CHAPTER 11: EVIL SPIRIT
CHAPTER 11: EVIL SPIRIT
Third Person's POV
"I see. Kaya pala may nararamdaman akong kakaiba sa kanya," sabi ni Jiro habang nakatingin kay Marcky.
"Bakit? Anong meron sa kanya?" tanong ni Erie.
"Hindi mo ba nakikita? Mapapalibutan siya ng negative energy. Maaring isa siyang evil spirit or may evil spirit na kumokontrol sa kanya."
Tinignan ng maiigi ni Erie si Marcky. Wala itong nakitang kakaiba sa spiritual energy nito ngunit kapansin-pansin ang ang suot nitong kwintas.
"Yung kwintas niya. May nakikita akong negative energy."
"Kailangan natin yun maalis sa kanya bago pa siya tuluyang makain ng evil spirit. Gamitin mo yung alter necklace para sirain yung kwintas," utos ni Jiro saka ito tumingin kay Zeque. Nagtanguan lamang sila bago sumugod kay Marcky.
"Wag kayo lalapit!" sigaw nito.
Mula sa kwintas ni Marcky isang malakas na itim na enerhiya ang nagpatalsik kila Zeque palayo.
Lumundag si Zaira patungo kay Marcky. Natumba sila pareho at mabilis na hinawakan ni Zaira ang dalawang kamay nito habang nasa pagitan ng binti niya ang katawan ni Marcky.
Natulala lamang ang binata dahil sa ginawa ni Zaira. Napatitig siya sa mukha nito na kamukhang-kamukha ni Cane.
"Sorry kailangan ko gawin ito," sambit ni Zaira saka hinablot ang kwintas ni Marcky at hinagis.
"Ngayon na Erie!" sigaw ni Jiro.
Agad na nagsummon ng palaso si Erie. Pagkatira niya nito sa kwintas isang puting liwanag ang lumabas mula dito. Nakita na lamang nila ang kwintas na sira-sirang bumagsak.
Isang malakas at nakakatakot na tawa ang narinig nila.
"Sino ka?! Magpakita ka! Lumabas ka sa tinataguan mo!" sigaw ni Zeque ngunit tawa lang din ang tinugon nito hanggang sa mawala ito.
Luminawag na muli ang paligid at nakita na lamang ang mga kasamahan ni Marcky. Nang matauhan si Maracky, tinulak niya ng malakas si Zaira saka bumangon.
"Aray! Kung makatulak ka naman diyan... parang hindi ako babae," reklamo ni Zaira.
"Sorry. Nagulat lang ako," sagot ni Marcky sabay lahad ng kamay nito para tulungan si Zaira makatayo.
"Salamat," pagpapasalamat ni Zaira nang makatayo ito.
"Tulad nang napag-usapan, aalis ka sa katawan ni Max oras na matalo kayo. Naalala mo naman siguro lahat?" sambit ni Zeque. Tumango si Marcky bilang tugon.
"Sorry sa mga nasabi at nagawa ko. Hindi ko alam kung ano ba nangyari sa akin. Basta parang may bumubulong sa akin na gawin ito."
"Wag mo na isipin yun. Ang importante ligtas tayong lahat. Saka nag-enjoy din naman ako sa paglalaro natin ng basketball," nakangiting sabi ni Zaira.
*****
Erie's POV
"Paano nga pala ako makakabalik sa katawan ko?" tanong ni Marcky.
"Wag ka mag-alala si Erie bahala sayo," sagot ni Zeque na ikinagulat ko.
"Bakit ako? Hindi ko din alam kung paano."
"Hindi ko pa pala nasabi sayo. Yung kwintas mismo na suot mo kayang magpalabas ng spirit sa katawan," paliwanag ni Jiro.
"Talaga? Paano?" tanong ko. Hinubad ko yung kwintas saka ito tinignan.
"Gamitin mo yan pangtulak sa kanila. Medyo masakit nga lang yan para sa spirit kung hindi sila magpapadala sa pagtulak mo."
"Narinig niyo yun? Kung hindi niyo gugustuhin lumabas sa katawan na yan... masasaktan lang kayo," paalala ni Zeque kila Marcky.
"Naiintindihan ko," tugon ni Marcky. Lumingon siya sa akin. "Gawin mo na."
Tumango ako saka pumuwesto sa harapan niya.
"Kailangan malakas ang pwersa mo sa pagtulak sa kanila," sabi ni Jiro.
"Okay. Ito na ako."
Buong lakas kong itinulak si Marcky habang hawak ko ang kwintas. Nang madikit ko sa katawan niya yung kwintas, lumiwanag ito at lumabas yung simbolo na lumalabas kapag nagsasummon ako ng sandata. Mula sa gitna ng star bumaon doon ang kamay ko. Pagkakita ko sa spirit ni Marcky, hinugot ko na ang kamay ko. Agad sinalo ni Zeque ang katawan ni Max bago ito matumba sa akin.
"Cool. Bakit yung alter necklace ko hindi ganun?" komento ni Zaira sabay tingin kay Zeque.
"Magkaiba kasi kami ng kakayahan ni Zeque. Grimreaper ako kaya normal lang na may kinalaman sa spirit ang kakayahan ko," paliwanag ni Jiro.
"Kung ano kaya namin gawin, ayun din ang kayang gawin ng kwintas," dugtong ni Zeque.
"Salamat sa tulong niyo. Ngayon pwede na ako bumalik sa katawan ko," paalam ni Marcky saka siya nawala sa paningin namin.
"Ayos lang ba hayaan natin siyang umalis? Paano yung mga taong nakausap niya habang nasa katawan siya ni Max? Hindi ba sila magtataka?" tanong ko.
"Oras na makabalik siya sa katawan niya, hindi niya maalala ang lahat ng nangyari. Doon naman sa mga nakausap niya habang nasa katawan siya ni Max, si Zeque na bahala doon," tugon ni Jiro. Napatingin ako kay Zeque na kasalukuyang kausap si Max.
"Subukan mong bumalik sa katawan mo," sabi niya kay Max.
Lumapit si Max sa katawan niya at humiga ito dito. Lahat kami nakatutok sa kanya hanggang sa dumilat siya.
"Ken, ikaw na ba yan?" tanong ni Zaira. Hinawakan siya ni Max sa mukha saka ngumiti.
"Nahahawakan na kita. Nakabalik na nga ako, akala ko nanaginip lang ako," aniya habang nakangiti.
"Gusto mo sampalin kita para masigurado natin kung nanaginip ka ba?" nakangiting sabi ni Zaira.
"Wag naman. Ayos na ako," tumayo si Max saka pinagpag ang suot.
"Ikaw na sunod Renz," sabi ni Zeque kaya lahat kami napatingin kay Renz.
"Ayos lang ba kung wag muna ngayon? Gusto ko sana makausap si Mama bago ako bumalis sa katawan ko," pakiusap ni Renz.
"Oo nga pala. Yung mama niya yung dahilan kung bakit napunta siya sa katawan ni Ian," palinawanag ni Zai sa amin.
"Walang problema. Sabihan mo lang si Erie kung gusto mo nang umalis sa katawan ni Blaize. Siya na bahala sayo. Salamat sa tulong mo kanina," tugon ni Zeque.
"Zeque, ano gagawin natin sa kanila?" tanong ko sabay turo sa mga kasamahan ni Marcky. Hindi naman pwedeng iwanan namin sila.
"Buburahin ko alaala nila tungkol dito. Mauna na kayo sa Magical Cafe."
Tumango ako bilang tugon. Nagpaalam na sa amin si Renz na uuwi na kaya pito na lang kaming naglalakad papuntang Magical Cafe. Pero kung normal na tao makakakita sa amin, lima lang kami.
"Wag nga kayo masyado magdikit," inis na sabi ni Zarah kila Max. Paghihiwalayin niya sana yung dalawa pero tumatagos lang siya.
"Sorry. Nakalimutan kong nandito ka pala," sambit ni Zai.
"Dito ka lang sa tabi ko," hila sa kanya ni Max bago pa ito makalayo. Sumama ang tingin ni Blaize sa kanila.
"Ano ba meron sa kanilang dalawa? Bakit parang selos na selos kayo? Magkaibigan naman sila kaya ayos lang na magtabi sila," tanong ko sa kanila.
"Hindi yun ayos. Alam kong close sila dahil magbestfriend sila pero dating manliligaw ni Zai si Max. Saka hindi ako makakapayag na magtabi sila habang ako ganito pa rin. Hindi ko man lang mahahawakan si Max," litanya ni Zarah.
"Hindi ko naman aagawin sayo si Ken. May Ian na ako," sagot sa kanya ni Zaira.
"Dapat lang dahil akin lang si Max."
"O? Si Renz," sabi ko sabay turo kay Renz na tumatakbo sa kabilang gilid ng daan.
"Saan kaya siya pupunta? Akala ko uuwi na siya," komento ni Asher habang sinusundan ng tingin si Renz.
"Wala ka bang nakikita sa kanya na katulad kanina?" tanong bigla ni Blaize sa akin.
"Wala naman. Wala siyang suot o dala na may negative energy. Ikaw ba Jiro?"
"Wala din."
"Bakit mo natanong?" tanong ni Asher.
"Naisip ko lang na baka ganun din sa iba. Baka meron din silang bagay na may evil spirit," paliwanag niya.
"Tama ka. May posibilidad nga na ganun. Maaring hindi niya lang dala o nasa taong malapit sa kanya ang bagay na yun," pagsang-ayon ni Jiro.
"Kung ganun delikado lagay niya. Sundan natin siya," sabi ko. Kung hindi ako nagkakamali nagdadala ng badluck ang mga bagay na yun. Sa negative energy kasi kumukuha ng lakas ang mga evil spirit na nandoon. Gusto kasi nila makalaya kaya nagdadala sila ng badluck. Oras na makakolekta sila ng sapat na negative energy, magagawa na nilang makalaya.
"Sandali! Hindi tayo basta-basta makialam kay Renz. Kailangan natin makuha ang loob niya para pagkatiwalaan niya tayo" pigil sa akin ni Jiro.
"Wag ka mag-alala. May nagbabantay sa kanya," nakangiting sabi ni Asher kaya kahit papaano kumalma ako.
Natigilan kami sa paglalakad nang may humarang sa amin.
"Ano ginawa niyo kay Marc?" tanong niya habang nakatingin ng masama sa amin.
"Cane..." sambit ko. Napansin ko ang suot niyang kwintas. Katulad kay Marcky, may negative energy din ito.
"Pinabalik namin siya sa katawan niya at ganun din gagawin namin sayo," tugon ni Jiro.
"Bakit? Sa katawan lang na yun makakapaglaro ng basketball si Marc. Pero ano ginawa niyo? Sinira niyo lahat ng pangarap niya! Hindi ko kayo mapapatawad," sigaw niya sa amin.
"Sorry Miss pero wala na kaming alam sa sinasabi mo. Kung hindi na siya makakapaglaro, hindi na namin kasalanan yun. Nahihirapan din kami. Dahil sa inyo kaya wala kami sa katawan namin," sabi ni Zarah.
"Wala akong pakialam sa kalagayan niyo. Si Marc lang ang importante sa akin. Katulad niya, gusto ko din siyang makapaglaro. Gusto ko siyang makitang nagbabasketball," tugon niya.
Akala ko hindi niya maririnig si Zarah dahil ganun si Marcky. Nakikita niya sila Zarah? Ganun din kaya si Marcky?
"Wala din kami pakialam sa problema niyo. Ibalik niyo ang katawan namin dahil una pa lang hindi inyo yan. Mas mahirap pa pinagdadaanan namin sa inyo," inis na sabi ni Zarah.
"Hinding-hindi ko ito ibabalik sayo. Bahala kayo maghirap," aniya sabay irap bago umalis.
"Aba! Impaktang yun. Hoy bumalik ka dito! Hindi pa tayo tapos mag-usap!"
Itutuloy...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro