Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 25: XATERRAH

CHAPTER 25: XATERRAH

Erie's POV

"Nanaman?" tanong sa akin ni Jiro.

"Noong anim na taong gulang ako, inatake din ako ng demon. Nagkasakit din ako nung panahon na yun at mag-isa lang ako sa bahay dahil si Mama, umalis saglit para bumili ng gamot. Si Papa naman nasa trabaho. Kamuntik na nila ako makain, mabuti na lang may dumating na babae at tinu--" natigilan ako bigla nang maalala ko yung itsura ng babaeng tumulong sa akin. Kamukha siya nung babaeng nakausap ko noon sa panaginip ko at yung babae sa painting noon. Kaya pamilyar pala parang nakita ko na siya dati.

"Erie!" sigaw ni Jiro nang biglang mabasag ang bintana sa kwarto ko. Mabilis niya ako niyakap para proteksyunan sa papasok na demon monster na may malaking bibig at isang mata. Bilog lang ang mukha nito na may buntot at sungay. Para siyang kiti-kiti.

Dahil sa pagharang ni Jiro, nakagat ng demon ang braso niya.

"Jiro yung braso mo," natarantang sabi ko. Sabay alis sa pagkakayakap niya.

"Bitawan mo siya!" sigaw ko sa demon sabay suntok sa malaking mata nito. Pagkatama ng kamay ko dito biglang lumiwanag ang singsing ko. Sa sobrang liwanag napapikit na lang ako.

Pagkadilat ko nasa wala na ako sa kwarto ko.

"Jiro? Zeque? Nasaan kayo?" sigaw ko nang makita kong walang katao-tao sa kinatatayuan ko. Isa lamang itong lupa na may mga lantang halaman at patay na puno ang nakikita ko.

"Jiro! Zeque! Zaira! Ate Naomi! Nasaan kayo?" tawag ko sa kanila habang naglalakad. Natatakot na ako dahil baka mag-isa lang ako sa lugar na ito.

Sa paglalakad ko may nakita ako isang palasyo na napapalibutan ng mga halaman. Tanging sa parteng iyon lamang yung may buhay na halaman sa paligid nito wala kaya pansin-pansin ito. Umakyat ako sa hagdan para makapasok ako sa loob.

"May tao ba diyan?" sigaw ko habang dahan-dahang tinulak ang pinto. Wala ako nakitang kahit tao sa loob. Puro estatwa lamang ng mga anghel.

Diretso lang ako sa paglalakad hanggang sa may nakita akong pinto kung saan para akong dinala sa kalawakan nung nakapasok ako doon. Mula sa kinatatayuan ko kasi kitang-kita ko ang mga bituin, planeta at iba pa. Pati doon sa taas ko mga bituin yung makikita ko. Walang pader o bubong at tanging pinto lamang ang meron. Tatlong pinto ang meron maliban sa pinasukan ko. Kulay itim, asul at dilaw ang mga ito.

"Infernal, Outlandish, Earth," basa ko sa mga nakalagay sa pinto.
May kadena yung kulay itim na pinto at may nakalagay sa taas na Infernal. Sa kulay dilaw naman nakalagay ang Outlandish at ang kulay asul ay Earth. Tinignan ko yung nilabasan kong puting pinto. Katulad ng hula ko may nakalagay nga na Xaterrah dito.

Tumakbo ako patungo sa may pinto na may nakalagay na Earth. Baka sakaling kapag pumasok ako doon, makakabalik ako sa bahay nila Zaira. Bubuksan ko na sana ito nang biglang may kamay na humawak sa akin.

"Pagkain..." sabi ng isang buto't balat na humawak sa akin.

"Aaahhhh!" sigaw ko sabay tulak sa kanya dahil sa takot. Tumakbo ako palayo sa kanya.

"Pagkain..." sambit niya sabay lakad palapit sa akin. Agad ako lumabas sa may pintuan ng Xaterrah saka tumakbo. Sa kakamadali ko, hindi ko na ito nagawang isarado.

Lumabas agad ako sa palasyo para lang lumayo sa humahabol sa akin. Sa sobrang takot ko nakalimutan kong may sakit nga pala ako. Nakaramdam ako bigla ng hilo kaya umupo na muna ako habang hinihingal. Napasandal ako sa malaking bato sa tabi ko saka pumikit.

*******

Zeque's POV

"Ahhh!" sigaw ni Crystal nang hindi na niya kayanin ang pagpigil sa mga demon. Napaupo ito nang maitulak siya ng mga ito. Nilapitan ko siya para tulungan.

"Ayos ka lang?" tanong ko.

"Oo. Sorry," tugon niya.

"Zeque sa may bintana," turo ni Athena sa isang demon na nakalusot sa barrier nang mapaupo si Crystal.

Aatakihin ko na sana ito subalit tuluyan na itong nakapasok sa bintana ng kwarto ni Erie. Pagkaakyat ko sa may bintana biglang nagliwanag at nang mawala ito si Jiro na lang ang nakita ko.

"Nasaan si Erie?" tanong ko sa kanya habang nakatulala ito. Bigla ito tumayo habang seryoso ang mukha.

"Kailangan natin magpunta sa museum," aniya sabay takbo palabas. Sinundan ko na lang siya kahit naguguluhan ako sa nangyayari.

Pagkalabas namin, naabutan naming nagsisialisan na ang mga demon na pilit pumapasok sa loob ng bahay.

"Bakit bigla sila nagsialisan?" takang tanong ni Zaira.

"Wala na si Erie kaya nagsialisan na sila," tugon ni Jiro.

"Paanong wala? Nasaan siya?" naguguluhang tanong ni Zaira.

"Sa Xaterrah," tugon nito.

"Huh? Paano siya napunta doon?"

"Basta! Sumunod kayo sa akin."

Sumunod na lang kami kay Jiro dahil mas may alam siya tungkol kay Erie kaysa sa amin. Pagkapasok namin sinalubong kami ng isang lalaki.

"Welcome back Athena," nakangiting sabi nito kay Zaira.

"Hello po. Nagkita tayo ulit," bati sa kanya ni Zaira.

"Magkakilala kayo?" tanong ko.

"Nakausap ko na siya dati."

"Nandito ba kayo dahil kay Erie?" tanong nito sa amin na ikinagulat ko.

"Paano mo nalaman?" tanong ko.

"Sumunod kayo sa akin," tugon niya saka naglakad. Pumasok kami sa isang silid kung saan may isang babae na may buhat na bata ang sumalubong.

"Hello baby. Ano po pangalan niya?" tanong ni Zaira sa babae nang makita ang baby.

"Zeus," tugon nito habang nakangiti.

"Paano kami makakapunta sa Xaterrah?" tanong ni Jiro.

"Hindi ka pa rin nagbabago hanggang ngayon Jiro. Mabilis ka pa rin mainip. Pwede naman namin kayo dalhin doon, ngayon na nabuksan na ni Erie ang seal na pumipigil sa amin makapasok doon. Pero sa isang kondisyon," tugon ng matandang lalaki.

"Kahit ano pang kondisyon niyo, payag kami basta dalhin mo kami ngayon sa Xaterrah."

"Sandali! Sino ka muna?" tanong ko. Kanina pa sila nag-uusap pero hindi ko pa kilala yung kausap ni Jiro.

"Hindi pa pala kami nagpapakilala sa inyo. Ako si Zaman, isa sa mga deity na nanirahan sa Xaterrah. Deity o God of time ang tawag sa akin. Siya naman ang asawa ko na si Guistina, ang Deity of Justice. Dalawa na lamang kaming nabubuhay dahil karamihan sa amin binuwis ang buhay para lang protektahan ang mundo namin mula sa mga Demon," pagkukwento nito.

"Kung deity kayo bakit nandito pa rin kayo hanggang ngayon? At ano kinalaman ni Erie sa Xaterrah?" tanong ko.

"Si Erie ay anak ni Serenity at ang taga mortal na si Eric. Kay Serenity nakaseal ang Xaterrah noon at dahil hindi na kaya ng kapanyarihan niya na tanggalin ang seal, naisipan na lamang namin ilipat kay Erie sa pamamagitan ng singsing niya kung saan nakatago din ang kapangyarihan niya. Oras na matanggal lahat ng kadenang bumabalot dito, muling mabubuksan ang daan patungong Xaterrah kasabay ng paggising ng kapangyarihan niya."

"Kaya pala nakiusap ka sa akin proteksyunan si Erie dahil siya na lang makakatulong sa inyo para makabalik sa mundo niyo," singit ni Zaira.

"Pinapahanga mo talaga ako. Tama ang desisyon ko na piliin ka," nakangiting sabi ni Zaman.

"Piliin?" tanong namin.

"Nabanggit ko kanina na may kondisyon ako bago ko kayo dalhin sa Xaterrah. Papayag ba kayo?" tugon nito.

"Ano po ba kondisyon niyo?" tanong ni Zaira.

"Nais ko sana ipasa sa inyong tatlo ang ibang tungkulin namin bilang deity."

Turo niya sa aming tatako nina Jiro at Zaira.

"Pati ako?" tanong ni Jiro.

"Oo. Hindi na din magtatagal ang buhay namin ni Guistina kaya nais namin ipasa sa inyo ang tungkuling maiiwan namin. Isa na din doon ang pag-aalaga sa anak namin na si Zeus. Siya na lamang ang nag-iisang may purong dugo ng isang deity. Tatanggapin niyo ba?" tanong nito sa amin.

"Pero wala kaming alam sa ganyan," sagot ni Zaira.

"Wag kayo mag-alala sinulat ko na dito ang lahat ng kailangan niyong gawin."

Pinakita niya sa amin ang isang makapal na libro.

"Paano kung hindi namin sundin ang nakasulat diyan?" tanong ni Jiro.

"Alam ko susundin niyo ito dahil kung hindi, si Erie ang mahihirapan. Dahil bata pa ang anak namin, tanging si Erie lamang ang sasalo ng lahat ng tungkulin namin. Hahayaan niyo na lang ba siyang mag-isa sa Xaterrah?"

"Payag kami sa gusto niyo. Dalhin niyo kami ngayon sa Xaterrah," tugon ko.

"Mabuti. Wag kayo mag-aalala malaya pa rin kayo na gawin ang mga dati niyong ginagawa. Gusto lamang namin maibalik sa dati ang Xaterrah at mapanatili ang balanse ng apat na mundo. Narito ang ilang kagamitan na maari niyong gamitin," inabutan niya kami ng tag-iisang magic staff. Mahaba ito na halos kasingtangkad lang namin. Sa tuktok nito may crystal ball. Kulay green ang crystal ball at hawakan ng kay Zaira. Puro red naman sa akin at violet na may itim na hawakan naman ang kay Jiro.

"Sa pamamagitan niyan, maari kayo magpalipat-lipat sa apat na mundo. Pwede niyo din gamitin yan para makita ang nangyayari sa ibang mundo. Kayo lamang ang maaring gumamit niyan," paliwanag niya.

Sabay kami napatingin kay Jiro nang magliwanag yung sa kanya nang itaas niya ito ng kaunti. Sa tapat nito may lumabas na imahe ni Erie. Nakasandal ito sa isang bato habang natutulog.

Nang ibaba ni Jiro ang magic staff, agad na naglaho ang imahe ni Erie.

"Nakita mo ba yun? Kailangan na kami ngayon ni Erie," reklamo ni Jiro. Pumitik sa ere si Zaman at bigla na lamang kami napadpad sa lugar kung nasaan si Erie. Agad na tumakbo si Jiro kay Erie nang makita niya ito.

"Erie! Erie! Naririnig mo ko? Gumising ka?" tapik niya dito. Nang magising si Erie, agad ito yumakap kay Jiro.

"Salamat nandito ka. Akala ko hindi na kita makikita. Akala ko mag-isa lang ako dito," sambit ni Erie. Mukhang hindi pa niya kami napapansin.

Umubo ako kunwari para kunin ang atensyon nila. Napalingon siya sa amin.

"Zeque, nandito din kayo," nakangiting sabi niya.

"Kamusta pakiramdam mo?" tanong sa kanya ni Jiro sabay hawak sa noo ni Erie.

"Ayos lang ako."

"Anong ayos? Mainit ka pa. Tapos nandito ka pa sa labas. Halika nga dito."

Binuhat niya bigla si Erie saka naglakad.

"Tara sa palasyo," sabi sa amin ni Zaman saka sumunod kay Jiro.

"Hmmm. Ngayon ko lang napansin na bagay pala sina Jiro at Erie," komento ni Zaira sabay tingin sa akin.

"Bakit ka tumingin sa akin?" tanong ko.

"Sayang. Mas gusto ko pa sana kayong dalawa ni Erie ang makatuluyan. Nevermind. Imagination ko lang siguro yun," aniya bago sumunod kila Jiro.

Itutuloy...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro