"Paano kung sabihin ko sayo na papatayin ko si Max? Hindi ka pa rin ba matatakot? Ano kayang ipapakita mo sa akin oras na makita mo ang malamig niyang bangkay?"

"Bakit hindi mo subukan para malaman mo? Isa nga palang immortal si Max. Hindi ko matiis na maiiwan akong  ganito habang siya tumatanda  kaya binigyan ko din siya ng dugo nila Athena."

"Oh! Totoo nga na makasarili ka? Nadagdagan nanaman ako ng dahilan para gustuhin ka. Pareho tayo na gagawin ang lahat makuha lang ang gusto natin. Mas bagay tayo kaysa sa taong yun. Ako lang magmamahal sayo ng ganito. Si Max? Hindi ka talaga mahal niya."

"Hindi totoo yan! Mahal ako ni Max," tulak sa kanya ni Zarah.

"Kung mahal ka niya bakit wala pa siya? Naalala ko noon, agad siya pumunta dito para lang iligtas noon si Zaira."

"Hindi niya lang alam na nandito ako. Sigurado ako hinahanap na niya ako. Oras na malaman niyang dinukot mo, pupuntahan niya ako agad."

"Kung sigurado ka bakit hindi tayo magkaroon ng kasunduan?"

"Kasunduan?"

"Oo. Bibigyan ko siya ng tatlong buwan. Oras na hindi siya dumating papakasalan mo ko," aniya sabay lapit ng mukha kay Zarah.

"Lumayo ka nga sa akin. Masyado ka malapit. Payag ako. Kapag dumating siya palalayain mo na ako at hahayaan mo na kami," tulak niya dito. Ngunit hindi ito gumalaw.

"Okay," nakangising tugon nito sabay kagat sa leeg ni Zarah.

"Teka! Ano ginagawa mo?" sinubukan siya itulak ni Zarah subalit mas malakas ito sa kanya. Napakagat sa labi ang dalaga dahil sa paghapdi ng balat niya tuwing madidikitan ito ng dila ni Samael. Maingat ang paggalaw nito na parang gumuguhit sa balat niya.

"Done. Tanda yan ng kasunduan natin. Mawawala lang yan oras na may manalo sa atin," nakangiting sabi ng demonyo bago ito umalis. Sinubukan ito tignan ni Zarah pero hindi niya ito makita dahil sa pwesto nito. Wala din salamin sa kwarto ni Samael kaya kinapa na lang niya ito.

'Ano nilagay niya sa akin? Wala akong tiwala sa kanya. Baka may iba pang ibig-sabihin ito. Kailangan ko umisip ng paraan para makatakas dito,' sa isip ni Zarah.

Itutuloy...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro