Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 27: DUTIES AND RESPONSIBILITIES

CHAPTER 27: DUTIES AND RESPONSIBILITIES

Erie's POV

"Sigurado ka bang kaya mo na? Kakagaling mo lang sa sakit," tanong sa akin ni Jiro. Tumulong na kasi ako sa pagtatanim nila ng mga halaman. Kinuha pa daw iyon ni Zeque sa Outlandish para may maitanim kami dito.

"Ayos na ako. Kahit dito man lang magawa ko yung tungkulin natin bilang deity," tugon ko.

"Basta wag ka masyado magpapagod," aniya na halatang nag-aalala sa akin. Napangiti na lang ako sa sinabi niya. Parang nagkaroon tuloy ako ng instant kuya dahil sa kanya.

"Ang kulit mo naman. Ilang beses ko na ba sasabihin sayo na hindi ganyan," inis na sabi ni Zeque kay Zaira. Tinuturuan niya kasi itong gumamit ng kapangyarihan. Sila yung nagtatanggal ng patay na puno.

"Sorry. Hindi kasi ako sanay sa kapangyarihan ko," sagot ni Zaira.

"Kailan ka pa masasanay? Kapag patay na lahat ng mga tao? Paano mo na lang malalabanan sila Samael. Wala na tayong oras. Nag-uumpisa ng kumilos sila Samael," sermon ni Zeque.

"Ano ibig mong sabihin?" singit ni Jiro sabay lapit sa kanila. Ako na naman tumigil sa ginagawa ko.

"Sobrang gulo na ngayon sa Outlandish nung nagpunta ako. Ginagawa na nila lahat para lang labanan yung mga demon na na nanggugulo doon," sabi ni Zeque.

"Kung nakakagulo na pala doon. Ano pa ginagawa natin dito?" tanong ni Gin.

"No. Kailangan niyo mapalakas at hindi tayo aalis dito hanggang walang improvement sa inyo at sa mga guardian," tugon ni Zeque.

"Kaya ba hindi mo na kasama sila Kuya Paris nung bumalik ka dito dahil doon?" tanong ni Zaira.

"Oo. Nagpaiwan na sila doon para tumulong sa Mama mo. Kaya bilisan mo ng magsanay para makatulong na tayo sa magulang mo. Basic pa lang pinapagawa ko sayo. Hindi mo pa magawa ng maayos" tugon ni Zeque.

"Nasaan na nga pala yung mga alaga niyo?" pansin ko nang hindi ko nakikita si Shiro.

"Sinamahan nila si Homura na hanapin yung ibang dragon," tugon ni Crystal.

"Ah! Ayos lang ba yun na sila-sila lang?" tanong ko.

"Kaya na nila yun. May mga kapangyarihan naman sila kaya kaya nila labanan ang demon kung sakali," tugon ni Zeque.

"Paano nga pala si Tyler?" tanong ni Gin. Nawala nanaman kasi si Tyler kinabukas pagkatapos niya maibalik sa katawan niya. Sigurado kasama nanaman niya yung tinatawag nilang Alyza.

"Kung mag-isa siyang pumoprotekta kay Alyza, siguro naman matututo din siya sa kapangyarihan niya. Kaya kayo seryoshin niyo yung pinapagawa ko sa inyo. Bumalik na kayo sa ginagawa niyo" sambit ni Zeque. Kaya nagsibalikan na sila mga kanya-kanyang ginawa. Lumingon sa akin si Zeque.

"Usap muna tayo saglit," aniya sabay hila sa akin palayo sa mga kasamahan namin. Sumunod naman sa amin si Jiro.

"Ano pag-uusapan natin?" tanong ko.

"Wala ka bang balak bumalik sa mortal world para ituloy yung pag-aaral mo?" tanong sa akin ni Zeque.

"Para saan pa yung pag-aaral ko kung ito nakatadhana sa akin?" tugon ko.

"Ayaw mo ba mamuhay ng normal tulad dati?" tanong niya.

"Zeque, tinanggap ko yung pagiging Deity. Tingin mo ba makakapamuhay pa ako ng normal?"

"Pwede naman. Kung gugustuhin mo," pangkukumbinsi niya sa akin.

"No. Dito na lang ako. Wala din naman ako babalikan sa mundo ng mga mortal," sagot ko.

"Ikaw bahala. Kung ayan gusto mo," sabi niya sa akin sabay lingon kay Jiro. "Dapat yata sanayin mo na din siya kung paano magagamit kapangyarihan niya."

Oo nga pala. May kapangyarihan daw ako katulad sa goddess of peace pero hanggang ngayon hindi ko pa rin nakikita kung anong klaseng kapangyarihan yun.

"Ako na bahala sa kanya," tugon ni Jiro sabay akbay sa akin. Nagtitigan silang dalawa.

"Dapat lang. Ayun naman trabaho mo," sabi ni Zeque bago bumalik kila Zaira.

"Matagal na ako napapaisip. Ano ba meron kay Zeque para magustuhan niyong dalawa ni Persephone?" tanong sa akin ni Jiro.

"Mabait siya," sagot ko.

"Mabait? Siguro nga iba na siya ngayon. Pero kapag nakilala mo ang si Zeque noon hindi mo siya matatawag na mabait."

"Bakit? Ano ba siya noon?"

"Matalik na magkaibigan sila ni Samael noon. Lagi silang magkasamang gumagawa ng masama. Pero nagbago siya simula nung nakilala niya si Persephone. Pareho silang nagkagusto ni Samael sa kanya. Kita mo naman siguro yung resulta?"

Hindi makapaniwala sa sinabi niya. Kung titignan si Zeque ngayon, ibang-iba siya sa. Mukha siyang hindi gumagawa ng masama. Siguro nga malaki ang pinagbago niya dahil kay Persephone. Wala talaga ako panama sa kanya.

"Mamahalin mo pa kaya siya kung nakilala mo ang dating Zeque?"

"Hindi ko alam."

"Eh ako? Kaya mo bang mahalin?"

"Huh? Wag mong sabihin na..."

"Paano kung ganun nga?" tanong niya sabay lapit sa akin. Napaatras ako bigla dahil sa kaba ko. Parang ayokong marinig yung mga sasabihin niya.

"Wag ka magbiro ng ganyan," sabi ko. Napasandal ako sa patay na malaking puno at doon kinulong niya ako sa pagitan ng mga braso niya.

"Seryoso ako. Erie, mahal na yata kita," aniya habang sobrang lapit ng mukha niya sa akin.

"Ji--" hindi ko natapos yung sasabihin ko nang biglang tumumba yung punong sinasandalan ko. Buti na lang napakapit ako kay Jiro kundi pati ako natumba.

"Bakit mo ginawa yun?" rinig kong tanong ni Zaira kaya napatingin kami sa kanya. Kausap niya si Zeque na kasalukuyang nakatingin sa amin. Walang makikitang expression sa kanya.

"Bakit? Ayun naman ginagawa natin diba? Pinapatumba yung puno," tugon nito saka umalis. Habang naglalakad nga siya nagsisitumbahan yung mga punong nadadaanan niya.

*******

Third Person's POV

Sa isang madilim na kwarto sa kaharian ng mga demon, isang babaeng wizard ang nakakulong dito. Namumuti na ng buhok nito kahit nasa edad 23 pa lamang ito.

"Pahina na daw ang kapangyarihan mo," sambit ni Samael sa babae. Matagal na nila ito bihag dahil sa taglay na kapanyarihan nito na time traveler. Ngunit bawat paggamit ng kapangyarihan nito ay nababawasan ang buhay niya kung saan ang puting buhok nito ang senyales na paubos na ang oras niya sa mundo.

"Ano naman ngayon? Mas maganda nga yun. Para wala na kayo magamit," galit na sabi ng babae.

"Hindi ako makakapayag na mawalan ako ng katulad mo. Kailangan ko ng makakapalit mo bago ka mawala," seryosong sabi ni Samael. Lumapit ito sa babae.

"W-wag ka lalapit. Papatayin ko ang sarili ko kapag lumapit ka," sabi ng babae sabay kuha ng tinatago niyang kapirasong basag ng plato. Tinutok niya ang matulis na bahagi nito sa leeg niya. Alam niya ang binabalak sa kanya ni Samael dahil kaya niya din makita ang hinaharap.

"Hindi mo magagawa yan," nakangising sabi ni Samael sabay gawa ng isang dark whip na humila sa kamay ng babae para malayo ang hawak nito.

Nang mahila siya ni Samael agad niti inagaw ang kapirasong plato at tinapon sa sahig. Hinawakan niya ng mahigpit ang babae saka itinulak sa kama bago pumaibabaw.

"Wag! Maawa ka!" sigaw ng babae habang nagpupumiglas. Sa sobrang inis ni Samael sinampal niya ang babae.

"Manahimik ka. Kung makasigaw ka naman diyan  akala mo gagahasain kita. Kailangan ko lang magdadala ng anak ko na may kapangyarihang katulad sayo," sambit nito. May inilabas itong injection at tinurok ito sa babae upang mabuntis ito.

"Hayop ka! Napakasama mo talaga! Kung ano gawin mo hindi mananalo ang kasamahan. Darating ang panahon na babagsak ang kaharian niyo. Sa ngayon wala pang makakatalo sayo pero oras na isilang ang batang papatay sayo. Matatapos lahat ng kasamahan mo," galit na sabi ng babae.

"At sino naman ang batang yun? Papatayin ko siya bago niya ako mapatay," tugon ni Samael.

"Bakit ko naman sasabihin sayo?"

Muling lumapit si Samael sa babae saka ito sinabunutan para iangat ang mukha.

"Ipapapatay ko lahat ng batang isisilang mula ngayon kung hindi mo sa akin sasabihin," pananakot ni Samael.

"Hindi mo magagawa yan."

"Wala akong hindi kaya. Wag mo ko subukan. Bibigyan kita ng oras para makapag-isip. Wag mo kong subukan lokohin," sabi nito bago iwanan ang babae sa kwarto nito.

"Isa sa anak mo ang papatay sayo. Ikaw mismo ang magdadala sa sarili mo sa kamatayan," bulong ng babae.

Samantala sa mundo ng mortal, isang batang babae na nasa edad limang taong gulang ang pagala-gala. Pinagtitinginan ito ng mga tao dahil sa nag-iisa lamang ito na paikot-ikot.

"Bata, nawawala ka ba?" tanong sa kanya ng isang matandang babae. Nang tignan  siya ng bata natulala ito dahil sa kakaibang kulay mata nito.

Umiling ang bata bilang tugon saka tumuloy sa paglalakad. Nang magkalayo ito sa mga tao ay agad itong nagbago ng anyo. Naging isa iyong dragon na kulay rainbow na katulad sa crystal dahil sa kumikinang ito. Lumipad ito sa kalangitan at nagtungo sa mapunong lugar para magtago.

"Dragon?" turo ni Shiro sa langit nang makita ang dumaang dragon sa langit.

"Si Niji yun," sambit ni Homura saka nagpalit ng anyo para sundan si Niji. Nagpalit din ng anyo sila Shiro para sumunod sa kanila.

Bumaba na si Niji sa nakitang gubat saka muling bumalik sa anyo niya bilang tao.

"Niji!" sigaw ni Homura bago ito bumaba sa lupa.

"Kuya," sambit ng batang babae sabay yakap kay Homura. Umupo si Homura para makatapat  niya ito.

"Bakit mag-isa ka lang? Nasaan na yung iba?" tanong nito sa bata.

"Hindi ko na po alam. Pagkatapos nila ako tulangan makatakas sa mga demon hindi ko na sila nakita," tugon ni Niji.

"Bata pa yung isang dragon?" gulat na sabi ni Tora.

"Oo. Siya si Niji," tugon ni Homura.

"Sino sila?" tanong ni Niji.

"Mga kakampi natin sila. Nakita ko na ang mga wizard na nakatadhanang pagsilbihan natin," tugon ni Homura.

Pagkatapos nila mag-usap, bumalik na sila sa bahay nila Zaira kung saan sila susunduin ni Zeque para makapunta sila sa Xaterrah.

Itutuloy...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro