CHAPTER 14: RENZ'S REAL BODY
CHAPTER 14: RENZ'S REAL BODY
Zeque's POV
"Renz, kamusta mama mo?" tanong ni Erie kay Renz.
"Ayos na siya. Pwede ko ba kayo makausap saglit?" tanong niya sabay lingon sa akin.
"Tara sa loob," tugon ko. Nagtunggo kami sa kusina para soon mag-usap. Mas safe kasi dito kaysa sa labas.
"Handa na ako umalis sa katawan ko pero may isa sana ako hihilingin," umpisa ni Renz. Nagkatinginan kami ni Erie.
"Ano yun?" tanong ni Erie.
"Ayaw ni Mama pumayag na umalis ako dito dahil hindi maganda ang lagay ng katawan ko sa hospital. Pero kung masisiguradong mabubuhay ako alam kong papayag siya. Hihilingin ko sana kung pwede..." tumigil siya saglit para bang nagdadalawang isip siya kung itutuloy niya ba o hindi. Bumuntong hininga siya saka lumingon sa akin.
"Pwede mo bang pagalingin ang katawan ko?" tanong niya sa akin.
"Wala naman problema sa akin yun. Pero kapag ginawa ko yun magtataka sila dahil sa biglaang paggaling mo," tugon ko. Bigla siyang nalungkot.
"Pero tutulungan mo siya diba?" tanong ni Erie sa akin.
"Titignan ko," tugon ko sabay lingon kay Renz. "Dalhin mo kami sa ospital."
"Sama ako," sabi bigla ni Zai habang nakasilip sa pintuan.
"Alam mo bang masamang makinig sa usapan ng iba?"
"Hindi ako nakikinig sa inyo ah. Narinig ko lang yung sinabi niyo."
"Oo na. Wag ka magulo doon."
"Ano ako bata?"
"Bakit hindi ba?"
"Maghintay ka lang. Babalik din ako sa totoo kong anyo. Palibhasa matanda ka na lolo Zeque," pang-aasar niya kaya binatukan ko siya pero mahina lang. Totoo naman yung sinabi niya dahil kung titignan, lolo ako ng lola niya.
"Kung gusto mo sumama manahimik ka."
Iniwan ko na muna kay Ash yung cafe para pumunta sa ospital. Pagdating namin doon may naramdaman akong kakaiba.
"Renz, dito din ba dinala yung ibang kasama mo sa aksidente?" tanong ni Erie.
"Naalala mo yung tungkol sa aksidente?" gulat na tanong ni Renz.
"Oo. Sa hindi malamang dahilan, naalala ko lahat."
"Anong aksidente?" tanong ko sa kanila.
"Nasabi ko na ito kay Zaira. Naaksidente yung sinasakyan naming bus habang pauwi kami galing field trip. Ayun yung dahilan kung bakit nasa ospital ako," pagkukwento niya.
"Walang nasabi sa akin si Zai pero naalala ko na may nabanggit si Erie tungkol sa field trip."
"Nakalimutan kong ikuwento," pagdadahilan ni Zaira nang tignan ko siya.
"Sa totoo lang may kakaiba sa aksidente na yun," pagkukwento ni Renz.
"Kakaiba?"
"Bago mangyari yung aksidente, ayos naman ang lahat hanggang sa bigla na lang may babaeng sumulpot sa harap ng bus. Sinubukang iwasan ng driver ito kaya naman bumangga kami sa katabing sasakyan hanggang sa madamay din yung mga kasunod naming sasakyan. Pagkatapos nun nawala na lang bigla yung babae. Kitang-kita ko yung nangyari bago ako mawalan ng malay."
"Zeque, hindi kaya..." sambit ni Zai. Hindi niya tinuloy yung sasabihin niya pero nakuha ko ang ibig sabihin niya dahil parehas lang kami ng naisip.
"Walang duda doon. Demon ang may gawa ng aksidente. Sinadya nila yun para magawa nila ang plano nila. Tanda mo ba yung itsura nung babae?" tanong ko.
"Hindi masyado pero kung makikita ko siya ulit, makikilala ko siya."
"Eh? Si Jasmine yun ah. Ano ginagawa niya dito?" sabi bigla ni Erie kaya napalingon kami sa tinitignan niya.
Nakikilala ko naman ito agad dahil mukha ni Thea, gamit niya. May kausap siyang babaeg nakaitim. Tingin ko hindi siya normal na tao. May hawak na bote si Jasmine. Iaabot na sana niya ito sa kausap nang biglang agawin ni Zai yung bote. Sa sobrang bilis ng pangyayari, hindi ko naramdaman ang kilos niya.
"Sino ka? Ibalik mo sa akin yan bata!" sigaw ni Jasmine pero hindi siya pinansin ni Zaira. Sinuri niya yung bote.
"Ano laman nito?" tanong niya sabay alog sa bote dito habang nakatutok sa tenga.
"Aray! Tama na! Nahihilo ako!"
Natigilan bigla si Zai nang marinig ang tinig.
"Boses yun ni Kim diba?" tanong ni Erie.
"Sinasabi na nga ba! Katulad ito ng bote noon," sambit ni Zai. Naalala ko bigla yung bote kung saan kinulong sila Kim noon. Kaya pala inagaw niya yung bote dahil kamukha ito ng botd noon.
"Akin na yan!" sabi ni Jasmine sabay takbo para kunin yung bote pero umiwas lang si Zai.
"Erie!" sigaw ni Zai saka binato pinagulong sa sahig yung bote.
Nakuha naman ito ni Erie at agad na binuksan yung bote. Mula doon lumabas sila Thea na hilong-hilo dahil sa pag-ikot ng bote.
"S-salamat," pagpapasalamat ni Kim na akala mo lasing dahil hindi nakatayo ng diretso.
"Nasaan si Dwayne? Diba kasama niyo siya kanina?" pansin ni Zai.
"Hindi namin alam. Bigla na lang siya nawala habang nasa bote kami," tugon ni Gin
"Paanong nawala?" tanong ko.
"Bago siya mawala sinabi niya sa amin na tinatawag siya ni Alyza."
"I see. Siguro kasama na siya ni Alyza ngayon."
"Ibig sabihin nakita na niya si Alyza?" excited na tanong ni Zaira.
"Oo pero hindi pa rin natin alam kung nasaan sila. Idagdag pa na spirit lang si Tyler kaya hindi din niya mapoprotektahan si Alyza," paliwanag ko.
"Mamaya na natin sila pag-usapan. May kailangan pa tayong gawin," nilingon ko yung babaeng kausap ni Jasmine.
"Sino ka? Isa ka ba sa mga inutusan ni Samael?" tanong ko dito. Nakita ko ang pagngisi niya dahil medyo kita ang bibig niya. Nang iaangat niya ang ulo niya, doon ko lang nakita ng maayos ang mukha niya.
"Siya yung babaeng tinutukoy ko," sambit ni Renz.
"Kilala kita! Ikaw yung black witch na demon na nagsagawa ng spell para mapaghiwalay kami ni Zarah," turo sa kanya ni Zaira.
"Oo. Ako nga ang tinitukoy ko. Celestina ang pangalan ko. Hanggang sa muli natin pagkikita," pakikipagkilala niya sa amin bago mawala. Tinignan kami ng masama ni Jasmine bago tumakbo paalis.
"Isa din ba si Jasmine sa mga pasyente na nandito?" tanong ko kay Renz.
"Hindi ako sigurado. Hindi ko din kasi kilala yung mga nasa ibang section. Si Marcky lang ang nakikila ko dahil nasa basketball club siya." paliwanag niya.
"Magtatanong na lang ako mamaya."
Tinuloy na namin ang paglalakad hanggang sa tumigil si Renz.
"Nandito na tayo," aniya saka binuksan yung pinto ng isang kwarto. Bumungad sa amin ang isang lalaki na comatose. Tinapat ko ang kamay ko doon at inumpisahang pagalingin.
"Ayos na ang katawan. Handa ka na ba bumalik?" tanong ko. Tumango siya bilang tugon.
"Salamat," aniya habang nakangiti.
Pagkagising mo sa katawan mo wala kang maalala tungkol sa nangyari. Ganito din ang mama mo. Salamat din sa lahat ng naitulong mo," pagpapasalamat ko. Lumapit sa kanya si Erie habang hawak-hawak ang kwintas niya.
"Mamimiss kita. Get well soon," malungkot na paalam ni Zaira.
"Bakit ganyan mukha mo? Hindi ka ba masaya na babalik na ako?" tanong sa kanya ni Blaize.
"Masaya siyempre pero nakalungkot kasi hindi ako maalala ni Renz."
"Magpakabait ka at mag-iingat palagi. Mamimiss din kita," paalam sa kanya ni Renz. Ginulo nito ang buhok ni Zaira bago lumingon kay Erie.
"Gawin mo na," aniya habang seryosong nakatingin kay Erie.
Sinunod naman ito ni Erie. Nakaabang nasa si Blaize sa likuran ni Renz kaya nasaniban niya agad ang katawan niya bago bumagsak.
"Mayayakap na din kita," aniya kay Zaira saka ito niyakap. Binuhat niya ito.
Hinalikan siya sa pisngi ni Zaira saka yumakap.
"Para kayong magkapatid," komento ko dahil sa anyo ni Zaira saka tumawa.
"Kung pinayagan mo kong inumin yung gamot, edi sana matanda ako ngayon," reklamo ni Zaira.
"Ayos lang sa akin kung ganyan muna anyo mo. Pwede kitang buhatin ng ganito kahit na sa labas tayo. Pwede din kita itabi dahil bata ka pa. Kapag kinandong kita sa labas, hindi pangit tignan dahil iisipin nila na magkapatid tayo."
"Hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa sinabi mo. Parang mas gusto mo pa yata na ganito anyo ako. Ibaba mo na nga ako," inis na sabi ni Zaira pero tinignan lang siya ni Blaize. Napansin ko nakatingin si Erie kay Renz.
"Ayos lang kaya siya?" tanong niya ng mahuli niya akong nakatingin sa kanya.
"Mabubuhay siya. Tara na sa labas bago pa siya magising," tugon ko kaya lumabas na kami. Bago ko isara yung pinto, gumawa ako ng isang paro-paro gamit ang kapangyarihan ko.
"Bantayan mo siya hanggang hindi siya nagigising," utos ko dito saka pinalipad. Dumapo ito sa bulaklak nasa may gilid ng higaan ni Renz.
Bago kami umalis nagtanong muna kami kung may pasyente bang nangangalang Jasmine na student sa Clifford High. Nalaman namin na katulad ni Renz na comatose din. Ginamot ko na din siya gamit ang kapangyarihan ko.
******
Tyler's POV
"Palabasin mo kami dito!" sigaw ni Kim nang makulong nanaman kami sa bote.
"Kahit ano sigaw mo diyan, hindi niya tayo pala--" natigilan ako nang marinig ko ang boses ni Alyza.
"Tyler..."
"Naririnig niyo ba yun?" tanong ko.
"Naririnig? Ang alin?" tanong ni Gin.
"Tyler."
"Yung boses ni E-- Alyza. Tinatawag niya ako," pagkasabi ko nun biglang nag-iba ang kinatatayuan ko. Napunta ako sa ibang lugar.
"Nasaan ako?" tanong ko sa akong sarili hanggang sa napansin ko ang isang papel sa paanan ko. Nakasulat doon ang pangalan ko gamit ang dugo.
"Tyler..."
Lumingon ako sa likod ko at doon nakita ko si Eris.
"Eris," sambit ko.
"Totoo nga... Pwede ako magsummon ng celestial guardian gamit ang dugo ko," sabi niya habang nakatingin sa akin. Pansin ko na pumayat siya pero maganda pa rin siya.
Hindi ko man maunawaan kung ano sinasabi niya, masaya na ako na nakita ko siya.
Itutuloy....
Author's note:
Uumpisahan ko na ang kwento ni Eris.
Ano na nga ba nangyari sa kanya, pagkatapos siya kunin ni Drake? Malalaman niyo yan sa Trinity 1: Call me Eris. Sana suportahan niyo din ang story niya. Thank you in advance sa magbabasa.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro