Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 28: UNDERGROUND MAZE

CHAPTER 26: UNDERGROUND MAZE

Zeque's POV

"Siya pa lang nakikita niyo," sambit ko habang tinitignan ang batang kasama nila.

"Ikaw po ba yung master ko?" tanong niya sa akin.

"Hindi ako. Siya," turo ko kay Crystal. Lumapit ito kay Crystal para kausapin.

"Hindi kaya bihag na ni Samael ang ibang dragon," sambit ni Shiro. Naisip ko na din yun. Alam nilang mas lalakas kami oras na makasama namin ang mga dragon.

"Wag naman sana," tugon ni Zaira.

"Imposible yan. Sigurado akong papatayin sila agad ni Samael kapag nahuli sila," sabi ko.

"Bukas, babalik ulit kami sa mundo ng mga tao para hanapin sila," sabi sa akin ni Homura.

"Nakita niyo ba si Erie?" tanong sa amin ni Jiro.

"Diba kasama mo siya?" pabalik na tanong ko.

"Oo pero nagpaalam siya sa akin na may kukunin lang daw siya dito," tugon nito.

"Nakita namin siya kanina. Binuksan niya yung daan papuntang mortal world. Diba Peirs?" sabi ni Finn.

"Oo. Nagtunggo siya sa mortal world. Hindi ba siya nagsabi sa inyo?" tugon ni Peirs.

"Hindi, sige salamat susundan ko na lang siya" sagot ni Jiro sabay alis.

"Maiwan ko na muna kayo," paalam ko bago sinundan si Jiro.

"Wag mo sabihin na sasama ka?" tanong ni Jiro.

"Oo. Bakit masama?"

"Kaya ko naman mag-isa."

"Bakit hindi na lang tayo magpaunahan na makakita sa kanya?" nakangising sabi ko.

"Mukhang masaya yan," nakangising sagot nito.

"Kung sino manalo sa kanya si Erie," sabi ko dahilan para wala ang pagkangisi niya.

"Wag mong sabihing..." aniya habang nakatingin sa akin ng seryoso. Kahit hindi niya tinapos sasabihin niya alam ko naman yung kadugtong.

"Paano kung sabihin kong oo?"

Bigla niya ako kiniwelyuhan habang galit na tinignan.

"Siguraduhin mo lang na totoo yang nararamdaman mo. Tandaan mo hindi siya si Persephone," sambit niya bago ako bitawan at sumang-ayon sa sinabi ko.

Sabay kami nagtungo sa mortal world pero naghiwalay din agad para hanapin si Erie.

"Mauna na ako," paalam ni Jiro bago lumipad.

Naisip ko pumunta muna sa bahay para tignan ang kwarto ni Erie. Gumawa ako ng portal patunggo doon. Nagtingin-tingin ako sa gamit ni Erie. Baka may makita akong clue kung nasaan si Erie.

Napatingin ako sa kalendaryo ni Erie. Nakabilog kasi doon yung date ngayon pero walang nakalagay kung anong meron.

"Ngayon ang araw na namatay Papa niya. Dito ka din pala pupunta," sabi bigla ni Jiro habang nakatayo sa may tapat ng bintana.

"Bakit mo sa akin sinasabi yan?"

"Gusto ko lang patunayan sayo na mas marami akong alam tungkol kay Erie. Saka kahit na sabihin ko sayo, hindi mo naman alam kung saan nakalibing yung papa nita. Paano ba yan? Unahan na lang," paliwanag niya bago lumabas sa bintana.

"Ano naman ngayon kung hindi ko alam? Makikita ko din yun. Ako mauuna sa kanya," sabi saka gumawa ng paro-paro gamit ang kapangyarihan ko.

"Sundan niyo si Jiro," utos ko sa kanila saka pinalipad sa bintana. Habang hinihintay kong bumalik ang mga paru-parong ginawa ko, nagpunta muna ako sa mga sementeryo na malapit dito.

Hindi ko man lang nakita si Erie or kahit yung puntod ng Papa niya.

"Zeque, Ikaw ba yan?" napatingin ako sa isang babae. Kundi ako nagkakamali kaklase namin siya ni Erie.

"Yeah. Alam mo ba kung saan nakalibing Papa ni Erie?" tanong ko sa kanya.

******

Erie's POV

"Pasok muna ako saglit. May kukunin lang ako," paalam ko kay Jiro. Pero ang totoo balak ko talagang pumunta sa mortal world para dalawin si Papa. Gusto ko munang mapag-isa kasama niya.

Pagdating ko sa mortal world, bumili muna ako ng bulaklak saka ako nagtunggo sa sementeryo.

"Papa, sorry kung gabi na po ako nakadalaw sayo," umpisa ko. Pinagsindi ko siya ng kandila saka siya pinagdasal. Pagkatapos ko magdasal hindi na ako tumabay doon dahil kung ano-ano nakikita ko.

"Pa, alis na po ako. Alam niyo naman po hindi ako nakakatagal sa lugar na ganito dahil marami akong kaluluwang nakikita," paalam ko saka nag-umpisang maglakad.

"Bulaga!"

"Ahhhh!" sigaw ko nang may manggulat sa akin na multo. Napaatras ako bigla dahil sa takot at nagulat na lang ako nang lumubog yung inapakan ko.

"Waahhhhhh!" sigaw ko muli nang mahulog ako mula doon. Bumagsak ako sa tubig. Mabuti na lang marunong ako lumangoy. Mabuti na lang din may tutuntungan ako sa gilid. Tumingin ako sa taas para tignan yung butas na hinulugan ko pero wala ako nakitang butas.

Sinubukan ko ilabas yung magic staff na bigay sa akin pero hindi ko ito mailabas.

"Ano nangyayari? Bakit ayaw?" tanong ko sa aking sarili. Nag-umpisa na ako kabahan dahil ayun lang makakatulong sa akin para makalabas.

"Kainis naman oh! Paano na ako makakalabas nito?" sambit ko. Tumingin ako sa taas pero wala talaga bukas. Hindi ko naman alam kung makakalabas ba ako kapag sinundan ko ang ang agos ng tubig.

"Tulong! Tulungan niyo ko!" sigaw ko baka sakaling may makarinig.

Napayuko na lang ako sa tuhod ko. Pinag-iisipan ko kung susundan ko ba yung agos ng tubig. Hanggang sa naiyak na lang ako dahil sa takot na hindi na ako makalabas dito.

"Bakit ba may ganito sa sementeryo? Ano na gagawin ko? Mama! Papa! Tulungan niyo ko. Akala ko ba anak ng deity? Bakit nangyayari ito kung anak nga talaga ako? Bakit ang malas ko?" iyak na sabi ko dahil sa inis at takot.

Natigil lang ako sa pag-iyak nang may marinig akong bumagsak sa tubig.

"Erie," aniya nang magkatinginan kami.

"Zeque!" sambit ko sabay baba sa tubig para yakapin siya dahil sa tuwa na may kasama na ako.

"Ano ginagawa mo dito? Wag mo sabihing nahulog ka din?" tanong niya.

"Ako dapat magtanong sayo niyan. Ano ginagawa mo dito?"

"Hinahanap ka kita nang mahulog ako dito."

"Alam mo ba kung paano tayo makakalabas dito?" tanong ko.

"Portal. Sandali lang," aniya sabay taas ng kamay pero walang nangyari.

"May problema ba?"

"Weird. Hindi ko magamit kapangyarihan ko."

"Ano? Paano na tayo makakaalis nito?"

"Wala tayo magagawa kundi dumiretso hanggang sa makakita tayo ng labasan," aniya. Umahon kami sa tubig saka naglakad sa gilid sa pangunguna niya. Napayakap ako sa sarili nang ginawin ako bigla. Pero si Zeque parang wala lang sa kanya yung lamig.

Napahinto kami sa paglalakad nang bumungad sa amin ang isang malaking pinto at sa gilid nito may nakalagay na 'Punishment Maze.'

"Ito pala yung Punishment maze na sinasabi nila. Hindi ko akalain na sa mortal world pala ito makikita," sabi ni Zeque.

"Alam mo ito?"

"Oo. Dito pinapadala yung mga wizard na pinaparusahan dahil sa maling paggamit ng magic. Kailangan makalabas sa maze na nang hindi gumagamit ng magic."

"Ibig mong sabihin ginawa ito para sa kanila pero bakit tayo nahulog?" tanong ko.

"Matagal na itong hindi ginagamit. Kaya wala ng nagbabantay sa daanan. Ang pinakatatakahan ko lang kung bakit ka nahulog dito. Hindi ka naman wizard," tugon niya.

"Alam mo ba kung ano na sa likod nito?"

"Wala ako idea. Pero sabi nila nakakamatay daw talaga ang lugar na ito. Kadalasan isa sa sampu na lang ang nakakalabas."

Napalunok ako bigla dahil sa sinabi niya.

"Kailangan ba talaga natin pumasok sa loob?" kinakabahang tanong ko. Humarap siya sa akin saka hinawakan ang kamay ko.

"Wag ka mag-aalala hindi kita pababayaan. Sabay tayong  makalabas dito."

Tinanguan ko siya bilang tugon dahil wala na ako masabi. Hindi ko inaasahang hahawakan niya kamay ko. Binuksan na niya ang pinto at sabay kami pumasok. Nagulat pa nga ako nang biglang sumara yung pinto.

Katulad sa ibang mga maze ganun na ganun ang itsura nila. May nagsisitaasang pader at nakakalitong daanan. Tatlo ang pasukan at kailangan namin mamimili kung saan kami papasok.

"Sa gitna tayo," aniya habang hawak niya kamay  ko.  Naglakad kami papasok sa loob. At nakakailang hakbang pa lang kami nang biglang may magma na lumabas mula sa ibaba paitaas. Kamuntik na kami matamaan mabuti na lang nakaatras kundi sunog kami.

"Jusko!" sambit ko. Hinintay muna namin ito mawala bago kami dumaan.

"Tara na!" aniya nang matapos ito at naging lava yung daanan kung saan may mga bato-bato na lumulutang para apakan namin.

"Wait! Totoo ba yan? O Illusion lang?" tanong ko.

"Totoo yan."

"Ayoko na dumaan diyan. Lipat na lang tayo."

"Kung pwede lang kanina pa kita niyaya. Wala tayong choice kundi diretsuhin itong daang napili natin kaya tara na. Akong bahala sayo."

Bigla niya ako binuhat saka siya dumaan sa mga bato. Mabilis siya nagpalipat-lipat  dahil lumlubog ito tuwing naapakan niya. Nang makalampas kami, pareho kami nakahinga ng maluwag.

"Salamat," pagpapasalamat ko.

Hinawakan niya ulit kamay ko saka muling naglakad. Kanan at kaliwa naman ngayon ang daanan. Sa kanan kami dumaan kung saan pababa ang daanan. Akala ko nga simpleng daan lang yun pero nagulat kami nang may malaking batong bumagsak sa likod namin at nag pagulong - gulong pababa. Napatakbo tuloy kami bigla dahil pareho naming ayaw magulungan. Tumigil lang ang paggulong nang patag na ulit yung daan.

"Nakakapagod. Ilang ganun ba kailangan natin lampasan?" tanong ko.

"Hindi ko alam. Basta hanggang sa makalabas tayo kailangan natin malampasan lahat. Bilisan na natin."

Hinayaan ko na lang si Zeque na magdecide nang dadaanan namin. Ang dami nga namin pinagdaanan. Meron doon may parang pond na may crocodile tapos makakatawid lang kami doon sa pamamagitan ng tula paghawak sa mga tali na nakabitin sa taas. Kamuntik pa nga ako mahulog mabuti na lang nahawakan ako ni Zeque. Kung wala talaga siya dito baka patay na ako.

Itutuloy...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro