Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 26: THE NEW DEITIES

CHAPTER 26: THE NEW DEITIES

Erie's POV

"Ikaw ang magsisilbing reyna ng mundong ito habang wala pa sa tamang edad ang anak ko," sabi ni Lord Zaman sa akin. Hindi ko nga alam kung ano itatawag sa kanya dahil ngayon lang ako may nakilalang Deity sa buong buhay ko.

"Po? Ipaumanhin niyo po, hindi ako makakapayag sa gusto niyo. Wala akong kapangyarihan para maging katulad niyo. Isa lamang ako taga-mortal," tugon ko. Bakit naman ako? Mabuti pa kung sila Zeque may power.

"Naiitindihan ko kung ayan ang iniisip mo. Lumaki ka bilang mortal pero hindi ka basta taga-mortal lamang. Anak ka ng dati naming kasamahan na si Serenity at nakuha mo ang kapanyarihan na meron siya."

Lalo ako naguluhan sa sinabi niya. Anak ako ni Serenity? Pero ibang pangalan ang tinuring kong ina.

"May ipapakita ako sayo," sabi pa nito sa akin. Tinaas nito ang tungkod niya at may lumabas na imahe ng dalawang tao. Isa na doon ang aking ama at ang goddess of Peace na tintawag nilang Serenity.

Masaya ang dalawa na nag-uusap. Halatang mahal na mahal nila ang isa-isa habang naglalakad na magkahawak ang kamay. Hindi nga mawala ang mga ngiti sa kanilang labi.

"Kahit anong pigil namin sa kanila, hindi pa rin sila pumayag. Hanggang sa nagbunga ang pagmamahalan nila," pagkukuwento ni Lord Zaman.

Nag-iba ang imahe. May hawak ng sanggol si Serenity habang si Papa nakaakbay dito at nakatingin sa sanggol.

Muling nagbago ang scene. Nakahiga ang sanggol sa isang crib habang lumilindol. Iyak ito ng iyak at sa paligid nito napapalibutan ng puting liwanag.

"Noong bata ka aksidente mong nagamit ang kapanyarihan mo kaya naisipan ng iyong ina na i-seal ang kapangyarihan mo. Doon tuluyang nanghina si Serenity. Nagdesisyon sila na ipaalaga ka sa kaibigan ng iyong ama para makapamuhay ka ng normal habang bata ka pa. At ayun ang kinalakihan mong ina."

"Kaya pala madalas wala si Papa sa bahay," sambit ko. Ngayon naiitindihan ko na kung bakit palaging wala si Papa at hindi sila mukhang mag-asawa ni Mama.

"Ayos ka lang?" tanong sa akin ni Jiro. Tinanguan ko siya bilang tugon.

"Gusto ko muna makapag-isip," sabi ko bago umalis.

Bakit ngayon ko pa nalaman kung kailan wala na sila? Hindi ko man lang nakilala o nakasama yung totoo kong ina. Hindi ko na sila makakausap para maipaliwanag nila kung bakit nila ginawa iyon. Lumaking normal? Kailan naman ako lumaking normal? Bata pa lang ako kung ano-ano na nakikita kong nakakatakot. Normal ba yun? Ang makakita ng nilalang na hindi nakikita ng iba?

"Bulaga!"

"Ay kabayo! Ano pa naman yan Gin," sambit ko matapos ko magulat kay Gin na bigla na lang sumulpot.

"Hahahaha. Matagal-tagal na din nung huling ko ito ginawa," natatawang sabi niya. Iba din trip ng isang ito eh. Pero nakatulong siya sa akin. Medyo gumaan yung pakiramdam ko. Parang nakalimutan ko bigla yung iniisip ko.

"Alam mo ba lumaki din ako sa hindi ko tunay na magulang? Pinaalaga din ako sa iba katulad mo," pagkukwento niya.

"Ano naramdaman mo nung nalaman mo yung totoo?" tanong ko.

"Bata pa lang ako. Alam ko na ampon lang ako kaya nung nakilala ko yung totoo kong magulang napakasaya ko. Sinabi nila sa amin na kaya nila nagawa iyon para sa kaligtasan namin dahil sa pagiging Eternal Child namin. Ganun siguro talaga ang magulang? Gagawin nila ang bagay kahit mahirap para lang sa ikabubuti ng anak nila."

"Siguro nga."

"Maiwan na kita. Hahanapin ko pa si Thea," paalam niya saka ako iniwanan. Pakiramdam ko tuloy sinadya niya akong kausapin para pagaanin yung loob ko.

"Ngumiti ka na," rinig kong sabi ni Jiro. Hinanap ko siya at ayun nakita ko siyang nakaupo sa taas ng patay na puno.

"Kanina ka pa ba diyan?" tanong ko.

"Gusto ko masigurado na ayos ka lang kaya sinundan kita pero hindi muna ako nagpakita sayo para makapag-isip ka. Ayos ka na ba?"

"Oo. Totoo ba na kayo din gagawin nilang tagapangalaga ng tatlong mundo?" tanong ko sa kanya.

"Oo. Kaya wag ka mag-aala sa pagiging Reyna ng Xaterrah. Nandito naman kami para tulungan ka."

"Salamat. Buti na lang talaga nandito din kayo. Hindi ko alam ang gagawin ko kung mag-isa lang ako."

Niyakap niya ako bigla saka bumulong.

"Wag ka mag-aalala. Hindi kita pababayaan," bulong niya na lalong nagpagaan sa nararamdaman ko.

*******

Zeque's POV

"Pinapatawag na kayo sa loob. Ngayon daw tayo babasbasan," sabi ko sa dalawang magkayakap saka sila iniwanan. Bakit ang sweet yata ni Jiro kay Erie? Hindi naman siya ganun.

Pumasok kami sa isang kwarto kung saan may limang paupo. Upuan daw yun ng limang nakakataas na Diety.

"Handa na ba kayo?" tanong sa amin ni Lord Zaman.

"Opo panginoon," sabay na sabi namin sabay upo at yuko. Nakahilera kaming apat.

Apat lang kami kasi yung panglima si Zeus. Pero dahil bata pa ito apat na muna kami ngayon.

"Zaira Athena Fiester, Zeque Poseidon Patterson, Jiro Austin Walker at Erelah Gail Sanchez, mula ngayon pinapasa ko sa inyo ang tungkulin namin bilang Deity," aniya sabay basbas sa amin. Isa-isa niyang sinuot sa amin sinuot ang korona na isa din sa simbolo na Deity kami.

"Ngayon naipasa na namin sa inyo ang tungkuling maiiwanan namin, maari na akong magpahinga," nakangiting sabi niya habang unti-unti siyang nawawala.

"Kayo na bahala kay Zeus. Gusto ko man siya makasama ng matagal pero hanggang dito na lang din ako. Wag kayo mag-aala ginamit ko ang natitirang kapangyarihan ko para i-seal ang kapangyarihan niya. Mawawala lamang iyon sa takdang panahon at nasa tamang edad na siya," sabi naman sa amin ng asawa ni Lord Zaman. Pansin ko na unti-unti din siyang naglalaho. Ganun pala kapag naubusan ng kapangyarihan  ang katulad nila. Maglalaho na lang sila na parang bula.

Nang mawala ito biglang umiyak si Zeus na buhat-buhat ni Erie. Parang alam niyang wala na ang magulang niya.

"Ano gagawin ko?" natarantang tanong ni Erie dahil wala ito alam sa pag-aalaga ng bata.

"Akin na," sabi ni Naomi saka kinuha si Zeus para patahanin ito.

"Hindi ko alam na mawawala sila agad. Kaya pala nagmamadali sila. Hindi ko pa naman alam kung ano una kong gagawin bilang Deity," sambit ni Athena.

"Una, ayusin muna natin ang mundong ito. Kaya pag-aralan mo ng gamitin ang kapangyarihan mo dahil kailangan natin yun," sabi ko sa kanya.

"Yes, sensei! Kailan mo ko tuturuan?" tanong niya sa akin.

"Ngayon na," sabi ko. Lumapit ako doon sa upuan na para sa akin at pinatong doon maliit na parang lamesa sa gilid ang koronang sinuot sa akin. Hindi ako sanay na may suot na ganun kaya iiwan ko na lang ito dito.

Ganun din ginawa nila Jiro. Mukhang pareho kaming ayaw na may suot na ganun sa ulo.

"Sumunod ka sa akin. Crystal, sumama ka na din," sabi ko saka naglakad palabas.

"Kailan tayo babalik sa Outlandish?" tanong ni Crystal sa akin habang naglalakad kami.

"Kapag kaya niyo na harapin ang mga demon. Hindi pa sapat  ang lakas  niya para labanan sila Samael. Kailangan natin ng lugar na pagsasanayan at tama lang ito dahil hindi dito makakapunta si Samael," tugon ko.

"Edi dito na muna tayo titira? Akala ko pa naman makakauwi na ako," reklamo ni Athena. Halatang pagod na siya sa nangyayari. Siguro miss na niya ang buhay niya noon na simple lang at walang pinoproblemang demon.

"Sana matapos na ito," sabi naman ni Crystal.

"Sana nga," pagsang-ayon naman ni Athena.

Hindi ako umimik dahil alam ko na hanggang nabubuhay si Samael hindi ito matatapos. Kailangan ko umisip ng paraan kung paano ko siya mapipigilan kahit na immortal siya.

"Ano ginagawa natin dito?" tanong ni Athena habang nasa harap kami ng patay na gubat.

"Gamitin niyo ang kapangyarihan niyo para patumbahin ang mga patay na puno. Pagalawin niyo ang lupa," utos ko.

Athena ang unang sumubok at sa halip na gumalaw yung lupa nagkaroon ng apoy yung mga puno. Napailing ako sa nakita ko.

"Sorry," aniya sabay peace. Pinatay ko ang apoy gamit ang water element.

"Ikaw naman Crystal," sambit ko.

Tinignan ni Crystal ang lupa saka ito unti-unting gumalaw at hindi ko inaasahan ang sunod na nangyari.

Bigla kaming nahulog sa isang bilog na hukay. Okay na sana kaso yung lupang tinutuntangan namin yung napagalaw niya.

"Sabi ko yung puno yung patumbahin," napahilot ako sa ulo saka pinaangat ang lupang tinatuyuan namin.

"Manood kayo," sabi ko sa kanila saka pinakita yung gagawin. Pinauga ko yung lupa saka ito nagkaroon ng hati sa kinatatayuan ng puno. Gawa ng hati at paggalaw ng lupa natumba yung puno.

"Wow! Paano yun?" tanong ni Athena. Tinignan ko siya ng masama.

"Magconcentrate lang kayo sa pinapagawa ko," sabi ko. Mukhang mahihirapan ako magturo dito sa dalawa. Earth pa lang tinuturo ko nahihirapan na ako. Paano pa kaya sa iba?

"Ulitin niyo," utos ko. Agad sila umayos at sabay na ginawa yung pinapagawa ko.

Yung kay Crystal nagawa niya. Pagdating kay Athena napataas niya lang yung lupa na may puno.

"Bakit ganun? Ayaw sumunod   sa akin ng lupa," reklamo pa niya.

"Hindi mo pa kontrolado ang kapangyarihan mo. Kailangan mo pa magsanay," sabi ko. Hindi kasi siya pinanganak na wizard kaya hindi pa niya alam kontrolin kapangyarihan niya. Kahit na minsan na niya nagamit ang wizard form niya noong nagsanib kami.

"Ano ba yan? Pagsasanay nanaman," reklamo niya.

"Paturo ka sa kuya mo kapag wala ako," sabi ko sa kanya.

"Oo na."

"Pag-aralan mo din kung paano magpalit ng form. Sa ngayon wizard form mo pa lang ang nagagamit mo. Kailangan mo din matutunan gamitin yung ability mo bilang Vampire at Werewolf."

Tinanguan niya ako bilang tugon. Kaya bumalik na ulit kami sa ginagawa namin.

Itutuloy....


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro