CHAPTER 29: DEAD END
CHAPTER 29: DEAD END
Eries's POV
"Dead End," sambit ni Zeque nang nakarating kami sa dulo.
Biglang gumalaw ang kinatatayuan namin na akala mo lumilindol at isang malakas na tunog ang gumulat sa amin. Pagtingin namin sa paligid wala na kaming madaanan pagkatapos nagsara yung daanan.
"Ano nangyayari? Bakit nagsara? Zeque?" kinakabahang tanong ko. Hinila niya ako saka niyakap.
"Sorry. Hindi kita nailabas dito," bulong niya. Pagkasabi niya nun bigla kaming nahulog sa isang black hole sa kinatatayuan namin. Para kaming hinihigop nito.
Naramdaman ko ang mahigpit na yakap ni Zeque kasabay ng mabilis na tibok ng puso niya. Siguro katulad ko kinakabahan din siya at natatakot sa kahahantungan namin.
"Aaahh," sambit ni Zeque nang bumagsak kami. Pahiga kasi siyamg bumagsak habang ako nasa ibabaw niya. Tumayo ako agad para tulungan siya.
"Sorry. Ayos ka lang?"
"Yeah. Medyo masakit lang yung likod ko dahil sa pagkakabagsak ko," tugon niya saka umupo.
"Nasaan ba ta--" nanlaki ang mata ko nang makita ang mga nagkalat na buto. Napatakip ako ng ilong at bibig dahil sa mabahong amoy.
"Nasa Necropolis tayo. Ngayon alam ko na. Kaya pala hindi na nakakalabas ang iba dahil dito napupunta ang mga hindi natagumpay makalabas sa maze," tugon niya.
"Ibig sabihin hindi na rin tayo makakaalis dito?" tanong ko.
"Makakaalis tayo dito. Kung hindi nila tayo mapapatay," turo nito sa mga zombie at kalansay na nakapaligid sa amin. Hinila niya ako bigla saka tumakbo.
"Anong klaseng lugar ba ito??" tanong ko.
"Lugar ng mga patay na nilalang."
"Paano tayo aalis dito?" tanong ko.
"Kailangan natin tumalon sa dagat pero malayo pa tatakbuhin natin bago tayo makarating sa dulo ng isla," sagot niya.
Napahinto kami pareho nang matanaw namin na may palapit pa sa amin.
"Napapalibutan na nila tayo. Ano na gagawin natin?"
Palapit na palapit na sila sa amin. Napasigaw na ako nang makitang meron din sa taas.
"Aaahhh!" sigaw ko sabay upo at hawak sa ulo. Pero makalipas ang ilang segundo wala pa rin nangyayari. Pag-angat ko ng ulo napansin ko ang kulay dilaw na nakapalibot sa amin. Katulad ito ng isang barrier na pumipigil sa mga gustong lumapit sa amin.
"Ligtas tayo. Salamat Zeque," pagpapasalamat ko sa kanya.
"Bakit ka sa akin nagpapasalamat? Ako dapat magpasalamat sayo. Ikaw ang may gawa niyan hindi ikaw. Nakalimutan ko na wala na pala tayo sa maze kaya pwede na natin gamitin kapangyarihan natin dito," aniya sabay hawak sa batok.
"Ako may gawa nito?" tanong ko.
"Kapangyarihan mo yan mula sa singsing."
Doon ko lang napansin na umiilaw pala singsing ko. Biglang nawala ang ilaw ng singsing ko at pati na rin ang barrier na nagpuprotekta sa amin.
"Siyet!" sambit ni Zeque sabay hila sa akin at buhat. Sinipa niya ang humarang sa amin bago ito tumalon ng mataas para tumakas. Nang tumapat siya sa pulang buwan doon ko nakita ang pulang mata niya.
"Bakit tayo tumatakbo? Akala ko ba pwede natin gamitin kapangyarihan natin dito?" tanong ko. Pwede naman kasi sila labanan eh.
"Pwede nga pero oras na lumabas ang pulang buwan, hindi na natin magagamit ang kapangyarihan natin. Idagdag pa na lalo silang lumalakas."
Tumigil siya pagtakbo. Pagtingin ko sa harap namin nasa tabi na kami ng dagat.
"Wag mo sabihing tatalon nga tayo diyan?" tanong ko. Ningitian niya lang ako bago ginawa ang binabalak niya.
"Waahh! Ang lamig," sambit ko sabay yakap sa kanya.
"Ligtas na tayo," aniya habang nakatingin sa humahabol sa amin na kasalukuyang nalulunod dahil sa pagsunod sa amin.
"Marunong ka ba lumangoy?" tanong ni Zeque.
"Oo naman."
"Humanda ka na. Lalangoy tayo hanggang doon sa maliit na isla na yun. Doon tayo magpapalipas ng gabi habang hindi pa natin nagagamit kapangyarihan natin."
Tinanguan ko siya bilang tugon. Kaya katulad ng sinabi niya lumangoy kami papunta doon kahit na malamig. Pag-ahon namin ginaw na ginaw ako. Niyakap na lang ang aking sarili para lang mabawasan yung lamig.
"Kung ako sayo tanggalin mo na muna yang damit mo bago ka pa magkasakit," sabi ni Zeque habang pinipiga yung t-shirt niya na tinanggal niya. Napaiwas na lang ako ng tingin sa kanya.
"Ayos lang ako," tugon ko habang namumula.
"Sigurado ka? Nanginginig ka na oh."
"Basta ayoko."
May naramdaman akong bumagsak sa ulo ko. Nang kunin ko ito nakita ko na damit iyon ni Zeque.
"Suotin mo na muna yan para mapiga mo yung damit mo. Maghahanap lang ako ng kahoy para makapagsindi tayo ng apoy," sabi niya. Paglingon ko sa kanya naglalakad na siya palayo.
Sinunod ko yung
Sinabi niya bago pa siya bumalik. Sinuot ko yung damit niya saka piniga yung tinanggal ko. Pagkapiga ko sinuot ko din ito ulit para maibalik ko kay Zeque yung damit. Kahit papaano nabawasan yung lamig dahil na ito basang-basa tulad kanina.
"Oh! Salamat," sabi ko sa kanya sabay balik ng damit niya. Inaayos ko yung mga kahoy na kinuha niya habang sinusuot niya yung damit niya. Siya naman ang gumawa ng paraan para gumawa ng apoy dahil mano-mano yung ginagawa niya. Wala naman kasi kami posporo saka hindi din niya magamit kapangyarihan niya dahil sa pulang buwan.
"Buti alam mo yung ganyan, kahit na may kapangyarihan ka naman para gumawa ng sariling apoy," komento ko.
"Natuto ako nito noong tumira ako sa mortal world," paliwanag niya.
"Ayan! May apoy na," masayang sabi ko. Sinindiha na niya yung mga kahoy na kinuha niya saka kami doon tumapat.
"Zeque, bakit nga pala pula ang buwan dito?" tanong ko.
"Dahil yan sa magic spell na ginagawa ng isang witch noon," tugon niya.
"Kanina pa ako napapaisip. Nasa mortal world pa rin ba tayo?" nagtatakang tanong ko.
"No. Nasa Outlandish na tayo."
"Ganito pala sa mundo niyo. Mas nakakatakot."
Natawa niya sa sinabi ko.
"Masasanay ka din. Marami kasi kakaibang nilalang sa mundong ito pero kahit ganun masasabi ko na ito ang pinakamagandang mundo. Kapag alam mo na gamitin kapangyarihan mo, ipapasyal kita dito. Dadalhin kita sa magagandang lugar," nakangiting sabi niya.
"Gusto ko makapunta sa lugar kung saan ka pinanganak at lumaki," sabi ko sa kanya. Gusto ko pa kasi siya mas makilala
"Kahit na madala kita doon, iba na itsura nun. Gusto mo pa rin ba pumunta doon?"
"Oo nga pala. Matagal ka na nabubuhay sa mundong ito. Sigurado malaki na ang pinagbago ng mundong ito katulad sa mortal world. Interesado pa naman ako malaman ang tungkol sa mundo niyo," sabi ko.
"Pwede ka mag-aral sa Black Academy kung gusto mo. Pero hindi mahihirapan ka pa sa ngayon."
"Kapag ba natuto ako kontrolin kapangyarihan ko, pwede na ako sa Black Academy?" tanong ko. Tinanguan niya ako bilang tugon.
"Kung ganun gagalingan ko para lumakas ako. Para hindi na din ako maging pabigat sa inyo. Gusto ko din tumulong sa inyo," sambit ko. Sana kapag dumating ang oras na malakas ako, magustuhan mo na din ako Zeque.
Natigilan ako nang mapansin ang kakaibang kilos ni Zeque. Pinapawisan kasi siya habang nakahawak ng mahigpit sa bandang dibdib.
"Zeque, ayos ka lang?" nag-aalalang tanong ko.
"Erie, kung sakaling mag-iba ako bigla pwede bang layuan mo muna ako. Hindi ko na kayang pigilan ang kapangyarihan ng pulang buwan," aniya bigla siya napayuko.
"Hindi ko maintindihan. Bakit? Ano ba nangyayari sayo?" tanong ko.
"Hindi lang basta nawawalan ng kapangyarihan ang mga wizard dahil sa pulang buwan. Nawawalan din ng control sa sarili ang mga werewolf at vampire. Erie, alam mo naman na hindi lang ako basta wizard," paliwanag niya. Napasigaw siya bigla habang nagbabago anyo niya. Lumaki katawan niya, nagkaroon ng balahibo, buntot at mahahabang kuko. Nabago ang itsura niya. Naging isang werewolf na may pulang mata.
"Z-zeque?" kinakabahang tanong. Tinignan ako nito ng masama. Saka ito lundag papunta sa akin. Hindi ko na nagawang makatakbo dahil sa pagkabigla.
Napahiga ako habang nasa ibabaw ko siya. Parang gusto niya ako kainin ng buhay. Sumigaw pa ito habang nakatingin sa langit. Dahan-dahan ako gumalaw para makaalis.
"Aaahhhh!" sigaw ko nang pigilan niya ako gamit ang kamay niya na may matalim na kuko. Pinanghawak niya ito sa bandang balikat ko. Bumaon na nga yung kuko niya dahil sa sobrang higpit ng pagkakahawak niya. Inangat niya ang isa niya pa kamay para kalmutin ako.
"WAG!" sigaw ko sabay pikit. Nagulat ako nang muli itong sumigaw. Pagkatingin ko nakahawak ito sa ulo niya.
"E-erie, please tumakbo ka na," rinig kong sabi ni Zeque. Sinusubukan niya siguro pigilan ang sarili niya na mawalan ng control.
Pinilit kong tumayo para tumakbo. Pero maliit lang itong isla para makatago ako kaya sa huli naabutan niya din ako. Bigla ito sumulpot sa gilid ko at malakas akong tinulak. Tumama ako sa puno saka napaupo. Sinubukan niya ako kalmutin ngunit nakayuko kaya yung puno ang tinamaan niya. Gumapang ako para makaalis sa pwesto ko saka muling tumakbo.
Naging mabagal na ang kilos ko dahil sa pagod at sakit ng katawan ko. Kanina pa kasi ako nakikipagtakbuhan sa kanya.
"Hindi ko na kaya," napaluhod na ako dahil sa pagod.
"Dugo," napaangat ako ng ulo nang marinig ko ang isang tinig. Bumungad sa akin ang bampirang anyo ni Zeque. Medyo malayo pa ito sa akin. Dumila ito sa labi niya saka ngumiti bago tumakbo palapit sa akin.
"Bampira naman ngayon," reklamo ko sabay tayo para tumakas. Pero sobrang bilis niya. Naabutan niya agad ako.
Sinakal niya ako habang tinutulak hanggang sa mapasandal ako sa puno.
"Bitawan mo ko!" sambit ko habang hinahampas yung kamay niya na sumasakal sa akin. Bigla niya ako sinampal sabay sabunot sa akin.
"Zeque! Tama na," pakiusap ko kahit na alam kong wala siya sarili dahil sa pulang buwan.
Tinulak niya ako sa lupa saka kinagat habang hawak-hawak ang dalawang kamay ko. Akala ko nga nung una sisipsipin lang niya ang dugo pero nagkamali ako. Pinunit niya ang damit ko at inumpisahang halikan.
Itutuloy...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro