Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 23: HEARTBREAK

CHAPTER 23: HEARTBREAK

Erie's POV

"Erie, may pupunta--"

"Kung tungkol yan sa misyon niyo. Kay Zarah ka na lang magpasama. Kaya naman niya paalisin yung spirit ng hindi sila nasasaktan. Mas maganda nga yun kanya kasi inaalis lang niya ang spell na ginawa sa kanila. Saksakin lang niya yung katawan ng isa sa kanila ayos na," litanya ko bago matapos ang sasabihin niya. Hanggang maari ayoko siyang makasama. Baka lalo lang ako mahulog sa kanya.

"Tama yung sinabi niya mas maganda siguro kung mahiwalay tayo para mas mapabilis ang lahat," suhestiyon ni Jiro.

"Kayo na lang bahalang tumulong kay Raziel, kami naman nila Zarah doon sa iba," utos ni Zeque saka sila umalis. Kasama niya sina Zarah, Max at alaga ni Max na si Tora.

"Sa inyo na lang kami sasama ni Ian," nakangiting sabi ni Zaira. Papunta kasi kami ngayon sa tinutuluyan ni Raziel.

Umalis na kaming apat habang makasunod naman sa amin sina Red at Shiro na naka-animal form. At siyempre hindi mawawala ang spirit ni Kuya Liam.

"Ayos ka lang?" tanong ni Jiro.

"Oo naman," nakangiting sabi ko.

"Wag mong piliting ngumiti kung hindi mo naman kaya. Alam ko kung ano nararamdaman mo ngayon."

"Wag dito Jiro. Baka hindi ko mapigilan ang sarili ko na umiyak."

Ayokong magdrama. Saka na kapag wala sila. Siguro naman kapag natapos ito babalik na sila lahat sa mundo nila. Kasama si Zeque. Hindi ko na siya makikita ulit. Ang tanga ko. Dapat dati ko pa ito naisip. Bukod sa mahal niya si Persephone. Iiwan din niya ako. Babalik din siya sa Outlandish.

"Dito na yata tayo," sabi ni Zaira habang nakatingin sa isang bahay.

"Raziel, Nandyan ka ba?Raziel. Knock knock," sigaw niya. Habang nasilip sa gate.

Biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito ang taong hinahanap namin.

"Tuloy kayo," pag-iimbita niya sa amin sa loob. Unang pumasok si Zaira at sumunod na lang kami sa kanya.

"Pasensya na makalat," aniya sabay alis ng mga nagkakalat na plastic ng chichirya at bote ng alak.

"Ayos lang po," tugon ko.

"Upo kayo. Gusto niyo ba ng maiinom? Juice? Kape?" tanong niya.

"Wag na po. Salamat na lang," tanggi ko agad. Hindi naman kasi kami magtatagal.

"Napag-isipan niyo na ba yung sinabi sa inyo ni Kuya Paris? I mean Kuya Ash," tanong ni Zaira. Noong pumunta kasi si Raziel sa cafe. Kinausap siya ni Ash tungkol sa katawan na gamit niya. Nakita din naman niya yung totoong may ari ng katawan niya.

"Sige. Payag ako. Wala din naman saysay kung gagamitin ko ang katawan na ito. Mas mabuti pa ngang mamatay na lang ako," tugon niya.

"Wag niyo po sabihin yan. Habang may buhay may pag-asa. Alam kong sa ngayon hirap kayo pero malalampasan niyo din yan," sabi ko sa kanya.

"Oo nga po. Darating din ang panahon na malilinis niyo din ang pangalan niyo," pagsang-ayon naman ni Zaira. Kaya kasi hindi makahanap ng trabaho si Raziel dahil napagbintangan siyang magnanakaw sa dating pinagtatrabahuhan niya. Dahil doon nakulong siya pero nakalaya din siya. Wala kasing sapat na ebidensya laban sa kanya. Pero kahit ganun nangyari may bad records na siya.

"Sana nga. Gawin niyo na yung kailangan niyo gawin. Doon din naman ang punta nun. Wag niyo ng patagalin," nakangiting sabi niya. Tinanguan ako nila Zaira kaya tumayo na ako.

"Tayo po kayo," sabi ko sa kanya. Tumayo siya harap ko saka ko tinapat ang kwintas sa dibdib niya. Nang mapalabas ko ang kaluluwa niya isang imahe ng lalaki ang nakita ko. May nakakabit na oxygen at kung ano-ano pa. Mula sa monitor kung saan makikita ang heartbeat niya, kitang-kita ko ang pagtuwid nito.

"Erie!" sigaw ni Jiro sa akin kaya natauhan ako bigla.

"Wala na siya," malungkot na sabi ko.

"Sino?" tanong ni Zaira.

"Si Raziel," tugon ko. Bigla din nalungkot si Zaira.

"Sayang naman. Balak pa naman namin siya tulungan," nahihinayang na sabi niya.

"Sumuko din siya sa bandang huli."

Nakita ko din kasi ang kaluluwa niya na nakatingin sa katawan niya habang nakangiti. Ginusto din niya ang nangyari.

"Tsk. Bakit ba kayo nalulungkot? Hindi niyo naman siya kaano-ano," sabi sa amin ni Blaize

"Bakit ba? Nakakalungkot kaya. Kawawa naman si kuya Raziel," tugon sa kanya ni Zaira.

"Ganyan talaga ang buhay ng tao. Darating ang panahon na mamatay sila. Ipagdasal na lang natin na sa panibagong buhay niya maging maayos ang lahat," sabi sa amin ni Jiro. Halatang sana na siyang sa ganitong bagay. Napabuntong hininga na lang ako.

"Umuwi na tayo," sabi ko saka naunang lumabas.

"Mauna na kayo. May pupuntahan lang ako," paalam sa amin bigla ni Zaira.

"Saan ka pupunta?" sabay na tanong nina Blaize at Kuya Liam.

"Diyan lang. Walang susunod," aniya sabay takbo. Napatingin ako doon sa dalawa.

"Hindi niyo talaga siya susundan?" tanong ko.

"Susundan," tugon ni Blaize.

"Alam ko kung saan siya pupunta. Maiwan na namin kayo," sabi naman ni Kuya Liam.

Nagkatinginan kami ni Jiro dahil dalawa na lang kaming naiwan.

"Gusto mo mamasyal? Pwede kitang dalhin kahit saan mo gusto. Alam kong ayaw mo siyang makita," aniya sabay palit ng anyo bilang grimreaper. Nakalabas na nga yung pakpak niya.

"Gusto ko pumunta sa walang tao. Sa isang isla sa gitna ng dagat," tugon ko.

"Masusunod," aniya sabay buhat sa akin at lipad. Napakapit ako sa leeg niya dahil sa takot ko na malaglag. Sobrang taas nga ng lipad niya eh. Abot na namin yung ulap. May pagkakataon na sa mismong ulap siya dadaan.

Tuloy lang siya sa paglipad hanggang sa may matanaw kaming dagat at katulad ng sinabi ko binaba niya ako mismo sa isang isla na walang katao-tao. Maliit lang naman yung isla eh. Tapos puro halaman.

"Bakit dito mo gusto pumunta?" tanong ni Jiro.

"Peaceful, tahimik, walang gulo," tugon ko habang nakatingin sa kulay asul na dagat.

"Ano na balak mo kapag natapos na nila Zeque ang lahat?"

"Edi maganda. Balik na ang lahat sa normal. Ikaw? Ano balak mo?"

"Kung nasaan ka, nandoon din ako. Hindi ko naman kasama sila Zeque. Iba ang tungkulin ko. At ayun ay ang protektahan ka."

"Jiro, nainlove ka na ba?" tanong ko.

"Hindi pa," sagot niya agad. Napatingin tuloy ako bigla sa kanya. Nasa likod mo kasi siya tapos medyo malayo pa yung kinatatayuan niya sa akin.

"Hindi nga? Wala ka pang nagugustuhan kahit sino? Kahit si Persephone?" tanong ko.

"Oo. Kahit kailan hindi ako nagkaroon ng pagtingin kay Persephone. Kapatid ang turing ko sa kanya."

"Bakit wala?"

"Wala akong panahon para sa ganung bagay."

"Sana ganun din ako. Para hindi ko na siya nagustuhan. Bakit ba kasi ang bait niya?" inis na sabi ko. Naalala ko nanaman yung nakita ko kahapon. Muli nanamang kumirot ang puso ko.

Kahapon ko napagtanto na mahal ko na si Zeque kasabay ng pagkawasak ng puso ko nung nakita ko siyang kahalikan si Persephone.

"Sinabihan na kita noon na pigilan mo ang nararamdaman mo," sermon sa akin ni Jiro sabay upo sa tabi ko.

"Sinubukan ko naman. Pero ganun pa rin. Nahulog pa rin ako sa kanya," sabi ko sabay iyak. Naramdaman ko na lang ang pagyakap sa akin ni Jiro at hinayaan  niya lang akong umiyak.

*****

Zaira's POV

Nung nalaman ko na pumanaw na si Kuya Raziel, unang pumasok sa isip ko ang puntahan siya sa ospital. Buti na lang nakwento na niya kay kuya kung saang ospital siya nakaconfine.

"Excuse me. Meron ba ditong pasyente na Raziel John Flores? Kapatid  niya po ako," pagsisinungaling ko.

"Wait lang po Ma'am," sabi ng nurse sabay pindot sa computer niya.

"Ma'am, sorry po pero kamamatay lang po kanina ni Mr. Flores."

Napayuko ako bigla. Totoo nga na wala na siya. Naramdaman kong may humawak sa balikat ko. Paglingon ko, bumungad sa akin ang mukha ni Blaize.

"Sabi na nga ba dito ka pupunta," sabi ni Kuya Hades na hindi ko agad napansin. Kasama din nila sina Shiro at Red na naka-human form na ngayon.

"Kuya..." sambit ko habang binibigyan siya ng makahulugang tingin. Gusto ko mabigyan ng maayos na libing si Kuya Raziel at matulungan ang pamilya niya na nasa probinsya.

"Oo na. Ako na bahala. Aayusin ko lahat," aniya sabay kausap sa nurse. Tinanong niya kung magkano lahat ng bayarin sa hospital at kung dumating na ba na ibang kamag-anak si Kuya Raziel.

"Bakit ganyan itsura mo?" tanong ni Blaize. Salubong na kasi kilay ko. Naiinis kasi ako sa nangyari.

"Kung hindi ginawa nila Samael yung car accident, hindi sana siya mamatay. Ang daming nadamay na inosenteng tao," inis na sabi ko. Si Kuya Raziel kasi yung nagmamaneho ng bus na sinasakyan nila Marcky. Ayun ang unang trabaho niya nung makalaya siya dahil hindi na siya tinatanggap sa kumpanya.

"Kaya nga nandito tayo para pigilan siya. Hindi natin hahayaan na may madamay pa na iba. Gagawin natin ang lahat para lang pigilan si Samael. Sama-sama natin siya lalabanan. Kaya wag ka na mainis," sabi ni Blaize sa akin sabay yakap sa akin. Kumalma na ako nung yakapin niya ako.

"Ganito na lang tayo palagi," sabi ko. Pakiramdam ko safe ako sa yakap niya tapos gumagaan pakiramdam ko. May special power yata yung yakap niya.

"Gustuhin ko man pero hindi pwede. Hinihintay na tayo ng kuya mo," bulong niya kaya nilingon  ko si Kuya Hades.

"Hayaan mo siya. Gagawin din nila ito mamaya ni Ate Naomi," sabi ko habang nakatingin kay kuya.

"Oo. Kaya tara na. Umuwi na tayo. Ayos na ang lahat. Tatawagan ko na lang ang pamilya ni Raziel. Sa bahay niyo na yan ituloy," aniya sabay tulak sa amin.

Itutuloy...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro