Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 2: DOLLY

CHAPTER 2: DOLLY

Third Person's POV

"Chloe laro tayo. Hihihi."

"Waaahhh!" sigaw ng isang batang babae nang magsalita ang hawak niyang manika. Agad niya ito binato saka umiyak.

"Aray. Bakit mo ko binato? Gusto ko lang naman makipaglaro," galit na sabi ng manika. Naging pula ang mata nito saka lumapit sa bata.

"Waaaaahhhhh!!! Mama!" iyak ng bata saka tumakbo.

"Ano nangyari? Bakit ka umiiyak?" tanong ng kanyang ina.

"Yung manika mama. Gumagalaw mag-isa," takot na tugon ng bata. Agad naman nagtungo sa kwarto ng bata ang kanyang ina. Pagkadating niya doon nakatumba lang ang manika. Pinulot ito ng kanyang ina.

"Hindi naman baby. Tara na sa baba. Kain na tayo. Puro ka kasi laro kaya kung ano-ano na lang naiisip mo."

Tinabi niya ang manika kung saan nakadisplay ang iba pang manika at teddy bear ng bata.

Kinagabihan, nagising ang ama at ina ng bata ng may marinig itong ingay. Tunog ng nagtatakbuhan at magtatawanang bata. Para ba itong naghahabulan. May narinig din silang nabasag. Paglabas nila nakita nilang nagkalat ang mga gamit nila sa sala. May mga basag na base. Nagsilaglagan ang ibang picture frame. Naiba ng pwesto ang mga upuan.

"Bakit nandito ang mga ito?" tanong ng ama ni Chloe nang makita ang mga manika ni Chloe. Naalala bigla ng kanyang ina ang sinabi ni Chloe sa kanya. Ayaw man niya maniwala ngunit wala naman ibang magdadala ng manika doon. Sa kwarto kasi nila natulog ang bata dahil na din sa takot nito sa manika.

*******

Erie's POV

"Sumunod ka sa akin. May trabaho tayo," sabi sa akin ni Master. Sumunod naman ako sa kanya.

"Anong kaso?" tanong ko.

"Manikang gumagalaw at nagsasalita," tugon ni Master. Bigla ko tuloy naimagine yung mga horror movie na napanood ko na nay kinalaman sa manika. Kinilabutan ako bigla.

Huminto kami sa tapat ng isang bahay. Kumatok siya doon. Isang babae ang nagbukas nito.

"Pasok po kayo," sabi ng babae. Alam na yata nita ang pinunta namin dito.

"Ito ba yung mga manika?" tanong ni Master habang nakatingin sa mga manika na nakapatong sa upuan.

"Opo. Kagabi nakita na lang naming nakakalat ang mga yan. Imposible naman si Chloe ang naglabas dahil katabi namin siyang natulog sa kwarto," paliwanag nung babae.

May naramdaman akong nakatingin sa akin. Nanlamig ako bigla. Napatingin ako sa isang manika na nasa upuan at saktong nakatingin ito sa akin. Pinakamalaki iyon sa lahat ng manika na nandon. Pakiramdam ko nakatingin ito sa akin.

"Erie."

"Po?"

"May kakaiba ka bang napapansin sa manika?"

Nilapitan ko ang mga ito at tinignan isa-isa. Wala naman kakaiba sa kanila maliban sa marka na nasa batok nila. May initial kasi na letter D.

"Maam, kayo po ba nagsulat nito?" tanong ko sabay turo sa batok ng manika. Bumakas ang pagtataka sa mukha nung babae. Kahit si master ganun din.

"Wala naman nakasulat diyan. Ano ba sinasabi mo?" tanong ni Master kaya ako naman ang nagtaka. Tinignan ko muli yung manika pero meron talaga nakasulat. Bakit ako lang nakakakita?

"Meron master. Lahat sila kay letrang D sa batok," paliwanag ko.

Tinignan naman ito mabuti na master. Sinuot pa niya ang salamin niya.

"Meron nga. Malabo pagkakasulat nito ito kaya hindi ko agad napansin."

Hindi naman malabo yung pagkakasulat. Malinaw na malinaw na nga. Kung tutuusin hindi na kailangan ni master magsalamin para makita ito. Hindi naman kasi malabo mata niya. Pero sabi niya sa akin noon mas malinaw daw siyang nakakakita ng mga ispirito kapag may salamin siya.

"Pwede bang mahiram muna namin yung mga manika? Kung ito nga ang dahilan ng ingay kagabi, mas mabuting mailayo sila sa inyo." paliwanag ni Master habang hiniram yung mga manika.

"Wala po problema."

Nilagay namin ito sa paper bag saka nagpaalam na. Wala naman akong nararamdaman sa bahay nila kaya sigurado akong safe sila. Pagdating namin sa bahay ni Master laking gulat namin na may limang nanay na nandoon.

"Master Gerald," sabi ng isang babae kay Master. Isa si Master sa kilalang exorcist dito. Marami na kasi siyang natulungan.

"Mrs. Park, Anong problema?"

Mula sa bitbit niyang bag, nilabas niya ang isang manika. Pagkakita ko pa lang nito, alam ko na kung ano pinunta niya. Tinignan ko yung ibang nandoon. May bitbit din silang manika.

"Gabi-gabi, naabutan namin si Princess na naglalaro. Para ba siyang nakikipaghabulan. Kinausap namin siya tungkol doon pero hindi siya nakinig," biglang umiyak si Mrs. Park.

"Kagabi nahulog siya sa hagdan. Nakita namin itong manika na nakatingin sa anak ko habang tumatawa. Paboritong manika yan ni Princess."

Inabot niya ito kay Master. Tinignan namin ang batok nito. At tama ang hinala ko. May marka din ito sa batok.

"Walang duda. May kumokontrol sa manikang ito," sambit ni Master sabay bigay nito sa akin.

"Wag po kayong mag-alala. Gagawa namin ito ng paraan."

"Master, pakitingin po din ito," sabi ng isang babae sabay abot ng mga manikang dala niya. Ganun din ang iba. Tinignan namin ito isa-isa at lahat ng dala nila may marka. Pinaiwan na lang ni Master ang mga manika dahil delikado daw kung mananatili sila dito.

"Master, ano na po gagawin natin?" tanong ko habang tinitignan ang mga manika. Sinubukan kong burahin yung marka pero walang nangyari.

"Kailangan natin makita ang nasa likod nito," aniya habang nag-iisip.

Tatayo na sana ako nang bigla akong may naramdamang kakaiba.

"Hihihihi! Laro tayo."

Biglang gumalaw ang mga manika at sabay sabat silang tumawa. Naglakad ang mga ito palapit sa akin, sa sobrang gulat ko hindi na ako nakagalaw. Nakita ko na lang na hinugot ni Master yung espada niya at para bang may hiniwa siya sa hangin. Nagsitumbahan ang mga manika.

"Erie, nakikita mo ba yung parang sinulid?" tanong niya sa akin. Nung una hindi ko alam kung ano tinutuloy niya hanggang sa mapansin ko na may manipis na hibla ng sinulid sa mga manika. Sinuri ko ito at doon ko lang nakita na hibla ito ng buhok katulad ng sa manika.

"Hihihihi. Habulin mo ko," sabi ng isang manika. Tumakbo ito palabas ng bahay. Agad naman namin ito hinahabol.

"Hihihihi! Habulin mo ko," napatingin ako sa gilid ko nang may manikang dumaan. Doon ko lamang napansin na nakikitakbo na din yung iba pang manika. Yung iba sa harap ko dumadaan.

Bigla ako nakaramdam ng kirot sa braso ko. Tumingil ako saglit para tignan ito. Pagtingin ko may hiwa na ito. Tatakbo na sana ako ulit ngunit paa ko naman ang nahiwa. Tinignan ko mabuti yung paligid. Doon ko lamang napansin ung hibla ng buhok na nakapaligid sa akin. Pagtingin ko kay Master tuloy lang ito sa pagtakbo habang pinuputol yung ibang buhok na humaharang sa kanya.

"Kailangan mo ng tulong?"

Napatingin ako sa taas ng puno nang may marinig akong tinig mula doon.

"Rhys," sambit ko. Ningitian niya ako. May hinagis siyang boomerang paikot sa akin para maputol yung mga hibla ng buhok.

"Salamat."

Gusto ko sana siyang tanungin kung ano ginagawa niya dito pero wala na akong oras para makipag-usap. Kailangan ko habulin si Master.

"Sino ka?" tanong ni Master habang nakatingin sa taas. Isang batang babae ang lumutang. Nakaayos ito ng katulad sa isang manika. Kulay dilaw ang buhok niya na katulad sa komontrol sa mga minaka.

"Hihihi," tumawa lang ito.

"Dolly, kailangan na natin umalis. Sa susunod ka na lang makipaglaro," sabi ng isang babae na may pakpak na katulad sa paniki pero napapaligiran ito ng apoy.

Sumunod naman sa kanya si Dolly. Pumasok sila parang black hole saka nawala.

*********

Zeque's POV

"Alam niyo ba yung balita?" tanong ni Adrian.

"Anong balita?" tanong ko

"Hindi mo alam? Usap-usapan yun sa Clifford High," gulat na sabi ni Adrian.

"Magtatanong ba ako kung alam ko," inis na sabi ko.

"Okay. Okay. Usap-usapan nila na may pakalat kalat daw na bampira. Sinusugod daw nito yung mga tao tapos iniinom yung tao hanggang sa maging abo ito." pagkukwento ni Adrian.

"Bampira? Hindi naman siguro kayo yun?"

Tinignan ko sila na may halong pagdududa. Baka mamaya palihim na silang umiinom ng dugo ng tao.

"Hindi kami yun. Simula nung nagpunta tayo dito pinipigilan ko na sarili ko na atakihin sila," tugon ni Adrian.

"Hindi kaya si Blaize or Blaire yun? Bampira pa rin sila kahit na wala silang maalala. May possibility na hindi nila kontrolado ang katawan nila," sambit ni Levi.

"Pansin ko lang. Hindi pa natin sila nakikita simula nung nagpunta tayo dito," sabi naman ni Rhys.

"Kahit naman yung iba. Hindi pa. Apat pa lang nakikita natin. Sina Crystal, Zarah, Max at Kuya Hades," singit ni Asher.

"Okay. Tutal wala naman tayo ginagawa. Magbantay na lang tayo sa city. Bahala  kayo kung saan niyo gusto magbantay. Shiro, sumama  ka sa akin," suhestiyon ko saka tumayo. Naglakad na ako palabas at sumunod naman si Shiro sa akin.

Nagtunggo ako sa lugar kung saan matao. Sa mga bubong ako dumaan para hindi ako masyado mapansin. Tinago ko din ang presensya ko. Kasalukuyan ako ngayon nakatayo sa tutok ng isang mataas na building kung saan tanaw ko ang city. Ginamit ko na lang ang hangin para marinig kung ano ganap sa ibaba.

"Bakit mo ko sinama?" tanong ni Shiro. Nakaupo siya sa gilid ko habang ako nakahiga. Nakatingin lang ako sa mga ulap na kinokontrol ko. Napangiti na lang ako bigla dahil matagal ko na hindi ito nagagawa.

"Hindi pa natin nakikita si Zaira. Bukod kila Blaize, may dugong bampira din siya. Ikaw lang makakatulong sa akin para makita siya." tugon ko.  Masama ang kutob ko sa balita ni Adrian. May posibilidad kasi gamitin ni Samael si Zaira sa ibang bagay. Minsan na ako nagamit dahil sa taglay kong kapangyarihan kaya maaring gawin niya din yun kay Zaira.

"Hihihi! Laro tayo."

"Aaaaahhhh! Nagsasalita yung barbie ng kapatid mo," rinig sigaw ng isang babae.

"Hihihihi! Habulan tayo. Kapag nahuli ko kayo, akin na ang kaluluwa niyo."

Mukhang iba ang makikita namin. Tumayo na ako para puntahan yung pinagmulan ng tinig na yun.

"Maghanda ka. May susugurin tayo," utos ko kay Shiro. Gumawa ako ng pakpak gamit ang kapangyarihan ko saka lumipad. Samantala nagtranform naman si Shiro sa totoong anyo niya para makalipad.

"Siyet," sambit ko saka gumawa ng ice shield nang may maramdaman akong palapit sa amin. May nakita akong apoy na lumampas sa amin.

"Sino yan?" tanong ko saka inalis yung ice shield.

"Hindi ako makakapayag na guluhin mo si Dolly," sambit nito. Isang babae ang sumulpot sa harapan ko. May pakpak ito na katulad sa demonyo. Kulay pula ang buhok at may maliit na sungay. Nag aapoy ang pakpak niya at sungay.

Bigla niya kaming inatake na agad naman namin iniwasan. Gumawa ako ng barrier sa ibaba namin para matamaan yung mga tao sa ibaba bago umatake. Hinagisan ko siya ng water ball. Nakailag naman siya pero hindi niya napansin ang palapit na kidlat sa kanya.

"Ahhhh!" sigaw niya nang matamaan. Ningisian ko siya nang bigyan niya ako ng matalim na tingin.

"Hindi mo ko matatalo yan lang ang kaya mong gawin," sambit ko.

"Hahahahaha. Alam ko. Hindi naman ako ang makakalaban mo," aniya saka ngumisi. Biglang may sumulpot na nakaitim na hood sa likod niya. May pakpak din siya katulad ng sa akin.

"Zaira," gulat na sabi ko nang  alisin nito ang hood na tumatakip sa ulo niya. Ngumisi lang ito saka ako inatake. Pinaulanan niya ako ng ice ball at fire ball. Habang iniiwasan ko ito hindi ko namalayan ang palapit na wind blade. Mabuti na lang nakagawa agad ako ng wind blade pangharang.

Nagdulot ito ng pagsabog nang magtama ang wind blade namin. Pagtingin ko sa kanila, wala na ang mga ito.

"Siyet! Hayop ka talaga Samael," inis na sabi ko. Tinignan ko si Shiro. Halata sa mukha niya ang gulat.

"Athena," malungkot na sabi niya.

"Hindi yun si Athena. Ginagamit lang nila ang katawan niya."

Mukhang natauhan naman si Shiro dahil  sa sinabi ko.

"Hanapin natin yung sinasabi niyang Dolly. Siguradong doon sila papunta," sambit ko saka umalis.

"ZEQUE!!!!"

Napatingin ako sa ibaba nang marinig ko si Rhys. Agad kami bumaba patungo sa kanya.

"Nakita ko si Erie kanina. Hinahabol nila yung mga manika na kontrolado ng demon," balita niya sa akin. Maaring yung Dolly yung kumokontrol sa manika.

"Nasaan sila?" tanong ko. May nilabas siyang manika.

"May nakakabit na hibla ng buhok dito. Sundan mo lang yun," aniya habang binibigay sa akin yung manika.

"Hihihi! Laro tayo," sabi ng manika na may tinig ng isang batang babae. Kinuha ko ito.

"Hindi ka ba sasama?" tanong ko kay Rhys. Umiling naman siya.

"Kaya mo na yan. Saka may pupuntahan pa ako. Bye," paalam niya sabay takbo. Napabuntong hininga na lang ako bago sinunod yung sinabi niya.

Katulad  nga ng sinabi niya, nakita ko si Erie at yung Master niya. Agad ako nagtago at tinignan yung Dolly. Gumawa ako ng apoy sa kamay para atakihin ito. Ngunit bago ko pa ito maihagis, sumulpot yung babaeng nakaharap ko kanina.

"Dolly, kailangan na natin umalis. Sa susunod ka na lang makipaglaro," aniya saka gumawa ng black hole. Tumingin pa ito sa akin bago pumasok sa loob.

"Athena," napatingin ako sa likod ko nang marinig ko si Shiro. Nakita ko si Zaira na nakatingin sa amin.

"Hanggang sa muli natin pagkikita mahal ko," aniya saka ngumiti. Nanlaki ang mata ko nang mapagtanto ko kung kanino tinig yan. Isang tao lang ang tumatawag sa akin na 'Mahal ko' sa akin.

"Persephone."

Ngiti lamang ang tinugon nito bago nawala sa pamamagitan ng black hole. Hindi. Imposibleng si Persephone yun. Tinignan ko si Erie. Sigurado ako na si Erie ang reincarnation niya. Kaya malabong nasa katawan ni Zaira ang kaluluwa niya. Saka imposibleng kumampi siya kay Samael.

"Zeque, ayos ka lang?" tanong ni Shiro sa akin. Alam kong naguguluhan siya sa nangyayari.

"Shiro, hanapin mo yung iba at pauwiin. May pag-usapan tayo," sabi ko nang may naisip ako bigla. Agad ako nagtungo sa balon kung nasaan si Jiro. May gumugulo sa talaga sa isip ko.

"HOY! NARIRINIG MO BA AKO? JIRO?!" sigaw ko habang nakatingin sa ilalim ng balon kahit hindi ko siya nakita.

"BAKIT? TUTULUNGAN MO NA BA AKONG MAKALABAS?" tanong niya na pasigaw din. Oo nga pala. Sinabi ko sa kanya pagbalik ko, makakalabas na siya.

"HINDI PA PERO GUSTO AKONG MALAMAN SAYO."

"WALA KANG MALALAMAN SA AKIN HANGGANG HINDI AKO NAKALALABAS DITO."

Napabuntong hininga na lang ako dahil alam kong totoo yung sinabi ni Jiro. Wala siyang sasabihin hanggang hindi ko siya natutulungan.

Itutuloy...

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro