Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 34: MEMORIES

CHAPTER 34: MEMORIES

Jiro's POV

Ano ba ipapakita sa akin ni Zeque? Bakit niya ako dinala sa mundo ng panaginip?

"Bakit ka sasama kay Samael? Nasisiraan ka na ba?"

Napatingin ako sa may bahay sa tapat ko kung saan nagmumula ang tinig. Sumilip ako sa bintana. Nakita ko si Zeque at Zera na nag-uusap.

"Mahal ko siya. Patawad Zeque," sagot ni Zera. Parang kumirot ang puso ko nang marinig ko yun kay Zera.

"Sinungaling. Hindi siya ang gusto mo makasama. Tingin mo ba hindi ko alam ang tungkol sa inyo ni Jiro?" sambit ni Zeque.

Matagal na pala niya alam ang tungkol sa amin.

"Hayaan mong gawin ko ito. Para din ito sa inyo. Yung sa amin ni Jiro, tinapos ko na nung gabing yun. Masaya ako na kahit sandali nakasama ko siya," nakangiting sabi ni Zera habang tumutulo ang luha niya. Base sa suot niyo, nangyari ito pagkatapos niya sabihin sa akin na si Samael ang mahal niya.

"Hindi ako papayag," sambit ni Zeque.

"Patawad," tugon ni Zera sabay takbo palabas kung saan nakaabang ang isang demon na pinadala siguro ni Samael.

"Zera! Bumalik ka dito!" habol sa kanila ni Zeque pero nakaalis na ito.

"Samael, hindi kita mapapatawad oras na may gawin kang masama sa kapatid ko," galit na sabi ni Zeque sabay suntok sa pader na nasa tabi niya.

Napadpad ako bigla sa palasyo nila Samael.

"Zera," bulong ko habang pinapanood si Zera na sumusuka. Binuksan niya ang gripo kung upang maghilamos.

Biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito si Samael.

"Napapadalas yata ang pagsuka mo," sambit nito. Napatayo bigla ng tuwid si Zera habang namumutlang tumingin kay Samael.

"Samael, kanina ka pa ba diyan?" tanong nito. Alam kong kinakabahan ito dahil ugali niya pakiskisin ang kamay niya tuwing kabado siya.

Naglakad palapit sa kanya si Samael saka ito sumuntok sa salamin na nasa likod ni Zera.

"Matagal ko na napapansin ang pag-iba ng amoy mo. Sabihin mo sa akin ang totoo, buntis ka ba?" galit na tanong nito.

"Sama--"

Hindi na natapos ni Zera ang sasabihin niya nang sampalin  siya ni Samael.

"Hayop ka Samael!" galit na sabi ko sabay suntok sa kanya pero tumagos lang ako. Kung nandito lang talaga ako, hindi ko hahayaang saktan niya Zera.

"Aahhhh!" sigaw ni Zera nang hawakan siya ng mahigpit sa braso. Sa sobrang higpit ng hawak ni Samael, bumaon ang mga kuko nito.

"Sinong ama?" galit na tanong nito sabay sakal kay Zera.

"S--si Jiro. M-maawa ka sa akin," tugon ni Zera habang nahihirapang huminga.

"Awa? Tingin mo ba palalampasin ko ang ginawa mo? Ayoko sa lahat yung niloloko ako. Hindi ako tumatanggap ng babaeng nagalaw na ng iba. Papatayin kita pati na din ang batang dinadala mo," sambit ni Samael sabay saksak sa tiyan ni Zera gamit ang kamay nito.

"Aaaahhhhh!" sigaw ni Zera sabay kuha ng dala niyang dagger. Sinaksak niya ang kamay ni Samael sabay tulak dito at takbo palabas habang hawak-hawak ang dumudugong tiyan nito. Gusto ko siya tulungan pero wala ako magawa.

"Saan ka pupunta? Hindi pa tayo tapos mag-usap," sambit ni Samael pagkatapos nito gumamit ng black hole patungo sa harapan ni Zera.

Sinubukan muli ni Zera tumakbo sumabalit madali lang siya nahahabil ni Samael hanggang sa mapaupo na lang ito.

"Parang-awa mo na Samael. Hayaan mo na kami ng anak ko," iyak ni Zera.

"Kahit lumuhod ka pa sa akin papatayin ko pa rin kayo. May gusto ka pa ba sabihin bago kita patayin?" tugon nito sabay upo sa harapan ni Zera

Walang-awa nitong pinagkakalmot si Zera gamit ang matatalas niyang kuko habang tumatawa. Tinakpan ni Zera ang kanyang tiyan.

"Sabi nila masarap daw kumain ng mga bata na nasa sinapupunan pa lang. Parang gusto ko subukan. Ano kaya lasa ng anak mo?" nakangising sabi nito.

"Wag! Patayin mo na lang ako," sigaw ni Zera habang pilit na inaalis ni Samael ang kamay niya.

"Mas masaya kung makikita kitang nanonood habang kinakain ko ang anak mo," tawa nito habang pilit pa rin inaalis ang kamay ni Zera. Natigilan lamang ito nang may tumamang apoy sa likod nito.

"Zeque, ano napadaan ka yata? Nandito ka ba para makita ang pagpatay ko sa kakambal mo?" nang-aasar na sabi ni Samael.

"Z--zeque..." sambit ni Zera habang nanghihina ito. Umubo ito bigla ng dugo.

"Zera!" nag-aalalang sabi ni Zeque. Lalapit na sana ito dito subalit hinarangan siya ni Samael.

"Mamatay na rin naman siya. Bakit hindi na lang natin ituloy ang nahinto nating laban?" sabi nito kay Samael.

"Wala ako oras para makipaglaro sayo," inis na sabi ni Zeque sabay iwas ng mabilis kay Samael.  Para itong hangin dahil sa sobrang bilis niyang kumilos.

"Ze..que... Ilig...tas mo ang a...nak ko..." sambit ni Zera bago ito mawalan ng buhay.

"Zera, gumising ka! Zera!" sigaw ni Zeque.

"Kamusta ang tulog mo?" tanong ko sa akin ni Zeque pagkagising ko.

"Ano yung pinakita mo sa akin? Totoo ba ang lahat na yun? O ginagamit mo lang si Zera?" tanong ko habang tumatakbo sa isip ko yung nakita ko. Baka imbento lamang ni Zeque ang lahat dahil alam niya na makakaapekto iyon sa nararamdaman ko kay Erie.

"Bakit hindi si Zera ang tanungin mo?" tugon nito kaya hindi na ako nagsayang ng oras para kausapin siya. Mas mabuti pa nga na si Zera ang tanungin ko.

"Zera!"

Sa sobrang kakamadali ko hindi ko na nagawang kumatok sa pinto. Mabuti na lang hindi ito nakalock. Kumalma ako bigla nang makita ko siyang natutulog. Napatitig na lamang ako sa maamo niyang mukha.

"Ano kailangan mo?" tanong niya habang nakapikit.

"Si Samael ba talaga ang ama ng anak mo?" diretsong tanong ko. Bigla ito napabangon.

"Bakit mo tinatanong?"

"Sagutin mo na lang ang tanong ko."

"May sinabi ba sayo si Zeque?"

"Ako ba ang ama ng isinilang mo?"

"Nanaginip pa yata ako," aniya sabay higa at takip ng kumot. Napabuntong hininga na lang ako dahil alam ko wala siyang balak magsabi. Matagal kami natahimik. Kahit ayaw niya ako pansinin hindi pa rin ako umalis sa kwarto niya.

"Anong pangalan ng anak mo?" tanong ko.

"Zero," tugon niya at muli nanaman kami natahimik hanggang sa sunod-sunod na pagsabog ang narinig namin. Agad na napatayo si Zera at tumakbo upang tignan ang nangyayari.

Erie's POV

Wala ako masabi pagkatapos ko makita lahat. Pati yung bagay na ginawa niya kay Persephone noong makipaghiwalay ito sa kanya para sumama kay Samael. Yung ginagawa niya kay Persephone katulad din ng ginawa niya sa akin noon sa isla, ang kaibahan lang dala ng galit yung sa kanya.

"Hindi ka ba natatakot sa akin?" tanong ni Zeque habang nakayakap sa akin.

"Hindi."

"Hindi ako kasing bait ng iniisip mo. Nakita mo naman lahat diba? Pati yung ginawa ko kay Persephone."

"Nakaraan na yun. Ilang taon na ang lumipas. Iba ka na ngayon."

"Kung ganun pwede mo ba sagutin ang tanong ko?"

Bumitaw siya sa pagkakayakap saka ako tinignan sa mga mata habang seryoso ang mukha.

"Eh? Ano ba tanong mo?" tanong ko. Oo nga pala. May usapan kami na sasagutin ko yung tanong pagkatapos ko makita lahat.

"Erie, alam ko na hindi ito ang oras para dito. Pero bago man dumating ang araw na pagsalakay ni Samael sa Outlandish at sa ibang mundo, gusto ko muna maging makasirili kahit sandali. Gusto ko sumaya kasama ka habang nandito tayo, nagtatago. Erelah Gail Sanchez, will you be my wife?"

"Wife?! Niyaya mo ba ako magpakasal?" gulat na tanong ko. Hindi ko inaasahan na yun itatanong ko. Saka masyado pa ako bata para magpakasal.

"Oo. Ano na sagot mo? Yes or No?" tanong niya.

"Pwedeng pag-isipan ko muna?"

"Okay."

"Zeque, ano ginagawa mo?" tanong ko. Paano ba naman tinulak niya ako bigla pahiga ng kama saka halik sa pisngi ko.

"Wag mo ko pansinin. Habang hinihintay ko ang sagot mo, hayaan mong gawin ko ito. Ayoko sa lahat yung naghihintay ng walang ginagawa," bulong niya sa tenga ko sabay kagat dito.

"Tumigil ka muna. Paano ako makakapag-isip ng maayos niyan," tulak ko sa kanya pero hinawakan lang ang kamay ko para pigilan. Bumaba ang halik niya sa leeg ko.

"Kung hindi ka mag-iisip ngayon, baka hindi ko na mapigilan ang sarili ko. Titigil lang ako kapag sinagot mo ang tanong," aniya sabay tuloy sa ginagawa niya. Pababa ang halik niya. Konti na lang nasa dibdib ko na siya.

"Oo na! Yes ang sagot ko. Tumigil ka na," sigaw ko nang maramdaman ko ang kamay niya sa likod ko.

"Nakapag-isip ka na? Ang bilis naman? Sayang naman," aniya habang hindi pa rin umaalis sa ibabaw ko. Tinignan ko siya ng kasama.

"Wala ka talaga balak maghintay. Ginawa mo yun para sumagot ako agad."

"Hindi ko alam sinasabi mo. Ano ba ginagawa ko sayo?"

"Zeque! Manyak ka!" sigaw ko  sa kanya. Hawakan pa naman niya dibdib ko.

Agad siya napatayo habang ako gigil na gigil. Hindi ko na alam kung ano nangyari basta namalayan ko na lang sarili ko na hinahagisan si Zeque nang kulay puting liwanag na korteng bilog na nagmumula sa kamay ko.

"Congrats! Napalabas mo ang kapangyarihan mo," aniya habang iniiwasan yung mga binabato ko sayo.

"Ano nangyayari? Ano yung sumabog? Inaatake ba tayo ng kalaban?" natatarantang tanong ni Thea. Natigilan ako sa ginagawa ko sabay tingin sa mga pader na nasira ko dahil sa kapangyarihan ko. Bawat iwas kasi ni Zeque, tumatama sa paligid yung mga binabato ko.

"Ano ginagawa niyong dalawa?" tanong ni Zera.

"May balak ba kayong sirain yung kastilyo? komento ni Jiro na kasunod na dumating ni Zera. Napatingin ito sa mga nagcrack na pader at kisame.

"Kamusta pag-uusap niyo?" tanong ni Zeque sa kanila na parang walang nangyari.

"Sabi na nga ba ikaw nagsabi sa kanya ng totoo! Bakit mo sa kanya sinabi?" turo sa kanya ni Zera.

"Wala ako sinabi. Pinakita ko lang sa kanya yung totoo," tugon ni Zeque.

"Parehas lang yun. Nalaman niya din yung totoo." inis na sabi ni Zera.

"I see. Wala ka talaga balak sabihin sa akin na anak ko yung isinilang mo noon. Nagsinungaling ka pa na anak niyo ni Samael ang batang yun," singit ni Jiro.  Ano ba pinag-uusapan nila?

Itutuloy...


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro