Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 45: THE BEGINNING AND THE END

CHAPTER 45: THE  BEGINNING AND THE END

Erie's POV

"PIGILAN NIYO SIYA! KUNG KINAKAILANGAN PATAYIN NIYO SIYA AGAD GAWIN NIYO!" sigaw ng reyna ngunit agad na hinarangan nila Jiro ang kalaban para protektahan ako.

Hindi ako pwede maistorbo dahil isang mali ko lang, lahat kami mamatay. Ito ang unang beses na susubukan ko ang power of destruction and creation. Pinag-aralan ko ito mabuti nang malaman ko kay Treena ang tungkol dito. Taglay ng kapangyarihan na ito na wakasan ang lahat at umpisahan muli. Ibang-iba ito sa ginawa ng aking ina sa Xaterrah.

Pansin ko na hinihigop ng puting liwanag na nasa kamay ko ang magical energy sa paligid. Tuwing mauubos ang mga magical energy nito, unti-unti itong nagiging abo at naglalaho. Nag-umpisa na itong lumaki dahil sa magical energy.

"Hindi ako makakapayag na magawa mo ang binabalak mo," sambit ng reyna at dahil abala ang mga kawal niya sa pakikipaglaban kila Jiro, siya na ang umatake sa akin.

Hindi ko inaasahan na maiisipan niyang kumilos. Kung titignan lamang sila sa bilang. Idagdag pa na pinakamalakas sila dito. Isa ito sa nakita naming problema noon.

"Katapusan mo na," nakangising sabi ng reyna.

Mula sa kamay niya may lumabas na kulay dilaw na hugis espada na mas malaki pa sa tao. Nakatutok ito sa akin habang lumulutang sa harapan ng reyna. Pagkaturo sa akin ng reyna, mabilis itong nagtunggo sa akin. Kinakabahan man ako, pinilit ko na maging kalmado. Palapit ng palapit sa akin ang espada hanggang sa isang makulay na liwanag ang sumulpot sa harapan ko. Pagtama ng espada doon, nagkaroon ng pagsabog.

"Akala ko katapusan ko na. Pero mabuti na lang dito tayo sumulpot," sambit ni Flora sabay tingin sa akin. Nanlaki ang mata ko nang makita ko ang lalaking kasama niya.

"Zeque..." sambit ko.

Bakit magkasama sila ni Flora?

"Lahat ng kalaban ni Erie, kalaban ko din. Hindi ko man alam kung ano ba nangyayari, pero malinaw sa akin na pinagtangkaan mong patayin ang asawa ko," sambit ni Zeque. Napalibutan siya ng malakas na siya na malakas na spirit energy. Humaba ang makulay niyang buhok, nagkaroon siya ng tenga na katulad sa lobo. Ngayon ko lang nakita ang ganung anyo niya kahit minsan na siya nagtransform sa harap ko.

"Hindi ko akalain na totoo ang extreme transformation. Ngayon lang ako nakakita," hindi makapaniwalang sabi ni Zep.

"Extreme Transformation?" tanong ni Zera.

"Extreme transformation is the highest transformation of us. It is a combination of all form. Ayon sa nabasa kong libro ang mga katulad natin na may two or more species ay pwede sa extreme transformation. Matatawag iyon na pinakamalakas anyo natin dahil magagamit natim ang lahat ng special ability natin at magic power. Hindi ko alam na kaya pala gawin iyon ni Zeque. Kadalasan normal na anyo lang ang ginagamit niya."

Napatango ako sa sinabi ni Zep. Kahit ako human form, vampire form, werewolf form at ang main form lang ginagamit niya. Ngayon lang niya pinakita ang pinagsamang anyo.

"Pwede din ba iyan sa may triple species?" tanong ko. Kung may demon blood ako ibig sabihin tatlong species meron ako.

"Oo naman. Kung pagbabasehan yung anyo mo nasa intermediate transformation ka. Kaya mo pagsamahin ang dalawang anyo mo. Ano kaya itsura mo kapag pinagsama yung tatlo?"

"Minamaliit niyo ba kami? Nagawa niyo pa talagang mag-usap sa gitna ng laban," galit na sabi ng kalaban ni Zep. Inangat nito ang espada niya sinubukang hatiin sa dalawa si Zep, subalit bigla ito nawala sa harapan niya at napunta sa likod nito.

"Ang bilis niya," manghang sabi ko.

"Alam mo ba kung ano special ability namin bilang bampira?" tanong ni Zeya habang nakikipaglaban siya sa lalaking may pamaypay.

"Speed?" tugon ko pero umiling lang siya.

"Darkness mimicry," tugon niya sabay ngiti. Tinignan ko si Zep at doon ko lang napansin na hindi siya nawawala dahil sa bilis niya. Nagteteleport siya sa pamamagitan ng anino. Kung hindi pa sinabi sa akin ni Zeya ang tungkol sa ability nila, hindi ko ito mapapansin.


"Mukhang pwede na ito para sa self distraction," komento ko nang mapansin kong malaki na ang puting ilaw sa kamay ko. Halos wala na ang mga building sa paligid at inuumpisa na nitong higupin pati ang life force ng mga living things tulad ng halaman at hayop. Binitawan ko na ito at hinayaang lumutang sa kalangitan.

"Flora, delikado kung mananatili ka dito. Kami na bahala dito. Salamat sa tulong," sabi ko kay Flora nang mapansin ko na nag-uumpisa na siya maapektuhan ng power of destruction and creation ko. Pinagbukas ko siya ng portal dahil nahigop na din ang magic energy niya.

"Salamat. Hihintayin ko ang pagbalik niyo," paalam niya sa akin bago umalis.

Tinignan ko sila Zeque. Bukod sa akin, hindi sila apektado dahil sa pagiging immortal nila. Napangiti ako nang sugurin ako ng naiwang kalaban ni Flora. Aatakihin niya sana ako pero bago pa niya ako matamaan naging buto na lang ito. Dahil sa paglapit niya sa akin mas napabilis ang pagkamatay niya.

"Ayos ka lang?" tanong ni Zep na tapos na makipaglaban. Pansin niya siguro na paubos na ang energy ko.

"Kailangan ko lang magpahinga," sagot ko habang pinapanood si Zeque makipaglaban sa hari at reyna. Hindi kayang makipagsabayan ng reyna kay Zeque kaya tinulungan siya ng hari.

"Hindi ko inaasahan na sobrang lakas pala ni Zeque. Sobrang layo na ng narating niya. Sa amin magkakapatis siya lamang ang magaling sa pakikipaglaban. Sunod si Zeya. Kumpara sa kanila mas interesado ako sa pag-aaral kaysa pakikipaglaban."

"Pero malakas ka pa rin kahit na hindi ka interesado sa pakikipaglaban."

"Hindi ko maiwasang makipaglaban habang naglalakbay ako noon sa Outlandish."

"Hmmm. Mas naisip ako na trabaho para sayo. Tingin ko mas bagay sayo iyon dahil dami ng nalalaman mo."

"Hindi ko pa naririnig kung anong trabaho ibibigay mo, nararamdaman ko na matutuwa ako doon."

Ningitian ko siya dahil sigurado ako magugustuhan niya ang sasabihin ko.

"Pagkatapos nito balik sa umpisa ang mundong ito. Bilang deity trabaho nating lumikha ng mga nilalang na maninirahan dito. At ikaw ang inaatasan ko para doon. Gusto ko maging kakaiba ang mundong  ito sa Outlandish at Xaterrah. Kasama na doon ang rule."

"May time limit ba yan?" tanong ko.

"One year dapat may plano ka na. Pero mas maaga mas maganda."

"Hindi ko kailangan ng isang taon para doon. Ngayon pa lang may ideya na ako at makakatulong ito sa pakikipaglaban natin kay Samael."

"Mukhang may plano ka na."

"Hindi natin kailangan lumikha ng bagong nilalang. Ang kailangan lang natin baguhin ang nilalang na meron tayo. At siyempre lumikha ng bagong rule para sa kanilaPagkatapos nito sasabihin ko sa inyo ang plano ko."

"Okay. Malapit natin matapos ang lahat," sambit ko nang makitanng nag-uumpisang mawalan ng kulay ang mundo. Nag-uumpisa na magdilim ang kalangitan. Natuyo na ang mga halaman at nag-uumpisa din mahigop ang mga Seraph na b buhay pa. Pagkatapos nito isang panibagong umpisa para sa Aurora. Sisiguraduhin kong ibabalik ko ang makulay na mundong ito.

Natigilan sila Zeya nang biglang naging kalansay ang kalaban nila at natumba sa harapan nila.

"Aaaahhhh! Hindi ito maari. Kasalanan mo ito! Isasama kita sa kabilang buhay," sigaw ng reyna nang mag-umpisang manuyo ang balat niya. Ginamit niya ang buong lakas niya para lapitan ako.

Hindi ako gumalaw sa pwesto ko at hindi inalis ang tingin sa reyna. Hindi ako natatakot sa kanya kahit na lumapit pa siya sa akin. Bago pa niya ako mahawakan tuluyan na siyang bumagsak sa lupa. Tinignan ko ang buto niya na unti-unting nagiging abo.

"Rest in peace," bulong ko.

Hindi nagtagal nag-umpisang lumindol at sumabog ang inipon kong magical energy. Sa sobrang liwanag napapikit ako. Nang tumigil ang lindol, naisipan kong dumilat.

"Wow!" manghang sabi ko nang  bumungad sa akin ang mga damo at halaman na bagong tubo. Kumpara sa unang kita ko sa Xaterrah na humantong din sa pagkawasak, mas maganda ang kinalabasan nito. Hindi na namin kailangan magtanim ng halaman. Meron na din mga hayop sa paligid at tulad ng unang beses na punta ko dito, namangha pa rin ako sa kanila  dahil sa kulay nila na kakaiba.

"I see. Kaya tinawag na power of destruction and creation dahil pagkatapos nito wasakin ang paligid, lilikha ito ng panibagong buhay. Pero tanging hayop at halaman lang ang kaya nitong ibalik," komento ni Zep.

Magsasalita na sana ako nang makarinig kaming iyak ng bata. Nagkatinginan kami at sabay na nagtakbuhan upang hanapin ito.

"Nakita ko na!" sigaw ni Zeya.

"Saan?" tanong ko.

"Dito nanggagaling yung iyak," turo ni Zeya sa may malaking bulaklak sa harapan namin.

Paglapit ko sa may bulaklak bigla ito nagbukas at iniluwa nito ang isang batang babae na may pulang buhok at marka sa noo na parang bulaklak. Iyak ito ng iyak kaya binuhat ko ito. Bigla ito tumigil sa pag-iyak at natulog.

"Hindi lang halaman at hayop ang meron? Wag mo sabihin na hindi lang siya nag-iisang baby?" tanong ni Zeya at hindi nga siya nagkamali dahil panibagong iyak ang narinig namin.

Wala kami ibang ginawa kundi maghanap ng baby. May nakita kaming lumulutang sa ilog at
may marka ito na parang water drop sa may balikat. Kulay asul ang buhok nito at dahil wala itong saplot alam na agad namin na lalaki ito. May nakita din kami sa  batang lalaki mula sa malaking itlog. May marka naman ito na feather.

"Nakatatlo na tayo. Ilang  bata pa ba makikita natin?" tanong ni Zera habang buhat-buhat niya ang isa sa mga nakita namin. Pumikit ako at sa pinakiramdaman ang paligid. Isa ito sa tinuro sa akin ni Treena.

"May isa pa malapit sa atin," sambit ko at nag-umpisang maglakad patunggo sa isang kweba. Isang batang babae ang nakita namin. Nanggaling din ito sa malaking itlog at marka na hugis dragon.

"Ano kaya ibig sabihin ng
marka nila?" tanong ni Zera.

"Baka katulad din sa mga Seraph. Simbolo ito ng pinagmulan nila. Pero mukhang ibang nilalang sila. Ano kaya sila paglaki?" tugon ko. Tinignan ko ang apat na lalaking kasama namin.

"Sino magbubuhat sa bata?" tanong ko dahil may buhat na kaming babae.

"Zeque, ikaw na kumuha. Alam ko marunong ka magbuhat," sambit ni Zep. Hindi naman umangal si Zeque. Naalala ko bigla na hindi ko pa sa kanya nasabi na buntis ako. Hindi ko pa siya nakausap dahil sa paghahanap namin ng baby.

Itutuloy...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro