Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 49: THE BOOK OF PROPHECY

CHAPTER 49: THE BOOK OF PROPHECY

ERIE'S POV

"Ito na yung list na hinihingi niyo," sabi ni Clara sabay abot ng checklist.

"Salamat. Uumpisahan na namin sila tignan," kinuha ko ito at binasa. Nakaayos ito bawat room at alphabetical.

Una namin pinuntahan ang pinakalapit na room. Pinapila ko sila isa-isang tinignan kung may sugat ba sila o sumpa. Tuwing may nakikita akong sugat agad ko ito ginagamot.

"Salamat," pagpapasalamat ng isang ginang pagkatapos ko gamutin ang sugat niya.

"Walang anuman," nakangiting sabi ko.

"Next," sambit ni Jiro. Siya ang taga-check ng list oras na nasuri na namin sila.

"Pahinga muna kayo. Kanina pa kayo nagtatrabaho," paalala ni Clara.

"Ayos lang ako."

"Magagalit si Zeque sa akin kapag pinabayaan kitang magtrabaho ng sobra. Magtatanghali na. Sigurado papunta na yun para tignan ka."

"Okay. Tatapusin ko na lang yung nakapila."

"Sige."

Mga nasa pito na lang ang nakapila kaya hindi din ako nagtagal. Maayos naman sila lahat. Pagkatapos namin niyaya ako ni Clara sa may mansion na tinatambayan nila.

"Erie," tawag sa akin ni Zaira nang makita ako. Kumakain na silang dalawang ni Blaize.

"Nasaan si Zeque?" tanong oo sa kanya.

"Nasa labas pa siya nakabantay. Pinauna na niya kami magbreak."

"Congrats nga pala!" bati ko sa kanya sabay tingin sa tiyan niya. Napahawak siya dito.

"Salamat. Sayo din. Congrats. Hindi na ako makapaghintay na lumabas ang anak ko. Sigurado magiging magkaibigan mga anak natin. Nakakalungkot nga lang dahil magulo ngayon dito."

"Wag ka mag-aalala matatapos din ang gulong ito. Mawawakas din ang kasamaan ng demon," sabi ko sa kanya kahit ako nalulungkot sa nangyayari sa mundong ito.

Napabuntong hininga siya bigla.

"Marami na ang bumuwis ng buhay na mga kasamahan natin. Kung maibabalik ko lang ang oras hindi ko hahayaan mangyari ito."

"Alam mo ba na life force ang kabayan kapag ginamit mo ang time magic?" tanong ni Jiro.

"Eh? Totoo?"

"May ganun din power si Zeque dahil isa siyang legendary elementalist, pero hindi niya ginagamit iyon dahil malaki ang kapalit. Bukod sa kanya may isang pamilya ang may ganun din power. Mas sinasanay nila ang sarili para mas magamit nila ito ng maayos. Sa pagkaalala ko may rule na dapat sundin para hindi makaapekto sa life force," paliwanag ni Jiro.

"Kahit immortal?" tanong ko. 

"Kung immortal ka katawan mo ang kapalit. Halimbawa mga mata mo. Mabubulag ka oras na baguhin mo ang isang pangyayari sa nakaraan."

"Delikado pala ang kapangyarihan na yan. Kailangan may kapalit. Naalala ko may ganyan din power ang isang deity. Iba nga lang ang nagagawa nito. Time reversal ang tawag. Pero hindi mo din kontrolado ang susunod na mangyayari. Buong event maibabalik sa dati kahit memory ng nangyari mawawala. Bawal talaga pilitin baguhin ang nakatadhanang mangyari," paliwanag ko pagkatapos ko maalala ang nabasa ko sa libro.

"Ibig sabihin kahit ibalik sa dati hindi din sigurado kung mauulit ba o hindi ang nangyari? Risky masyado. Tapos na ako kumain. Mauna na kami sa inyo. Hintayin mo na lang si Zeque dito," paalam ni Zaira. Pinanood ko silang dalawa habang papaalis.

"Nakakainggit sila. Lagi silang magkasama kahit saan magpunta," sambit ko sabay buntong hininga.

"Kumpara kay Zaira mas may alam siya makipaglaban kaysa sayo," sabi naman ni Jiro.

"Kaya nga ako nagsanay diba? Para saan ba yung mga tinuro mo sa akin kung ganito lang din ang kahahantungan ko. Gusto ko din makipaglaban sa labas," reklamo ko sa kanya.

"Kay Zeque ka magrelamo wag sa akin."

Sinimangutan ko na lang siya. Alam ko na kahit magreklamo ako wala ako magagawa. Masyado overprotective si Zeque sa akin. Lalo na buntis ako. Pero buntis din naman si Zaira kaya bakit siya ayos lang makipaglaban sa labas?

"Bakit ka nakisamangot?"

"Aykabayo! Wag ka nga nanggugulat," gulat na sabi ko dahil sa biglaang pagbulong ni Zeque sa likod ko. Tinawanan niya lang ako saka umupo sa tabi ko.

"Bakit ka nakasimangot?" tanong niya ulit.

"Pagkatapos ko dito pwede na ba ako tumulong sa inyo sa labas?"

"No."

"Okay."

Tulad ng inaasahan. Hindi siya papayag sa gusto ko. Napabuntong hininga na lang ako at tinuloy ang pagkain.

"Gusto mo ba talaga tumulong sa labas?" tanong niya. Tinanguan ko siya bilang tugon.

"Alam mo ba kung bakit ayokong sumama ka sa akin?" tanong niya muli. Nagtatakang tinignan ko siya.

"Dahil buntis ako?" sagot ko.

"Oo. Hindi natin alam kung kailan susulpot si Samael kaya hanggang maari gusto ko na nasa ligtas na lugar ka. Ayoko mangyari sayo ang nagyari kay Zera noong buntis siya. Kapag nakita ka ni Samael hindi siya magdadalawang isip na patayin kayong pareho ng anak ko," paliwanag niya. Napatingin ako kay Jiro dahil nabanggit si Zera.

"Noong nalaman ni Samael na buntis si Zera, sinaksak  siya nito sa tiyan. Kung hindi binigyan ni Zeque ng eternal blood si Zera baka patay na silang pareho ni Zero," pagkukwento ni Jiro.

"Hinding-hindi ko makakalimutan itsura ni Zera habang nagmamakaawa na iligtas ang anak niya. Ayoko mangyari iyon sayo. Gagawin ko lahat para lang masiguradong ligtas ka. Kung gusto mo dito na lang ako sa tabi mo para hindi ka na lumabas," sambit ni Zeque.

"Hindi pwede. Kailangan ka sa labas. Ayos na ako dito," ningitian ko siya para makumbinsi siya na ayos na ako dito.

"Akala ko gusto mo ko makasama kaya pinipilit mo lumabas."

Nasamid ako bigla sa sinabi niya. Paano niya nalaman ang tungkol doon?

"Tubig?" inabutan niya ako ng tubig. Mabilis ko itong ininom.

"Salamat. Bakit hindi ka pa kumakain?" pang-iiba ko ng usapan.

"Mas gusto kita panuorin. Nakakatuwa reaksyon mo," aniya habang nakangiti. Nag-init bigla ang mukha ko. Lalo siyang napangiti dahil doon. Pulang-pula na siguro mukha ko.

"Kumain ka na nga," nilagyan ko siya ng kanin at ulam para tumigil na siya sa kakatitig.

*********

Samael's POV

"Ito na po ang pinapakuha niyo," sambit ni Risa sabay abot ng isang libro sa akin na may titulong The Book of Prophecy.

Kinuha ko ito agad upang malaman ang propesiya tungkol sa akin. Bago ko pa ito mabuksa kusa itong umilaw at bumukat. Mula sa blankong pahina may lumabas na salita.

Isang batang babae ang isisilang taong ito. Siya ang magdudulot ng kamatayan mo.

"Sino ang batang papatay sa akin? Saan siya manggaling?" tanong ko. Isang pangungusap ang muling lumabas.

Nagmumula ito sa pamilyang nagtataglay ng eternal blood.

"Eternal Blood? Zeque..." bulong ko. Pagkabasa ko ng salitang eternal blood siya agad naisip ko.

'Anak mo ang papatay sayo...'

Naalala ko bigla ang sinabi sa akin ni Heloisa. Galing din si Zarah sa pamilyang  nila Zeque.

"Kailangan ko malaman kung sino sa kanila ang magkakaanak sa taon na ito. Kailangan ko makausap si Heloisa," sabi ko sa sarili ko. Nagtunggo ako sa kwarto niya kung saan siya nakakulong. Naabutan ko itong pinapatulog ang anak namin na mag-iisang taon na.

"Ano kailangan mo?" tanong niya sa akin sabay yakap sa anak namin.

"Sabihin mo sa akin, sino ang papatay sa akin? Ayon sa librong ito, isisilang ngayong taon ang papatay sa akin," pinakita ko sa kanya ang librong pinahanap ko kay Risa.

"Sinabi ko na sayo. Anak mo ang papatay sayo."

"Sinungaling! Sinasabi mo lang yan para masira lahat ng plano ko," sigaw ko na ikinagulat niya.

"Uwaaaaaahhhhhhh!" iyak bigla ng bata. Agad niya ito pinatahan at tinignan ako ng masama.

"Kung ayaw mo maniwala, edi wag! Kung wala ka na kailangan, makaalis ka na. Iniistorbo mo ang tulog ng anak ko."

"Anak natin," pagtatama ko sa kanya.

"Walang kang karapatang maging ama ng anak ko. Umalis ka na," pagtataboy niya sa akin. Tinignan ko siya ng masama. Kung wala lang ako kailangan sa kanya, pinatay ko na siya.

Lumabas na lang ako sa kwarto niya habang nag-iisip ng plano tungkol sa batang papatay sa akin.

"Mas mabuti pa siguro kung dalawin ko sila Zeque," sabi ko sa sarili ko. Gumawa ako ng blackhole patunggo sa harap ng Black Academy. Dahil sa barrier hindi ko ako basta makakapasok sa dito. Wala naman sa loob ang pakay ko kaya umalis din ako agad upang hanapin ang target ko. Napangiti ako nang makita ko siya.

"I found you!" sabik na sabi ko sabay atake sa kanya.

"Samael!"

Matalim niya ako tinignan sabay atras.

"Long time no see, Zarah."

Tuloy lang ang pag-atake ko sa kanya hanggang sa tuluyan ko siya mailayo sa mga kasamahan niya. Mabuti na lang abala sa pakikipaglaban ang taong karibal ko.

"Ano kailangan mo sa akin?" tanong niya sa akin.

"Kailangan ko patayin ang batang dinadala mo," diretsong sabi ko. Gusto ko masigurado ang kaligtasan ko. Hindi ko alam sa paanong paraan ito makakasama sa akin. Pero para sigurado mas mabuting patayin ko ang lahat ng batang isisilang sa taong ito.

"No way!" napahawak ito sa tiyan niya at saka itinutok ang espadang hawak niya.

"Hanggang hindi ba siya tuluyang nabubuo, mas mabuting mawala siya."

"Hindi ako makakapayag na patayin mo siya!"

"Ano naman magagawa mo? Kaya mo ba ako patayin?"

Lumapit ako sa kanya at hinayaang masaksak. Hindi naman ako mamatay ng espada niya kahit makapangyarihan ito.

"Kita mo na? Hindi mo ko mapapatay. Wag ka mag-aalala, bibigyan kita ng panibagong anak. Gagawa tayo ng marami," sabi ko sa kanya.

"Kung ikaw ang magiging tatay ng anak ko, mas gugustuhin ko pang wag magkaanak."

"Paano kung sabihin ko sayo na anak ko ang dinadala mo? Papayagan mo ba ako na patayin siya?"

"Sino niloko mo? Anak namin ito ni Max."

"Anak niyo nga ba siya? Nakalimutan mo na ba ang nangyari sa atin?"

Namutla siya bigla.

"No way! Panaginip lang yun."

"Panaginip? Totoo ang nangyari. Ginawa natin yun sa black dimension."

"Sinungaling! Hindi totoo yan."

Hinila ko siya lalo palapit sa akin kahit na bumaon pa ang espada niya sa akin. Hinawakan ko siya sa baba at tumingin sa mga mata niya.

"Totoo ang sinasabi ko."

Hindi siya umimik. Matapang na nakipagtitigan siya sa akin. Hindi ko man lang ito makitaan ng takot. Napangiti ako dahil doon.

"I like you. Sa lahat ng babaeng nakilala ko, ikaw lang may kayang makipagtitigan sa akin. Hindi ka man lang natakot sa akin. Dahil natuwa ako sayo, hindi ko muna papatayin ang bata. Sasama ka sa akin at pareho natin hihintayin ang paglabas niya. Oras na babae ang bata, kakainin ko siya," sambit ko sabay tulak sa kanya papasok ng blackhole.

Itutuloy...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro