Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 36: MR. MUSHROOM AND HIS FRIENDS

CHAPTER 36: MR. MUSHROOM AND HIS FRIENDS.

Erie's POV

"Mag-iingat kayo. Magsasanay ako mabuti habang wala kayo para sa susunod pwede na ako tumulong sa pakikipaglaban," sambit ko. Ngayon ang alis na papuntang Outlandish, upang labanan sila Samael. Gusto ko talaga sumama sa kanila para tumulong. Subalit ayaw ni Zeque na sumama ako.

"Ikaw na muna bahala dito habang wala ako. Sabihin mo sa akin kapag pinahihirapan ka ng mga kapatid ko at ni Jiro. Malalagot sila sa akin," nakangiting sabi ni Zeque.

"Ano ka ba Zeque? Kailan ba namin siya pinahirapan?" singit ni Zeya sabay akbay sa akin. Katulad ko maiiwan din sila dito dahil hindi sila pwede magpakita sa iba.

"Oo nga. Sasanayin lang namin siya para mas mabilis siyang matuto. Sa katunayan naghanda na ako ng technique kung paano siya mas mapalakas," sabi naman ni Zep.

"Saka kumpara kay Jiro mas mabait kami," dugtong ni Zera.

"Ano naman ang ibig sabihin mo doon? Kung hindi ako mahigpit sa kanya hindi niya matutunan ilabas ang kapangyarihan niya," kontra naman sa kanya ni Jiro. Habang nagtatalo silang apat palihim akong hinila ni Zeque palayo sa kanila.

"Mamimiss kita. Hintayin mo ang pagbalik ko," sambit ni Zeque sabay halik sa akin. Halos maluha ako  habang nagpapaalam siya. Sa tagal namin namalagi dito ngayon lang siya mapapalayo sa akin ng matagal. Hindi na ako sanay na wala siya sa tabi ko. Kahit noong nag-uumpisa pa lang kami masanay. Palagi siya sumusulpot sa tabi ko para suportahan ako.

"Wag ka umiyak. Hindi naman ako mawawala eh. Babalik din ako. Kapag may oras ako, pupuntahan kita dito."

Pinunasan niya agad ang luha ko bago pa ito tuluyan tumulo. Hinalikan pa niya ang mata ko kaya napapikit ako. Naramdaman ko din ang paghalik niya sa ilong ko pababa sa labi.

"Zeque! Bilisan mo na diyan!" sigaw ni Zaira.

"Alis na kami," paalam ni Zeque sa akin bago ako bitawan. Tinanguan ko siya bilang tugon.

Binuksan na nila ang lagusan patungo sa Outlandish at isa-isang nagsipasukan sa loob nito.

"Oras na pala ng paggising ni Zeus. Maiwan ko muna kayo," paalam ni Zera. Simula nung bumalik ang grupo nila Ate Naomi sa Outlandish, si Zera na ang nag-alaga kay Zeus.

"Umpisahan na natin ang pagsasanay mo. Ano gusto mo matutunan?" tanong ni Jiro sa akin.

"Lumipad. Gusto ko matuto lumipad," tugon ko habang nakangiti.

"Lumipad? Hmmm... Para matuto ka lumipad kailangan mo  mahulog mula sa taas. Madalas nagagamit mo ang kapangyarihan mo kapag nanganganib ang buhay mo," sambit ni Jiro.

"Wag mo sabihin balak mo ko ihulog mula sa langit?" kinakabahang tanong ko. Sa tagal ko nagsanay kay Jiro, alam na alam ko na kung paano ito mag-isip. Pakiramdam ko mamatay ako sa paraan niya.

"Tumatalino ka na," nakangiting sabi niya sabay lapit sa akin.

"No way! Wait!" sambit ko pero nahawakan niya ako. Lumipad siya paitaas habang buhat-buhat ako.

"GOODLUCK ERIE! KAYA MO YAN!" sigaw ni Zeya habang pinapanood kami.

"Tama na! Tama na! Mataas na tayo!" reklamo ko. Parang langgam na lang sila Zeya sa sobrang taas namin.

"Mababa pa ito. Babagsak ka agad," sabi naman ni Jiro. Lumipad pa siya ng paitaas hanggang umabot kami sa mga ulap.

"Wow!"

Ngayon ko lang nakita ng malapitan ang mga ulap. Hindi ko na makita ang ibaba dahil sa sobrang taas namin.

"Humanda ka na. Hindi ko alam kung paano ka makakalipad pero alam kong kaya mong lumipad dahil anak ka ng isang Deity. Bibitawan na kita."

Bumalik bigla ang kaba ko dahil sa sinabi ni Jiro.

"Teka! Hindi pa ako handa. Aaaahhhhhhhh!"

Napasigaw ako nang bitawan na ako ni Jiro. Hindi ko alam kung ano gagawin ko.

"Waaahhh! Ano gagawin ko? Jiro??!!!" sigaw ko habang nahuhulog ako.

"Concentrate!" sigaw ni Jiro sa akin habang pababa ito.

Pumikit ako at huminga ng malalim para pakalmahin ang aking sarili habang paulit ko sinasabi sa sarili ko ang salitang "Concentrate".

"Ano ito? Rainbow?" tanong ko sa aking sarili. Pagkadilaw ko may iba't- ibang kulay na liwanag sa paanan ko. Pagtingin ko sa harapan ko napapalibutan na ako ng iba't-ibang kulay na bituin. Nagliliwanag ito na nagdudulot ng iba-ibang kulay sa paligid.

"Alam ko itong liwanag. Nakakita na ako nito dati. Hindi ito rainbow..." nanlaki ang mata ko nang maalala ko kung ano tawag sa nakikita ko.

"Aurora!" sambit ko hanggang sa dumikit ang mga paa ko sa liwanag sa paanan ko. Para akong hinihigop nito. Muli ako nagpasigaw hanggang sa maramdaman kong bumagsak ako sa malambot na bagay.

Pagkadilat ko nasa taas na ako ng isang malaking mushroom kung saan tumalbog ako papunta sa isa pang mushroom hanggang sa bumagsak ako sa lupa.

"Aww! Nasaan ako?" tanong ko sa aking sarili. May makulay na paro-parong ang dumaan sa tabi ko.

"Sino ka binibini? Kakaiba ang kasuotan mo," tanong ng isang tinig ng lalaki mula sa likod ko.

"Waahhhh! Nagsasalitang mushroom!" sigaw ko nang makitang may mukha ang mushroom.

"Mukhang galing siya sa ibang mundo. Paano ka nakapunta dito? Bawal kayo dito? Kapag nakita ng Seraphim sigurado ng ikukulong ka nila tulad ng nahuli nila noon," sabi naman sa akin ng isa pang mushroom. Napapalibutan na nila ako ngayon. Hindi lang pala sila nakakapagsalita. Tumatalon din sila.

"Seraphim?" tanong ko.

"Sila ang nag-aalaga sa mundong ito. Grupo sila ng mga Seraph," paliwanag ni Mr. Mushroom.

"Alam niyo ba kung paano ako makaalis sa mundong ito? Ako nga pala si Erie. Hindi ko alam kung paano ako napunta dito basta ang naalala ko may nakita akong aurora."

Bigla silang nagbulungan nang mabangit ko ang salitang aurora.

"May nasabi ba akong masama?" tanong ko.

"Wala naman. Nakakapagtaka lang na nakita mo ang mundo namin na imposibleng makita ng iba," paliwanag ni Mr. Mushroom. Naalala ko bigla yung kinuwento sa akin ni Papa.

"Mundo niyo? Wag niyo sabihin na nasa Aurora ako? Imposible. Baka nanaginip lang ako."

Sinampal-sampal ko ang sarili ko para magising pero walang nangyari. Sinaktan ko lang ang sarili ko.

"Binibini, nakikita mo ba yung makulay na liwanag sa langit?" tanong ni Mr. Mushroom.

"Oo. Ganyan yung nakita ko kanina bago ako mapunta dito. Aurora ang tawag namin diyan."

"Seraph ang may gawa niyan. Ginagamit nila yan para makapunta sila sa ibang mundo. Maaring may nagbukas ng lagusan kaya ka napunta dito pero."

"Ibig sabihin sila lang din makakatulong sa akin?"

Bigla nalungkot ang mukha nila.

"Tulad ng sinabi ko. Huhuliin ka nila kapag nakita ka nila. Kapag nalaman nilang taga labas ka, ikukulong ka nila at kailanman hindi ka na makakabalik sa mundo niyo. Pasensya na binibini. Kahit gusto kita matulungan  makabalik sa mundo niyo hindi namin alam kung paano," malungkot na sabi ni Mr. Mushroom.

"Bakit nila kami kinukulong?" tanong ko.

"Hindi pwede malaman ng iba ang tungkol sa mundong ito kaya walang sino man ang maaring makaalis na taga-labas."

"Hindi pwede! Kailangan ko makabalik sa mundo namin. Nandoon ang pamilya ko," sigaw ko.

"Sigurado ka ba sa nakita mo?"

"Sigurado ako. May nakita  ako bumagsak dito."

"May paparating. Binibini, magtago ka," paalala sa akin ni Mr. Mushroom.

Nagtungo ako sa taas ng puno upang magtago.

"May nakita ba kayo na bumagsak dito?" tanong ng isang lalaki kay Mr. Mushroom.

"Paumanhin pero wala kami nakita. Ano po ba ang hinahanap niyo?"

"May nakita daw siya na babaeng bumagsak dito," sabi ng babaeng  kasama niya. Nakasuot sila ng armor kaya tingin ko mga warrior sila.

"Wala kaming nakita. Baka sa iba ito bumagsak."

Tinutukan ng lalaki si Mr. Mushroom ng espada.

"Nagsasabi ka ba ng totoo? Baka tinatago niyo siya? Sigurado akong bumagsak dito ang babaeng taga-labas," sambit ng lalaki. Gusto kong bumaba para protektahan si Mr. Mushroom. Pero baka lalo sila mapahamak kapag nalaman nilang nagsisinungaling ito.

"Totoo ang sinasabi ko. Kung gusto mo hanapin mo pa siya dito," sabi ni Mr. Mushroom kaya nag-umpisa silang maghanap. Kinabahan ako nang biglang tumingin sa taas ng puno ang lalaki pero bigla akong tinakpan ng mga halaman.

"Wala nga siya dito. Baka sa iba siya bumagsak," sambit ng lalaki. Nakahinga ng maluwag nang makaalis sila.

"Salamat Gerald," pagpapasalamat ni Mr. Mushroom sa may puno.

"Walang anuman," sabi ng puno. Pumulupot sa akin ang isang sanga at dahan-dahan  ako nito binaba. Doon ko na nakita na may mukha din ang puno.

"Binibini, may nararamdaman akong malakas na enerhiya sayo. Kung magpapanggap kang Seraph, sigurado  akong hindi nila mahahalata na taga-labas ka," sabi ni Gerald sa akin.

"Salamat," nakangiting sabi ko.

"Sasamahan kita kay Flora para magawan ka niya ng kasuotan," suhestiyon ni Mr. Mushroom.

"Salamat na lang. Ayokong maparusahan kayo dahil sa akin."

"Wag ka mag-alala binibini, maglalakbay kami. May alam kaming daanan para makaiwas sa mga Seraph."

"Pero--"

"Pumayag ka na binibining Erie. Tingin kong may iba pa siyang dahilan kung bakit gusto ka niya tulungan," pangkukumbinsi ni Gerald.

"Dahilan?" tanong ko sabay tingin kay Mr. Mushroom.

"Ang totoo niyan nakikita ko sayo ang kaibigan ko. Isa din siyang Seraph pero mahilig ito makipagkaibigan kahit kanino. Tulad ng nakita mo kanina, mababa lang ang tingin ng Seraph sa amin. Tanging si Eric lang ang tumuring sa amin na kaibigan. Pantay-pantay lang ang turing niya sa lahat kahit na isa siyang Seraph," pagkukwento nito.

"Eric? Pwede ko ba malaman kung anong buong niyang pangalan?" tanong ko. Kapangalan niya kasi si Papa.

"Eric lang ang pangalan niya."

"Walang apelyido?" .

"Apelyido?"

"Family name. Sa mundo namin ginagamit yun para malaman kung saang pamilya ka nagmumula," paliwanag ko.

"Hindi ko alam ang sinasabi mo. Ang alam ko lang may simbolo sa katawan ng isang Seraph ang nagsasabi kung saang pamilya sila nagmumula. At kung tama ang naalala ko, nabanggit sa akin ni Eric na wala daw siya kaparehas na simbolo. Tinuring hindi kilala ang pamilya niya," pagkukwento ni Mr. Mushroom. Kitang-kita sa mukha niya ang saya habang nagkukwento.

"Tama na ang pagkukwento. Baka mapahamak pa si Binibining Erie dahil diyan. Binibini, wag mo sana babanggitin ang pangalan ni Eric sa iba. Tinuturing siyang traydor sa mundong ito matapos niya makipagkaibigan sa taga-labas. Dahil doon pinutol ang pakpak niya at pinatay bago itinapon sa kabilang dimensyon," paalala ni Gerald. Nalungkot ang lahat dahil sa sinabi niya. Patay na pala si Eric. Katulad nila nalungkot din ako dahil sa nalaman ko.

Itutuloy... 

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro