CHAPTER 13: JASMINE
CHAPTER 13: JASMINE
Zeque's POV
"Bubunot na ako," sabi ko habang sila tutok na tutok sa akin. Mula sa fish bowl na pinaglagyan namin ng pangalan nila bumunot ako doon.
"Thea," basa ko sabay pakita sa kanila.
"Ikaw na sunod," masayang sabi ni Gin kay Thea. Ngumiti naman ito bilang tugon.
"Zeque," tawag sa akin ni Homura. Tuloy lang ito sa pagpasok sa bahay nang makita ako.
"May nangyari ba?" tanong ko agad dahil basa ko sa mukha niya ang pag-aalala.
"Kailangan ni Erie, tulong mo."
Napatayo ako nang marinig ko ang pangalan ni Erie. Kumabog ang dibdib ko dahil sa kaba.
"Nasaan sila?" tanong ko.
"Sa bahay ni Renz," aniya kaya agad ako umalis. Gumawa agad ako ng portal patunggo doon. Mabuti na lang alam ko bahay ni Renz.
May naramdaman agad ako na malakas na kapangyarihan. Hindi biro ang kaharap nila. Marami akong presensya nararamdaman pero mahina lang yung sa iba. Isa lang ang nangingibabaw.
"Erie!" sigaw ko nang makita kong nakabaon ang kamay ng isang matandang babae. Nakatusok ito sa bandang puso ni Erie. Bumalik bigla sa alaala ko yung nangyari kay Persephone. Sa ganung paraan kasi siya namatay.
Nagtansform ako bilang werewolf para lapain yung matandang babae. Tinulak ko ito palayo kay Erie. Tinaas ko ang kamay ko na may matutulis na kuko para patayin siya.
"Wag mo siya sasaktan. Katawan ni Mama gamit niya," pigil sa akin ni Renz habang hawak-hawak ang kamay ko.
"Sunugin mo yung salamin. Konektado doon ang kaluluwa niya," sabi sa akin ni Jiro kaya agad ako nagbago ng anyo para sunugin ang frame ng salamin at ang mga pirapirasong nakakalat sa sahig.
"Wag!! Aaahhhh!" sigaw ng matandang babae.
Nilapitan ko si Xia na kinakapos na ng hininga. Agad kong ginamot ang sugat niya sa dibdib bago siya mamatay. Oras kasi na mamatay siya, wala na ako magagawa kaya habang buhay pa siya, kailangan ko siya pagalingin.
"Ma!" sigaw ni Renz. Bumalik na kasi sa dating anyo ang mama niya. Naglaho na din yung salamin.
Paulit-ulit ko tinawag ang pangalan ni Erie habang tinatapik siya sa mukha. Natatakot ako na baka huli nanaman ako ng dating.
"Nasa past life pa rin ba ako?" tanong niya nang dumilat ito. Nakahinga ako ng maluwag dahil nagising din siya.
"Kung ayaw mo mamatay wag ka pipikit Erie," pigil ko sa kanya. Ayokong makita siyang nakapikit dahil kinakabahan ako. Baka mamaya hindi na siya gumising.
"Zeque, ano ginagawa mo dito?" gulat na tanong niya at umayos ng upo. Mabuti natauhan na siya.
"Tinawag ako ni Homura. Kung hindi ako dumating baka patay ka na," tugon ko. Napatingin siya damit niya na may pahid ng dugo.
"Wag ka mag-alala, nagamot ko na sugat mo," sabi ko sa kanya saka tumayo para umuwi. Ayokong ipakita sa kanya na sobrang nag-aalala ako sa kanya.
Tumigil ako sa paglalakad sait dahil may nakalimutan aking sabihin.
"Mag-iingat ka na sa susunod," paalala ko habang nakatalikod ako. Ayaw ko na maulit yung kanina. Pakiramdam ko bumalik lahat ng sakit na naramdaman ko noong araw na namatay si Persephone.
Kung dumating lang siguro ako agad katulad ngayon, hindi sana siya maagang namatay.
"Kamusta? Ayos lang ba si Erie?" tanong ng batang Athena. Isang araw kasi ang epekto nung gamot kaya balik siya ulit sa pagiging bata. Sinabihan ko din kasi siya na gamitin lang yun kapag kailangan talaga.
"Ayos na siya," tugon ko saka tumuloy sa paglalakad. Maaga kami nagsarado ng cafe ngayon para makapagpahinga naman kami.
*****
Stephanie's POV
"Good Morning Steph," nakangiting bati sa akin ni Jasmine.
"Morning," tugon ko. Isa si Jasmine sa mga una kong naging kaibigan simula nung pumasok ako. Sakto naman na katawan ni Thea ang gamit niya.
Dalawa kami ni Rhys na napadpad sa section na ito habang si Adrian, mag-isa sa kabilang section.
"Kain tayo mamaya sa bagong bukas na cafe," sabi ng isa pa sa aming kaibigan na si Tina.
"Sige. Ikaw Steph?" tanong sa akin ni Jasmine.
"Sure," nakangiting sagot ko.
"Sama mo din si Rhys," sabi ni Tina sabay nguso kay Rhys na nasa bandang likod ko.
"Nagtatrabaho siya sa cafe kaya makikita niyo din siya doon," sagot ko. Hindi pa kasi sila nakakapunta doon kaya hindi nila alam na nandoon kami palagi ni Rhys para magtrabaho.
"Close talaga kayo no? Pati yan alam mo," nakangiting sabi ni Tina.
Napangiti na lang ako ng pilit dahil hindi naman kami close ni Rhys. Hindi ko alam ano pa nakikita nila para sabihin nilang close kami.
"Hindi naman. Nagtatrabaho din kasi ako doon minsan kaya alam ko."
"Sus. Kunwari ka pa. Palagi nga kayo magkasama eh. Pati sa part time job magkasama kayo. Wag mong sabihin na nagkataon lang yun lahat."
Hindi na ako nakaimik dahil tama naman siya. Hindi basta nagkataon na magkasama kami pero hindi pa rin kami close para sa akin. Mabuti na lang dumating na ang teacher namin kaya hindi na kami muling nakapag-usap.
"Mas naisip ka na bang plano?" bulong sa akin ni Rhys. Sa amin kasi nila inutos yung pagbawi ng katawan ni Thea dahil kami daw ang kaklase ni Jasmine.
"Wala pa pero pupunta kami mamaya sa magical cafe. Magandang pagkakataon yun para kumbinsihin siya," pabalik na bulong ko habang nakaharang ng libro sa harapan ko. Ganun din siya para hindi kami mahalatang nag-uusap at magmukhang nakikinig kami.
"Takutin kaya natin siya? Kapag nakita niya sila Thea, sigurado matatakot siya at maiisipan niyang ibalik katawan niya," suhestiyon niya.
"Subukan natin mamaya. Kausapin mo sila Thea pagdating mo sa Magical Cafe."
"Sige," aniya sabay ngiti. Ang gwapo niya talaga. Tapos ang bait pa. Sayang nga lang dahil si Zai ang gusto niya.
Sinampal-sampal ko ang sarili ko para matauhan. Binalik ko na ang tingin ko sa harapan at pinilit na makinig kahit nakakaantok.
Pasimple kong nilingon si Rhys at ayun. Tulog ang loko. Hindi ko naman siya masisi dahil alam na namin yung tinuturo. Napahikab ako. Pasimple kong pinatong ang ulo ko sa mesa habang pinapanood matulog si Rhys.
"Wag mo ko titigan, baka mainlove ka sa akin," aniya habang nakapikit.
"Wala na. Matagal na ako inlove sayo," wala sa sariling sagot ko.
Bigla siyang dumilat at ako naman natauhan sa sinabi ko.
Napaayos tuloy ako ng upo sabay takip sa bibig ko. Ramdam ko ang pag-init ng mukha ko. Siguro pulang-pula na ako ngayon.
"Joke lang yun. Wag mong seryosohin," sabi ko sa kanya habang hindi nakatingin.
"Hahahaha. Kinabahan ako doon. Akala ko totoo," aniya pero hindi ko pa rin siya tinignan kaya hindi ko alam kung ano reaction niya.
Medyo nasaktan ako sa sinabi niya dahil alam kong kinabahan siya dahil hindi niya ako gusto. Kinabahan siya kasi hindi niya kayang suklian ang pagmamahal ko sa kanya.
Natapos ang buong klase na hindi kami nag-usap. Hindi din kami magkasamang maglunch dahil sila Beatrix ang kasama ko.
"Tara na," sabi ni Jasmine. Sabay kaming tatlong lumabas at nagtunggo sa Magical Cafe.
"Wow! Ang ganda pala dito. Parang yung nagbabasa ko lang sa mga fairytale books," komento ni Tina. May mga nasisiliparan kasi na alitaptap. Tapos madilim sa loob at ayun lang yung nagsisilbing liwanag bukod sa kandila sa mesa. Siguro nandito na si Zeque kaya ganito ang tema ng cafe.
Sa ngayon kasi si Zeque lang may kayang gumawa ng ganito gamit ang kanyang mahika.
"Good Evening ladies! Welcome to Magical Cafe," bati sa amin ni Adrian habang nakangiti. Kilig na kilig naman itong dalawang kasama ko dahil nakakita ng gwapo.
"Ang dami palang gwapo dito. Hindi mo sinabi," bulong ni Tina sa akin.
Umupo na kami at nag-order. Hindi naman masyado madilim kaya kita pa rin ang paligid. Para kaming kumakain sa gitna ng gubat at ang nagsisilbing liwanag ay ang buwan, butuin at alitaptap.
"Jasmine, ayos ka lang? Ano nangyari sayo? Para kang nakikita ng multo," rinig kong sabi ni Tina kaya natauhan ako.
Napansin kong nakatingin si Jasmine sa likod kaya lumingon ako doon. Nakita ko sina Thea, Gin, Kim at Tyler na nakatayo habang nakatingin kay Jasmine.
"Nakikita mo kami?" tanong ni Tyler. Lumapit ito lalo kay Jasmine. Bigla naman napaurong si Jasmine dahil sa takot.
"Nakikiusap ako, ibalik mo na ang katawan ko," pakiusap ni Thea. Bakas sa mukha ni Jasmine ang takot dahil sa nakikita niya.
"M-may gagawin pa pala ako. Tina, Steph, sorry maiuna na ako. Sa inyo na order ko. Ito bayad," nagmamadaling sabi niya. Nag-iwan siya ng pera sa mesa at saka umalis.
"Ano nangyari doon?" tanong ni Tina. Nagshrug lang ako ng balikat bilang tugon kahit alam ko kung ano nangyari.
"Sundan natin," sabi ni Gin kila Thea.
Lumabas silang apat para sundan si Jasmine. Nagkatinginan kami ni Rhys.
"Adrian, ikaw na muna bahala sa mga costumer ko," sabi niya kay Adrian saka binigay yung maliit na notebook na pinagsusulatan ng mga order.
Alam kong susundan niya din si Jasmine. Kung hindi ko lang kasama si Tina baka sumunod na din ako.
*****
Third Person's POV
"Tigilan niyo na ako. Ano ba kayo sumusunod?!" sigaw ni Jasmine kaya natigilan sila Kim.
Napayuko ito bigla nang mapansing pinagtitinginan siya. Sa sobrang hiya tumakbo na lang siya pauwi. Sinara niya ang pinto at nilock. Mag-isa lamang siya sa bahay dahil nasa abroad ang nanay niya. Hiwalay ang magulang niya kaya hindi niya kasama ang kanyang ama.
"Ibalik mo na ang katawan ni Thea," sambit ni Tyler na tumagos lamang sa pader.
"Aaaaahhhhhh!" sigaw ni Jasmine saka pinaghahagis ang mga gamit na nahahawakan niya. Balewala naman ito kay Tyler dahil timatagos lang ito.
"Sino ba kayo? Bakit niyo ko sinusundan? Bakit ako lang nakakakita sa inyo?" takot na tanong ni Jasmine.
"Kaibigan namin ang may-ari ng katawang ginagamit mo. Nakikiusap kami, ibalik mo na ito," tugon ni Gin.
"Hindi. Akin na itong katawan. Ayokong mamatay. Umalis na kayo," tugon ni Jasmine.
"Hindi ka namin titigilan," sagot ni Tyler.
Biglang naalala ni Jasmine yung boteng binigay sa kanya ng isang babae.
*Flashback*
"Ano nangyari? Bakit nandoon ako? Patay na ba ako?" tanong ni Jasmine sa kanyang sarili habang sinasakay ang katawan niya sa ambulansya.
"Ayaw mo pang mamatay? Gusto mo bang magkaroon ng pagkakataong mabuhay? May alam akong paraan. Bakit hindi mo subukan?" sabi bigla ng isang nakaitim na babae.
"Sino ka? Bakit nakikita mo ko?" tanong ni Jasmine.
"Hindi na mahalaga yun. Gusto mo ba mabuhay? Kaya kitang bigyan ng pangalawang buhay."
"Paano?"
Ningitian ng babae si Jasmine kasabay ng pagpitik sa ere at bigla silang nagteleport sa kwarto sa ni Jasmine..
"Sino siya? Bakit nasa kwarto ko siya?" tanong ni Jasmine nang makita ko ang isang magandang babae sa kama niya.
"Siya ang magiging bagong katawan mo. Oras na sumanib ka sa kanya, magiging iyo na ang katawan niya. Kahit nag-iba ang itsura mo, sinisigurado ko sayo na wala pa rin magbabago. Ikaw pa rin si Jasmine."
"Hindi nga? Hindi mo ba ako niloloko? Kapag sumanib ako sa kanya, magiging akin na yan? Magiging kasing ganda na niya ako?" panigurado ng dalaga.
"Bakit hindi mo subukan? Para malaman mo kung totoo."
Lumapit ito sa katawan ni Thea. Nang idikit niya ang kanyang kamay, biglang itong lumiwanag at kusa siyang hinigop papasok sa katawan.
Hindi ito makapaniwala sa nangyari. Tumingin pa siya sa salamin para makasigurado kung totong nasa katawan siya ni Thea. Napangiti na lamang siya habang tinitignan ang bagong mukha niya.
"Simula ngayon mabubuhay ka sa katawan na yan. Kunin mo ang boteng ito bilang regalo. Oras na may lumapit sayo na kamukhang-kamukha ng katawan mo, buksan mo lang yan. Kapag nahigop na siya nito, isara mo agad ang bote. Wag mong hahayaang makuha nila ang katawan na yan dahil kamatayan ang naghihintay sayo," sabi ng babae bago maglaho.
*End of Flashback*
Binuksan ni Jasmine ang boteng binigay sa kanya. Lumiwanag ito kasabay ng paghigop kila Gin. Hindi na nila nagawang makatakas dahil sa gulat. Agad sinara ni Jasmine ang bote para masiguradong hindi makakatakas sila Thea.
Samantala, mula sa bintana nasaksihan ni Rhys ang buong nangyari. Agad siya bumalik sa Magical Cafe para sabihin ang masamang balita.
Itutuloy...
Dedicated to JasmineIgnacio4 Salamat sa pagpapagamit ng name. ^_^
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro