Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 16: CANE

CHAPTER 16: CANE

Erie's POV

"Good Morning Class! May bago ulit kayong classmate. Pasok ka na iho. Magpakilala ka," sabi ng teacher namin. Nakita ko si Jiro na pumasok sa loob. Napilit ko kasi siya na mag-aral. Sinunod ko yung payo ni Zeque para mapayag siya at effective naman. Kapag pala tinapat ko sa apoy yung kwintas, masasaktan siya.

"Ang gwapo niya," kinikilig na sabi ng kaibigan ko. Sigurado ako na crush na niya yan. Ganun din yung ibang babae. Kung alam lang nila kung ano talaga si Jiro, baka hindi na ganyan yung reation nila.

"Ako si Jiro Austin Walker," maikling sabi nito. Hindi agad nagsalita yung teacher, akala siguro may sasabihin pa siya pero nung marealize niyang wala na, pinaupo na niya ito.

Nagpunta si Jiro sa likod dahil doon lang naman may bakanteng upuan. Nag-umpisa na magturo yung teacher namin na tinulugan lang nila Jiro. Hindi ko alam kung anong mahika yung ginagamit nila para hindi sila mapagalitan. Minsan na din kasi ako nakatulog sa klase pero napagalitan lang ako.

"Kayong dalawa! Gumising na kayo," sigaw ko sa kanila pagkatapos ng klase. Pinagtinginan nga ako ng mga kaklase ko.

"Kaibigan mo din yung transferee?" tanong sa akin ng isa sa mga kaklase kong babae.

"Parang ganun na nga," sagot ko na lang dahil hindi ko naman pwedeng sabihin yung totoo. Napatingin ako kay Cane nang lumabas ito. Naalala ko tuloy bigla si Persephone. Magkamukha kasi sila dahil kambal yung ginagamit nilang katawan.

"Tapos na pa yung klase?" tanong ni Jiro habang humihikab. Ganun din si Zeque halatang mga bagong gising.

"Kanina pa tapos. Tulog kasi kayo ng tulog. CR lang ako. Daanan niyo na lang akon doon," sabi ko sa kanila bago lumabas.

Pagkapasok ko sa CR dumiretso agad ako cubicle para umihi. Biglang namatay yung ilaw at na gulat na lang ako nang biglang may bumuhos sa akin.

"Aaahhhhh!" sigaw ko nang makita ko nang makita kong dugo yung bumuhos sa akin. Paglabas ko ng cubicle nakita ko si Cane na nakangisi.

"Buti nga sayo," aniya sabay tawa.

"Ikaw ba may gawa nito?" galit na tanong ko.

"Ako ang may gawa niyan sayo," sabi ng isang tinig na nagmumula sa likod ko. Pagtingin ko doon nakita ko si Persephone na nakangisi.

Tinulak niya ako papabalik sa loob ng cubicle habang hawak-hawak sa leeg.

"Tignan natin kung matulungan ka pa nila Zeque ngayon," aniya sabay sakal sa akin. Hinawakan ko yung kamay niya para alisin pero lalo lang humihigpit yung hawak niya sa akin.

"Bi...tawan mo... ko..." sambit ko habang inuubo. Nag-umpisa na ako kapusin ng hininga.

Akala ko katapusan ko na pero bigla ako binitawan ni Persephone. Napaupo na lang ako sa sahig habang inuubo. Tinignan ko si Cane na pinanonood lang kami. Pansin kong medyo napapaligiran siya ng itim na aura.

"Katapusan mo na. Sagabal ka sa mga plano namin. Kung wala ka mahihirapan silang mabawi ang iba pang katawan ng mga celestial guardian," sambit ni Persephone. Gumawa siya ng dagger gamit ang yelo. Itinayo niya ako at saka sinaksak malapit sa tiyan. Napasuka na lang ako ng dugo kasabay ng paglabo ng paningin ko.

******

Zeque's POV

Palabas na kami ni Jiro nang harangin kami ni Ashlyn.

"Pwede niyo ba ako tulungan?" tanong niya sa amin.

"Tulong saan?" tanong ko.

"Sa ano..." tumingin sa paligid natitirang tao para masigurado kung may nakikinig ba. Lumapit siya sa akin.

"Sa katawan na ito," bulong niya saka lumayo.

"Gusto ko na makabalik sa dati pero hindi ako makaalis sa katawan na ito. Mga exorcist kayo diba? Matutulungan niyo ba ako?" tanong niya.

Napangiti ako bigla dahil siya na mismo ang lumapit. Hindi na kami ganun mahihirapan.

"Oo naman. Sumama ka na sa amin," tugon ko.

Habang palapit kami sa cr may naramdaman akong malakas na kapangyarihan. Tumigil kami sa tapat ng cr.

"Pwede mo ba tignan kung nasa loob si Erie?" pakiusap ko kay Erie.

"Sige."

Pinihit niya yung doorknob pero hindi ito nabuksan.

"Nakalock," aniya habang sinusubukan buksan yung pinto.

"Tabi diyan!" sambit ni Jiro sabay tulak ng mahina kay Ashlyn. Sinubukan din niya buksan nang hindi niya mabuksan tinignan niya ako kaya lumapit na ako para gamitin ang kapangyarihan ko.

"Bukas na," sabi ko sa kanila. Nagmadaling pumasok si Jiro para hanapin si Erie.

"Erie!" sigaw niya. Napatingin ako sa babaeng nakatayo malapit sa pintuan. Namumutla na ito na akala mo nakakakita ng multo. Hindi ko alam kung bakit kinabahan ako bigla.

"Siyet! Erie gumising ka!Zeque, si Erie!" sigaw ni Jiro kaya lumapit na ako sa kanya. Pagtingin ko sa isang cubicle kung nasaan si Jiro, para akong binuhusan ng yelo.

Nakahiga sa upo sa sulok si Erie. Puno ng dugo na tingin ko binuhos sa kanya ito. May nakasaksak na dagger na gawa sa yelo ang tiyan nito.

"Zeque, ano pa ba ginagawa mo diyan? Gamutin mo siya," sigaw sa akin ni Jiro kaya natauhan ako. Nilapitan ko si Erie para tignan kung buhay pa ba siya. Medyo nanginginig pa ako dahil sa takot na baka wala na siya. Nang hindi ko maramdaman ang pulso niya lalo ako kinabahan.

"W-wala na siya," sambit ni Cane kaya napatingin kami sa kanya. Galit na kiniwelyuhan ni Jiro si Cane.

"Sino may gawa nito sa kanya? Ikaw ba? Sumagot ka! Ikaw ba pumatay sa kanya?" sigaw ni Jiro.

"Itigil mo yan," awat sa kanya ni Ashlyn pero tinulak lang siya nito.

"Hindi ako. Yung babaeng kamukha ko. Hindi ko alam pangalan niya pero sabi niya tutulungan niya ako mahiganti. Hindi ko naman akalain na papatayin niya si Erie," sagot ni Cane saka umiyak. Halatang takot na takot kay Jiro.

"Dalhin natin siya sa ospital," sambit ko saka binuhat si Erie. Binunot ko yung dagger at saka ito tinunaw gamit ang apoy. Gumawa ako ng portal patungo sa ospital.

"Nurse, tulungan niyo kami. Nasaksak yung kaibigan ko!" sigaw ni Ashlyn nang walang pumapansin sa amin. Agad na may lumapit na nurse sa amin. Tinignan nito yung pulso ni Erie.

"Stretcher! Kailangan natin siya madala sa ER!" sigaw nito saka ito tumakbo. May dumating naman na mga nurse na may tulak na tulak na higaan na may gulong. Ayun siguro yung tinatawag nilang stretcher. Hiniga ko doon si Erie saka nila nilagyan ng oxygen at inumpisahang magsagawa ng first aid.

Pagbalik ng nurse kanina, may kasama na itong doctor. Sinuri niya saglit si Erie saka nagsagawa ng CPR. Ilang saglit ba inubo si Erie, senyales na buhay ito.

"Dalhin niyo na siya sa ER," utos ng doctor.

"Pakitawagan ang pamilya ng pasyente," sabi sa amin ng nurse.

"Wala na siyang pamilya," sagot ko.

"Sino tumatayong guardian niya?" tanong nito.

"Ako po," sagot ni Jiro. Bakas naman sa nurse ang gulat at pagtataka. Naka-school kasi siya tapos ang bata niya pa tignan.

"Boyfriend ka ba niya?" tanong nito.

"No!" sagot ko agad bago pa magkapagsalita si Jiro.

"Magkasama sila sa iisang bahay pero wala silang relasyon. Tatawag na lang ako ng mas nakakatanda sa amin para tumayong guardian," sambit ko. Tumango naman ang nurse at umalis.

"Sino tatawagan mo? Wala naman ibang mas matanda sa atin," tanong ni Jiro.

"Nasa mortal tayo. Kahit na mas matanda tayo sa kanila, iba pa rin ang tingin nila sa atin. Bantayan niyo si Erie, aalis muna ako saglit," paalam ko sa kanila.

Pagkapasok ko, nakita ko agad si Athena. Lumapit ako sa kanya saka sumenyas na sumunod siya sa akin. Pumasok kami sa kusina.

"Pahingi ako ng binigay ko sayong gamot," sabi ko sa kanya.

"Ilan?" tanong niya.

"Dalawa," sagot ko. Binigyan niya ako ng dalawa. Ininom ko ito agad para tumanda ako ng sampung taon.

"Mukha na ba ako matanda?" tanong ko. Umiling naman siya.

"Pahingi pa ako ng isa," hingi ko ulit.

Nagkaroon ako ng kaunting bigote at balbas na tumatakip sa mukha ko. Humaba din ang buhok ko.

"Ayan! Okay na. Para saan ba yan?" tanong ni Athena.

"Nasa ospital ngayon si Erie. Kailangan niya ng guardian. Alis na ako. Salamat," tugon bago umalis.

"Jiro, ano na balita?" tanong ko. Bakas sa mukha niya gulat. Sila Ashlyn hindi ako nakilala.

"Wala pa. Hindi pa lumalabas yung doctor," sagot niya.

"Sino siya?" tanong ni Ashlyn.

"Tatay ni Zeque," pagsisinungaling ni Jiro.

"Ah! Kaya pala kamukha niya," komento nito.

Napansin ko yung nurse kanina kaya nilapitan ko ito.

"Excuse me. Ako nga pala yung guardian ni Erelah Gail. Ano na lagay niya?"

"Nasa ER pa po siya Sir. Hintayin niyo na lang po yung paglabas ng doctor," tugon nito.

Makalipas ng labing limang minuto, lumabas na ang doctor at sinabing maayos na ang lagay ni Erie. Hintayin na lang daw naming magising. Pumasok na kami sa kwarto kung saan siya dinala pagkagaling ER. Mahimbing itong natutulog habang may nakalagay na dextrose at oxygen.

"Una na ako. Sa susunod na lang ako magpapatulong sa inyo. Salamat," paalam ni Ashlyn.

"Ayos na siya. Kaya aalis na ako," sabi naman ni Cane pero mabilis ko siya hinawakan sa braso.

"Sumama ka muna sa akin," sambit ko saka siya hinila papunta kay Marcky.

"Bakit mo ko dinala dito?" tanong niya.

"Para makita mo kung ano ginagawa nila Erie. Tinutulungan lang nila kayo na makabalik sa normal. Hindi para patayin. Hindi solusyon ang paglipat sa katawan ng iba. Tingin mo ba matutuwa siya kapag nalaman niya yung ginagawa mo?"

"Wala ka alam. Hindi mo naiitindihan yung nararamdaman namin."

Hinila ko siya ulit patungo naman sa kwarto kung saan ang katawan niya.

"Konting araw na lang ang naghihintay sayo. Sa inyong dalawa ni Marcky, mas critical ang lagay mo. Oras na mawalan ng buhay ang katawan mo, magiging demon ka. Nararamdaman ko na unti-unti ka ng nilalamon ng kadiliman. Bago mahuli ang lahat, bumalik ka na sa katawan mo," sabi ko sa kanya saka siya iwanan. Alam ko na hindi masamang tao si Cane kaya ramdam ko na nilalamon na siya ng kadiliman. Hindi magtatagal magiging demon siya. Kailangan namin maagapan yun bago mahuli ang lahat.

Itutuloy..

Dedicated to Wizards_Pen. Thanks sa name. 😊

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro