Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 24: END OF MISSION

CHAPTER 24: END OF MISSION

Zeque's POV

"Sino na lang ba wala?" tanong ni Zarah. Kakatatapos lang nanin bawiin ang katawan ni Kayden na ngayon sinasakay na ni Max sa sasakyan.

"Katawan na lang ni Tyler ang wala," tugon ni Max.

"Pagkatapos nito, babalik na ba tayo sa Outlandish?" tanong ni Zarah.

"Oo," tugon ko.

"Paano si Erie? Iiwan ba natin siya?" tanong naman ni Max.

"Nasa kanya naman yun kung sasama siya," tugon ko. Kung tatanungin hindi nararapat sa dito. Pero hindi rin siya pwede sa Outlandish dahil mas delikado siya doon. Kung totoo nga yung sinabi sa akin ni Jiro, mas maganda kung manirahan siya sa mundong yun.

"Tapusin na natin ito," sambit ni Zarah. Nauna na siyang sumakay sa amin.

"Mas mabuting dito na lang siya. Kung ako lang masusunod mas gusto ko manirahan dito," sabi sa akin ni Max bago sumunod kay Zarah.

Sumakay na din ako habang iniisip yung sinabi ni Max. Safe naman ang mundong ito kung hindi siya lalapitan ni Samael. Nagmaneho na si Max patunggo sa bahay ng gumagamit sa katawan ni Tyler. Pagdating namin doon saktong papasok siya sa bahay nila.

"Carlos," tawag sa kanya ni Max habang pababa ito.

"Sino ka? Bakit kilala mo ko?" tanong nito.

"Hindi ako masama. Kaibign ako ni Henry. Pwede ba kita makausap?"

"Kaibigan lang? Hindi pa niya sinabi na kapatid," komento ni Zarah.

"Mas malala ka ba sa kanya. Hindi mo nga tinatawag na kuya sila Liam," sabi ko sa kanya. Tinignan naman niya ako ng masama.

"Kung hindi lang ikaw yung alter necklace, pinatay na kita."

"Kung may choice lang ako. Ayokong maging Alter Princess ka. Hindi bagay sayo."

"Sino mas bagay? Si Erie?"

"Wala akong sinabing siya."

Inirapan niya ako.

"Wag mo nga ako kausapin. Tapusin na lang natin ito," aniya at sapilitan akong ginawang kwintas. Ginawa niya itong espada at agad na inatake si Carlos.

"Zarah!" sigaw ni Max na nagulat sa ginawa ni Zarah.

"What the-- Sino ba kayo?" tanong ni Carlos habang iniiwasan yung espada. Tumakbo ito pero bago pa siya makalayo pinalitan ni Zarah ang espada ng pana at tinira si Carlos.

Tinamaan ito sa likod at natumba. Isang puting bilog na naliliwanag ang lumabas sa katawan ni Tyler.

"Ang kulit mo talaga. Sabi ko dahan-dahan lang," sermon ni Max kay Zarah. Bumalik na ulit ako sa dating katawan ko at napailing na lang sa nangyari.

"Ang tagal eh. Nainip na ako. Doon din naman ang punta nun," sagot ni Zarah.

Binuhat ko ang katawan ni Tyler para maisakay sa sasakyan. Bahala na silang dalawa magtalo.

"Kayong dalawa! Sumakay na kayo," utos ko sa kanila kaya natigil na sila at sumunod na lang sa akin. Ako na ang nagmaneho pabalik sa Bahay.

"Welcome back," salubong sa amin ni Athena habang nakangiti. Wala yung iba dahil nasa Magical Cafe sila.

"Nasa sa sasakyan na yung mga katawan niyo," sabi ko kila Gin. Nagsitakbuhan sila patunggo doon.

"Ayun! Salamat," nakangiting sabi ni Gin bago lumabas.

"Tapos na ba lahat?" tanong ni Athena. Ningitian ko siya sabay tango.

"Yes! Makakauwi na tayo," masayang sabi nito.

"Zeque, paano itong si Tyler?" tanong ni Gin habang pinagtutulungan nilang ipasok ang katawan ni Tyler.

"Oo nga pala. Tawagin no siya. Tuturuan kita kayo kung paano," tugon ko.

"Matagal ko na gusto malaman kung paano mag-summon ng celestial guardian. Magagawa ko na din sa wakas," nakangiting sabi ni Gin.

"Gusto mo lang matuto para kay Thea eh," pang-aasar ni Athena.

"Counted na yun siyempre," tugon nito.

"Ako ba hindi pwede sa gawin yan?" tanong ni Zarah.

"Hindi ka Eternal Child kaya hindi pwede. Iba dugo mo sa kanila," tugon ko.

"Gusto ko din gawin yan kay Max," nakasimagot na sabi niya.

"Hindi mo naman ako kailangan tawagin. Lagi ka naman nakasunod sa akin," sabi sa kanya Max.

"Kahit na. Kailangan ko yan incase of emergency."

"Oo nga naman. Bakit hindi tayo maghanap ng ibang paraan? Sigurado meron. Diba Zeque?" sabi naman ni Athena.

"Meron nga pero hindi ko sasabihin," tugon ko. Nilingon ko si Gin.

"Kumuha ka ng papel tapos isulat mo pangalan niya gamit ang dugo mo," utos ko sa kanya at hindi pinansin sila Athena. Alam kong mangungulit lang sila kung paano yung ibang paraan. Ayoko sabihin sa kanila dahil hindi iyon basta-basta ginagawa.

"Okay na ba ito?" tanong ni Gin sabay pakita ng papel na may pangalan ni Tyler. Tinanguan ko siya.

"Ngayon ilagay mo yan sa ibabaw ng katawan ni Tyler para doon na agad ang punta niya kapag tinawag mo siya. Isipin mo lang ang itsura niya at umpisahang tawagin."

Binaba niya ang papel sa tiyan ni Tyler. Pinatong pa niya ang mga kamay ni Tyler para hindi liparin saka pumikit at paulit-ulit na tinawag si Tyler hanggang sa dumilat at gumalaw ang katawan nito.

"Bro, nakabalik ka na," masayang sabi ni Gin.

Umupo si Tyler at tinignan ang papel na ginamit ni Gin.

"Ganito din ang ginawa ni Eris," aniya sabay tayo. "Si Eris, nakita ko na siya! Kailangan ko siya balikan."

"Nasaan ang kapatid ko?" tanong ni Liam.

"Nandito siya sa mundo ng mga mortal," tugon nito.

"Nandito siya? Saan? Alam mo kung paano siya puntahan?" tanong naman ni Athena.

"Hindi ko alam. Pero hahanapin ko siya," tugon nito sabay takbo pero pinigilan ko siya.

"Sandali! Malawak ang mundong ito. Wala ka bang idea kung saan yun?" tanong ko.

"Wala. Basta ang alam ko lang, wala masyadong nagtataasang bahay doon tulad dito. Karamihan mga kubo ang bahay nila at may mga taniman sila ng palay. Simple lang pamumuhay sa lugar na yun," tugon nito.

"Baka nasa malayong probinsya siya. Nasa manila tayo kaya ibang-iba dito," komento ni Liam.

"Kung tama ako. Tinawag ka niya tulad ng ginawa ni Gin kaya napuntahan mo siya. Bakit hindi mo na lang hintayin na tawagin ka niya ulit? Kapag nandoon ka na, tawagan mo kami sa numerong ito para mapuntahan namin kayo," sabi ni Liam sabay abot ng papel na may number niya.

*****

Erie's POV

"Bakit ngayon lang kayo?" salubong sa amin ni Zeque. Madaling-araw na kasi kami umalis sa isla. Akala ko nga tulog na siya.

"Nagpahangin lang kami sa malayong isla. Hinihintay mo ba kami?" tugon ni Jiro.

"Oo. Akala ko inatake na kayo ni Samael. Nag-alala ako," napatingin siya sa akin kaya agad ako lumingon sa ibang direksyon.

"Kamusta lakad niyo?" tanong ko habang hindi nakatingin.

"Ayos na lahat. Nabawi na namin lahat ng katawan nila. Bukas, pupunta kami sa ospital para tignan ang lagay nila. Kata hindi ako makakapasok," tugon niya.

"Sige. Tulog na ako. May pasok pa ako bukas. Goodnight," paalam ko saka nagtunggo sa kwarto. Gusto ko siya tanungin kung babalik na ba sila sa mundo nila ngayong tapos na ang misyon niya. Pero natatakot ako sa isasagot niya kaya mas pinili ko na lang manahimik.

Pabagsak ako humiga sa kama ko. Ang bigat na pakiramdam ko. Magkakasakit pa yata ako. Naalala ko noon kapag ganito pakiramdam ko agad ako pinapainom ni Mama ng gamot para daw hindi tumuloy sa sakit. Namiss ko tuloy siya bigla.

"Mama, miss na po kita," iyak ko. Tinakpan ko ng unan mukha ko saka binalot ng kumot  ang sarili para walang makarinig. Nakaramdam nanaman ako ng takot. Takot na maiwang mag-isa.

"Kamusta siya?" rinig kong tanong ni Zeque. Sinubukan ko dumilat pero nanlalabo ang paningin ko. Pero sigurado ako may babaeng  nakaupo sa gilid ng kama ko.

"Mataas lagnat niya. Ano ba kasi ginawa niyo sa labas hanggang madaling araw? Nalamigan siguro katawan niya," rinig kong sabi ng babae. Kung hindi ako nagkakamali boses yun ni Ate Naomi.

"Nasa isla lang kami. Niyaya ko naman siya unuwi pero ayaw niya. Bakit ka ba nagagalit sa akin?" sagot ni Jiro. Kilalang-kilala ko boses niya kaya alam kong siya yun. Saka siya lang naman kasama ko kahapon.

"Lumabas na nga kayo. Ako na bahala mag-alaga sa kanya. May lakad kayo ni Zai, diba Zeque? Saka ikaw naman Jiro, pumunta ka sa school at sabihin sa teacher na may sakit si Erie. Gagawan ko siya ng excuse letter," naramdaman kong tumayo yung babae at narinig kong nagsara ang pinto. Sinubukan ko ulit dumilat. Medyo lumilinaw na paningin ko. Wala ng tao sa kwarto ko. Napahawak ako sa noo ko kung saan may nakapatong na tinuping towel na basa.

"Sorry Mama. Hindi ko sinunod  yung sinabi niyo na uminom agad ng gamot," sambit ko kahit  wala si Mama sa tabi ko. Noong bata ako sakitin ako kaya todo ingat si mama para lang hindi ako magkasakit para maiwasan ko ang pag-absent. Lagi niya ako pinapainom ng gamot kapag masama pakiramdam ko. Noong namatay si Papa at nagkasakit siya, todo alaga ko sa kanya. At talagang ginawa ko lahat para lang hindi ako magkasakit. Natuto ako alagaan ang sarili ko nung panahon na yun.

Napabuntong hininga na lang ako dahil napabayaan ko na sarili ko. Kaya ito ako ngayon nakahiga at nilalagnat. Pumikit ako ulit at nakatulog. Nagising na lamang ako ng isang pagsabog ang narinig ko. Napabangon ako bigla at napatingin sa orasan. Seven na. Hindi ko lang alam kung gabi o umaga  tinignan ko phone ko. Nakita ko na pm ang nandoon kaya sigurado na ako ng gabi na.

Muli nanaman  ako nakarinig ng pagsabog at ingay sa labas kaya pinilit kong bumangon para tignan ang nangyayari.

"Erie, bakit ka lumabas? Delikado dito," sabi sa akin ni Zeque.

"Ano ba nangyayari?" tanong ko pero hinila ako sa braso ni Jiro at lumabas naman ng bahay si Zeque.

"Wag ka lalabas," aniya pagkapasok namin ng kwarto.

"Bakit?" tanong ko.

"Inaatake tayo ng mga demon. Gusto ka nila kainin. Nasira na nila yung barrier ng subdivision pero nalagyan naman nila Zeque itong bahay kaya hindi sila makapasok."

"Nangyari nanaman," bulong ko habang inaalala yung nangyari noon.

"Nanaman?"

Itutuloy...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro