Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 43: RED BARRIER

CHAPTER 43: RED BARRIER

Third Person's POV

"King Samael, nakahanda na po ang lahat. Mamayang gabi bilog ang buwan. Uumpisahan na ba namin?" tanong ng isang matandang babae. Tinanguan siya ni Samael.

"Unahin niyo sa Occult. Risa, kunin niyo ang atensyon nila Zeque. Siguraduhin niyong hindi nila malalaman ang gagawin natin," sambit nito sabay ngiti.

"Masusunod mahal na hari," formal na tugon ni Risa bago sila umalis.

Nagtungo ang matandang babae at ang mga kasamahan nito sa bawat sulok ng Occult. Binuhos nilo ang bitbit na dugo ng mga hayop paikot sa Occult. Nang matapos sila ay inumpisahan na ng matandang babae bigkasin ang spell na gagamitin nila. Nakataas ang kamay nito habang nakatayo sa labas ng bilog na ginawa nila. Nagliwanag ang dugong ubinuhos nila. Mula doon isang kulay pulang barrier ang unti-unting umaangat pataas upang balutin ang Occult City.

Samantala, nagulat ang grupo nila Zeque nang biglang sugurin sila ng napakaraming demon master sa pamumuno ni Risa.

"Patayin niyo sila!" utos ni Risa habang lumilipad sa langit.

"Sinong mamatay?" sambit ni Zaira sabay pakawala ng apoy. Sa isang iglap nasunog ang palapit na demon monster sa kanya. Ganun din ang ginawa ni Crystal at Kayden.

Ginawa namang yelo ni Finn ang mga demon monster na lumapit sa kanya. Isa-isang tulsik natusok sa spike na nilikha ni Pierce sa pamamagitan ng lupa. Pinalipad naman ni Kaycie ang mga nalapit sa kanya. Isang sunod-sunod na kidlat ang nilikha ni Zeque para tapusin ang iba sa kanila. Halos nangalahati ang demon monster na nakapalibot sa kanila.

"Hindi pa kami tapos," sambit ni Max habang hawak-hawak sa kabilaang kamay niya ang dalawa niyang espada. Mabilis niyang pinaghihiwa ang mga malalapitan niya habang pinagbabaril naman ni Blaize ang nagtatangkang lumapit kay Max.

Lumipad si Zeque upang labanan si Risa. Lumikha siya ng sunod-sunod na kidlat na mabilis namang iniwasan ni Risa. Nang matapos niya ito iwasan, hinagisan niya ng fire ball si Zeque pero naiwasan ito. Sa kalagitnaan ng paglalaban nila, napansin ni Zeque ang kulay pulang barrier na unti-unting tumataas. Unang kita niya pa lang dito alam na niya kung ano yun. Napatingin siya sa langit kung saan malapit na lumubog ang araw.

"Nagustuhan mo ba ang supresa  ni King Samael sa inyo?" tanong ni Risa sabay tawa.

Pupuntahan na sana ni Zeque ang nasa likod ng magic spell, ngunit hinarangan siya ni Risa.

"Saan ka pupunta? Mag-uumpisa pa lang tayo," aniya sabay ngisi. Nagsisulputan bigla ang iba pang demon monster kung saan mas doble pa ito kaysa mga nauna.

Bumababa si Zeque sa tabi nila, Blaize at sinabi ang tungkol sa red barrier.

"Tuwing kabilugan ng buwan, mawawalan ng kapangyarihan ang mga wizard at mawawala sa sarili ang mga werewolf at bampira. Oras na mangyari yun, hindi natin magagawang protektahan ang mga tao," paliwanag ni Zeque.

"Kahit itong weapon, hindi magagamit?" tanong ni Max.

"Magagamit niyo yan pero hindi niyo mahihiram ang kapangyarihan ng mythical animal dahil apektado din sila ng red moon."

"Ibig sabihin magagamit ko ang alter necklace?" singit ni Zarah habang nakangiti kay Zeque.

"Oo. Pwede din gumamit ng spell. Kailangan natin ng spell na pangkontra sa Red moon," tinignan ni Zeque si Kim.

"Pero wala tayo oras ngayon para hanapin ang spell na iyon," nag-aalalang sabi ni Kim.

"Wala tayo magagawa kundi piliting makaligtas ngayong gabi," napabuntong hininga si Zaira.

"Tapos na ang spell," sambit ni Crystal habang nakatingin sa langit na may pulang barrier. Unti-unting nawala ang liwanag nito at naging transparent.

"Bumalik muna tayo sa Black Academy," suhestiyon ni Zeque.

"Napapalibutan na nila tayo. Gumawa kayo portal habang hindi pa gabi," natarantang sabi ni Kim.

"Hindi ko kayo hahayaang makaalis! Atakihin niyo sila!" sigaw ni Risa sabay hagis ng fireball kila Zeque na gagawa na sana ng portal. Sunod-sunod ang pag-atake nila hanggang sa dumating ang kinatatakutan ng lahat.

"Hindi ko na magamit ang kapangyarihan ko," inis na sabi ni Kaycie. Agad naman bumalik sa pagiging alter necklace si Zeque bago pa ito tuluyang maapektuhan ng pulang buwan.

"Waaaahhhh!" sigaw ni Gin habang nakahawak sa ulo. Lumaki ang ang katawan niya tinubuan ng balahibo. Unti-unti naging werewolf ang anyo niya.

"Gin," nag-aalalang tawag ni Thea. Lalapitan niya sana ito ngunit pinigilan siya ni Kim.

"Delikado. Hindi niya kontrolado ang sarili niya," sambit nito habang nakatingin sa pulang mata ni Gin.

Biglang napaupo si Blaize senyales na apektado na din siya katulad ng iba. Hahawakan na sana siya ni Zaira nang makaramdam ito bigla ng sakit sa ulo.

"Nakalimutan ko na katulad na ako ni Zeque," inis na sabi ni Zaira habang sinusubukang pigilan ang sarili niya na magbago ang anyo.

"Paano kung bigla nila tayo sugurin? Ano gagawin natin?" tanong ni Kim. Natahimik ang lahat dahil hindi nila kayang saktan ang kasamahan nila.

"Bago mangyari yun lalayo muna kami sa inyo," sambit ni Zaira sabay hawak sa kamay ni Blaize pilit din pinipilit na hindi mawala sa katinuan. Sabay silang tumakbo paalayo. Pinagbabaril ni Blaize ang sino mang nakaharang sa daan nila.

Nang mapansin ito ni Gin, ginaya niya din ang dalawa. Tumalon ito patungo sa bubong ng isang bahay upang lumayo. Lahat ng kasama nilang bampira at werewolf nagsilayuan sa kanila.

"Susubukan natin bumalik sa Black Academy habang kinakalaban sila," sabi ni Max. Gumawa ng espada si Zarah gamit ang alter necklace. Hinanda din ng iba ang kanilang armas maliban kay Crystal na walang dalang weapon.

"Wag ka mag-aalala poprotektahan kita," sabi sa kanya ni Kayden.

"Salamat. Ngayon alam ko na hindi dapat ako umasa magic ko. Pagbalik natin magpapagawa ako ng sarili kong armas," tugon ni Crystal na ikinangiti ng lahat.

Sabay-sabay silang umatake sa demon monster habang tumatakbo pabalik sa Black Academy. Sinundan ni Risa sina Zarah at Max na magkatabi. Inatake niya ito ng fireball upang magkahiwalay. Subalit hinawakan ni Max si Zarah bago iwasan ang fireball. Nainis si Risa dahil sa ginawa ng binata kaya hindi niya ito tinigilan kahit na matamaan na niya ang mga kasamahan niya.

"Bakit tayo pinag-iinitan ng fire demon?" inis na sabi ni Zarah na napapagod na sa kakaiwas.

"Dito ka lang sa tabi ko. Pinaglalayo niya tayo," tugon ni Max sabay hila kay Zarah. Binuhat niya si Zarah at saka umiwas sa apoy hinagis ni Risa. Dahil sa kakahabol sa kanila ni Risa, nahiwalay ang dalawa sa kasamahan nila at nagtago na lamang sila sa isang bahay na ginawa nilang hideout kapag nasa labas sila ng Black Academy.

"Dito na muna tayo hanggang mag-umaga," pagod na sabi ni Max sabay lock ng pinto. Ibinaba niya si Zarah at saka umupo sa sahig para magpahinga. Tumabi sa kanya ang dalaga habang tahimik siyang pinagmamasdan.

"Ano nanaman binabalak mo?" tanong ni Max nang maramdamang palapit sa kanya si Zarah. Dumilat ito at bumungad sa kanya ang mukha ng dalaga na sobrang lapit sa kanya.

"Sabi ni Zera, ayaw daw ni Samael sa babaeng nagalaw na ng iba. Naisip ko bago ako makuha ni Samael, gawin natin ang bagay na yun," aniya sabay halik sa binata.

Hindi nakagalaw agad si Max dahil sa pagkabigla. Nauunawaan niya ang gusto mangyari ni Zarah. Hinawakan niya sa balikat si Zarah at dahan-dahang tinulak.

"Sigurado ka ba sa sinasabi mo? Baka epekto lang yan ng red moon?" tanong niya.

"Umbra ako. Hindi ako apektado ng buwan. Seryoso ako. Saka hindi ako makakapayag na si Athena lang gumawa nun ngayong gabi," tugon nito pero mahina lang ang pagkakasabi niya sa huling pangusap na binitawan niya na hindi narinig ng binata. Bago pa makapagsalita si Max muli siya hinalikan nito. Hindi ito nakatiis at pinagbigyan si Zarah sa gusto niya mangyari.

"Tingin mo ba mapipigilan mo ko dahil sa ginawa mo?"

Napadilat bigla si Zarah ng marinig niya ang tinig ni Samael. Bumungad sa kanya ang madilim na paligid. Wala ito ideya kung paano ba siya napunta sa lugar na yun. Ang alam lang niya katabi niya si Max matulog pagkatapos siya pagbigyan nito.

"Hindi na ako katulad dati. Ang gusto ko lang lumikha ng isa malakas na nilalang na tutulong sa akin sa plano ko," sabi pa nito na ikinatakot ni Zarah. Kung may kinatakutan man si Zarah, walang iba kundi si Samael. Hindi niya alam kung bakit. Basta na lamang siya nakakaramdam ng takot dito.

Palapit ito ng palapit sa kanya. Sinubukan niya gumalaw ngunit hindi niya maangat  ang katawan niya. Alam niya wala siyang saplot dahil sa lamig na nararamdaman niya.

"Hindi man kita makukuha ngayon. Ang importante magawa ko sayo ang gusto ko," bulong nito kay Zarah pagkatapos pumatong sa ibabaw niya.

"Hindi... Panaginip lang ito... Hindi ito totoo..." sambit ni Zarah sabay pikit at pilit na sinasabi sa sarili na panaginip lang ang lahat.

"Panaginip? Hahaha. Masasabi mo pang panaginip ito?" tanong ni Samael sabay baon ng kuko niya sa braso ni Zarah. Napakagat sa labi si Zarah dahil sa sakit. Nang mapansin ni Samael na hindi ito sumigaw  katulad sa ibang babae na sinaktan niya. Mas ginahan ito saktan si Zarah.

"Gusto ko marinig ang sigaw mo habang nagmamakaawa sa akin," nakangising sabi nito saka ito sinaktan. Wala ito pakialam kahit madaming sugat  ang sugat nito dahil alam niyang hindi ito mamatay. Subalit kahit ano gawin niya wala siya narinig na kahit ano sa sa dalaga.

"Matibay ka. Tignan natin kung matatahimik ka pa sa gagawin ko," marahas niya itong hinalikan at inumpisahan ang tunay na pakay niya. Ngunit matalim lang siya tinignan ng talaga at pinilit na maging matapang sa kabila ng ginagawa sa kanya ni Samael. Hindi ito umiyak o kahit sumigaw. Pumikit lang ito at sinabi sa sarili na ilusyon lang lahat hanggang sa wala na siya maramdaman.

Pagkadilat niya nasa tabi na siya muli ni Max. Tinignan niya ang sarili niya, wala siya kahit anong sugat. Pinilit niyang tumayo kahit na masakit ang katawan. Pagtingin niya sa bintana, umaga na at doon lamang siya tahimik na umiyak. Walang siya sinabihan sa nangyari at bago pa magising si Max, nagbihis na ito. Ginising  niya ang binata at umarte na parang walang nangyari. Sabay silang bumalik sa Black Academy.

"Zarah, pwede ba tayo mag-usap?" salubong sa kanya ni Zaira. Seryoso itong nakatingin sa kanya. Tumango lang siya at sumunod dito.

"Alam ko may nangyari sayo kagabi. Naramdaman ko lahat ng sakit na naramdaman mo," umpisa nito pagkalayo nila. Hindi na siya nabigla doon dahil naramdaman niya din ang nangyari kay Zaira. Kaya alam niya ang ginawa nila ni Blaize. Konektado silang dalawa kaya wala sila malilihim sa isa't-isa.

"Wag mo sabihin kahit kanino yung nangyari. Lalo na kay Max. Hindi ko alam kung paano iyon nagawa ni Samael. Basta para sa akin bangungot lang ang lahat ng ginawa nangyari," tugon ni Zarah. Niyakap siya ni Zaira.

"Naiintindihan ko. Basta wag mo kakalimutan na nandito lang ako para makinig sayo," bulong sa kanya nito.

Itutuloy...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro