Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 46: MOTHER AND FATHER

CHAPTER 46: MOTHER AND FATHER

Erie's POV

"Sino magiging magulang nila?" tanong ni Zera. Tinignan nila ako bigla.

"Wala ako alam sa pag-aalaga ng bata. Bakit hindi na lang kayong dalawa ang mag-ampon sa kanila??" tugon ko sabay tingin kila Zera and Zeya.

"Naku! Ayoko na maging nanay. Sila Jiro at Zera na lang ang magulang nila," kontra ni Zeya agad.

"Wala naman problema sa akin na mag-alaga ng bata pero apat sila. Apat! Wag niyo naman ipaalaga sa amin lahat," reklamo ni Zera.

"Erie, mas maganda kung
mag-alaga ka kahit isa. Para kapag lumabas na ang baby mo alam mo na kung paano sila palakihin," sambit ni Zeya. Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Hindi ko pa nga nasasabi kay Zeque na buntis ako. Hindi din naman siya slow para hindi makuha ang ibig sabihin ni Zeya.

"Buntis ka?" tanong sa akin ni Zeque. Tinignan niya ako. Hindi pa naman gaano kalaki ang tiyan ko kaya hindi halata.

"Oo," sagot ko habang nakaiwas ng tingin. Kinakabahan ako sa magiging reaksyon niya.

"Buntis ka tapos nandito ka nakikipaglaban? Paano kung may masamang mangyari sa bata?" sermon niya bigla na ikinagulat ko. Pasimple ko siya tinignan. Salubong ang kilay niya habang nakatingin sa akin.

"Ilang buwan ako naghintay ng balita tungkol sayo. Wala ako kaalam-alam kung saan kayo hahanapin. Kung hindi pa ako nagpunta kanina sa Xaterrah hindi ko kayo makikita," dugtong niya. Hindi na kami nakapagsalita dahil sa sunod na sunod na sermon niya sa amin. Para siyang tatay na pinapagalitan ang anak niya. Natigil lang siya nang umiyak ang batang buhat niya.

"Ang ingay mo. Tignan mo umiyak na si baby dahil sayo," sambit ni Zera. Pinabuhat niya kay Jiro ang buhat niya saka kinuha ang bata kay Zeque.

Napabuntong hininga na lang si Zeque. Wala din naman siya mababago kahit sermunan niya kami.

"Bumalik na muna tayo sa Xaterrah. Doon na natin pag-usapan kung sino mag-aalaga sa kanila," aniya saka kami tinignan isa-isa. Pumayag naman kami agad dahil ayaw na namin masermunan. Gumawa agad ako ng portal patunggo sa Xaterrah.

"Nakabalik na kayo! Kamusta? Ayos na ba ang lahat? Panalo ba tayo?" salubong sa amin ni Flora. Ningitian ko siya saka tumango.

"Bakit may dala kayong bata?" pansin niya sa mga buhat namin.

"After ko wakasin ang Aurora, biglang may nabuhay na bagong halaman at hayop. Kasama na itong mga bata. Hindi ko alam kung ilang bata ba lahat, sa ngayon may apat kami nakita.
Mas mabuti kung magpadala tayo ng magsusuri sa Aurora," tugon ko.

"Ako na bahala doon. Wag ka mag-alala lilibutin ko ang buong Aurora para masiguradong makikita natin ang lahat ng batang nilikha mo."

"Nilikha ko?"

"Oo. Nilikha mo sila diba? Wala maman ibang gagawa nun kundi ikaw."

Natulala na lang ako sa kanya. Wala ako ideya sa sinasabi niya. Ako lumikha sa kanila? Paano?

"May punto ka. Wala nga naman ibang magagawa nun kundi ikaw. Base sa reaksyon mo hindi mo alam ang ginawa mo.  Baka nilikha mo sila ng hindi mo namamalayan," pagsang-ayon ni Zep.

"Kung ganun dapat lamg na ikaw mag-alaga sa kanila. Nilikha mo sila kaya panagutan mo ang ginawa mo," singit ni Zeya.

"Ano ba sinasabi niyo? Paano ko naman sila malilikha? Hindi ko pa nga alam kung ano pa ba gamit ng kapangyarihan ko," kontra ko sa kanila.

"Sabihin na natin na ginawa mo sila ng hindi namamalayan. Pero kahit ganun dapat panagutan mo ang lahat. Ikaw ang magiging nanay nila at si Zeque ang tatay ng mga bata. Wag ka mag-aalala tutulungan ka namin mag-alaga," sambit ni Zeya sabay tapik sa balikat ko. Tinignan ko si Zeque para humingi ng tulong subalit kabaligtaran ang nangyari.

"Magandang ideya yan. Hindi na namin kailangan maghirap gumawa ng bata," pagsang-ayon niya agad.

"Seryoso ka ba diyan? Paalagain mo ko ng maraming bata?  Baka nakakalimutan mo na kailangan mo pa makipaglaban sa Outlandish. Maiiwan ako dito mag-isa para alagaan sila."

"Wag ka mag-aalala mas madalas na kita dadalawin dito."

"Bahala kayo! Gusto ko na magpahinga."

Mas napapagod ako kung makikipagtalo pa ako sa kanila. Mabuti na lang kinuha sa akin ni Flora yung buhat ko kaya nakaalis ako agad. Dumiretso ako sa kwarto nahiga.

Paggising ko na sa tabi ko na si Zeque. Mahimbing itong natutulog habang nakayakap sa akin. Niyakap ko siya ng mahigpit habang ang mukha ko nakasiksik sa dibdib niya. Naamoy ko ang pamilyar na amoy niya. Hindi ko alam kung saan nanggaling ang amoy na yun basta gustong-gusto ko ang amoy niya.

"Tapos ka na bang amuyin ako?" tanong niya bigla. Sa gulat ko mabilis ko siyang itinulak at saka tumalikod sa kanya. Tinakpan ko ng kamay ang mukha ko. Narinig ko ang mahinang pagtawa niya at saka ako niyakap muli.

"Bakit nandito ka pa?" tanong ko sa kanya.

"Namiss kita," aniya sabay halik sa leeg ko. Tinulak ko ulo niya gamit ang isang kamay ko dahil nakikiliti  ako sa ginagawa niya. Ngunit mabilis niya itong hinawakan at ihinarap ako sa kanya. Nanlaki ang mata ko dahil sa bilis ng pangyayari. Nasa ibabaw ko na siya agad.

"Tuwing magkakasama ba tayo kailangan gawin mo ito?" tanong ko sa kanya. Ningitian niya ako.

"Bakit? Ayaw mo ba?"

"Buntis ako."

"Pwede naman yun kahit buntis ka."

"Zeque!" tinignan ko siya ng masama at ayun tinawanan niya lang ako. Binigyan niya ako mabilis ng halik sa labi bago bumalik sa pagkakahiga sa tabi ko.

"Gusto lang kita makasama. Alam ko pagod ka kaya pipigilan ko muna ang sarili ko," sabay pikit.

"Isama mo ko sa Outlandish para magkasama na tayo palagi."

"No!"

Napasimangot ako sa sagot niya. Gusto ko talaga makatulong sa kanila.

"Bakit?"

Dumilat na siya at tinignan ako ng seryoso.

"Buntis ka. Malakas ang pang-amoy ng mga demon. Madali nila malalaman na may bata sa tiyan mo. At alam mo na para sa mga demon mas masustanya ang mga baby na nasa sinapupunan pa lang dahil."

"Mag-iingat ako."

"Hindi pa rin ang sagot ko."

"Kaya ko protektahan ang sarili ko."

"....."

"Para namang mapipigilan mo ko kung pupunta ako sa Outlandish. Pwede ako magbukas ng portal patunggo doon."

Sinamaan niya ako ng tingin bigla pero binalewala ko lang yun.

"Hindi ka pwede umalis. May apat na bata ka pang aalagaan," aniya sabay ngisi.

"Oo nga pala. Nakalimutan ko."

"Kaya dito ka lang at alagaan  ang mga anak natin."

"Anong anak natin? Wag mo sabihin na pumayag ka talaga na maging papa ng apat na bata?"

"Ganun na nga. Alagaan mo sila mabuti Mommy Erie."

"Okay Daddy Zeque."

Inirapan ko na lang siya. Alam ko na wala ako laban sa kanya kaya sinkyan ko na lang gusto niya.

"Ano ipapangalan natin sa kanila?" tanong niya.

"Hmmm. Bakit hindi tayo magsulat ng mga pangalan ng babae at lalaki na gusto natin?  Para pipili na lang tayo  doon ng pangalan para sa apat na magiging anak natin at para na din future baby natin," suhestiyon ko.

Binigyan ko siya ng papel at  ballpen para makapagsulat siya.

"Ilang pangalan?"

"Hmmm. Sampung pangalan ng lalaki at sampung pangalan ng babae."

Tinanguan niya saka nag-umpisang magsulat. Ganun  din ako. Nagsulat muna ako ng  boy at saka nagsulat ng one to ten. Sa likod ng papel nagsulat ako ng girl at 1 to 10 na number bago mag-isip ng pangalan.

Natahimik kaming pareho dahil abala kami sa pag-iisip  ng pangalan ng mga magiging anak namin.

Girl
1.Sophia
2.Harper
3.Layla
4.Paisley
5. Yara
6.Sydney
7.Harley
8.Thalia
9.Heidi
10.Kairi

Boy
1.Logan
2.Grayson
3.Damian
4.Archer
5.Nash
6.Kyrie
7.Kairo
8.Elias
9.Cedric
10.Eliezer

"Tapos ka na?" tanong ko sa kanya. Pagtingin ko sa kanya
nakatingin siya sa akin habang nakangiti.

"Kanina ba," aniya sabay abot ng papel sa akin. Binasa ko ito agad.

Boy
1.Red
2.Green
3.Blue
4.Indigo
5.River
6.Leif
7.Fire
8.Ice
9.Thunder
10.Cave

"Pinag-isipan mo ba ito?" tanong ko bago basahin yung sa babae. Pakiramdam ko sinulat lang niya basta ang maisip niya.

"Oo naman."

Tinignan ko yung sa babae.

Girl
1.Orange
2.Yellow
3.Violet
4.Heidi
5.Vienna
6.Zion
7.Yara
8.Windy
10.Rain

Napakunot ang noo ko pagkatapos ko mabasa yung pangalan. Mukhang pinag-isipan niya yung sa kalagitnaan pero pagdating sa dulo parang binase niya doon sa pangalan ng lalaki.

"Bakit rainbow color name?" pansin ko sa sinulat niya. Kumpleto niya kasi yung pitong kulay.

"Tingin ko mas magandang gamitin yun sa apat na batang galing sa Aurora. Baka madagdagan pa sila kaya
dinagdag ko na yung tatlong kulay," paliwanag niya. Tinanguan ko siya bilang pagsang-ayon.

"Naisip mo din yung pangalan na Heidi. Parehas tayo," sambit ko. Binigay ko sa kanya yung sinulat ko.

"Heidi Sophia, magandang pangalan," sambit niya.

"Kapag babae anak natin Heidi Sophia ipangalan natin sa kanya."

"Okay," nakangiting sabi niya pero bigla itong natigilan at natulala.

"Zeque?" kalabit ko sa kanya.

"Sorry. May naalala lang ako bigla."

Itutuloy...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro