Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 21: JESSA

CHAPTER 21: JESSA

Erie's POV

"Hindi ka ba talaga nagpakulay ng buhok?" tanong ni Zeque sa akin nang makapasok kami sa kwarto niya.

"Hindi," sagot ko habang nililibot ng tingin yung kwarto niya na sobrang linis. Parang hindi nagagalaw yung gamit.

"Wala ka ba talaga kakaibang nararamdaman?"

Napaisip ako sa tanong niya. Pinakiramdaman ko ang aking sarili. Tinignan ko yung kamay ko at laking gulat ko nang mag-iba yung kulay ng spiritual energy ko. Naging dilar ito na may halong white. Napansin ko din na paubos na yung kadena ng singsing ko.

"Ano tinitignan mo? May nakita ka ba?" tanong sa akin ni Zeque.

"Sa tingin ko may kakaiba nga na nangyayari sa akin. Yung spiritual energy ko nag-iba ng kulay at mas lumakas pa ito," sagot ko dahil mas nakikita ko na ng malinaw. Tinignan ko si Zeque at Jiro. Mas malinaw ko na nakikita ang lahat. Pati yung pagdaloy ng kapangyarihan nila sa katawan kitang-kita ko.

"Ano nangyayari sa akin?" tanong ko sa akin sarili. Hindi kaya dahil sa kakasama ko sa kanila nagiging katulad na din ako?

"Hindi ka pangkaraniwang tao," sambit ni Jiro.

"May alam ka ba?" tanong sa kanya ni Zeque. Wala naman sinabi si Jiro pero nagtinginan lang silang dalawa na parang nakakaitindihan sila sa pamamagitan ng titig.

"Pwede na ba ako umalis?" tanong ko. Nakalimutan na yata nila na nandito ako.

"Sige, mag-uusap lang kami ni Jiro."

Lumabas na ako. Hindi yata ako nito makakatulog. Bukod sa kakagising ko lang, natatakot ako na baka iba na itsura ko pagnatulog ulit ako katulad kanina.

Lumabas na muna ako ng bahay para magpahangin. Tumingin ako sa langit kung saan kitang-kita ang mga nakikislapang bituin.

"Naalala ko sayo sarili ko noon," sabi bigla ni Zai sa tabi ko kaya napatingin ako sa kanya. Nakatingin siya sa mga bituin.

"Noon akala ko normal na tao lang ako katulad iba. Pero nalaman ko na half vampire at wizard si Mama habang half human and werewolf sa Papa. Tapos sila kuya half din ako lang yung pinanganak na tao. Alam mo bang naisip ko minsan na ampon lang ako?" pagkukwento niya.

"Tingin mo katulad mo din kaya ako? Baka isa sa magulang ko hindi tao kaya ganito ako. O kaya napulot lang ako ng nagpalaki sa akin. Hindi ko na alam kung ano iisipin ko. Kung buhay pa sana sila Mama, may pagkakataon ako na tanungin sila."

"Nakakakita ka ng spirit diba? Baka pwede mo pa sila makausap?"

"Pero hindi ko alam kung paano ko sila makikita. Baka katulad ng iba, nanahimik na sila sa langit."

"Tawagin mo sila. Diba pwedeng tawagin ang mga patay?"

"Pinagbabawal ang pagtawag ng patay," singit bigla ni Jiro.

"Ang bilis niyo naman mag-usap," sambit ko.

"Bakit bawal?" tanong ni Zai.

"Delikado. Pwede sila maging demon kung hindi yun magagawa ng tama," tugon ni Jiro.

Napabuntong hininga ako. Hindi ko na alam gagawin ko.

*****

Zeque's POV

"Hindi ka nakatulog?" tanong ko kay Erie nang makita ko ito.

"Oo," nakasimangot na sagot niya sabay hikab. Iniisip niya siguro yung kagabi kaya hindi siya nakatulog. Napatingin ako sa buhok niya na kinulayan niya ng itim para matakpan yung dilaw.

"Zeque! Bunot ka na," sabi ni Zai habang hawak yung fishbowl na may laman na pangalan nila Gin. Kasunod niya ung mga natitirang spirit.

Bumunot na ako ng isa at lahat sila nakatingin sa akin habang binabasa ko yung pangalan.

"Kim," sabi ko sabay pakita ng hawak ko.

"Babae nanaman?" reklamo ni Kayden. Kailan kaya kami.

"Ganun talaga. Ladies first," sambit ni Kaycie na nakabalik na sa katawan niya na ngayon nakadikit kay Max.

"Sinabi ko na wag kang lumapit kay Max. Wala ba kayong balita kay Cane? Gusto ko na makabalik sa katawan ko," reklamo ni Zarah.

"Wala," sagot ko.

"Ang alam ko hindi na pumapasok si Cane simula nung araw na nasaksak ako. Ano na kaya nangyari sa kanya? Nung huling kita ko sa kanya nagiging itim na ang spiritual energy niya," nag-aalalang sabi ni Erie.

"Close yun sa gumagamit ng katawan ni Kim diba? Bakit hindi natin siya tanungin?" suhestiyon ni Jiro.

"Adrian, kausapin niyo siya mamaya," utos ko kila Adrian dahil kaklase nila yun.

"Okay. Dadalhin namin siya sa cafe para makausap niyo din," sagot ni Adrian.

Pagkatapos namin kumain, pumasok na kami. Sabay-sabay na kaming lahat. Yung iba patungo sa Magical Cafe.

"Oh? Si Kuya Hades," turo ni Athena sa isang lalaking nakatayo sa nakasaradong cafe namin.

"Hindi yan si Kuya. Si Raziel yan, bakit ngayon lang siya pumunta? Ang tagal ko na siya hinihintay," pagtatama ni Asher kay Athena.

"Pasok na kami sa loob," paalam ko sa kanila. Bahala  na sila makipag-usap doon sa Raziel.

"Bakit ba kailangan ko din pumasok sa boring na school na ito," reklamo ni Jiro habang papunta kami sa classroom.

"Konting tiis na lang. Malapit na tayo matapos sa ginagawa natin," sabi ko sa kanya.

"Yeah," aniya at nauna ng pumasok. Pagkaupo niya agad siyang yumuko sa table niya. Matutulog lang naman kasi siya.

Habang nagkakaklase tinignan ko si Erie na nakakarami ng hikab. Medyo papikit-pikit siya pero pinipigilan niya yung sarili niya na makatulog. Sinampal sampal niya yung sarili niya para hindi makatulog.

Pumitik ako sa ere para gumawa ng illusion sa classroom. Tumayo ako saka nilapitan si Erie.

"Ano ginagawa mo? Baka mapagalitan ka," sambit ni Erie. Hinawakan ko siya sa ulo.

"Matulog ka na. Ako bahala sayo," sabi ko saka siya ginamitan ng kapangyarihan na pampatulog. Ilang saglit tuluyan na siya nakatulog sa table niya. Umupo ako doon sa gilid para matignan siya. Sinuklay ko yung buhok niya at ayun hindi man lang nagising sa ginagawa ko.

"May gusto ka na ba sa kanya?" tanong ni Jiro bigla. Hindi kasi siya apektado ng illusion na ginawa ko kaya kita niya yung ginagawa ko. Sa mata kasi ng iba, nakaupo kaming tatlong ng maayos.

"Ano pinagsasabi mo? Matulog ka na lang diyan," sagot ko saka bumalik sa upuan ko. Tumingin na lang ako sa may bintana pero makalipas ang ilang minuto napagtanto ko na nakatitig na ako kay Erie. Hindi ko alam kung ano ba nangyayari sa akin, basta bigla na lang ako napapatingin sa kanya at napapangiti.

"Baliw," rinig kong sabi ni Jiro. Tinignan ko siya ng masama pero tumingin lang siya kay Erie.

Natapos ang klase na hindi kami nakinig. Ngayon papunta na kami sa cafe.

"Paano na yan? Wala akong copy ng lesson natin kanina. May quiz pa maman sa ibang subject. Kasalan mo ito eh. Kundi mo ko pinatulog kanina," reklamo ni Erie sa akin.

"Hayaan mo na yun. Quiz lang yun. Ang mahalaga nakakapag-aral ka," sagot ko.

"Grade din yun."

"Zeque!" tawag sa akin ni Adrian. Lumapit ako sa table nila at doon nakita ko ang kamukha ni Kim. Madalas ko lang sila  makitang makasama ni Cane pero hindi ko alam pangalan niya.

"Jessa, siya nga pala si Zeque. Yung sinasabi ko sayo na tutulong sa inyo ni Cane," pakilala ni Adrian.

"Ah! Hello," nahihiyang bati nito. Ibang-iba siya kay Cane. Umupo ako sa tabi ni Adrian habang si Adrian tumayo.

"Iwan ko na kayo. Dito  ka na Erie," aniya kaya si Erie na ang umupo sa upuan niya.

"Matutulungan niyo ba talaga kami? Lalo na si Cane," tanong ni Jessa.

"Ano na ba nangyari kay Cane? Bakit hindi siya pumapasok?" tanong ni Erie.

"Ilang araw  na siya nagkukulong sa kwarto niya. Nung-isang araw sabi niya kamuntik na daw niya mapatay yung kapatid niya, may bumubulong daw sa kanya na gawin yun. Nakikiusap ako. Tulungan niyo siya," pagkukwento niya.

"Tama ako. Unti-unti na siyang nagiging demon. Kailangan niya makabalik sa katawan niya. Dalhin mo kami sa bahay niya," sambit ko sabay tayo.

"Sasama ako," sabi ni Zarah. Tinanguan ko siya kaya. Sumakay na kami ng sasakyan dahil hindi naman gumamit kami ng portal.

"Wait!" pigil ni Erie habang nakatingin sa bahay nila Cane.

"Doon ba kwarto niya?" turo niya sa bintana sa second floor.

"Oo. Paano mo nalaman?" sagot ni Jessa. Hindi sumagot si Erie pero base sa itsura niya may hindi maganda siyang nakikita.

"Pwede ba tayo pumasok?" tanong ni Erie. Umiling si Jessa.

"Pinagbawalan si Cane na makipagkita kahit kanino."

Tinignan ko si Jiro. Agad siya nagpalit sa anyo niya bilang grimreaper. Nilabas niya ang pakpak niya at saka binuhat si Erie para dalhin sa balcony ng kwarto ni Cane.

"Ngayon lang ako nakakakita ng dark angel," komento ni Jessa.

"Grimreaper siya hindi dark angel," pagtatama ko sabay hawak sa kanya at lipad para dalhin siya sa second floor.

"Nakalock yung pinto," sabi sa amin ni Erie.

"Pahiram ng hairpin mo," sabi ko kay Jessa kaya tinanggal niya yung hiarpin niya at binigay sa akin. Ayun ang ginamit ko para buksan yung pinto.

"Cane," sambit ni Jessa sabay lapit sa kaibigan niya na nasa sulok habang nakayuko.

"Wag mo ko hawakan. Wag ka lalapit sa akin," sigaw ni Cane kaya natigilan si Jessa. Lumapit ako sa may pinto para siguraduhing nakalock ito.

"Konting oras na lang natitira sa kanya, kailangan na natin siya maalis sa katawan ni Zarah." sabi ni Erie sabay kuha ng kwintas niya pero bago pa siya kumilos tinulak siya bigla ni Cane.

"Papatayin kita," sambit nito habang sinasakal si Erie.

"Erie!" lalapitan ko na sana siya nang biglang may braso na pumulupot sa leeg ko.

"Zeque, namiss kita. Napakabango pala talaga ng dugo mo," bulong nito mula sa likod ko sabay amoy sa leeg ko.

"Persephone..." sambit ko.

"Hindi ko akalain na ganito ko kayo kabilis mahuhuli. Hindi lang kayo nakakaalam ng mga galaw ko, alam ko din ang bawat galaw niyo," litanya ni Samael habang hawak si Jiro.

"Cane! Itigil mo yan!" sigaw ni Jessa habang sinusubukan hilain si Cane sa ibabaw ni Erie.

"Wag ka mangialam dito!" sigaw ni Cane sabay tulak kay Jessa.

"Patayin mo na siya Cane," utos ni Cane.

"Wag! Kapag ginawa mo yan magiging demon ka," pigil ko. Alam kong naririnig pa ako ni Cane. Hindi siya tuluyang nalalamon ng kasamaan. Unti-unting lumuwag ang pagkakasakal niya kay Erie.

"Wag ka makinig sa kanya. Papatayin ka ng babaeng yan kapag pinakawalan mo siya," pasisinungaling ni Samael kaya muling humigpit nanaman ang pagkakasakal ni Cane. Namumutla na si Erie at nag-umpisang kapusin ng hininga.

"Erie, gamitin mo yung kwintas!" sigaw ni Jiro. Tinaas ni Erie ang kamay niya pero bago niya ito maidikit kay Cane, itinulak ni Samael si Jiro saka hinawakan si Erie.

"Ang bagal mo!" galit na sabi niya kaya Cane saka ito itinulak gamit ang malakas na pwersa at siya na ang pumalit sa ibabaw ni Erie. Tumayo si Jiro saka sinugod si Samael pero bago pa siya makalapit, nabalutan ng itim na barrier sila Erie.

"Samael!" galit na sigaw ni Jiro sabay hampas sa barrier.

"Panuorin niyo kung paano ko patayin ang babaeng ito. Ano na gagawin mo ngayon Zeque?" sambit ni Samael sabay tawa.

"Wag mo siya gagalawin," sigaw ko. Lalapitan ko na sana sila pero bigla akong niyakap ni Persephone sabay kagat sa leeg ko.

"Dito ka lang mahal ko," bulong sa akin ni Persephone sabay tulak sa akin pasandal sa pader at muling sinipip ang dugo ko.

"Ano ginawa mo sa katawan ko? Bakit hindi ako makagalaw?" tanong ko sa kanya. Hindi ko na kasi maiangat ang kamay ko.

"Alam mo ba kung ano kakayahan ni Zaira bilang bampira?" tanong sa akin ni Persephone. Napaisip ako bigla. Hindi ko pa naman nakikita si Athena bilang bampira.

"Body manipulation. Simula nung kinagat kita, kontrolado ko na ang katawan mo kahit ayaw mo. Ngayon yakapin mo ko," bulong ni Persephone. Kusang gumalaw ang katawan ko para sundin siya. Pinulupot niya ang braso niya sa batok ko.

"Itigil mo yan," pigil ko sa kanya bago niya ako halikan. Tumigil naman siya pero hindi niya pa rin nilalayo ang mukha niya sa akin.

"Bakit mahal? Mas gusto mo ba na ikaw ang kumilos para sa akin," nakangiting sabi niya.

"Ano ba sinasa--" bago ko pa matapos ang sasabihin ko gumalaw nanaman ng kusa ang katawan ko. Binuhat ko si Persephone saka hiniga sa kama at pumatong sa ibabaw niya.

"Zeque, ano ginagawa mo?" sigaw ni Jiro.

"Hindi ko kontrolado ang katawan ko," pabalik na sigaw ko.

"Ngayon mahal ko. Halikan mo ko," nakangiting sabi ni Persephone.

"Siyet!" sambit ko. Sinubukan ko pigilan ang katawan ko na wag bumababa.

"Wag mo na pigilan mahal ko. Gawin mo na ang palagi mo ginagawa sa akin noon," hinawakan ni Persephone ang mukha ko at nang tignan ko siya biglang bumalik sa dati ang itsura niya. Hindi na mukha ni Athena ang nakikita ko, kundi ang babaeng minahal ko noon.

"Mahal na mahal kita Zeque," aniya habang nakatingin sa mga mata ko. Parang bumalik kami sa dati.

"Mahal na mahal din kita Persephone," sambit ko sabay halik sa kanya. Hindi ko alam kung kinokontrol niya pa rin ako o nadala na ako ng pagmamahal ko sa kanya.

Itutuloy...

Dedicated to madamnjesae. Salamat sa name. ^^

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro