CHAPTER 42: FULL MOON
CHAPTER 42: FULL MOON
Erie's POV
"Erie, kailangan na natin umalis. Nagsisidatingan na ang iba sa kanila," tawag sa akin ni Flora.
"Malalaman mo mamaya pagkaalis natin dito," sagot ko kay Zero. Wala na ako oras para magpaliwanag sa kanya.
Pagkalabas namin, naabutan namin sila Jiro na napapalibutan na ng mga Seraph. Nilabas ko ang mga pakpak ko upang tulungan sila. Isa-isa ko hinagisan ng light ball ang mga nagtatangkang umatake sa akin hanggang sa makarating sa ako sa pinakataas.
"Ano nangyayari?" tanong ko sa aking sarili nang mapansin kong nagbabago ako ng anyo. Nagiging itim ang damit ko pati pakpak ko. Kahit ang light ball na nasa kamay ko nagiging black. Pati buhok ko.
"Ang anyong yan... kaano-ano mo si Eric?" tanong ng isa sa mga kalaban nang makita ako. Doon ko lang naalala ang kwento nila Flora sa akin. Itim ang kulay ni papa.
"Kilala mo ang papa ko? Isa ka din ba sa pumatay sa kanya?" tugon ko sabay tingin ng masama sa lalaking nagtanong sa akin.
"Imposible. Paanong nagkaanak siya. Matagal na siyang patay!" sigaw nito pero kitang-kita sa mata niya ang takot. Sobrang lakas ba ni papa para matakot siya?
"Bakit takot na takot ka?"
Hindi niya ako pinansin. May binubulong siya sa sarili niya.
"Kailangan ito malaman ng reyna."
Dali-dali siyang lumipad paalis, ngunit hindi ko siya hinayaan makatakas agad. Hinagis ko sa kanya dark ball na nasa kamay ko. Naiwasan niya ito at tinignan ako ng masama.
"Pakisabi din sa kanya na malapit na ang katapusan niya," sambit ko sabay ngiti. Napakunot ang noo niya.
"Patayin ang babaeng yan!" utos niya sa mga kasamahan niya bago siya umalis. Mabilis ako lumipad upang hindi ako mapalibutan. Napatingin ako sa buwan na unti-unting lumilitaw sa kalangitan.
Huminto ako sa paglipat nang mapansin ko nasa ang layo ko na sa kanila. Parang langgam na lang sa paningin ko ang nakatayo sa ibaba.
"Gumawa na kayo ng portal," utos ko kila Zera. Tinanguan nila ako at saka bumababa sa tabi ni Flora. Lumikha ng tag-iisang portal ang tatlong magkakambal. Isa-isa nilang pinapasok doon ang mga pinatakas namin sa chamber.
Sunod-sunod kong pinagbabato ang mga ginawa kong dark ball. Kahit nag-iba ito ng kulay katulad pa rin ng light ball ang epekto nito. Hindi nga lang sila nagiging abo dahil mas maliit ang ginagawa ko ngayon. Nagsibagsakan ang itim na katawan ng mga timaan ko dahil sa pagkasunog nito.
Napansin ko na nagsiliparan sila Flora patunggo sa akin. Wala na lahat ng mga niligtas namin maliban kay Zero. Patungo sila sa pwesto ko. Tinanguan ako ni Jiro, senyales na umpisahan ko na ang huling atakeng gagawin ko. Tinaas ko kamay ko sa harap ko upang lumikha ng malaking dark ball na tatapos sa mga nasa ibaba.
"Attack! Kailangan natin siya pigilan!" sigaw ng isa sa kanila pero hindi sila hinayaang makalapit nila Jiro.
Sa kalagitnaan ng paglikha ko ng dark ball napansin kong nagiging rainbow ang spirtual energy ko. Unti-unti din nagkakaroon ng kulay ang lumalabas na magic sa kamay ko.
"Nagpapalit nanaman ka nanaman ng anyo dahil siguro sa buwan," sabi sa akin ni Flora kaya napatingin ako sa bilog na buwan na tuluyan ng lumabas.
Ramdam ko ang paglakas ng kapangyarihan sa katawan ko. Mas bumilis din ang paglikha ko ng dark ball na nahahaluhan na ng ibang kulay. Palaki ito ng palaki kaya tinutok ko na ito sa ibaba habang mas pinapalaki ko pa ito lalo. Lumipad sila Jiro patungo sa likod ko.
"Umalis na tayo dito! Dalian niyo!" sigaw ng isa kanila nang mapansin nilang hindi na nila ako mapipigilan. Subalit bago pa sila tuluyang makaalis tinira ko na ang huling atake ko sa kanila. Swerte na lang ang makakatakas.
"Aaaahhhhhhh!" sigaw nila. Nang mawala ang liwanag bumungad sa amin ang malaking sira gawa ng atake ko. Walang makikitang kahit ano sa parteng binagsak nun. Tanging isang malaking bilog na hukay gawa ng kapangyarihan ko. Kahit yunt chamber naglaho at iilang puno sa paligid nito nawala.
"Hindi ko akalain na ganito kalalabasan ng huling atake mo," gulat na sabi ni Zera.
"Kahit din ako," natatawang sabi ko. Hindi pa rin ako makapaniwala sa kaya kong gawin.
"Namumutla ka na. Masyado ka maraming kapangyarihang nagamit. Bumalik na tayo," sabi ni Jiro sabay hawak sa braso ko bago pa ako bumagsak. Pansin niya siguro ang panghihina ko. Agad na lumikha ng portal si Zera. Inalalayan nila ako papasok doon.
"Welcome back! Mabuti ligtas kayo lahat," salubong sa amin ni Treena. Lumapit sa siya sa akin at bago pa ako tuluyang mawalan ng malay naramdaman ko ang pagyakap niya sa akin.
Paggising ko nasa kwarto na ako. Hindi na ako nagsayang na oras, bumangon agad ako upang puntahan sila Treena.
"Magandang tanghali binibini!" bati sa akin ni Mr. Mushroom.
"Bakit nasa tabi ka ng pinto ng kwarto ko?" tanong ko.
"Binabantayan ka," tugon niya. Gusto ko sana tanungin kung bakit pero binalewala ko na lang ito.
"Nasaan sila Treena?" tanong ko.
"Nasa labas."
Nagtunggo kami sa labas kung saan maraming nakahandang pagkain na akala mo may piyesta.
"Erie," tawag sa akin ni Treena. Nilapitan ko siya agad.
"Anong meron?" tanong ko.
"Gusto magpasalamat ng mga tinulungan niyo kaya pinaghanda nila kayo ng makakain bago sila umalis," tugon niya. Tinanguan ko siya at tinignan ang mga tinulungan namin na masayang nakikipag-usap kila Zera. Napangiti na lang ako habang pinapanood sila.
"Erie, may gusto sana ako itanong sayo. Pwede bang makausap kita saglit?" tanong ni Treena. Tinanguan ko sila bilang tugon. Pumitik siya sa ere at bigla na lang kami napunta sa isang kwarto na ngayon ko lang napuntahan.
"Maupo ka muna. Ipaghahanda kita ng maiinom," sabi niya sa akin.
Umupo ako sa upuan na gawa sa pulupot na tangkay ng halaman.
"Ano po pag-uusapan natin?" tanong ko pagkaupo ni Treena sa tapat ko. Dahan-dahan akong uminom sa tsa na gawa niya habang hinihintay siyang sumagot.
"Alam mo bang buntis ka?" tanong niya bigla sa akin na ikinatigil ko.
"Paano mo po nalaman?" tanong ko habang dahan-dahan nilapag ang tasang hawak ko.
"Nakita ko sayo na na may unti-unting nabubuo habang tinutulungan kitang makarecover agad," aniya sabay sipsip ng tsa.
"May nasabihan na ba kayo?" tanong ko. Umiling siya bilang tugon ngunit mababakas sa kanyang mukha ang pag-aalala.
"Ngayon natulungan mo na ang mga nakakulong sa chamber, oras siguro na bumalik ka sa mundo niyo. Hindi maganda sayo ang makipaglaban pa sa mahal reyna."
"Hindi ako papayag! Kung hahayaan ko na lang sila, uulitin lang nila ang ginawa nila. Nakausap ko ang ibang nakakulong at sabi nila kinuha mismo sila ng mga Seraph para dahil dito. Bilang deity tungkulin kong protektahan sila. Para sa akin wala sila pinagkaiba sa ibang demon."
"Hindi na ba mababago ang isip mo?"
"Hindi na po."
"Kung ganun bibigyan kita ng isang buwan para maghanda. Mas mabuting mas maaga ito matapos bago lumaki ang tiyan mo."
"Naiintindihan ko po. Ang totoo niyan gusto ko na makabalik agad sa mundo namin para masabi ko sa asawa ko na magkakaanak na kami."
Hinawakan ko ang tiyan ko saka ngumiti.
******
Third Person's POV
"Hanapin niyo sila at patayin! Walang sino man kumakalaban sa akin ang may karapatang mabuhay!" sigaw ng reyna pagkatapos marinig ang masamang balita tungkol kila Erie.
"Masusunod mahal na reyna," tugon ng mga kawal habang nakayuko.
"Bago niya patayin ang sinasabi niyong anak ni Eric, dalhin niyo sa akin. Gusto ko siya makita bago siya mamatay. Makakaalis na kayo," utos nito.
Pagkatapos niya marinig ang tungkol kay Erie, muli niya naalala si Eric.
"Darating ang panahon na babagsak ka rin," sabi sa kanya ni Eric bago nila ito putulan ng pakpak at itapon sa mortal world.
Hindi niya akalain na mabubuhay pa ito sa kabila ng mga sugat na natamo niya. At ngayon ang anak niya naman ang nagtangkang labanan siya.
"Ano problema?" tanong ng hari nang mapansin nitong balisa ang reyna. Kagagaling lamang nito sa academy para kausapin ang principal ng nasabing eskwelahan.
"Mahal ko hari, may gustong kumalaban sa atin. Pinatay nila ang karamihan sa mga kawal natin," pagkukwento nito.
"Wag ka mag-aalala, walang sino man ang mapapabagsak sa atin. Sa huli mamatay din sila sa kamay natin."
"Ayan ang gusto ko sayo. Naiintindihan mo ko agad."
Niyakap ng reyna ang hari at patagong ngumiti.
'Nagkakamali ka Eric. Walang sinuman ang mapapabagsak sa akin,' sa isip ng reyna.
Samantala, nag-umpisa ng maghanda ang mga kawal upang huliin sila Erie. Nagkalat sila sa iba't-ibang bahagi ng Aurora. Pinagbawal din ang pagbukas ng portal patunggo sa ibang mundo.
"Nag-uumpisa na silang kumilos," anunsyo ni Treena kila Erie. Simple lang ang salita nito ngunit nagdulot ito ng tensyon.
"Hindi maganda ito. Mahigit sa isang million ang dami ng kalaban. Kung sabay-sabay silang lahat na sususugod sigurado patay tayo," nag-aalalang sabi ni Flora.
"Isang million?!" gulat na sabi ni Erie.
"Buong Aurora hawak ng hari at reyna. Kahit lumayo tayo sa palasyo, wala pa rin tayo takas. Dito lang tayo ligtas dahil sa kapangyarihan ni Treena," paliwanag ni Flora.
"Lahat sila sunod-sunuran sa reyna?"
"May iilan na kagaya ko na halfblood na galit sa reyna dahil sa hindi pagtanggap sa kanila. Subalit wala pa kami sa kalahati para tapatan ang kalaban."
"Wala ako magagawa kundi gawin iyon," sambit ni Erie.
"May plano ka na?" tanong ni Zeya.
"Gagawin ko ang ginawa nila ina sa Xaterrah. Flora, Treena, Mr. Mushroom, kailangan ko tulong niyo. Gusto ko ipunin niyo ang lahat ng mga inosenteng naninirahan sa mundong ito. Ililipat natin sila sa Xaterrah bago ko gawin ang plano."
"Ano gagawin mo sa mundong ito?" tanong ni Flora. Tanging ang grupo lang nila Jiro ang nakaintindi sa plano ni Erie.
"Pasasabugin ko ang mundong ito. Maswerte na lang ang mabubuhay. Subalit, kahit mabuhay sila wala ng matitirang pagkain o kung ano man sa mundong ito para mabuhay sila. Lalagyan ko ng seal ang mundong ito upang hindi na sila makatakas. Mamatay ang lahat ng maiiwan sa mundong ito kaya nakikiusap ako sa inyo na tulungan niyo ko na ilipat ang ibang naninirahan sa Xaterrah."
"Naiintihan ko. Wag ka mag-aalala kami na bahala doon."
"Salamat."
Itutuloy...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro