CHAPTER 47: UNDEAD CITY
CHAPTER 47: UNDEAD CITY
Zeque's POV
"Ano nangyari? Nawala lang ako saglit, nakaganito na?" hindi makapaniwalang sabi ko. Pagbalik ko sa Occult City ang laki na pinagbago. Nagkalatan ang mga zombie at kalansay. Pakiramdam ko nasa Necropolis ako.
"Zeque, bad news! Lahat ng namatay naging zombie. Bukod doon lahat mga nakalibing bigla na lang nagsilabasan sa ilalim ng lupa," paliwanag ni Zaira nang makita ako. Katabi niya si Blaize na nakikipaglaban sa mga Zombie. Gamit ang fire elements, pinagsusunog niya ang mga nagsisilapitan na zombie.
"Masamang balita nga yan," napahilot ako sa ulo ko. Hindi ko akalain na aabot sa ganito ang gagawin ni Samael. Pinaghandaan niya talaga lahat.
"Ano na plano?"
Tinignan ko sila Kim na pilit na nililigtas ang iba pa na nadamay sa kaligtnaan ng gera.
"Ngayon na may pumasok na undead, wala tayo magagawa kundi humanap ng malilipatang lugar para sa mga nailigtas. Hindi na sila ligtas dito dahil naging undead city na ito katulad sa necropolis."
"Saan natin sila ililipat. Sa dami nila mahihirapan tayo na makahanap ng malilipatan nila. Wala na ligtas na lugar sa Outlandish bukod sa Bizarre," singit ni Crystal.
Malilipatan? Pwede na siguro ang Aurora na malilipatan pero marami pang kailangan ayusin doon. Kailangan ko makausap si Erie tungkol dito.
"May naisip ako. Sa ngayon kailangan natin ng masasakyan na magkakasya sila lahat para isahan na lang. May contact ka ba ni Greg? Naalala ko yung sasakyan na ginamit natin noon. Pwede na yun," tugon ko.
"Tatawagan ko siya," sagot ni Zaira.
Kinuha niya ang cellphone niya. Sa tagal naming makipaglaban nasanay na siya. Mas naging kalmado siya at gumaling na din siya paggamit ng kapangyarihan niya. Malaki talaga ang naitutulong ng experience sa pakikipaglaban. Katulad ni Erie, malaki na din ang pinagbago niya kumpara noong tinuturuan siya ni Jiro.
"Iba talaga kapag nakikipaglaban ka sa nagsasanay ka lang," bulong ko. Habang abala sila Zaira sa mga Zombie, mas pinili kong patayin ang mga demon monster.
"Zeque, pwede daw yun. Pero kasalukuyang inaayos yung sasakyan. Baka abutin ng lima o anim na buwan bago matapos yun," sigaw ni Zaira. Tinanguan ko siya bilang tugon. Inaasahan ko din naman na hindi namin sila agad maililigtas.
"Sana may mailigtas pa tayo makalipas ang anim buwan," napabuntong hininga na lang ako. Kahit magtulong-tulong kami, hindi lahat maililigtas namin. Habang dumadami ang napapata, nadadagdagan din ang kalaban.
"Black Academy na lang ang ligtas na lugar sa Occult City. Kahit na mailigtas natin sila lahat hindi rin sila kasya doon," komento ni Blaize.
"Wala tayo magagawa doon. Hindi lahat may matibay na barrier. Inaasahan ko na ang magiging ligtas lang na lugar yung mga pagmamay-ari ng mga Fiester."
Sa tagal ko na kasama ang pamilya ni Zaira, alam ko na may matibay na barrier sa lupa nila.
"Pwede din natin ipadala sa mortal world ang ibang tao na nailigtas natin," suhestiyon ni Zaira.
"Oo nga pala. Sa mga nailigtas niyo, nasigurado niyo ba na walang evil spirit sa katawan nila? O kaya virus ng mga zombie? Mahihirapan tayo kung may nasama na katulad nila."
Natigilan sila bigla sa tanog ko.
"Wala kami kakayahan na nalaman kung may evil spirit sa katawan nila. Hindi lahat katulad ni Erie. Kung gusto mo makasigurado, papuntahin mo dito si Erie," sagot ni Zaira.
"Hindi pwede. Buntis si Erie. Masama para sa kanya ang manatili dito," kontra ka.
"Buntis din ako," seryosong sabi ni Zaira.
"What?"
"Hindi lang ako. Pati si Zarah."
Hindi ko alam ang sasabihin ko. Bigla ko tuloy naalala ang mga pangalan na inisip namin ni Erie. Hindi maalis sa isip ko ang pangalan ni Heidi. Sigurado ako na nasa bloodline namin ang pinagmulan ni Heidi na nagmula sa kasalukuyang. Kung hindi namin siya kadugo impossibleng mapalaya niya si Samael.
"Wag ka mag-aalala, sa may Black Academy lang naman mananatili si Erie. Ligtas siya doon."
"Tatanungin ko muna siya."
"Sigurado ako papayag yun."
Hindi na ako umimik. Alam ko din na gustong-gusto ni Erie na makatulong sa amin. Kanina nga lang nagpupumilit siyang sumama sa akin. Kung hindi lang siguro niya kailangan ayusin ang Aurora, hindi siya titigil sa pangkukumbisi sa akin. Pakiramdam ko tuloy sinasadya ng tadhana na papuntahin dito si Erie. Nainis ako bigla kaya pinag-initan ko ang mga demon na kaharap ko.
Pinalibutan ako ng apoy at lahat ng lalapit sa akon nasusunog. Mabilis silang lumayo sa akin.
"Hindi kayo makakatakas sa akin. Hehehe," tawa ko sabay habol sa kanila. Wala ako magagawa kundi gamitin ang pinakamalakas na kapangyarihan ko.
"Bakit pakiramdam ko sinaniban ng masamang ispirito si Zeque? Nakakatakot," rinig kong sabi ni Kim pakadaan ko sa harapan niya.
"Kawawang demon," komento naman ni Gin sabay iling dahil walang tigil kong sinusunog ang mga demon may iilan din na nadamay na Zombie pero mas tinututukan ko ang mga zombie.
"Aaahhh!" sigaw nila bago maging abo. Wala sila kalaban-laban sa akin.
"Sabi na nga ba mas masaya dito. Tama ang desisyon ko na magpunta dito."
"Zero, ano ginagawa mo dito?" tanong ko.
"Tito, hayaan mong tulungan kita."
Bago pa ako makapagsalita pinagsusugod na niya ang mga kalaban. Naghagis siya ng
mga darkball sa mga zombie.
"Sino siya?" tanong sa akin ni Crystal.
"Anak ni Jiro at Zera," sagot ko.
"Kaya pala may itim na pakpak din siya katulad ni Jiro."
"Yeah!"
Napabuntong hininga ako. Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko pagod na pagod ako. Dahil siguro sa dami ng pinagdaanan ko napapagod na ako sa pakikipaglaban. Gusto ko maranasan ang payapang buhay. Napailing ako sa naisip ko. Kahit gustuhin ko man, malabong mangyari yun. Kung mangyayari man iyon, saglit lamang dahil laging may nabubuong masamang nilalang.
"Zeque, yung katawan mo."
Natauhan ako bigla nang marinig ko ang tinig ni Crystal. Pagtingin ko sa katawan ko nagliliwanag ito. Napakunot ang noo ko dahil pamilyar ako sa nangyayari. Ganito ang pakiramdam ko noog ginawa ko ang alter necklace.
Biglang nagkaroon ng sugat ang katawan ko. Tuloy-tuloy ang pag-agos ng dugo. Tiniis ko ang sakit ng katawan ko.
"Blood Sacrifice?" sambit ko sabay tingin sa paanan ko kung saan nagsasama-sama ang dugong tumutulo.
Naging hugis cross ito na katulad sa alter necklace. Ngayon sigurado na ako kung ano ba nangyayari. Nagbabago ang alter necklace na ginawa ko.
Pagkatapos mabuo ng alter necklace lumutang ito sa harapan ko at nalaman ko na hindi na ito katulad dati na tanging tao lamang ang pwede gumamit. Naging katulad na ito ng alter necklace ni Erie na kahit sinong nilalang pwede ito gamitin basta siya ang nakatakdang gumamit nito. Hindi alam kung bakit ito bigla nagbago pero masaya ako sa nangyari dahil malaya na ako. Hindi ko kailangan maging spirit para lang magamit ang alter necklace.
"Pumunta ka na sa Alter Princess," utos ko dito. Nagliwanag ito at lumipad patunggo sa nagmamay-ari sa kanya. Hindi ko na kailangan tignan sino iyon dahil alam kong kay Zarah ito papunta.
"Ayos ka lang?" tanong sa akin ni Crystal.
"Wag ka mag-aalala. Ayos lang ako. Yun nga nga lang nabawasan ang lakas ng kapangyarihan ko."
Nag-umpisa na gumaling ang mga sugat ko. Pero ramdam ko na hindi na kasing lakas dati ang kapangyarihan ko dahil napunta sa alter necklace ang kapangyariha ko. Sinubukan ko sunugin ang isang zombie na napadaan sa harapan ko. Nag-apoy ito pero hindi ito agad-agad nasunog.
"Hindi ko alam kung matutuwa ba ako hindi sa nangyari. Paano ko na lalabanan si Samael kung ganito kahina kapangrihan ko?" bulong ko.
"Nandito naman ako. Kaya ko tapatan si Samael," sambit ni Zaira.
"Isang daang taon o higit pa ang kailangan mo bago mo siya matapatan. Masyado ka pa bata para matapatan siya."
"Hindi naman ako nag-iisa. Kung magtutulong-tulong tayo, matatalo din natin siya."
"May punto ka. Hindi na ako nag-iisa. Nasanay ako na mag-isang makipaglaban kaya nawala sa isip ko na marami tayo."
Tinawanan lang niya ako saka lumingon kay Zero. Pati ako napatingin dahil sa sunod-sunod na pagsabog. Nanlaki ang mata ko. Kung pasasabugin niya ang paligid hindi lang kalaban mamatay.
"Sandali! Zero, itigil mo yan!"
Lumipad ako patungo sa kanya.
"Bakit?"
"Hindi lang kalaban mapapatay mo kung pasasabugin mo ang paligid."
"Ah! Naiintindihan ko. Masyado ako natuwa kaya nawala sa isip ko na may mga tao pang hindi naiiligtas. Mag-iingat na ako sa susunod."
"Good! Wag mo pasasabugin ang paligid," paalala ko sabay tapik sa balikat niya bago siya iwanan. Subalit hindi pa ako nakakalayo isang pagsabog nanaman ang narinig ko. Tinignan ko ng masama si Zaira.
"Sorry. Sinubukan ko lang yung ginawa niya. Hindi ko alam na mas malakas na pagsabog ang magagawa ko," paliwanag niya.
Nawala lahat ng nakatayo sa harapan niya. Pati bahay nasira.
"Hahahaha. Good job! Kung gusto mo pa matuto ng destructive power, tanungin mo lang ako," puri sa kanya ni Zero sabay thumb up.
"Wag mo siya itulad sayo. Athena, wag ka makinig sa kanya."
Tinignan ko si Blaize para magpatulong. Mabuti na lang nakuha niya agad ang gusto ko ipahiwatig. Hinila niya si Zaira palayo sa amin.
"I see. Athena, pangalan niya. Interesting. Naalala ko sa kanya si mommy," sambit ni Zero.
Itutuloy....
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro